You are on page 1of 3

ARANGKADA NG KABATAAN KONTRA DROGA

Noong ika-28 ng Hunyo taong 2021 ay inilunsad ang Arangkada Kabataan Kontra Droga at Terorismo o
KKDAT CALABARZON sa Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School. Ang programa ay ganap na
nagsimula ng 9:30 ng umaga kung saan ito ay dinaluhan ng iba’t-ibang kabataan mula sa Paaralang
Sekundarya ng Lucban Integrated School, Lucban Academy, at Sangguniang Kabataan.

Bilang panimula ay nagkaroon ng pambungad na panalangin sa pangunguna ni Pastor Rhomel Bautista.


Sinundan naman ito ng pag-awit ng Lupang Hinirang na kinumpasan ni Mr. Stanley Hagosojos, isang
mag-aaral sa PSLIS. Sumunod dito ay ang pagbibigay ng welcoming remarks ni Dr. Reynaldo Nanong, ang
School Principal ng PSLIS. Matapos nito, ipinakilala ang isa sa mga panauhing tagapagsalita na si Pastor
Rhomel Bautista ng Seventh Day Adventist upang magbigay ng lecture patungkol sa ilegal na droga.

“You Can Do It: Without Any Vices,” ito ang bumungad sa screen sa pagsisimula ng lecture. Sinundan ito
ng isang bidyo na nagpapakita ng iba’t-ibang klase ng kaganapan kung paano nagiging salot ang droga sa
buhay ng tao. Ang pinaka-unang naaapektuhan nito ay ang pamilya, sumunod ay ang trabaho,
kabuhayan, at ang kinabukasan.

Ayon kay Pastor Rhomel, ang droga ay madalas na nagmumula sa impluwensiya ng kaibigan.
Nagsisimula sa pagbibigay niya ng libre hanggang sa ikaw na mismo ang kusang bibili. Sa oras na ang
isang tao ay mahulihan o mapag-alamang gumagamit, nagbebenta, o may kinalaman sa ilegal na droga,
maaari siyang makulong.

“Nasa huli ang pagsisisi,” ika nga nila. Kapag nagsimula na ang tao na gumamit ng ipinagbabawal na
gamot, mahirap nang bumalik sa dati. Maraming mahahalagang bagay ang mawawala kabilang na ang
sariling mga pangarap.

Isinaad din ng Pastor na ang problema sa lahat ng oras at panahon ay ang addiction. Hindi lamang droga
kundi marami pang ibang bagay ang kinaaadikan ng mga tao katulad ng gadyet, mobile games, mga
palabas sa telebisyon, at iba pa.

Ang addiction ay isang sakit sa utak na inilalarawan ng ‘di mapigilang asal, patuloy na pag-abuso sa mga
bagay na kinaaadikan kahit may masamang dulot, at patuloy na pagbabago sa kaayusan, kalagayan, at
paggana ng utak.

Marami ang umaabuso sa droga upang sila ay paulit-ulit na maging ganado at makaramdam ng
kasiyahan at katuwaan sa utak kahit pa ito ay hindi totoo sapagkat pinapaltan ng droga ang natural na
kasayahan ng tao ng peke ngunit pangmatagalang epekto.

Dagdag pa ni Pastor Rhomel, ang droga at ang pagkaadik dito ay hindi lamang problema ng isang bansa
kundi problema ng buong mundo. Sariling desisyon ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ngunit
nasa sarili din ang simula upang magbago at makaiwas nang sa gayon ay masolusyonan ang suliraning
ito.
GATEWAY TO HEAVEN?

Walang humpay na ligaya, lumilipad at nasa alapaap na, ganiyan ang pakiramdam ng taong gumagamit
ng ilegal na droga. Para sa kanya, ang ipinagbabawal na gamot ang daan patungong langit, ngunit isa
lamang itong maling akala.

Sa pagpapatuloy ng lecture, ibinahagi ni Pastor Rhomel ang mga gateways o daan hindi papunta ng
langit kundi patungo sa paggamit at pagkaadik sa droga.

Una na rito ay ang alcohol o alak. Aniya, ito ay isang uri ng depressant at dito pa lamang ay malaki na ang
perwisyong magagawa sa katawan ng tao. Puso, utak, joints, atay, kidney, esophagus, at kalamnan ang
mga maaapektuhan ng pag-inom ng alak.

Sumunod naman ay ang sigarilyo. Ito ay maraming sangkap na delikado sa tao katulad ng Nicotine na
ginagamit na insecticide, Ammonia na ginagamit bilang toilet cleaner, at Arsenic na isang lason.

Hanggang sa makilala na ang drugs. Mayroong mga uri ng Psychoactive Substances: Stimulants katulad
ng shabu at ecstasy; Narcotics tulad ng cocaine at heroin; Depressants tulad ng alcohol; Hallucinogens
tulad ng LSD, Inhalants tulad ng butyl at rugby; at Cannabis na hashish at marijuana.

Noong 2012, ang pinaka-common na drugs sa Pilipinas ay shabu na mayroong 78.9% at sumunod naman
ay ang marijuana na mayroong 34%.

Ayon sa lecture ni Pastor Rhomel, ang shabu ay isang stimulant na gawa mula sa ephedrine at ginagawa
sa mga home industrial style labs.90% ng mga Pilipino na gumagamit ng ilegal na droga ay ito ang
pinipili. Ang mga epekto nito ay paghina o pagkawala ng memorya, aggression, pagiging bayolente,
psychotic behavior, at problema sa puso.

Ang marijuana naman ay maaaring gamitin sa pamamagitan ng pagsinghot, gravity bongs,


pagpapasingaw, oil, tincture, edibles, at inumin. Binanggit din ng Pastor na ginagawa din itong kendi. Ang
epekto naman ng toxicity ng marijuana ay pagbabago ng mood at pagtingin sa realidad, anxiety o panic
attacks, mataas na tyansa ng pagkakaroon ng atake sa puso, pulmonary disease, at lowered sperm
count.

May iba pang binanggit na kategorya ng drugs na sinisinghot, ito ay ang Nitrites, Anesthetics, at
Solvents, paints, sprays, at fuels.

Ang ecstasy ay isang stimulant at hallucinogen. Ito ay kadalasang tinatawag na rape o sex drugs. Ang
mga side effects nito ay pagtaas ng temperatura ng katawan, blood pressure at heart rate, teeth
grinding, pagkapagod at pagkagalit, depression, paranoia, at impulsive behavior.

Sa kanyang pagpapatuloy, inisa-isa ni Pastor Rhomel ang mga stages ng paggamit ng droga. Una ay ang
pag-eeksperimento. Sumunod ay ang regular ng paggamit. Pangatlo ay ang pag-abuso. Ang panghuli ay
pagkaadik.
Isinaad din niya ang mga prevention programs na dapat gawin at ano ang magagawa ng isang tao upang
malutas ang pagsubok at maiwasan ang paggamit ng droga. Ilan sa mga ito ay huwag itong subukan,
kausapin ang isang taong mapagkakatiwalaan, huwag magpapadala sa peer pressure, at magtiwala at
humingi ng tulong sa Diyos.

Sa kanyang pagtatapos ay nag-iwan siya ng isang berso mula sa bibliya. Sinasaad nito na ang ating
katawan ay ang templo ng Espiritu Santo na nasa atin at ating tinanggap mula sa Panginoon. Hindi natin
pag-aari ang ating katawan.

Ang paggamit ng tao sa ipinagbabawal na gamot ay hindi ang pintuan patungong langit, sa halip, ito ay
daan papunta sa kulungan, mental hospital, at kamatayan. Alin kaya ang kanilang pipiliin?

You might also like