Professional Documents
Culture Documents
1. TULDOK (.)
Gamit ng Tuldok (Period)
A. Ang tuldok ay ginagamit na pananda . Ginagamit din sa katapusan ng pangungusap
na paturol at pautos.
Halimbawa:
a. Mag-aral kayong mabuti.
b. Ang daigdig ay isang tanghalan.
• Ngunit kung ang pangungusap ay nagtatapos sa mga pinaikling salita hindi na
dinadalawa ang tuldok.
Halimbawa:
a. Aalis ako sa ganap na ika-7:00 n.g.
b. Si Jay ay nag-aaral sa P.S.H.S.
B. Ang tuldok ay ginagamit sa mga salitang dinaglat gaya ng ngalan ng tao, titulo o
ranggo, pook, sangay ng pamahalaan, kapisanan, buawan, orasan, bansa at iba pa.
Halimbawa:
a. Si Gng. Santos ay hindi na nagtuturo.
b. Si Juan K. Duran, Jr. ang ating panauhing pandangal.
C. Ang tuldok ay ginagamit pagkatapos ng mga tambilang at titik sa bawat hati ng isang
balangkas o ng talaan.
Halimbawa:
I. II.
A. A.
B. B.
1. a.
2. b.
2. PANANONG (?)
Gamit ng Pananong (Question Mark)
3. PADAMDAM (!)
Gamit ng Padamdam (Interjection)
Ang bantas na pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o
pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.
Halimbawa:
a. Mabuhay ang Pangulo!
b. Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos.
c. Aray! Naapakan mo ang paa ko.
4. KUWIT (,)
Gamit ng Kuwit (Comma)
5. KUDLIT(‘)
Gamit ng Kudlit (Apostrophe)
Ginagamit bilang kapalit o kung kumakatawan sa letra o sa mga letrang nawawala
kapag ang pang-ugnay o pananda sa pagitan ng dalawang salita ay ikinakabit sa unang
salita:
Halimbawa:
a. tuwa at hapis - tuwa’t hapis
b. kaliwa at kanan - kaliwa’t kanan
c. tayo ay aalis - tayo’y aalis
d. tahanan ay maligaya - tahana’y maligaya
6. GITLING(-)
Gamit ng Gitling (hyphen)
Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon:
D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o
kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling
Halimbawa:
a. maka-Diyos maka-Rizal maka-Pilipino
b. pa-Baguio taga-Luzon taga-Antique
c. mag-pal maka-Johnson mag-Sprite
d. mag-Corona mag-Ford mag-Japan
E. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat
sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan
Halimbawa:
a. mag-Johnson magjo-Johnson
b. mag-Corona magco-Corona
c. mag-Ford magfo-Ford
d. mag-Japan magja-Japan
e. mag-Zonrox magzo-Zonrox
7. TUTULDOK( : )
Gamit ng Tutuldok (Semicolon)
Ginagamit matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag.
8. TUTULDOK - KUWIT( ; )
Gamit ng Tutuldok-Kuwit (Semicolon)
Ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad sinusundan ng isa
pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig
C. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad halimbawa, gaya ng, paris ng,
kung nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa.
Halimbawa:
a. Maraming magagandang bulaklak sa Pilipinas na hindi na napag-uukulan ng pansin;
gaya ng kakwate, kabalyero, banaba, dapdap at iba pa.
9. PANIPI (“ ”)
Gamit ng Panipi (Quotation Mark)
Inilalagay ito sa unahan at dulo ng isang salita
10. PANAKLONG ( () )
Gamit ng Panaklong (Parenthesis)
Ang mga panaklong ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi direktang
kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginamit sa pangu-ngusap na ito.
2. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa
patinig na kapag hindi ginigitlingan ay nagkakaroon ng ibang kahulugan.
Mag-alis nag-isa nag-ulat pang-ako
Mang-ulo pang-alis tag-araw pang-ulan
Mag-asawa pag-aaruga pag-asa may-ari
4. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o
kagamitan, sagisag o simbulo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.
Maka-Diyos mag-Ajax maka-Rizal
Maka-Johnson maka-Pilipino mag-Sprite
Taga-Baguio mag-Corona taga-Luzon
Mag-Ford taga-Tubod mag-Pisay
Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay
nalilipat sapagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging
ngalan.
Mag-Johnson magjo-Johnson
Mag-Corona magko-Corona
Mag-Ford magfo-Ford
Mag-Sprite mag-i-Sprite
Mag-Zonrox magzo-Zonrox
Halimbawa:
mag-alis pang-ako nag-ulat
nag-isa mang-ulo pang-alis
3. Kapag may katagang nawawala sa pagitan ng dalawang salitang
pinagsama.
Halimbawa:
maka-Diyos mag-Ajax
maka-Rizal mag-Johnson
maka-Pilipino mag-Sprite
taga-Baguio mag-Corona
taga-Luzon mag-Ford
taga-Antique mag-Corolla
5. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o tambilang.
Halimbawa:
(Hango sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling sa Wikang Filipino.) Pinaluluwag ang
paggamit ng walong dagdag na letra. Ibig sabihin, ipinagagamit na rin ang mga ito sa ispeling ng lahat ng
hiram na salita anuman ang varayti nito kasama ang hindi formal at hindi teknikal na varayti, o iyong
tinatawag na karaniwang salita.
Ang mga hiram na salita na naglalaman ng alinman sa walong karagdagang letra na nabago ang ispeling
ayon sa umiiral na sistema ng pagsulat sa Filipino at umangkop na sa wika ay mananatili. Ituturing ang
mga ito na mga salitang may ibang baybay o lehitimong mga variant ng ispeling.
Sa pagdaraan ng mga taon, ang mahigpit na pagsunod sa mga bagong tuntunin sa paggamit ng walong
dagdag na letra ay inaasahang higit na pipiliin. Ang mga naunang paraan ng pagbabaybay gamit ang
walong letra ay magiging makaluma (archaic), hindi karaniwan o diyalektal.
Dahil ang mga letrang may katumbas na tunog o may fonemik na istatus lamang ang gagamitin sa
pagbaybay ng mga karaniwang salitang hiram, mananatili ang fonemik na katangian ng ating sistema ng
pagsulat.
Mahahati sa dalawang grupo ang walong dagdag na letra: Ang mga letrang F,J, V at Z na may tiyak na
fonemik na istatus, at ang mga letrang C, -,Q at X na itinuturing na redandant.
Ang mga letrang F, J, V at Z lamang ang gagamitin sa pagbaybay ng mga karaniwang salitang hiram na
binago ang ispeling sa Filipino. Ang apat na nabanggit na letra ay may tiyak na fonemik na istatus sa
palatunugang Ingles. Ibig sabihin, may iisang kinakatawang tunog ang mga letrang ito.
Samantala, ang mga letrang C, -, Q, X ay itinuturing na redandant. Ibig sabihin, hindi kumakatawan ang
mga ito sa iisa at tiyak na yunit ng tunog sa palatunugang Ingles kundi nakatutunog ng isa pang letra o
sunuran ng mga letra.
Ang letrang C ay nakakatulad ng letrang S sa pagkatawan nito sa fonemang /s/ at nakakatulad ng letrang
K sa pagkatawan sa fonemang /k/ depende sa mga tunog na nakapaligid dito. Halimbawa: central -
sentral; cabinet - kabinet. Ang Kastilang letrang - ay hindi kumakatawan sa isang tunog, kundi sa
sunuran ng mga tunog na /ny/. Halimbawa: ba-o - banyo.
Ang letrang Q ay kumakatawan naman sa tunog /k/ o sunuran ng mga tunog /kw/. Halimbawa: quezo
keso; quintuplet kwintuplet.
Mga Tuntunin sa
Pagbabaybay
Pabigkas na Pagbaybay
SALITA
Halimbawa:
aso = /ey-es-o/
kotse = /key-o-ti-es-i/
Madrid = /Kapital em-ey-di-ar-au-di/
PANTIG
Halimbawa:
i = ay
ay = /ey-way/
nars = /en-ay-ar-es/
DAGLAT
Halimbawa:
Dr. (Doktor) = /Kapital di-ar/
Bb. (Binibini) = /Kapital bi-bi/
AKRONIM
Halimbawa:
XU (Xavier University) = /eks-yu/
ASEAN (Association of Southeast Nations) = /ey-es-i-ey-en/
DAGLAT
Halimbawa:
AGA (Alejandro G. Abadilla)
= /ey-ji-ey/
CPR (Carlos P. Romulo) = /si-pi-ar/
Pasulat na Pagbaybay
a. Kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa.
Halimbawa:
dyanito (janitor)
pondo (fondo)
pormal (formal)
b. Ang dagdag na walong letra: C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z ay ginagamit sa mga:
1.) Pantanging Pangalan
Halimbawa:
Tao
Niña
Carlo
Frances
Lugar
Lipa
Quezon City
Zamboanga
2.) Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas
Halimbawa:
Señora (Kastila: ale)
vakul (Ivatan: →panakip sa ulo bilang pananggalang sa ulan at init, yari sa dahon ng saging)
Panumbas sa mga Hiram na Salita
a. Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino bilang panumbas sa mga salitang banyaga.
Halimbawa:
attitude – saloobin
wholesale – pakyawan
west - kanluran
b. Gumamit ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika ng bansa.
Halimbawa:
haraya
gahum
c. Sa panghihiram ng salita na may katumbas sa Ingles at sa Kastila unang preperensya ang hiram na
Kastila.
Halimbawa:
check - cheque - tseke
liquid - liquido - likido
d.
1. Kung konsistent ang baybay ng salita, hiamin ito nang walang pagbabago.
Halimbawa:
reporter; soprano; memorandum
2. Kung hindi konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito at baybayin nang konsistent.
Halimbawa:
leader - lider
jacket - dyaket
3. May mga salita sa Ingles o iba pang salita na lubhang di-konsistent ang ispeling.
Halimbawa:
champagne; doughnut
x-ray; zinc
4. Hiramin nang walang pagbabago ang mga simbolong pang-agham.
Halimbawa:
Ag - Silver
Hg - Mercuy
ANG GAMIT NG GITLING
Sa pag-uulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.
Ginagamit ang gitling (-):
Halimbawa:
gabi-gabi
pito-pito
Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsimula sa patinig.
Halimbawa:
pag-alala
mag-almusal
Kapag may katagang nawawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
pamatay ng insekyo → pamatay-insekto
Halimbawa:
lakad at takbo → lakad-takbo
Kapag may unlapi ang tanging pangalan ng tao, lugar, bagay o hayop.
Halimbawa:
Kapag may unlapi ang tanging pangalan ng tao, lugar, bagay o hayo
taga-Cagayan
magmo-Mozilla
Kapag ang Panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o tambilang.
Halimbawa:
ika-6 na mesa
ika-17 pahina
Kapag isinusulat nang patitik ang mga yunit ng praksyon.
Halimbawa:
tatlong-kapat (3/4)
lima't dalawang-ikalima
Kapag nananatili ang kahulugann ng dalawang salitang pinagtambal.
Halimbawa:
isip-bata
sulat-kamay
Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang asawa.
Halimbawa:
Rosen Legaspi-Cagang
Judalie Madrid-Aguila
Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.
Halimbawa:
Ginagamit ito sa pagsa-
sanay ng wastong pagbig-
kas ng mga salita pari-
la at pangungusap.
1. MAY at MAYROON
Ginagamit ang may kung ito’y sinusundan ng mga sumusunod na bahagi ng pananalita:
Pangngalan
Pandiwa
Pang-uri
Panghalip na Paari
Pantukoy na Mga
Pang-ukol na Sa
Nangangahulugang “mayaman”
2. KITA at KATA
Ang kita ay panghalip panao sa kaukulang palayon at may kailanang isahan. Ginagamit ito bilang
tuwirang layon o di-tuwirang layon ng pandiwa. Samantala, ang kata naman ay panghalip panao sa
kaukulang palagyo at may kailanang dalawahan. Ang kita ay tumutukoy sa kinakausap, at ang kata
naman sa magkasamang nagungusao at kinakausap.
3. KILA at KINA
4. NANG at NG
5. DAW/DIN at RAW/RIN
Ginagamit ang daw/din kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig; at raw/rin
kapag nagtatapos sa patinig.
Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali. Katumbas nito ang if sa Ingles; ang kong ay
panghalip panao sa kaukulang paari.
Ang kundi ay galing sa salitang “kung hindi” o if not sa Ingles; ang kundi naman ay except.
Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may tiket lamang.
8. PINTO at PINTUAN
Ang pinto (door) ay ang bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Samantala, ang pintuan
(doorway) ay ang bahaging kinalalagyan ng pinto.
9. HAGDAN at HAGDANAN
Ang hagdan (stairs) ay ang baytang na inaakyatan at binababaan. Samantala, ang hagdanan
(stairway) ay ang bahaging kinalalagyan ng hagdan.
Ginagamit ang operahin kung ang tinutukoy ay ang tiyak na bahagi ng katawan na titistisin. Ang
operahan naman ay tumutukoy sa taong sasailalim sa pagtitistis.
Hal. Ooperahin ang tiyan ni Rey sa Sabado.
Ginagamit ang walisin (sweep the dirt) kung tumutukoy sa bagay na aalisin o lilinisin
samantalang ang walisan ay tumutokoy naman sa lugar (to sweep the place).
Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas patungo sa loob. Ang ikot
naman ay mula sa loob patungo sa labas.
Hal. Nakatatlong ikit muna sila bago natunton ang daan patungo sa loob ng kuweba.
Nahirapan pala silang makalabas sa tunnel. Umikut-ikot muna sila sa loob nito bago nila nakita ang daan
palabas.
Ang sundin (to obey) ay nangangahulugan ng pagsunod sa payo o pangaral; ang sundan (to
follow) ay gayahin o pumunta sa pinuntahan ng iba.
Hal. Sundin mong lagi ang sinasabi ng iyong mga magulang dahil para rin iyon sa iyong kabutihan.
Subukin (to test, to try) – masubok ang husay o galing ng isang bagay o gawain;
Subukan (to see secretly) – palihim na pagmamatyag o pag-eespiya sa kilos ng isang tao
Nagmamadali kasi siyang maghugas kaya nabasag niya ang mga plato.
Hal. Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga sariwang gulay.
Walang unlaping tiga-. Taga- ang dapat gamitin. Ginagamit ang gitling sa unlaping taga- kung
sinusundan ng pangngalang pantangi.
Pagbabagong Morpoponemiko
1. 1. A. Asimilasyon • Ito ay tumutukoy sa pagbabagong anyo ng morpema dahil sa impluwensya ng
mga katabing tunog nito. • panlaping nagtatapos sa –ng katulad ng sing- na maaaring maging sin o sim •
pang- na maaaring maging pan- o pam- dahil sa impluwensya ng kasunod na katinig
2. 2. Ang mga salitang nagsisimula sa d, l, r, s, t ay inuunlapian ng (sin-) at (pan-) Halimbawa: • sing +
tindi = sin + tindi = sintindi • pang + laban = pan + laban = panlaban
3. 3. Ang mga salitang nagsisimula sa b, p ay inuunlapian ng (sim-) at (pam-) Halimbawa: • pang +
pilosopiya = pam + pilosopiya = pampilosopiya
4. 4. Ang mga salitang nagsisimula sa patinig /a,e,i,o,u/ at katinig na /k,g,h,n,w,y, ay inuunlapian ng
(sing-) at (pang-). Dito ay walang pagbabagong nagaganap sa mga salita. Halimbawa: • sing + ganda = sing
+ ganda = singganda • pang + kaisipan = pang + kaisipan = pangkaisipan
5. 5. Ang asimilasyon ay may dalawang uri. Halimbawa: • Asimilasyong parsyal o di-ganap •
Asimilasyong ganap
6. 6. a. Asimilasyong parsyal o di-ganap – ang pagbabagong nagaganap lamang dito ay nasa pinal na
panlaping –ng. Halimbawa: • sing + tindi = sin + tindi = sintindi • pang + laban = pan + laban = panlaban •
pang + pilosopiya = pam + pilosopiya = pampilosopiya
7. 7. b. Asimilasyong ganap – nagaganap ang asimilasyong ito kapag matapos na maging /n/ at /m/ ng
panlapi dahil sa pakikibagay sa kasunod na tunog ay nawawala pa ang sumusunod na unang titik ng
salitang-ugat at nananatili na lamang ang tunog na /n/ o /m/. Halimbawa: • pang + baril = pam + baril =
pamaril • pang + takot = pan + takot = panakot
8. 8. B. Pagpapalit •Ito ay tumutukoy sa ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbuo ng mga salita.
9. 9. • /o/ at /u/. Sa ngayon, ayon sa Ortograpiyang Pambansa 2013, sa pag-uulit ng salitang-ugat na
nagtatapos sa patinig na o hindi ito pinapalitan ng letrang u. Kinakabitan ng pang-ugnay/ linker (-ng) at
ginagamitan ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat. (tuntunin 7.5, pp. 31 at 32) Halimbawa: linggo-linggo
ano-ano
10. 10. • /e/ at /i/. Ganoon din sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa e, hindi ito pinapalitan ng
letrang i. Kinakabitan ng pang-ugnay/liner (-ng) at ginagamitan din ito ng gitling sa pagitan ng salitang-
ugat. (tuntunin 7.5, pp. 31 at 32) Halimbawa: • babae - babaeng-babae • Salbahe - salabaheng-salbahe
11. 11. • /d/ at /r/. Napapalitan ng /r/ and /d/ kapag patinig ang tunog na sinusundan ng /d/. Halimbawa:
dito >rito ma + dapat >marapat ma + dami >marami
12. 12. C. Paglilipat • Ito ay tinatawag ding metatesis na nangangahulugan ng paglilipat ng posisyon ng
mga ponema. Kapag nagsisimula sa /l/ o /y/ ang salitang-ugat nito at nilagyan ng gitlaping • -in-,
nagkakapalit ang /i/ at /n/ at nagiging /ni-/.
13. 13. Halimbawa: •y + -in + akag> yinakag > niyakag (niyayakag, hindi yinayakag) •l +-in + ayon >
linayon > nilayon (nilalayon, hindi linalayon)
14. 14. D. Pagdaragdag •Nangangahulugan ito ng pagdaragdag ng isa pang morpema sa hulihan ng
salitang- ugat (hulapi) kahit mayroon nang dating hulapi ang salitang-ugat.
15. 15. Halimbawa: •pa + bula + han > pabulahan > pabula(h)an + an > pabulaanan •ka + totoo + han >
katotoohan > katoto(o)han + an > katotohanan
16. 16. E. Pagkakaltas • Ito ay ang pagkawala ng isang ponema o morpema sa isang salita. Maaari itong
maganap sa unahan o gitna ng salita. May mga salita ring nakakaltas ang ponema o morpema sa gitna, at
napapalitan ng ponema ang nasa hulihang morpema.
17. 17. Halimbawa: •Dala +hin >dalahin > dalhin •Bukas +an >bukasan > buksan