You are on page 1of 1

Pag-ligal ng Medikal na Marijuana, Panahon na ba?

Dahil sa nagdaang eleksyon, maraming panibagong muka and naihalal. Kasabay nito ay mga
panibagong batas na gusto nilang ipatupad. Isa sa mga ito na matagal na panahon ng pinag uusapan ay
ang pag li-legal ng Cannabis plant o mas kilala sa tawag na Marijuana sa Pilipinas. Sa pagkapanalo sa
pagka senador ng artistang si Robin Padilla, isa ito sa mga unang batas na kanyang unang binigyang
pansin. Dahil sa kilos na kaniyang ginawa, ibat ibang reaksyon ang ibinigay ng mga mamamayan ukol
rito. Marami ang pumabor, ngunit marami din ang hindi sumang ayon, ngunit para sa akin, pabor ako sa
usaping ito.
Ang pagkaka alam ng karamihan sa tao sa Pilipinas, ang marijuana ay isang mapaminsalang
droga na nagdudulot ng masamang bagay sa isang tao. Kapag kinaadikan ito, nag reresulta ito sa pagiging
kriminal, kawalan ng trabaho, at kababaan ng antas sa buhay. Maliban dito, nagdudulot rin ang Marijuana
ng panunuyo ng bibig, pagka antok, pagkapagod, katamtamang sakit ng ulo, at pagkahilo. Kung iisipin ay
wala namang malubhang sakit ang naidudulot ng paggamit ng Marijuana, lahat lamang ng masamang
naidudulot nito ay bunga din lamang ng pagka adik ng mga tao rito. Kung kasabay ng pag legal sa
Marijuana ay mga batas na paglimita sa pag gamit nito, sa tingin ko ay wala namang mali at panahon
nanga para dito. Ayos sa Senate of the Philippines (2022), kung maisasabatas ang Senate Bill 230 ni
Robin Padilla, ay malaking panalo para sa mga Pilipinong pasyente na makakakuha ng murang gamot, at
para sa gobyerno, na makakakuha ng mahusay na buwis.
Isa sa mabuting dulot nito ay ang pagtulong nito sa mga taong may kanser. Ilang ebidensya ang
nagsabi na ang Marijuana ay nakakatulong para magamot ang pagka hilo at pagsusuka na dulot ng
chemotherapy na kailangan sa pag gamot ng kanser. Isa pa dito ay ang pag papabagal ng pag dami at pag
laki ng kanser. Ilan sa mga mabubuting dulot ng marijuana sa larangan ng medisina ay ang pag kontra
nito sa pagiging alcoholism at pagka adik sa mas delikadong droga. Isa pa dito ay ang pagiging epektibo
nito sa pag gamot ng pananakit ng katawan o chronic pain. Isa din ditom ngunit wala pang sapat na
ebidensya ay ang pagiging epektibo nito sa ibat ibang mental health conditions tulad ng depresyon at
post-traumatic stress disorder.
Kung mapapansin, mas madami ang mabuting maidudulot ng Marijuana sa tao kaysa sa
ikakasama nito. Lalo na lamang kung bibigyan pa ito ng sapat na batas na nag lilimita at nagpoprotekta sa
pag gamit nito. Dahil tanging sa pag ka adik lamang nito ito nag kakaroon ng masamang dulot sa tao.
Kaya’t kung ako ang tatanungin, masasabi ko na pabor ako sa pag legal ng Marijuana at sa tingin ko ay
panahon na para dito.

You might also like