You are on page 1of 2

“Anong silbi?


“Napakaimportante ng mga mangagawa dahil hindi tatakbo ang isang kompanya o anuman na nangangailangan

ng mangagawa kung walang mangagawa diba? Kaya sobrang importante nila sa ating bansa at ito din ang

nagpapalaganap ng ekonomiya sa bansa.”

Una lahat madaming tao ang gustong magtrabaho pero hindi makapagtrabaho dahil sa kakulangan ng pag-aaral

o edukasyon. At kung minsan pa’y kulang ang pagtatrabahuan dahil sa sobrang dami ng pumapasok na mas

edukado. Kaya yung iba nagiging tambay nalang at hindi na makapagtrabaho.

Pangalawa akala ng mga taga probinsya ay maganda ang mga trabaho at maraming trabaho dito sa maynila kaya

maraming taga probinsya ang nagsusumikap na pumunta sa maynila upang mag trabaho sapagkat pag nandito

na sila sa maynila ay bigo sila sa paghanap dahil sa edukasyon sa probinsya dahil parang ang turing nila pag

taga probinsya ay taong bundok na kaagad di alam kung ano ang mga gagawin. Kaya nagiging taong kalye

nalang ang mga taga probinsya na nagsumikap na pumunta dito na dapat sana ay makapagpabago ng kanilang

buhay.

Pangatlo madami ding mga filipino na sumusugal sa ibang bansa upang matustusan ang kanilang kahirapan.

Pero di nila alam na mahirap dun kasi hindi mo kilala ang mga tao dun tsaka malayo sa pamilya sapagkat

marami paring filipino ang gusto pumunta dun. Tsaka maraming filipino ay may matataas na nakuha sa

edukasyon bagama’t pagpunta sa ibang bansa ay magiging domestic helper lang sila.
Kung lalahatin ang ating bansa ay naghihirap at dumadami ang mga unemployed dahil sa kakulangan ng

edukasyon at kakulangan ng mga mapagtatrabahuan. Pero tayo ang kailangan magsumikap ng mabuti at mag-

aral ng mabuti upang makapaghanap ng trabahong marangal at matustusan ang kahirapan hindi pahuli ang lahat.

You might also like