You are on page 1of 3

Trisha Faye T.

Plana 12-Artemis

Legalisasyon ng Medikal na Paggamit ng Marijuana

Ang marijuana ay isang halaman na nagmula sa cannabis. Ito ay isang uri ng halaman

na “psychoactive” na gamit na ginagamit kadalasan sa Katutubo, Gitna o Timog Asya. Sa

mga nasabing lugar, kilala ang cannabis o marijuana bilang gamot panglibang at sa iba’t

ibang tradisyonal na paggamot. Ayon kay Paul Frysh (2021), ang marijuana ay isang bagay

na maaaring makapagpabago ng isp na makaaapekto sa utak at kataawan ng gumagamit. Ito

ay magreresulta sa pagkahumaling at maaaring makasama sa kalusugan ng isang tao. Ang

paggamit sa cannabis na ito ay may mga masamang maidudulot sa katawan at sa isipan ng

sinuman ang gagamit nito. Legalisasyon ng medical na paggamit ng marijuana ay dapat

ipagbawal sapagkat ito ay nakakaapekto sa kalusugan ng pag-iisip at maaaring magresulta sa

sobrang pagkahumaling sa paggamit nito.

Sa ibang mga bansa, ang marijuana ay maaaring magamit ang marijuana kapag ang

isang tao ay nakakaranas ng pagsusuga dala ng chemotherapy o anxiety. Sa paggamit ng

marijuana ay makakatulong ito sa mga taong nakakaranas ng ganitong mga karamdaman.

Ang marijuana ang tumutulong sa kanila para maibsan ang sakit na kanilang nararamdaman.

Ayon sa artikulo na Druginc, ang paggamit ng marijuana ay nakakatulong upang Hindi

kumalat ang mga malulubhang sakit tulad na lamang ng kanser. Ayon sa artikulong ito ang

paggamit ng marijuana ay nakakatulong din sa utak upang maiwasan ang concussion o

trauma. Ayon sa House Bill 4477, ang paggamit ng cannabis ay maaaring magamit lamang

ng mga pasyenteng may malalang mga karamdaman. Ayon naman sa House Bill 6517, ang

maaari lamang magkaroon nito ay ang mga kwalipikadong pasyente o lehitimong pasyente na

dumaan sa ebalwasyon ng mga qualified physician, caregiver at iyong mga niresetahan ng

doktor. Paano ba natin masasabing nakakatulong ito sa kalusugan ng mga tao kung ang
pangunahing epekto ng paggamit ng marijuana ay nakakapagpa high ng isang tao at

nagdudulot din ng pagka-adik dito? Marapat lamang na ipagbawal o hindi gawing legal ang

paggamit ng marijuana.

Ang unang dahilan kung bakit dapat ipagbawal ang legalisasyon ng medical na

paggamit ng marijuana ay dahil ito ay nakakaapekto sa kalusugan ng pag-iisip ng tao. Ang

marijuana ay isa na ring droga na nagiging sanhi ng pagiging high ng mga gumagamit nito.

Ang paggamit ng marijuana ay may mga hindi kaaya-ayang epekto sa pag-iisip ng mga tao.

Ayon Kay Paul Frysh (2021), ang paggamit ng marijuana ay maaaring magdulot ng

pagkabahala sa isang tao na kahit sa anumang mga sitwasyon na kanilang gagawin o

makakasalamuha ay mababahala sila. Ang sobrang pagpapanic ay isa ring magiging resulta

ng paggamit ng marijuana na kahit sa simpleng ingay lamang or simpleng pagkakamali ay

magpapanic na ang mga taong gumagamit ng marijuana. Sa paggamit nito, ang biktima ay

maaaring magkaroon ng clinical depression. Ang clinical depression ay ang

pinakamalubhang uri ng depresiyon na kinakailangan ng mating pangangalaga at pag-uunawa

sa taong nakararanas nito. Ang isa pang maaaring makuha ng biktima sa paggamit ng

marijuana ay maaaring lumala ang kanilang dinadanas na mental disorder na maaaring

magdulot sa kanila ng trauma o labis na pagpapanic sa kahit anong bagay na kanilang

ginagawa. Marapat lamang na hindi gawing legal ang medikal na paggamit ng marijuana.

Ang pangalawang dahilan kung bakit ipagbawal ang legalisasyon ng medical na

paggamit ng marijuana ay dahil ito ay maaaring mag resulta sa sobrang pagkahumaling sa

paggamit nito. Ang paggamit ng marijuana ay napatunayan na nakakapagpa-adik sa taong

gumagamit nito na pagkatapos nilang subukin ito ng ilang beses ay hinahanap-hanap na nila

ito. Ayon sa Hazelden Betty Ford Foundation, ang paggamit ng marijuana ay nakaka-adik

sapagkat ito mayroong taglay na sangkap na siyang dahilan sa pagka-adik ng tao rito. Ang

mga kamakailang uso tungo sa mas malawak na pagtanggap ng lipunan sa paggamit ng


marijuana at pagtaas ng pagkakaroon ng parehong panlibang at medikal na mga anyo ng

gamot ay maaaring tumaas ang rate ng pagkagumon sa mga matatanda at sa mga kabataan.

Ayon kay Philippine Medical Association (PMA) President Dra. Calimag, “ang legalisasyon

ng marijuana ay delikado sa publiko lalo na sa mga kabataan dahil walang garantiya na

makokontrol ito kahit mayroong regulasyong itatakda ng batas”. Ang paggamit ng marijuana

ay dapat hindi ipatupad sapagkat ito magreresulta lamang sa pag-abuso ng mga tao sa batas

ma ipapatupad. Dapat ay ipagbawal ito sa anumang aspeto ng paggamit sapagkat walang

kagandahang maidudulot ito sa mga tao at sa pamayanan.

Dapat ipagbawal ang marijuana dahil nakakaapekto ito sa kalusugan ng isip at

maaaring humantong sa pagkaadik at labis na paggamit dito. Kahit na mayroong kaunting

magandang dulot ang paggamit ng marijuana, mas marami pa rin ang masamang dulot nito.

Ang kaunting magandang epekto ng paggamit ng marijuana ay maaaring magresulta sa mas

malalang karamdaman na mas matagal masolusyonan. Para maiwasan ang mga masasamang

dulot na ito, dapat ipagbawal ang paggamit ng marijuana.

You might also like