You are on page 1of 7

EDITORYAL NA NAGBIBIGAY PARANGAL

“Paalam Meriam”
MATAPANG at palaban. Iyan ang tatak ni Senador
Miriam Defensor-Santiago. Kapag nagsalita si Miriam,
naroon ang tigas at walang pakiyime-kiyeme. Sinasabi
kung ano ang nasa loob. Walang takot kahit sino pa ang
mga kaharap. Naghahamon siya ng barilan at suntukan.
Wala raw siyang aatrasan. Dahil sa matinding paglaban
sa mga corrupt sa pamahalaan, tinagurian siyang “Iron
Lady of Asia’’. Sanay na raw siyang mag-almusal ng
“death threat”.

Kahapon, yumao na si Miriam sa edad na 71. Dalawang


taon siyang nakipaglaban sa lung cancer. Siya mismo ang
nagsabi na mayroon stage 4 cancer noong 2014. Tumakbo
pa siyang presidente noong Mayo katambal si Bongbong Marcos. Isang buwan bago ang eleksiyon, sinabi
niya na wala na raw siyang sakit kaya ipinasyang tumakbo sa eleksiyon. Kaya marami ang nabigla sa
kanyang pagyao.

Sa isang interbyu bago ang kanyang pagsabak sa eleksiyon noong Mayo, sinabi niyang ang hangarin
lamang niya kaya tatakbo sa pagka-presidente ay para mabago ang sistema ng pulitika sa bansa. Sinabi rin
niya na nararapat baguhin ng bawat isa ang kanilang sarili para magkaroon ng pagbabago sa bayan.

Ang kanyang pagnanais na magkaroon ng pagbabago sa bansa ang dahilan kaya tatlong beses siyang
tumakbo sa pagka-presidente. Una ay noong 1992 na napalunan ni Fidel Ramos. Tumakbo uli siya noong
1998 na napanalunan naman ni Joseph Estrada at panghuli noong Mayo na napanalunan ni Rodrigo
Duterte.

Bago naging senador, naging trial court judge muna siya at naging Immigration commissioner. Tatlong
sangay ng pamahalaan ang kanyang dinaanan kaya hindi mapapasubalian ang kanyang kakayahan. Walang
makakapantay sa kanyang mga nagawa bilang lingkod-bayan.

Yumao si Miriam pero ang katawan lamang niya ang nawala. Ang alaala ng kanyang mga nagawa sa bansa
ay hindi malilimutan. Laging sasambitin ang kanyang pangalan.

Ito ay editoryal na nagbibigay parangal sapagkat ang editoryal na ito ay


nagbibigay-puri sa mabubuting nagawa ng tao institusyon. Sa editoryal na ito
binibigyang-puri si Meriam Santiago.
EDITORYAL NA NAGPAPABATID
Problema ang illegal na droga

TALAMAK na ang problema sa illegal drugs at


naghahatid na ng takot. Kahit sa liblib na lugar sa
bansa ay mayroon nang illegal na droga at ginagawa
nang halimaw ang mga kabataan. Ang metham-
phetamine hydrochloride o shabu ang karaniwang
ginagamit sa kasalukuyan. Ipinapasok ang droga sa
pamamagitan ng pagbibitbit ng drug mules galing
ibang bansa at mayroon din namang dito na ginagawa
ang shabu. Umuupa ng apartment sa mga eksklusibo
at mayayamang village ang drug syndicate at doon
niluluto ang shabu.

Kahit saan ay may shabu. Maski ang National Bilibid


Prisons (NBP) ay mayroon ding shabu. Shabu ang dahilan kaya nagkaroon ng pagsabog sa NPB maximum
security noong nakaraang linggo na ikinasugat ng anim na preso. Umano’y isang drug lord na nakakulong
ang pinag-aagawan ng mga grupo ng bilanggo.

Pagkalulong sa shabu ang naging dahilan kaya kinidnap, ginahasa at pinatay ang isang UST graduate sa
Molino, Bacoor. Cavite ilang linggo na ang nakararaan. Inamin ng magkapatid na traysikel drayber na
gumamit muna sila ng shabu saka kinidnap ang babaing pasahero nila. Dinala nila sa isang kubo at doon
ginahasa at pinatay.

Drug addict din umano ang pumatay sa isang babaing UPLB student sa Calamba City kamakalawa. Nag-iisa
umano sa bahay ang estudyante nang pasukin ng addict at pinagsasaksak. Pagkaraang patayin, ninakaw pa
ang mga gamit ng estudyante.

Kamakalawa, isang Amerikano ang nahulihan ng P50-milyong halaga ng shabu sa tinutuluyan nitong condo
sa Makati City. Ang Kano umano ang nagsusuplay ng shabu sa ilang kilalang personalidad sa Makati.

Bakit hindi mapigilan ang pagkalat ng shabu? Kahit saan at kahit kailan ay maaaring makakuha ng shabu.
May ginagawa bang hakbang ang drug enforcement agency para mawasak ang drug syndicates?

Paigtingin ang kompanya laban sa illegal na droga. Kawawa ang mamamayan sa mga “lilikhain” pang
kabataang halimaw.

Ito ay editoryal na nagpapabatid, sapagkat ito ay nagbibigay lamang ng


impormasyon tungkol sa isyung pinag-uusapan. Nagbibigay impormasyon
tungkol sa masamang dulot ng droga sa ating kalusugan.
EDITORYAL NA NAMUMUNA
Pagtuunan naman ang korapsiyon

TAPOS na ang anim na buwan na inilaan ni Pres.


Rodrigo Duterte para sugpuin ang illegal drugs. At
sa aming palagay, nagawa na ng Presidente ang
nararapat. Marami nang drug syndicates at galamay
nito pati na pushers ang nalambat. Marami na ring
napatay sa police operations --- mahigit 2,000 at
marami nang sumukong drug pushers. Pati drug
addicts ay kusang nagtutungo sa mga awtoridad at
sumusuko dahil sa pangambang madamay sila sa
bagsik ng kampanya laban sa droga.
Nakapagpagawa na ng mega rehabilitations center
ang pamahalaan sa Nueva Ecija na kayang i-
accommodate ang mga drug addict na gustong
magbagumbuhay. Ayon kay Duterte, marami pang
rehab centers ang gagawin para mapabilis ang paggaling ng mga drug dependent.

Masasabing tagumpay ang giyera laban sa droga ng Duterte administration. Sa tagal ng panahon na ilang
Presidente na rin ang nagdaan at wala ni isa man sa kanila ang matapang na nakipaggiyera laban sa drug
syndicates maliban kay Duterte. Siya lamang ang walang takot na naghayag ng mga pangalan ng pulis at
pulitikong sangkot sa illegal na droga. Wala nang iba pa. Sa talamak na paglaganap ng droga sa bansa, ma-
isisisi ito sa mga nagdaang Presidente. Hinayaan nilang mamayani rito ang mga sindikato ng droga.
Hinayaang makapagluto ng shabu sa mga bahay sa ekslusibong subdibisyon at maski sa liblib na probinsiya
ay walang takot kung magtayo ng shabu lab. Pero nang maupo si Duterte, maraming nawasak sa mga ito.
Sa loob ng anim na buwan, maraming nalipol.

Ang dapat namang pagtuunan ngayon ni Duterte ay ang talamak na corruption sa maraming tanggapan ng
pamahalaan. Sa kabila ng mga banta ni Duterte, marami pa rin ang ayaw tumigil sa pagnanakaw. Ngayong
2017, dapat nang taningan ni Duterte ang mga corrupt. Gamitan ng kamay na bakal. Sila ang dapat na
isunod para naman makalaya sa korapsiyon ang bansang ito. Dito masusubok ang tapang ng Presidente.

Ito ay editoryal na namumuna sapagkat pinupuna at inilalahad ditto ang di


mabuting dulot ng korapsyon sa ating bansa.
EDITORYAL NA NAGPAPAKAHULUGAN
Martial law
HABANG nasa Moscow,  Russia, dineklara ni Pres. Rodrigo Duterte
ang martial law sa buong Mindanao. Ito ay kasunod ng pagsalakay
ng Maute Group at Abu Sayyaf sa Marawi City, Lanao del Sur noong
Martes. Kinubkob ng mga terorista ang isang ospital at sinunog
ang simbahan doon. Nagkaroon ng labanan at mayroong mga
napatay. Mayroon din umanong dinukot na pari, church workers at
mga sibilyan.

Pinutol ni Duterte ang pagbisita sa Russia at agad na bumalik sa


bansa kahapon dakong alas singko ng hapon. Sa kanyang talumpati
sa NAIA, sinabi niyang dineklara niya ang martial law para
mapigilan ang paglawak ng kaguluhan sa Mindanao dulot ng
terorista. Kailangang maprotektahan ang seguridad ng bansa. At
maaring umabot pa sa Visaya ang martial law. May posibilidad din
umano na baka ideklara sa buong bansa ang martial law. Sinabi ng Presidente na magiging malupit siya sa pagkakataong ito.
Sinabi rin niya na kailangang ma-preserved ang bansa kaya siya nagdeklara ng martial law.

Maraming beses nang sinabi ni Duterte sa nakaraan na maaari siyang magdeklara ng martial law. Kauupo pa lamang niya noong
Hunyo 2016 ay may himig na ng martial law ang namumutawi sa kanya. May kaugnayan sa paglaban sa illegal na droga ang
dahilan kaya nais niyang magdeklara ng martial law. Kailangang mapreserba ang bansa, paulit-ulit niyang sinabi.

Maraming mambabatas ang sumasang-ayon sa pagdedeklara ni Duterte ng martial law sa Mindanao. Pero bakit naman pati sa
Visayas at sa buong bansa na. Sa Mindanao lang may kaguluhan kaya dapat doon lang magkaroon ng batas military. Una nang
sinabi ng Philippine National Police (PNP) na wala pang nakakapasok na ISIS sa Metro Manila kaya ang pagdedeklara ng martial
law sa buong bansa dahil dito ay hindi pa nararapat. Mag-concentrate lang sa Mindanao sapagkat naroon ang kalaban. Ibuhos
ang pu-wersa para malipol ang mga terorista.

Ito ay editoryal na nagpapakahulugan dahil ang pinakalayunin nito ay


magpakahulugan sa isyung pinag-uusapan, yun ay ang Martial Law..
EDITORYAL NA NANGHIHIKAYAT
Huwag sirain ang Inang Kalikasan
NGAYON ay Araw ng Daigdig (Earth Day). Ang iba marahil ay
magtataka sapagkat mayroon palang Araw ng Daigdig.
Ginugunita rin pala ito. At nakapagtataka namang kapag
sumasapit ang ganitong araw saka lamang napagtutuunan ng
pansin ang pagmamahal sa daigdig at sa likas na kayamanan
nito. Ngayon lamang nakikita ang kalagayan ng Inang Kalikasan
na sinisira mismo ng mga taong nakatira rito.

Nagbabago na ang klima ng mundo at ang sabi ng mga


eksperto ito ay dahil sa pagsira ng tao sa kalikasan.
Nakapagtatakang kahit sa panahon ng tag-init ay may mga
pagbahang nagaganap at pagguho ng lupa. May mga bagyong
nagaganap na sumisira ng mga ari-arian at pumapatay sa maraming tao.

Kamakailan ay naguho ang lupa sa Bgy. Guinsaugon, St. Bernard, Southern Leyte. Ang walang tigil na pag-ulan ang
itinuturong dahilan kaya nabiyak ang bundok. Pero mas marami ang nagsabi at kami man ay naniniwalang ang talamak na
pagsira sa kabundukan doon ang dahilan. Walang tigil ang pagputol ng mga kahoy at dahil wala nang mga kahoy, humina
ang lupa na naging dahilan para gumuho. Hindi lamang sa Bgy. Guinsaugon nangyari ang landslide kundi pati sa Quezon at
Aurora na ang tinuturong dahilan ng trahedya ay illegal logging operations.

Hindi lamang illegal logging ang sumisira sa Inang Kalikasan kundi pati na rin ang grabeng air pollution. Ang Metro Manila
ay itinuturing na pinaka-polluted na lugar sa Asia. Sa kabila na may batas – ang Clean Air Act of 1999, hindi pa rin
malutas ang problema sapagkat walang ngipin ang batas na ito. Hindi maipatupad ng gobyerno ang batas na matagal ding
pinagdebatehan at pinagkagastusan.

Mahigpit na ipinagbabawal sa Clean Air Act ang paggamit ng incinerators, mga lumang motor ng sasakyan, pagsusunog ng
basura at paggamit ng leaded gas. Sa mga ito, ang paggamit ng leaded gas lamang ang naipahinto. Patuloy ang paggamit
ng incinerators, pagsusunog ng basura at ang pagyaot ng mga sasakyang nagbubunga ng nakalalasong usok.

Nasisira ang kalikasan dahil sa kasakiman mismo ng tao. Dito sa Pilipinas, may batas pero hindi maipatupad. Hindi
nakapagtataka na masira ang likas na yaman ng bansa dahil sa walang kakayahang pagpapatupad ng batas. Kawawa
naman ang mga susunod na lahi na maaaring wala nang mundong titirahan.

Ito ay editoryal na nanghihikayat sapagkat layunin nitong hikayatin ang


mambabasa na sumuporta sa planong aksyon. Gaya ng editoryal na ito,
hinihikayata ang mga tao na huwag sirain ang kalikasan dahil maraming
kabutihan ang naidudulot ng kalikasan.
EDITORYAL NA NAKIKIPAGTALO
Pagtanggal sa pork barrel
MARAMING nagwi-wish na tanggalin na ang Priority
Development Assistance Fund (PDAF) o ang pork barrel ng mga
mambabatas. Maski sa mga survey sa radio at TV programs, mas
nakala-lamang ang nagsabing i-abolish ang PDAF. Maski ang
Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ay
malakas ang panawagang tanggalin na ang pork barrel sapagkat
pinag-uugatan ito ng corruption.

Naging mainit ang isyu sa pork barrel nang mabunyag ang P10
billion pork barrel scam na kinasangkutan ng JLN group na pag-
aari ni Janet Lim-Napoles. Umano’y lumikha ng mga pekeng non-
governmental organizations (NGOs) ang JLN para makakuha ng
pondo mula sa pork barrel ng mga kongresista at senador. Nasa
24 na kongresista ang inaakusahan sa misused ng kanilang pork
barrel samantalang lima naman ang mga senador. Ang bawat
kongresista ay may P70 million na pork barrel para sa kanilang pet project
at P200 million naman sa bawat senador. Ayon sa whistleblower, nakakubra ang JLN nang malaking pera gamit ang mga pekeng
NGOs. Pinabulaanan naman ng JLN ang akusasyon.

Hanggang ngayon naman ay wala pang ginagawang pagsasampa ng kaso ang Department of Justice. Iniimbestigahan pa raw ito
ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sabi ng mga expert, mahirap daw basta tanggalin ang pork barrel. Siyempre ang unang tututol ay mga mambabatas. Isa pang
dahilan kung bakit hindi basta-basta matatanggal ay dahil hindi pabor si President Aquino sa abolisyon nito. Ang patunay na
kontra siya sa pagtanggal sa pork barrel ay nang muling isama sa 2014 budget ang P27-bilyon pork. Kung ang Presidente ay
kontra, mahirap ngang buwagin ang pork.

Sa ganitong senaryo, pinaka-mabuti kung uunti-untiin ang pagtanggal sa pork barrel. Bawat taon ay bawasan ito hanggang sa
tuluyang mawala. Ganito rin ang mungkahi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago. Sa P200 million na pork ng mga senador, gawin na
lang P100 million sa 2014, P50 million sa 2015 at zero na sa 2016. Sa mga kongresista na may pork na P70 million, gawing P35
million sa 2014 at P15 million sa 2015 at zero na sa 2016.

Ito ay editoryal na nakikipagtalo sapagkat ang namamayani rito ay ang layuning hikayatin ang
mambabasang paniogan ang ipinaglalabang paniniwala o ideya ng patnugutan. Sa editoryal na ito,
marami ang nakikipagtalo na tanggalin na ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o ang
pork barrel ng mga mambabatas.
EDITORYAL NA NAGPAPAHAYAG NG NATATANGING ARAW

Bagong Taon, bagong simula!


ANG pagsisimula ng Bagong Taon ay panibagong simula at
panibagong pagkakataon para sa atin upang gawin ang mga nais
nating gawin, baguhin ang mga masasamang gawi, at tuparin ang
ating mga pangarap. Ngayong Bagong Taon ay marami rin tayong
hinahangad at inaasahan na mangyayari, hindi lang para sa ating
mga sarili kundi para sa ating bansa.

Sana ay magawan ng solusyon ng pamahalaan ang napakabigat na


problema ng trapik. Nawa ay maging disiplinado ang mga
gumagamit ng ating kalsada upang magbigyan at sumunod sa mga
batas trapiko, tamang babaan at sakayan at manumbalik ang
respeto sa mga tagapagtupad ng batas trapiko.

Nawa ngayong taon ay maisaayos na ang tila naghihingalong mga tren ng


LRT at MRT na siyang malaking tulong sana upang mabilis at maagang makarating sa destinasyon ang maraming taga-lungsod.
Inaasahan na ngayon taon ay darating na ang bagong bagon ng mga tren at sana nga ay maipatupad ito nang maayos at walang
hokus-pokus para sa benepisyo ng mananakay

Sana ay maging handa ang pamahalaan sa matinding epekto ng El Niño sa paparating na tag-init. Nawa ay handa ang sektor ng
agrikultura upang tulungan ang ating mga magsasaka na maaaring mawalan ng kabuhayan dahil sa inaasahang matinding tag-
init. Gayundin ang sektor ng enerhiya sa posibilidad ng kakulangan ng suplay at pagkaantala ng negosyo at ekonomiya X

Sana ay mabilang nang tama at sakto ng Commission on Elections (Comelec) ang boto ng mga mamamayan sa darating na
halalan. Hangad natin na magtagumpay sila, sa tulong ng mapagmatyag na mamamayan, sa pagsigurong ang darating na halalan
ay magiging malinis, tapat at kapani-paniwala.

Nawa ang susunod na uupong Presidente sa kalagitnaan ng taon ay isang mahusay na lider na may kakayahang mapagkaisa ang
bansa, sa halip na maging sanhi pa ng pagkakawatak-watak ng mga Pilipino. Nawa ang kanyang liderato ay maging epektibong
tagapagpatupad ng batas at magdadala ng kaunlaran sa bansa, lalo na sa mas nakakaraming mahihirap.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:


Inaasahan natin na ang bagong taon ay magdudulot ng mga makabuluhang pagbabago sa mukha at kakayahan ng ating
pamahalaan upang mas makapagsilbi nang tama at sapat sa publiko.

Ito ay editoryal na nagpapahayag ng natatanging araw, tumatalakay ito sa


kahalagahan ng mga natatanging okasyon tulad ng halimbawa ng editoryal
na ito, tinutukoy o ipinababatid ang kahalagahan ng bagong taon sa buhay ng
isang tao.

You might also like