You are on page 1of 2

DROGA: SALOT SA LIPUNAN

Ano ang kahulugan ng droga? Ang droga ay isang substance na kung makakapasok sa katawan ay may
kakayahang baguhin ang iyong pisikal at mental na mga kakayahan. Ang droga ay pwedeng maging legal,
halimbawa dito ay ang alak, caffeine at tabacco. Pwede namang maging iligal ang droga tulad ng
marijuana, ecstacy, cocaine o heroin. Ang mga drogang psychoactive ay nakaaapekto sa central nervous
system at binabago ang pakiramdam ng isang tao, pati na ang kanyang paraan ng pag-iisip at pagkilos.
Ang drogang psychoactive ay nahahati sa apat na kategoriya: ang mga drogang stimulant, depressant,
hallucinogen at others. Dito sa Pilipinas, bawal ang pagtatago, paggawa, pagbenta o paggamit ng iligal na
droga. Ang kaparusahan ay maaaring pagkakakulong ng habambuhay kasama na ang mabibigat na multa
dahil sa paglabag sa mga batas ng Pilipinas laban sa ipinagbabawal na gamot. Kung sakaling makalaya ka
man, ikaw ay may criminal na record na magiging dahilan ng kahirapan sa paghahanap ng marangal na
trabaho.

Batay sa talaan ng Batas Republika bilang 9165 (Republic Act 9165) ng Pilipinas, tinatawag at itinuturing
na bawal na mga gamot ang mga sumusunod at kanilang mga kauri: marihuwana, resin ng marihuwana,
langis ng resin ng marihuana, ang ecstacy (methylenedioxymethamphetamine o MDMA),
paramethoxyamphetamine (PMA), trimethoxyamphetamine (TMA), liserhikong asidong dietilamino
(lysergic acid diethylamine o LSD), gamma hydroxybutyrate (GHB), methamphetamine hydrochloride
(mas tanyag bilang shabu, ice, o meth), opyo, morpina, heroina, at kokaina (cocaine hydrochloride).
Kabilang din sa mga ito ang anumang bagong natuklasang mga gamot at pinagkunan ng mga ito na hindi
naman nakakagamot, bagkus ay nakapipinsala sa tao. Ang iba ay nagsasabing nakatutulong ang droga
para maibsan ang pangangailanagan. Pangangailangan sa tulog o marahil ay tulong para sa problema.
Pero ganoon nga ba? Kadalasan ng hindi sinasabi ng isa ang nagiging unti-tunting negatibong epekto sa
kanila ng isang bagay. Kaya karamihan sa kanila ay unti-unti na ring lumulubog sa masamang bagay na
ito. May mga taong ginawang diyos ang kahulugan ng droga sa kanilang mga buhay, kaya naman, ang ilan
sa kanila ay mas gusto pang madamay sa mga patayang dahil sa droga imbes na magbagong buhay. Sa
mga kabataan, kung ayaw ninyong masira ang buhay ninyo sa hinaharap, tandaan ang kahulugan ng
droga: Ito ay ang gamot na nakakasira ng buong pagkatao at hinaharap!

Ang solusyon upang maiwasan ang ilegal na droga ay paggamit nito sa literal na pagiwas dito, paghingi ng
gabay sa magulang, mas paigtingin na pagsawata sa mga nagbebenta nito (hindi ang pagpatay sa mga
biktima ng droga), at ang pagbibigay ng matagalang solusyon na makakapaglayo sa mga tao gumamit ng
droga.Tayo'y makinig sa disukusyon sa klase lalo na kapag tungkol dito ang pinag-uusapan. Tayo rin dapat
ay maging aware sa mga magiging epekto nito sa 'tin. Dapat ay ating malaman ang ating kahihitnatnan
kapag ito'y hindi natin maiwasan. Hindi rin dapat tayo magpaapekto sa peer pressure. Para maiwasan
ang droga, una munang iwasan dapat ay masamang impluwensiya. H'wag na ring maging curious tungkol
dito. H'wag na tangkaing subukan pa. Laging ipaalala sa sarili ang masasamang epekto nito.

You might also like