You are on page 1of 41

Wastong

Gamit ng
Bantas
Bantas
 Ang mga bantas (punctuation) ay
mga simbulo na nagpapakita ng
kayarian at kaayusan ng nakasulat na
wika, pati na ang intonasyon at
paghintong sandali (pagtigil na sandali)
na gagawin kapag nagbabasa nang
malakas. Sa nakasulat na Tagalog, ang
bantas ay mahalaga upang maging
malinaw ang kahalugan ng mga 
pangungusap.
Tuldok (.)
 Sa katapusan ng pangungusap na
paturol o pasalaysay at pautos.

 Igalang natin ang Pambansang Awit.


 Sa pangalan at salitang
dinaglat.

Si Gng. A.A. Jose ay mahusay


magturo.
Si Bb. Macarayan ang kanilang
guro sa asignaturang “Basic
Christian Living”.
 Sa mga titik o tambilang na
ginagawang pamilang sa bawa’t
hati ng isang balangkas, talaan.
I.
A.
B.
1.
2.
Pananong (?)
 Sa pangungusap na
patanong.

 Ano ang pangalan mo?


 Sasama ka ba?
 Pagpapahayag ng pag-
aalinlangan sa katumpakan
ng sinusundan.

 Nakaalis na kaya si Manuel


sa kanilang bahay?
Padamdam (!)
 Ginagamit sa hulihan ng isang kataga,
parirala o pangungusap na nagsasaad
ng matindi o masidhing damdamin.

 Mabuhay ang Pangulo!


 Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos.
 Aray! Naapakan mo ang paa ko.
Kuwit (,)
 Paghihiwalay ng buwan,
petsa at taon.

 Agosto 31, 1980


 Disyembre, 2014
 Paghihiwalay ng baryo,
bayan, lalawigan, kalye,
distrito at lungsod

 Lucban, Quezon
21 Del Pilar St. Sta. Ana,
Manila
 Pagkatapos ng bating
panimula at bating
pangwakas ng liham
pangkaibigan

 Mahal na kaibigan,
 Malugod na sumasainyo,
 Paghihiwalay ng panawag
o pangalan ng taong kausap.

 Ben, pumunta ka rito.


 Aalis ka na ba, Claire?
 Pagkatapos ng salitang
Oo at Hindi.

 Oo, pupunta ako.


 Hindi, ayokong sumama.
 Paghihiwalay sa sunod-
sunod ng mga salita o
magkakasamang diwa.

 Bumili siya ng karne,


sibuyas, petchay at patatas.
 Pahihiwalay ng
tuwirang sinabi sa di-
tuwirang pahayag

“Malulutas din natin ang


kaguluhan sa Mindanao,”
wika ng pangulo.
 Pahihiwalay sa pamuno
ng pangungusap

Si Agnes, lider ng mga


kabataan, ay nanguna sa
proyektong pangkalikasan.
Kudlit (‘)
 Ginagamit bilang pananda sa titik
na nawawala sa dalwang salitang
pinag-uugnay ng ay at at.

 Ako ay – Ako’y
 Iba at iba – Iba’t iba
 Bagaman at – Bagama’t
Gitling (-)
 Pag-uulit ng salita

 araw-araw
 dala-dalawa
 masayang-masaya
 Kung ang unlapi ay nagtatapos sa
katinig at ang salitang nilalapian ay
nagsisimula sa patinig na maaaring
magkaroon ng ibang kahulugan.
 pag-asa
 mag-alis
 nag-ulat
 tag-init
 may-ari
 Kung ang mga pantanging
ngalan ay inunlapian ng
maka- at taga-
 taga-Quezon
 maka-Rizal
 maka-Diyos
 Sa pagitang ng unlaping
ika- at tambilang

 ika- 8 n.u.
 ika- 10 anibersaryo
 ika- 12 ng tanghali
 Paghihiwalay ng salitang hiram
na ginamit ang orihinal na
baybay at ng panlapi nito.
 Nag-attend
 Nag-shopping
 Mag-beer
 i-click
 i-post
 Kapag nagdurugtong ng
dalawang bahagi ng
tambalang salita (di-ganap na
tambalan)
 halik-hudas
 bahay-kubo
 tubong-Maynila
 Kapag pinagkakabit ang
apelyido ng babae at ang
apelyido ng kanyang asawa.

Genoveva Edroza-Matute
Liwayway Arceo-Bautista
Corazon Cojuangco-Aquino
 Kapag isinulat nang patitik
ang mga yunit ng fraction.

 Isang-kapat (1/4)
 Tatlong-kanim (3/6)
 dalawang-kalima (2/5)
Sa pagpuputol ng salita kung hindi
abot o kasya sa linya ang buong
pahayag.

Mag-aral kang mabuti; ito’y maka-


kabuti sa iyong kinabukasan.
Tutuldok (:)
 Ginagamit kung may lipon ng
mga salitang kasunod o pag-iisa-
sa
 Maraming halaman ang
namumulaklak sa hardin tulad ng:
Rosal, Rosas, Orchids, Sampaguita,
Santan at iba pa.
 Pagkatapos ng bating
panimula ng pormal na liham
o liham-pangangalakal.

Dr. Garcia:
Bb. Zorilla:
 Sa paghihiwalay sa mga minuto
at oras, sa yugto ng tagpo sa isang
dula, sa kabanata at taludtod ng
Bibliya at sa mga sangkap ng
talaaklatan.
 8:00 n.u.
 Juan 16:16
 Unang Yugto: Tagpo 1
Tuldukuwit (;)
 Ginagamit sa pagitang ng mga
sugnay ng tamabalang
pangungusap kung hindi pinag-
uugnay ng pangatnig.

Mag-aral kang mabuti; ito’y


makakabuti sa iyong kinabukasan.
 Panghiwalay ng magkasamang
sangkap na ginagamitan ng kuwit
sa paghihiwalay ng mga sangkap na
panloob

Ang Tour of Luzon ay nagtigil sa


Cabanatuan, Nueva Ecija; Moncada,
Tarlac; at Lingayen, Pangasinan
Panipi (“ ”)
 Ginagamit upang ipakita ang
buong sinasabi ng isang nagsasalita
o ang tuwirang sipi.

“Hindi kinukupkop ang criminal,


pinarurusahan,” sabi ng Pangulo.
 Ginagamit upang mabigyan diin
ang pamagat ng isang pahayagan,
magasin, aklat at iba’t ibang mga
akda.
 Nagbukas na muli ang “Manila
Times”.
 Isang lingguhang babasahin ang
“Liwayway”.
 Napaluha ang marami nang
mapanood ang dulang “Anak Dalita”.
 Ginagamit sa pagkulong ng
mga salitang banyaga.

Ang binasa niyang aklat ay


hinggil sa bagong “Computer
Programming”.
Ang “health center” ay dinumog
ng nagpapabakunang mga tao.
Gatlang ( )
 Pagpapakita ng sakop na bilang,
petsa, at oras.

 1991 – 1998
 Oktubre 11 – 15
 Bilang 1 – 50
 Ipakita ang biglang tigil at
maipokus ang dagdag na bagay o
kaalaman ang pahayag (maaaring
kahulugan o paliwanag)
 Maaaring ang pinakaugat ng
konseptong ito ay ang ating
matandang sistema ng pagsulat – ang
Alibata.
Elipsis (...)
 Nagpapabatid na may
nawawalang salita o mga salita sa
siniping pahayag.

Kaya pinagtibay ni Pang. Aquino ang


mga desisyon laban sa terorismo…
Panaklong ( ( ) )
 Ginagamit upang kulungin
ang pamuno.

Ang ating pambansang bayani


(Jose Rizal) ang may-akda ng Noli
Me Tangere.
Sa paglilinaw o pagpapaliwanag ng
isang kaisipan sa loob ng pahayag.

 Si Jose Rizal ay binaril sa Luneta


(dating Bagumbayan) noong
Disyembre 30, 1896.
 Ginagamit sa mga pamilang o
halaga na inuulit upang matiyak
ang kawastuhan.
 Ang mga namatay sa naganap
na trahedya sa bansang Turkey ay
humigit-kumulang sa
labindalawang libong (12,000)
katao.
 Ginagamit sa mga
pamilang na nagpapahayag
ng taon.

 Jose P. Rizal ( 1861 – 1896 )

You might also like