You are on page 1of 2

Ang Bawal na Gamot sa Buhay ng Kabataan

Sa panahon ngayon, laganap na ang paggamit ng marijuana. Ngunit ano nga ba ang marijuana at

ano ang epekto nito sa iyong kalusugan?

Ang marijuana ang isa sa mga pinaka-abusadong droga sa mundo dahil kapag nasobrahan ang

paggamit nito may posibilidad na mawawala ka sa sarili at magkakaproblema ka sa iyong pag-

iisip. Mayroong palagi ng lumalaking agwat sa pagitan ng pinaka-modernong siyensa tungkol sa

marijuana at ang mga kathang-isip na nakapalibot ditto. Sabi nila na gamut ito sa mga ibang sakit

tulad ng cancer, diabetes at arthritis, ngunit ang marijuana ay isang ilegal na droga sa ating bansa

tulad ng cocaine o ecstasy. At tulad ng iba pang mga ilegal na drogang ito, may mga hindi

magandang epekto rin ito sa ating katawan na maaring mapanganib.

Ang marijuana ay maaring hithitin bilang sigarilyo pero puwede ring hithitin gamit ang isang

“dry pipe” o mas kilala bilang pipa. Maaari rin itong ihalo sa pagkain o sa pinakuluang tsaa.

Minsan ang gumagamit nito ay nagbubukas ng tabako at tinatanggal ang laman nito at

pinapalitan ng marijuana.

Kapag nalanghap ng isang tao ang usok mula sa isang pipa, kadalasang nararamdaman niya nag

epekto nito sa loob lamang ng ilang minute. Ang usok ng marijuana ay nagtataglay ng 50%

hanggang 70% higit pang mga bagay na nakapagdudulot ng kanser kaysa sa usok ng tabako.

Ang Marijuana ay maaaring makaapekto sa iyong kalusugan. Nababago rin ng marijuana ang

estruktura ng mga selyula ng esperma kaya kahit maliliit na dama ng marijuana ay maaring

maging sanhi ng pansamantalang pagkabaog sas mga lalaki, Ito rin ay maaring makasira sa

buwanang dalaw ng isang babae.


Ang mga agarang pakiramdam nito ay ang mga sumusunod:

 Mabilis na pagtibok ng puso

 Mas mababang antas ng koordinasyon at balanse

 Mala-panaginip at hindi makatotohanang lagay ng isipan

Hangga’t maaga pa ay iwasan na natin ang paggamit ng droga dahil nga sa epektong

pangkatawan at huwag natin sayangin ang buhay natin dahil sa walang kuwentang bagay.

You might also like