You are on page 1of 1

Jhun Bandigan

Ommar Timosa
Miekyla Malintad
Paksa: Ang Negatibong Epekto ng Ilegal na pag gamit ng droga sa bansang Pilipinas

BODY

Isa sa mga uri ng drogang illegal ay ang na marijuana ito ay mapanganib at nakakatakot na droga
dahil sa epekto nito sa katawan ng taong gumagamit nito. Ang mga epekto nito ay ang
pagkatuliro, pagkawala sa tamang isipan o pagkabaliw (Foundation for a Drug-Free World).
Ayon sa Foundation for a Drug-Free World, ang mga siyentipikong pag-aaral na ginawa ay
nagbunga ng impormasyon na ang epekto nito sa katwan ay nananatili sa loob nang ilang linggo
o mga higit pa. Sinabi na ang usok ng marijuana ay nagtataglay ng 50% hanggang 70% higit pa
na nakapagdudulot ng kanser. Ayon rin kay Lornalyn Austria dahil sa dalang problema at
delubyo ng marijuana sa bansang Pilipinas, sinimulan na itong ipagbawal na kung sino man ang
makikitang nagtatanim at gumagamit nito ay hahatulan ng pagkabilanggo.
Ang isa pang uri ng droga ay ang ecstasy, ito ay gawa ng tao at isa ring ilegal na gamot na may
pambihirang dulot sa ating buong katawan. Ito ay tinatawag na pagiging "high" sa ingles dahil
dulot nito ang halusinasayon at biglaang pagkasigla. Ang panandaliang epekto nito ay
pagkalungkot, tensyon sa kalamnan, pagkaitim ng ngipin at iba pa. Gayunpaman, may
permanenteng epekto din ito dahil nagdudulot ito ng pagkasira ng utak at paggawa ng maling
desisyon. Isa lang itong karaniwang kemikal ngunit nakakapinsala na ng kalusugan at ng
kaisipan ng tao. Kapag nasobrahan ang paggamit nito ay tiyak na magiging peligro ang buhay at
maaring humantong sa kamatayan. (Foundation for a Drug-Free World)

You might also like