You are on page 1of 1

Nakapagpapalalang lunas

Tugon sa medikal na pangangailangan, lusot na sa komite ng Kamara ang panukalang


legalisasyon sa paggamit ng marijuana o cannabis bilang alternatibong gamot at medisina.
Kung susumahin, ang pagpapatupad ng nasabing panukala ay oo nga’t tugon sa
pangkalusugang aspekto ngunit ito’y magbubunga lamang ng higit pang mas malaking
problema.

Magiging isang malaking dagok ang haharapin ng Department of Education (DOH) dahil
kilala ang kasalukuyang administrasyon sa kampanya kontra droga. Ang pangulo bilang isang
personalidad na kinamumuhian ang droga at krimen ang siyang nangunguna sa nasabing
kampanya. Kung ang nasabing panukala ay tuluyang maisasabatas, ang umiiral na Kampanya
kontra Droga ay mawawalan ng kredibilidad at kapangyarihan.

Sa lantarang kaisipan, mapagninilayang ang marijuana ay unang nakilala ng mga


Pilipino bilang isang nakaka-adik na halaman at hindi bilang gamot. Nakasaad sa Republic Act
9165 na ang marijuana ay isa sa mga ipinagbabawal sa pamilihan dahil sa pagiging nakaka
adik nito. Kahit pa napatunayan sa Amerika na ito’y nakagagamot sa sakit na cerebral palsy,
hindi mapagkakailang mayroon din itong masamang epekto lalo na’t sa pag-iisip.

Sa kabilang banda, sinasagot lamang ng panukala ang matagal ng paghihintay ng mga


grupo at pasyenteng may karamdaman. Idagdag mo pa ang madali nitong pagtatanim sa mga
bakuran at bakanteng lote na higit na makatutulong sa mga mahihirap na may sakit.
Matatandaan ding gumaling sa sakit na cerebral palsy ang batang si Sachi Ballesteros sa di
umanong paggamit ng cannabis.

Ngunit sa pagpapanukalang ito sa nasabing halamang gamot, pinapasakay lamang ang


mga Pilipino na kumapit sa huwad na pag-asa. Kinakailangan pa ang masusing pag-aaral at
pagsusuri kung ito ba talaga ay mabisang lunas para sa mga sakit na cerebral palsy, kanser,
epilepsy at iba pa. Kung ang kontra drogang programa nga ng pamahalaan ay hindi
napaghandaan ng maayos, paano pa kaya ang maayos na pamamahagi ng marijuana.
Kinakailangan din ang higit pang maayos na pagmomonitor at regulasyon ng cannabis. Kung
hindi, ito lamang ay matutulad sa iba pang mga walang saysay at minadaling batas.

Ang nabanggit na Medical Act ay naghahangad lamang na tugunin ang daing ng mga
Pilipinong karapat-dapat lamang na bigyang pansin. Gayunpaman, hindi lamang natin dapat
ipagsawalang bahala ang mga peligrong dulot nito. Kung ang pag-iimplementa ng cannabis
bilang gamot ay magiging isa lamang pag-asang mahirap abutin, huwag na lamang nating
hamakin ang pakikipagsapalaran sa isang lunas na higit lamang na makapagpapalala.

You might also like