You are on page 1of 8

Sanaysay: Layon ng

Marijuana Pangmedisina
BUEMIA, Joy
CA5-A1
PANIMULA
Layon ng Marijuana Pangmedisina
Ang Marijuana ay isang halaman na maituturing na gamot at droga na palaging
tinatalakay at ipinagdedebatehan kung nararapat ba itong gawing legal o hindi.
Dagdag pa ang debate kung ito ay gawing legal at kung paano ito gagana. Marahil
iba’t-iba ang pananaw ng mga tao ukol dito kung ito ba ay marapat na ipalegal o
marapat na hindi. Kung ating titignan ang mga benepisyo, walang tanong na ang
Marijuana ay dapat na gawing legal sa buong bansa. Mas maraming positibong
bagay naman ang maaaring maging resulta mula sa pagiging legal nito. Ang
Marijuana Pangmedisina ay may magandang maidudulot hindi lamang sa
tao gayundin sa bansa sapagkat may layon ito na maaaring makatulong sa
mga may sakit, sa ekonomiya at higit sa lahat hindi nakakasira sa kalikasan
bagkus ay nagagamit pa ito sa iba’t-ibang paraan at bagay. (thesis statement)
KATAWAN
Layon ng Marijuana Pangmedisina
Marami na ang nagpatanunay na ang halamang marijuana ay nakakagamot
ngunit marami pa ring mga tao ang tumutuglisa dahil sa masamang epekto nito sa
ibang tao, talaga naman ang Marijuana ay ang isa sa mga abusadong droga sa
buong mundo. Ayon sa Drugfreeworld.ph, ang mga bumubuo sa halamang
marijuana ay maaaring may nakakagamot na mga katangian. Hindi iyon katulad ng
“medisina”. Ang medisina ay nagagawa kapag pinipiga ng laboratoryo ang
medicinal compound, ginagawa itong istandard at binibigyan ito ng dosis na
tamang sukat at standardized na dami ng nirereseta ng doktor. At ayon pa sa
Drugfreeworld.ph, sa medikal na mga gamit ng marijuana, nagtataglay ito ng isa
pang kemikal na matatawag na CBD na kilala sa terminong cannabidiol. Ang
substansyang ito ay maiuugnay sa paglikha ng medikal na benepisyo na
nakakatulong sa mga may sakit.
Layon ng Marijuana Pangmedisina
Iminumungkahi rito na ang medikal na langis ng cannabis ay maaaring
makabawas sa pamamaga at sakit na pinatotohanan sa isang artikulo sa
Sunday Mirror, Propesor Sir Simon Wessely, dating Pangulo ng Royal
College of Psychiatrits, na ang ilang mga produktong cannabis ay maaaring
magkaroon ng mga benepisyo sa medisina, tulad ng pagpapagamot ng multiple
sclerosis. Ang CBD ay maaari ring maging kapaki-pakinabang sa paggamot
nang alzheimer’s, arthritis, glaucoma, multiple sclerosis, cancer, epilepsy at iba
pa. Pinatuyan na rin na ang langis mula sa CBD ay nakababawas sa
pagkabalisa, mga sintomas ng pabago-bago ng kalagayan ng loob at hindi
pagkakatulog. Kung benepisyo lamang ang usapan napakaraming pakinabang
nito dahil kaya nitong husayin at mapigilan ang mga karamdaman.
KONKLUSYON
Layon ng Marijuana Pangmedisina
Lahat ng bagay sa mundo ay may maganda at hindi magandang
maidudulot maging ang lahat ng sobra ay nakasasama. Sa kabila ng
katotohanang hindi lahat ng tao ay may magandang impresyon sa Marijuana
pangmedisina marami naman ang nagpatunay kung gaano ito nakakatulong.
Ang medikal na marijuana ay marapat na gawing legal hindi lamang sa
Pilipinas gayundin sa ibang bansa sapagkat marami itong mga pakinabang,
na napatunayan ito sa agham. Ang pagpapalegal sa paggamit ng marijuana
ay lubos na makakatulong sa sektor ng medisina sa pamamagitan ng
pagpapahintulot sa mga manggagamot na magkaroon ng legal na paggamit
nito. Sa katunayan, marami na ring bansa ang naglegal nito dahil nakita nila
ang kagandahang dulot nito sa tao, sa medisina at sa ekonomiya.

You might also like