You are on page 1of 2

BAWAL NA GAMOT

PANIMULA

Ano nga ba ang Droga? Ang ipinagbabawal na mga gamot, ilegal na mga

droga, inaabusong mga gamot, o mapanganib na mga gamut ay tumutukoy sa

anumang sangkap, hindi kasama ang tubig at mga pagkain, na nakapagpapabago sa

takbo ng kaisipan ng tao at katawan din ng tao. Maaaring makaapekto ang droga sa isip

lamang ng tao o sa katawan ng tao, subalit maaari ring parehong maapektuhan ang

mga ito. Sa malawakang kahulugan, kinabibilangan ang mga bawal na gamot ng mga

produktong drogang may kapeina, tabako, mga nalalanghap na sangkap o

mga inhalante, ang marihuwana o cannabis, heroina, at mga isteroyd.

May mabibigat na mga hindi kapakinabangan ang ilang mga uri ng gamot na

mainam sanang nagagamit lamang para sa layunin ng panggagamot, sa halip na

kapinsalaan sa tao at kanyang katawan at isipan. Subalit mayroon sa mga ito ang may

kaakibat na mga katangian nakakaakit at nakalilikha ng pagkakalulong o hindi

maiwasan at hindi mapigil na paghahanap ng taong nakagamit o gumamit na ng mga

ito. Humahantong ito sa tuluyang hindi na pagkapigil ng taong iwasan ang mga gamot

na ito. Nakagagawa ang mga nakahuhumaling na mga gamot ng pansamantalang

damdamin o pakiramdam ng kabutihan o ginhawa ng katawan at pagkatao dahil sa

kanilang pag-apekto sa sistemang nerbiyos ng katawan. Ibinabatay ang legal na

kalagayan ng mga bawal na gamot sa ilang mga kadahilanan. Katulad ito ng hinggil sa

mga alak. Sa legal na katayuan ng alak, hindi ito itinuturing na bawal na gamot, subalit
mayroong batas kaugnay ng pagbebenta nito sa mga menor-de-edad. Hindi

pinapahintulutan ng batas ang pagbibili o pagbebenta ng alak sa mga taong may edad

na may mababa sa 18 taong gulang.

LAYUNIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayung iparating sa mga mambabasa ang mga

Sumusunod:

1. Mga kadahilanan kung bakit gumagamit ng bawal na gamot ang isang tao.

2. Natutukoy ang masamang epekto ng paggamit ng bawal na gamot.

3. Paano nakatutulong ang droga sa isang tao.

4.Bakit ba inaabuso ng mga tao ang paggamit nito.

5. Ang masamang dulot ng droga sa ating lipunan.

You might also like