You are on page 1of 2

05-5-2023

Pangalan: Angela Mae U. Elilio Grade & Section: 11-Humss 4 Subject: PPITP

Posisyong papel Tunkgkol sa


Legalization of marijuana.
Ang marijuana ay isa sa mga pinaka illegal na droga saating bansa maging sa buong

mundo, karamihan sa mga tao ay naniniwala na ito ay delikadong gamot. Ngunit madalas rin

pagtalunan ng mga tao kung nakakatulong nga ba ang marijuana saating buhay, dahil ang

halaman na marijuana ay ginagamit din ito sa kabutihang paraan tulad ng paggamit ng mga

health care professionals nito bilang lunas ng mga sakit, Samantala ang iba naman ay

naniniwalang illegal na droga ito at nagkakasakit din naman ang mga taong gumagamit ng

halamang gamot na ito. Sa posisyong papel na ito ay ihahayag ko ang aking opinion o

pahayag patungkol sa argumentong ito.

Ang marijuana o sa Ingles ay cannabis at kilala bilang chongke ay isang preparasyon

ng halamang cannabis na ginagamit bilang sikoaktibo at gamot o medisina. Saating bansa ay

kinikilala rin itong pinagbabawal na gamot o droga. Dahil dito karamihan ng mga pinoy

saating bansa ay ginagamit ito sa masamang paraan na nakakasira ng pag-iisip ng mga tao

ngunit naisip din ba natin ang kagandahan sa paggamit nito sa maayus at wastong paraan?.

Base sa House Bill 4477 o compassionate use of medical cannabis act na inihain ni Isabela

Rep. Rodito Albano. Hindi lang daw ito makakatulong na gamutin ang ilang mga sakit tulad

ng cachexia or wasting syndrome, chronic pain, nausea, seizures, epilepsy, muscle spasms at

multiple sclerosis dahil malaki rin daw ang magiging pakinabang dito ng bansa sa

pagpromote ng medical tourism sa Pilipinas. Ang marijuana ay ang pinaka talamak na

illegal na droga sa buong mundo, kaya marami ang naniniwala na ito ay hindi delikado o
peligroso. Pabor ako sa paggamit nito sa medical na paraan lamang at kung nasa wasto rin

ang pag-gamit nito ay tiyak na magiging malaki ang ambag nito lalo na kung gagamitin ito

bilang lunas sa mga sakit. Ayon kay Cruz, S. (2017), pasado na ang medikal na marijuana sa

Committee on Health sa kamara Ang panukalang batas na "Philippine Compassionate

Medical Cannabis Act" na magtatag ng "Medical Cannabis Center" na bibigyang lisensya ng

Department of Health (DOH).

Nangangahulugan lamang na patuloy ang masusing pagmamanipula ng marijuana

para sa mga nangangailangan upang makapagbigay lunas. Patunay lamang na ang marijuana

ay may pakinabang sa kalusugan ng tao. Kung kayat karapat-dapat ang marijuana na gawing

legal upang matulungan ang mga may sakit dahil hangad naman ng administrasyon ang

mapabuti ang mga may sakit sa ating bansa. Kinakailangan lamang ang disiplina sa ilalim ng

mahigpit na pangangasiwa dahil minsan masama ang sobra.

You might also like