Mauutak ang mga 'yan! Drigo: Di ba? Haba nga ng pila sa palitan ng kard sa Adolfo: Ba't kasi dito nagtatambakan sa Maynila? Hirap sa mga taong yan, wala namang segurado ditong titirhan at trabaho, suguran pa rin nang suguran dito. 'San tao mauuna, isang pamilya kasunod. Drigo: Ang yayabang kasil Magbabalitang may trabaho, yon pala nagbubungkal ng basura dito. Dea: Ang sabihin n'yo talagang mga tamad! Ang lalaki ng lupa sa probinsya di nila tamnan. Tapos dito sila nagkakalat. Drigo: Ayaw na nilang maputikan ... Adolfo: Anong gusto nila, magkorbata sa Makati? Ano sila Sinusuwerte? Aba'y lumilipad ang mga utak n'yan sa alapaap! Wala silang maaararo dito kundi basura. Di ba nila alam na ang Maynila'y para sa may mga pinag-aralan lang. Mabuti't di sila sumasala sa oras sa probinsya, susugod sila sa gutom. Tapos, sasahud-sahod ng kamay. Pwes! 'Yan ang hanap, di ibigay. Problema nila 'yan! sakit ng ... Drigo: Kaso, sino ang naaapektuhan? Alalahanin kalingkingan, damdam ng buong katawan. Nuevo: Di inamin mo ring tao rin sila, tulad natin. May pangarap. May karapatan. Maswerte tayo't meron tayo. Pero kahit na, gahol pa rin sa'tin ang gobyerno. Sa trapik na nga lang, lahat tayo nagkukonsume. Sa baha! Sa tubig! Sa koryente! Sa krimen! Lahat tayo biktima! Tsaka hindi katamaran ang dahilan ng hindi nila pagbubukid. Inililigtas lang nila ang kanilang sarili. Maraming patayan do'ng nagaganap. May kalamidad na nananalanta. Doon mamamatay silang walang laban. Dito natututo silang gumapang. Kahit papano buhay sila. Adolfo: Buhay sa bisyo! Buhay sa pamimerhuwisyo! Kargo sila ng gobyerno! Panggulo lang dito?