You are on page 1of 7

E-PORTFOLIO

SA
FILIPINO
SA AKADEMIKONG
LARANGAN

ABSTRAK
PAGSUSURI SA ALOKASYON NG ALAWANS NG MGA MAG_AARAL SA
UNANG TAON SNG KURSONG BACHELOR OF SCIENCE IN ACCOUNTANCY
(BSA) SA KOLEHIYO SA SAN LUIS

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang masuri at malaman ang nagiging


dahilan ng pagbabago-bago ng alawans ng mga estudyante sa San Luis (BSA
College). Kung paanio nakakaapekto ang pagmahal ng mga bilihin sa kanilang
alawans.

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay 1.) upang malaman kung saan napupunta
ang perang ibinibigay sakanila ng kaniloang mga magulang, 2.) ano ang halaga ng
alawans nila sa isang araw, 3.) paano nila naibabadyet ang alawans nila, 4.) at kung
magkano ang ideyal na alawans ng isang mag-aaral ng BSA kolehiyo.

Ang pananaliksik na ito ay ginanap sa paaralan ng San Luis College kung saan
ang mga respondante na napili ay ang mga estudyanteng nangunguha ng kursong
Bachelor of Science in Accountancy.

Napag-alamang ang alawans ng mga estudyante ay nakadepende sa mga


gamit na kanilang binibili sapagkat may mga pagkakataong nagmamahal ang mga
bilihin at sa kadahilanang ang alawans lang na ibinibigay sakanila ng kanilang
magulang ay sapat lamang sa pangangailangan nila sa araw-araw gaya ng pagkain
at pang meryenda.

Ang pagsusuring ito ay ginawa upang matugunan ang mga problemang


hinaharap ng mga darating pang estudyante na ang kursong kukunin ay Bachelor of
Science in Accountancy.

https://www/scribd.com/doc/86183881/Research-Paper-filipino-2

BIONOtE
Si Accountant Maricel Madrid Aquino – de Gracia ay
ipinanganak sa General Aguinaldo, Ramon, Isabela. Siya ay
pangalawa sakanilang magkakapatid. Ang pangalan ng
kanyang ina ay Cely Aquino at ang pangalan naman ng
kanyang ama ay Martin Aquino. Siya ay nakapagtapos na
Magna Cum Laude sa Pamantasan ng Lungsod ng Bayombong
sa kursong Bachelor of Science in Accountancy. Siya ay nagturo
ng Accounting subject sa Saint Mary’s University ng dalawang
taon. Siya rin ay nagging secretary sa Municipal ng Ramon.
Dumalo at lumahok din sya sa iba’t ibang internasyonal at lokal
na kumperensya, forum at mga pagsasanay sa pagtuturo ng
Accounting subject. Isa rin siya sa mga naging lider sa lahat ng
nagtuturo ng accounting sa Senior High School ng Saint Mary’s
University dahil siya lang ang natatanging nakapasa ng board
exam. Nakapagtayo siya ng sarili nyang negosyo sa Paris,
France at ito ay pinamumunuan ng kanyang asawang si Vien
Jasper de Gracia na kasalukuyan ding namumuno ng sarili
nyang Hospital. Ang kanyang asawa ay nakapagtapos bilang
Doktor at sila’y ginantimpalaan ng Amang maykapal ng isang
anak at ito ay si Viel Aquino de Gracia.

Buod
Si Rizvan Khan ay isang Muslim na naninirahan kasama ang kanyang
kapatid na si Zukir at ang kanyang ina na si Zarina Wahab s aisang middle-class
na pamilya sa Borivali seksyon ng Mumbai. Si Rizvan ay may autism,
gayunpaman mayroon syang ilang mga regalo, ito ay ang magkaroon ng isang
espesyal na kakayahang makaayos ng sirang bagay. Ang kanyang pagkakaiba ay
humantong sa espesyal na pagtuturo mula sa isang reclusive scholar dahil sa
sobrang pag-aalala ng kanyang ina na kalaunan humantong sa iang mataas na
paninibugho ng kanyang kapatid na si Zakir, na kalaunan ay umalis sa kanyang
pamilya para sa isang buhat sa Estados Unidos.

Sa kabila ng inisyal na hinanakit nito, matapos mamatay ng kanilang ina


dahil sa malubhang sakit, kinuha sya ng kanyang nakakabatang kapatid upang
pagtrabauhin at makatulong narin sa pangalawang rason. May asawa ang
kanyang kapatid na nagngangalang Haseena at ito ay kasama nila sa bahay na
kanyang tinutuluyan at ito ang nakapagsabio sa kanyang kapatid ang tunay na
nararamdaman nito, na Si Rizvan ay may sakit na asperger’s syndrome. Patuloy
na nagtatrabaho si Rizvan at ditto nya nakilala ang kanyang naging asawa na si
Sameer, mayroon itong anak na nagngangalang Reese at tinanggap nya ito ng
buong buo na parang tunay nyang anak. Ngunit sa hindi kanais-nais na
pagkakataon, namatay ito sa kadahilanang nanlaban sya sa pang-aasar na
ginawa ng mga bata patungkol sa pagkakaiba ng paniniwala ni Rizvan sakanila.
Hindi ito kinaya ni Sameer kung kayat dahil sa kanyang galit, nasabihan nya ng
mga masasakit na salita si Rizvan, isa na doon ang “kausapin nyaang Pangulo
at sabihin nyang hindi sya masaman tao”.

Dahil sa pangyayaring iyon at dahil narin sa pagmamahal ni Rizvan kay


Sameer, naglakbay sya at hinanap ang pangulo upang makausap ng harap-
harapan. Marami syang naging mga pagsubok bago nakausap ang Pangulo at sa
huli, doon nya nasabi ang katagang “My name is Khan and I’m not a terrorist”.
Dahl sa pangyayaring yun, dun nagkaroon ng kaayusan at pagkakaisa.

POSISYONG
PAPEL
PAGPAPATUPAD NG MARIJUANA BILANG GAMOT SA PILIPINAS

Wala pang resulta ng pag-aaral sa Pilipinas tungkol sa kabutihang dulot


ng marijuana laban sa cancer, epilepsy at iba pang sakit. Maging ang World
Health Organization, wala pang malinaw na patunay na nakakagaling ang
marijuana sa Pilipinas ngunit mayroong isang balita na galling sa US na may
batang nagngangalang Julia ang gumaling mula sa kanyang malubhang sakit
gamit ang marijuana.
Ang pagpapatupad ng paggamit ng gamut para sa malalang sakit ang
marijuana ay mas makakabuting maipasatupad sapagkat mayroong mga
mamamayang nagkakaroon ng malulubhang sakit na tanging marijuana lang
ang pinakamabilis at pinakamabisang pwedeng gamitin sa paglutas ng mga ito.
Sa United States, mayroong pananaliksik na nagsasabing ang marijuana ay
nakatutulong sa pagpapababa ng sakit na “nausea”. Nakakatulong rin itong
paganahin ng tama ang apetite ng isang tao at pagpapababa ng sakit na
nararamdaman. Ang pananaliksik na ito ay limitado kung kaya’t ang bansang
US ay inihiwalay ang gamot para maging kontrolado ang paggamit.
Maraming buwan ang ginugol sa pagpapasya ng pagpapatupad ng
Marijuana dito sa ating bansa na hanggang ngayon ay hindi pa natatapos
sapagkat marami pang mga nasa matataas na kapangyarihan ang tumututol sa
pagpapasalegal sapagkat para sakanila, ito raw ay magiging daan lamang sa
pagrami ng mga taong mag-aadik dahil para narin nating kinukunsinti ang mga
ito. Ngunit sa aking sariling opinion, mas sang-ayon ako sa pagpapatupad
sapagkat ang marijuana ay talagang mabisa at epektibong panggamot.
Noon pa, meron nang nagpapanukala paras a legalisasyon ng marijuana,
pero marami ang mga tumutol. Hanggang sa nakalimutan ang isyu at namatay.
Pero ngayon, meron nanamang ipinagpipilitan nag awing legal ang paggamit
nito. Ayon kay Isabel Rep. Rodito Albano (awtor ng panukala), dahil isa sya sa
mga taong gusting maisulong ang pagpapatupad ng marijuana ay dahil gusto
nya itong gamitin ngunit para lamang ito sa medical purposes. Hindi daw
matutulad sa Colorado, US na legal ang paggamit ng marijuana at malayang
ginagamit sa kung saan-saan. Sa kanyang panukala, hindi pwedeng gamitin ang
marijuana para sa recreation purposes. Hindi rin ito pwedeng ibenta at basta
itanim sa bakuran.
Sa puntong isiniwalat ni Albano, pareho kami ng dahilan kung bakit
sang-ayon ako sa pagpapatupad, dahil ang marijuana ay nagtataglay ng oil na
maaring magamit sa sakit na epilepsy at seizure na kadalasang nagiging sakit ng
karamihan ditto sa Pilipinas lalo na ang cancer.
Kung mabibigyan ng pagkakataon na maisulong ang paggamit nito sa
Pilipinas, maraming magiging masaya sa kadahilanang marami ang positibong
maidudulot nito sa ating mga Pilipino. Maraming tao ang nagpupunta sa ibang
bansa para magpagamot ang mga mahal nila sa buhay, at kung ito ay
maipatupad, wala nang kahit sino ang gagawin ang opsyon na ito sapagkat
mayroon anng gamot na maaring magamit para gamutin ito ditto sa Pilipians.
Ngunit kailangang maging mahigpit sa sekyuridad ang mga nakakataas sa kung
sino at saang bagay nararapat na gamitin lamang ito. Dapat ito ay para sa
paggamot at hindi sa pansariling kasiyahan lamang.

REPLEKTIBONG
SANAYSAY
PK
Bawat tao, isinilang ng walang alam dito sa mundo.
Walang taong ipinanganak na marunong ng magsulat,
magbasa at magbilang. Ngunit dahil sa mga bagay-bagay
na nakikita natin sa pang-araw araw, hindi natin
namamalayan na nakakakuha tayo ng mga ideya na
makakadagdag n gating kaalaman, maaring ito ay
nagdudulot ng kabutihan, maari ring ito ay nagdudulot ng
masama na maaaring makagulo ng ating kaisipan. Sa
kwentong PK, makikita mo rito ang isang taong inosente
sa lahat ng bagay kung kaya’t dahil sa pagkawala ng
kanyang kwintas, ang tanging nakuha lang niyang
kasagutan ay ang Diyos na makakapagturo kung pa’no
niya mahahanap ang kwintas na iyon upang siya ay
makabalik sa kanilang planeta. Dahil sa pagnanais na
maibalik sakanya ang kanyang kwintas, ginawa niya ang
lahat upang mahanap ang Diyos at dahil wala siyang
kaalam-alam tungkol sa Panginoon, nagkaroon ng
kaguluhan sa kanyang isip sapagkat marami siyang
nakikitang sinasamba ng mga tao at iba-iba ang mga ito.
Kung kaya’t nasabi niyang maaaring ang paghingi nila ng
mga tulong ay “wrong number” na ang ibig sabihin ay
hindi naipupunta o hindi sa Panginoon nakakapunta ang
mensaheng gusto nilang iparaing kung kaya’t ang
kahilingan ng iba ay hindi natutupad.
Ngunit sa kwentong ito, ipinapakita na hindi porke
hindi natin nakikita ang isang bagay, porke iba-iba ang
mga relihiyong ating pinaniniwalaan ay mali na ang mga
ito. May mga kanya-kanya tayong pinaniniwalaan at ang
tanging kailangan nalang nating gawin ay ang irespeto
ang paniniwala ng isa’t isa.

You might also like