You are on page 1of 5

Pangalan: Airah Nicole D.

Cabling Grade: 12-STEM

GAWAIN 3
Atty. Ramon C. Nolasco Jr. “jun-jun”, isang Pilipinong
abogado at politiko. Miyembro siya ng Philippine House of
Representatives mula noong 2019. Kasalukuyan siyang
nagsisilbing kongresista ng first legislative district ng
Probinsya ng Cagayan sa Hilagang Pilipinas.
Naging valediktoryan siya noong nagtapos siya ng
elementarya sa Gattaran West Central School. Naging
valediktoryan din siya sa San Jacinto Seminary. Noong
tumungtong na siya sa kolehiyo nag aral siya sa isang
Unibersidad ng Santo Tomas at siya ay nagtapos ng
Bachelor of Arts in Legal Management at naging cum
laude. Nakapag aral din siya sa Unibersidad ng San Beda
at grumaduate bilang isang Doctor of Jurisprudence.
Ang kanyang mga propesyon na mayroon siya noon at ngayon ay siya ay isang Law
Practioner, isang Law Professor, isa din siyang chief, consumer welfare sa National
Telecommunications Commission (NTC), chief of staff din siya sa Office of Congressman
Ramon C. Nolasco at Incumbent Congressman.
Mga panukalang batas na isinulat niya o co-authored, gumawa siya ng 79 na panukalang
batas kasama na ang mga para sa pagpapahusay ng edukasyon o pagsasanay, benepisyo ng mga
guro. Promosyon ng Covid 19 programang paggaling. Paglago at pag-unlad ng mga yunit ng
lokal na pamahalaan. Pagpapabuti ng mga pasilidad sa kalusugan o kalagayan ng mga health
workers. Pagpapabuti ng koneksyon o telekomunikasyon. Pagpapabuti ng sektor ng
transportasyon. Benepisyo ng senior citizen. Benepisyo ng mga magsasaka at mangingisda.
Adapsyon ng kapakanan ng LGBTQ at iba pang mga Panukala laban sa Diskriminasyon at pag-
unlad ng turismo.
Ang kanyang mga proyekto ay napaayos at napagawa niya ang higit sa 232 na daanan at
kalsada at 13 na tulay, 50 na mga proyekto sa pagbawas ng baha, nagkapagpatayo at nagpagawa
ng 75 na paaralan at silid-aralan at 73 multi-purpose na mga gusali, at isang sistema ng tubig.
Ang kanyang mga programa naman ay tulong medical na nagkakahalaga ng 77 milyon,
iskolarship at tulong sa edukasyon na nagkakahalaga ng 40.5 milyon, Tulong Panghanapbuhay
sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) at Government Internship Program (GIP) na
programa na nagkakahalaga ng 40 milyon at Department of Social Welfare and Development
(DSWD) assistance na nagkakahalaga ng 16 milyon.
GAWAIN 4
1. A. – b. Legalisasyon ng Medikal na Paggamit ng Marijuana
2. B.
SANG-AYON
Paggamit ng medikal marijuana ay magdudulot ng
malaking kapakinabangan sa maraming pasyente
na nagdurusa sa mga may malubhang
karamdaman.
Madugtungan pa ang buhay ng mga taong umaasa
sa marijuana bilang lunas sa kanilang paghihirap
May mga epekto sa pagbawas ng sakit
Ang marijuana ay makabuluhang nagpapabagal sa
paglaki ng tumor sa utak, dibdib, at baga.

3.C.
Ebidensya 1- nakadetalye sa House Bill 180 kung sino ang kwalipikadong gumagamit ng
medical marijuana at kung papaano ito maaaring gamitin. Nakapaloob din dito kung sino ang
mga lisensyadong doctor na namamahala ng pagbibigay nito sa mga pasyente na dapat ay may
ID card, mga taong katulong sa pagpapalaganap at pagpapatupad ng mga programa at maging
ang lugar o center ng distribusyon.
Ebidensya 2- inihayag ni PDEA Director General Aaron N. Aquino matapos na aprubahan ng
House Committee on Health ang House Bill No.180, o “An Act Providing Compassionate and
Right of Access to Medical Cannabis and Expanding Research into Its Medical Properties”, na
inakda ni Isabela Representative Rodolfo Albano III. Kinikilala aniya nila ang pangangailangan
ng mga pasyente para sa ligtas na makukuhanan ng murang marijuana na inirereseta ng mga
doctor para sa ilang malalang sakit.
Ebidensya 3- Ang pag-aaral na inilathala sa journal na Molecular Cancer Therapeutics, ay
natagpuan iyon Cannabidiol may kakayahang itigil ang cancer sa pamamagitan ng pagpigil ng
isang gene na tinatawag na Id-1. Noong 2007, iniulat ng mga mananaliksik sa California Pacific
Medical Center sa San Francisco CBD maaring maiwasan ang pagkalat ng kanser. Sa katunayan,
natagpuan ng American Association for Cancer Research na ang marijuana ay makabuluhang
nagpapabagal sa paglaki ng tumor sa utak, dibdib at baga.
GAWAIN 4

Marijuana: Dapat na bang gawing legal at medisina?


Sa kasalukuyang panahon lalo na dito sa Pilipinas, kapag ating nadidinig ang salitang
“droga” ang unang pumapasok sa ating isipan ay ito ay masama,ilegal, at walang maidudulot na
maganda sa ating kalusugan. Naging kontrobersiyal ang tungkol sa droga ng maupo sa pwesto si
pangulong Rodrigo Duterte at tunay ngang mas nakilala siya sa kanyang kampanyang “War on
Drugs’.Hangarin nitong labanan ang paglaganap ng paggamit ng mga iligal na droga sa ating
bansa tulad na lamang ng Marihuwana. Ngunit kasabay din nito ng siya namang pagsulong sa
Kongreso na gawing legal ang paggamit ng medical Marijuana.
Ano nga ba ang Marihuwana? Ito ay galing sa halamang Indian hemp, at ang bahaging
nagtataglay ng “droga” ay pangunahing natatagpuan sa mga bulaklak. Maraming pwedeng
paggamitan ang marijuana. Maari itong gamitin sa mga industriyal na sektor, sa construction at
transportasyon. Ito ay may aplikasyon din sa industriya ng pagkain, pagawaan ng tela, langis,
lubid, papel at iba pa. Ginagamit ito ng ilang eksperto bilang solusyon para sa krisis sa kalikasan
at resource management. Ito rin ay sangkap para sa mga pang-kultural at ispiritwal na gawain. At
isa na rin sa napakahalagang benepisyong hatid ng Marihuwana na ayon rin sa modernong pag-
aaral ay isa itong instrumento sa paggamot sa mga nangangailangan.
Ayon sa research at mga eksperto sa medisina, hindi lang daw ito isang halaman na
herbal, kundi isa rin itong gamut sa mga sakit. Tunay na mabisang medisina ang marihuwana sa
mga sakit lalo na kung ang paggamit nito ay hindi inaabuso. Kapag nasobrahan, maaring
maapektuhan ang katawan at ng bibig, at pagkasira ng utak. Itinuturing na ilegal ang marihuwana
dahil sa mga taong lulong dito at kung ano-anong krimen ang ginagawa dahil sa epekto nito.
Isa pa sa aking nasaliksik na may binalitang isang batang namatay sa sakit na epilepsy at
ang marijuana ang kinakailangang gamot. Subalit hindi ito pinayagan sa kadahilanan na ito’y
isang illegal na produkto noon. Sa aking pananaw, sumasang-ayon ako sa pag-papatupad sa
paggamit ng marijuana bilang medikasyon. Dahil hahayaan pa ba nating dumami ang
namamatay sa mga sakit na epilepsy, cancer, neurological disorders at marami pang
iba,kung hindi natin ito gagawing legal. Marami man ang kontra sa paggamit nito, kailangan
pagkatandaan na makakasama lamang ito kung aabusuhin at hindi gagamitin pangmedikal.
Ayon sa impormasyon na aking nakalap, lumusot sa ikatlo at huling pagbasa sa mababang
kapulungan ang House Bill No. 6517 o Philippine Compassionate Medical Cannabis Act sa
botong 163 na "yes." Limang mambabatas naman ang bumoto ng "no" habang tatlo ang nag-
abstain. Tiniyak din ni Isabela Rep. Rodito Albano na hindi aabusuhin ang batas at hindi rin ito
magbibigay adiksyon. Dagdag pa niya na makakatulong itong batas na ito upang mas
madagdagan pa ang kaalaman tungkol sa marijuana.
Nakapaloob din dito ang pagkakaroon ng medical cannabis compassionate centers na
kailangang may lisensiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga pharmacist
na magbibigay nitong gamot sa mga kwalipikadong pasyente o kaya'y kanilang caregivers. Para
malaman na kwalipikadong pasyente ka ay dapat nanangangailangan talaga ito ng marijuana. At
doon lang lamang mabibigyan ng ID card na galing sa Department of Health (DOH).
Sumasang-ayon ako na gawing legal ang paggamit ng marijuana sa bansa kung ito ay
gagamitin pang medikal at mayroon ding striktong kondisyon bago ito gamitin. Naniniwala
akong dahil lamang sa pang aabuso at maling paggamit ng iba kaya ito nagiging delikado at
nagdudulot ng negatibo. May karampatang parusa pa rin ang lalabag sa panukala kung saan ang
pagtatanim, pagbebenta, pamamahagi, transportasyon at paggamit sa kagustuhan ng marijuana
ay ipinagbabawal. Kaya dapat patuloy pa rin ang pagmomonitor ng mga pulis sa mga taong
walang displina sa sarili at ginagamit ito dahil sa kagustuhan sa halip na sa medikal na paggamit.
Ito ay makakatulong sa maraming taong may malubhang sakit na kailangan ito upang humaba pa
ang kanilang buhay at mabawasan ang sakit na iniinda, kaya sana maging bukas ang isipan natin
sa paggamit ng marijuana para sa medikal na pakay o panglunas. Batay sa mga nabanggit na
benepisyo, walang dahilan upang ituring itong masama at bawal; Sa paglawak ng kaisipan ng
bawat mamamayan ay mas nagiging bukas ang pananaw ng bawat isa patungkol sa marijuana,
dahil kahit anong pilit natin ay lalabas at lalabas ang katotohanan na maraming maganda at
kabutihan ang nadudulot nito mapa kalusugan, kamalayan, ispiritwalidad at kalikasan.
GAWAIN 4
Ang marijuana ay isang herbal na gamot na maaaring gamitin sa mga taong may sakit.
Pinaniniwalaan na ang mga pasyenteng may malubhang karamdaman na makikinabang sa
panukalang ito ay ang may autism, epilepsy, arthritis, cancer, atneurological disorders.Wala man
opisyal na istatistika, ngunit tinatantya ng mga pribadong grupo na maymahigit na isang milyong
Pilipino ang may autism at higit sa 500,000 ang may epilepsy.Batay sa pag-aaral ng University
of the Philippines-Institute of Human Genetics,National Institutes of Health, may 189 sa 100,000
na Pilipino ang may kanser, habang apat na Pilipino ang namamatay sa kanser kada oras.Patuloy
na debate sa medical marijuana simula pa noong 2014, isinusulong na sa Kongreso ang usaping
legalisasyong ng medical marijuana subalit ito’y naharang at namatay.
Nang maluklok si Pres. Duterte sa Malacañang kasabay ng kanyang ‘war on drugs’
nanagdulot ng 8,000 pagkakapatay sa mga sinasabing mga nanlaban na adik at pushersa
kapulisan, muling binuhay ang panukala nitong Marso at patuloy na dinidinig ang iba’t ibang
panig tungkol sa isyu. Kung maging batas ang panukala, ito ay magiging makasaysayan. Ang
Pilipinas ang magiging pinaka-unang bansa sa Timog-Silangang Asya na gagawing ligal
angpaggamit ng marijuana sa medikal na pamamaraan.Kung matatandaan, malaki ang suporta ni
Pres. Duterte sa panukala kahit noong 2016campaign. Sabi niya, “It’s effective. I will not deprive
Filipinos of the benefits of medicinalmarijuana, but I must have a clear definition of what it is
and it must be approved by the Food and Drug Administration (FDA) in the Philippines.”
Nakasaad Benepisyong medikal para kay Rep. Seth Jalosjos, isa sa mga nagmungkahi sa
panukalang-batas na legalisayon ng paggamit ng medical marijuana, ito ay magdudulot ng
malakingkapakinabangan sa maraming pasyente na nagdurusa sa mga malubhangkaramdaman.
“I have high hopes under the Duterte administration that this measure would be enacted into law.
Finally, there is hope for our people, especially our children, who suffer frommedical conditions
like epilepsy, cancer and multiple sclerosis,” sabi ni Jalosjos sa isang panayam.Inamin ng dating
alkalde ng Davao na si Pres. Duterte na malaki ang maitutulong ngcannabis kung magagamit ito
sa medisina, subalit lubos niya itong tinututulan kunggagamitin ito bilang recreational drug.
Aniya , “If you just smoke it like a cigarette, I will not allow it, ever. It remains to be aprohibited
item and there’s always a threat of being arrested.If you choose to fight the law enforcement
agency, you die." Kaya kung ang ako ang tatanungin sang ayon ako na maisabatas o gawing
legal na ang marijuana bilang gamot.Magkakaron naman ng kontrol dito ang gobyerno kaya
tiyak na magiging maayos at hindi maaabuso ang pag gamit nito bilang gamot.

You might also like