You are on page 1of 1

“Bakit mas kapaki-pakinabang ang Pagbabasa kaysa sa panonood ng Telebisyon”

Ang pagbabasa ay mas kapaki-pakinabang kysa sa panonood ng telebisyon, ito


ay dahil, una sa lahat, ang pagbabasa ay isang importanteng bagay na katutulong sa
ating buhay sa araw araw. Pangalawa, ito ay makakaapekto sa takbo ng ating
buhay. Pangatlo ito rin  ay maituturing na isang mabuting pagi-ehersisyo sa ating utak.
Sa madaling salita, mas mabuti at kapaki-pakibang ito kumpara sa panonood ng
telebisyon o pakikinig sa radyo. 

Ayon kay Maryanne Wolf, director ng Center for Reading and Language Research
sa Tufts University, sa pagbabasa raw ay mas mapipilitan tayong gumawa ng naratibo
(narrative)at mag-imagine. Sa pagbabasa kasi, mas may oras tayong mag-isip. Sa
pamamagitan din ng pagbabasa magiging pamilyar tayo sa mag salitang hindi pa natin
nalalaman bigkasin o banggitin.

Ang pagbabasa rin ay nakatutulong sa pagpapataas ng ating bokabularyo. Pag


tayo ay mahilig magbasa maraming tayong matutunan at malalaman na iba’t ibang
bagay. Malalaman natin ang mga  kasagutan tungkol sa iba’t-ibang bagay. Sa
pamamagitan din ng pagbabasa ay makapagiisip tayo ng malalim. Sa pamamagitan din
ng pagbabasa ay maeehersisyo ang paraan natin sa pag iisip sa maga bagay bagay.

You might also like