You are on page 1of 2

Pangalan: Reina Lynn Feb A. Namia Guro: Bb. Judy Ann M.

Legua
Baitang: Grade 12 – V I T A Asignatura: Filipino sa Piling
Larangan

PAGPAPALEGAL NG MARIJUANA SA PILIPINAS

Cannabis, kilala rin bilang marijuana, ay isang halaman na gamot at psychoactive


drug. Ito ay mga pinatuyong dahon at bulaklak at ginagamit na parang sigarilyo para makuha
ang epekto nito. Ang marijuana ay ginagamit sa larangan ng medisina mula pa noong 2700
BC, kung saan una itong ginamit ng mga Griyego at mga taga Egypt bilang panggamot.
Ginagamit ito dahil pinaniniwalaan nila na may maganda itong naidudulot sa ating
kalusugan. Ang marijuana ay maaaring gamitin sa iba’t ibang paraan minsan ay bilang
panigarilyo, paninghot, tsaa, at sangkap sa pagkain.

Dito sa ating bansa, kinikilala ang marijuana bilang illegal. Ang pagpapalegal ng
marijuana ay magbibigay ng dibisyon sa ating lipunan, may tututol at may papabor sa isyu na
ito. Alam ng gobyerno ang mga posibleng epekto ng marijuana kaya mas pinili ng gobyerno
na panatilihin ang pagiging illegal nito sa kabila ng pangungumbinsi ng mamamayan na
gawing legal ang marijuana. Ang alak at tabako ay legal dito sa Pilipinas at ang mga ito ay
ang mga nangungunang sanhi sa mga sakit na nakamamatay dito sa ating bansa. Ang mga ito
ang sanhi ng 10% at 3.8% sa lahat ng kamatayan dito sa ating bansa. Habang ang marijuana
naman na kinikilala bilang illegal ay hindi nagbibigay ng sakit. Wala pang tala ng kamatayan
ng dahil sa paggamit ng sobrang marijuana.

Ang marijuana ay nakakabenepisyo sa ating lipunan sa maraming paraan. Sa isang


pag-aaral tungkol sa marijuana, napatunayan na mayroon itong psychoactive at physiological
na epekto kung ito ay gagamitin. Nagiging magaan ang iyong karamdaman at nakawawala ito
ng sakit, nakacocontrol sa pagsusuka, nagbibigay gana sa pagkain, pinapaayos ang daloy ng
dugo sa katawan, nakapawawala ng pagtaas o pagbaba ng pressure ng dugo, nakatutulong rin
ito na mabawasan ang pagiging makakalimutin, ngunit nagpapatuyo ito ng bibig,
naapektuhan rin ang iyong pagkilos, at nagpapapula ng mata. Napatunayan rin na ang
marijuana ay nakapawawala ng mga sakit na nararamdaman sa katawan at muscle spasticity.
Ngayon ay may bagong nadiskobrehan na ang marijuana pala ay nakatutulong na maparami
at mapanatiling malusog ang ating mga brain cells at nakatutulong na mas maging matalas
ang ating isipan. Tunay ngang may mga benepisyo ang marijuana at magagamit sa maraming
paraan.

Kung ipapalegal ang marijuana, ako ay naniniwala na magdudulot ito ng positibong


epekto. Ilan sa mga mabuting epekto nito ay ang sumusunod. Una, ang marijuana ay highy
addictive, and demand sa marijuana ay tataas na magsasanhi para sa mga ordinaryong
mamamayan na mag supply o magtayo ng legal na negosyo para masagot ang mataas na
demand ng marijuana. Ito ay magbubukas ng bagong oportunidad sa lakas-paggawa ng mga
Pilipino. Ang mga terorista o rebelde ay maaring isa sa mga supplier ng marijuana, kapag ito
ay ipapalegal, Malaki ang potensiyal na sila ay mawalan ng koneksiyon sa mga mamamayan
at mawala na ang tinatawag na black market. Kung ito ay magiging legal, ang pera na
nalilikom sa marijuana ay kontrolado na ng gobyerno. Walang buwis na ipinapataw sa
marijuana dahil ito ay illegal kaya walang nakukuha ang gobyerno dito na maaaring
makadagdag sa pondo ng mga programa ng gobyerno at mga proyekto na maaaring
makatulong sa mga mamamayan at sa daloy ng ekonomiya nga Pilipinas. Pangalawa, ang
marijuana ay makatutulong sa mga mag-aaral, nagtatrabaho at mga taong may sakit kung ito
ay gagamitin sa tama at saktong paraan. Ang marijuana ay nakatutulong na maiwasan ang
pagiging makakalimutin at mabago muli ang mga patay na brain cells na nagiging sanhi ng
Alzheimer’s disease.

Aking idinidiin na ang paggamit ng marijuana ay makabubuti lalo na sa larangan ng


medisina. Makatutulong ito na maging alternative sa mga mamahaling gamot na nagdudulot
naman ng side effects. Kung may moderasyon sa paggamit nito, ito ay magdudulot ng
kabutihan lalo na sa mga may sakit pero ang pag abuso sa paggamit nito ay dapat na bigyang
parusa ng naaayon sa batas.

References:

Castle, David. Marijuana and Madness: Psychiatry and Neurobiology Cambridge University
Press, 2004, p.118

Earleywine, Mitch. Understanding Marijuana: A New Look at the Scientific Evidence Oxford
University Press, 2005, p.118

Rosenthal, Ed. Why Marijuana Should be Legal. Running Press, 2003, p. 87

Zimmer, Lynn. Marijuana Myths Marijuana Facts: A Review of the Scientific Evidence.
LIndersmith Center, 1997, p. 202

You might also like