You are on page 1of 1

Orsal, Mark Harold U.

Filipino
GAWAIN 1 - KAHIRAPAN SA PILIPINAS
Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa sanhi at bunga ng kahirapan sa bansa? Paano
malulutas ang matinding kahirapan batay sa iyong opinyon.

Ano nga ba ang sanhi at bunga ng kahirapan sa ating bansa? May solusyon ba sa
problemang ito na hindi matapos tapos? Para sa akin, ang sanhi ng kahirapan sa ating
bansa ay una ang kurap na gobyerno natin at pangalawa ay ang mga pilipinong hindi
nagsusumikap at umaasa lamang sa gobyerno. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na
madaming kurap sa ating gobyerno kaya tayo naghihirap. Dahil ang mga buwis na para sa
atin din at para sa mga proyekto sa bansa ay kanilang ibinubulsa at ginagamit sa sariling
mga pangangailangan. Kaakibat ng pagiging kurap nila ay ang kasakiman. Kasakiman sa
pera at ari arian na hindi naman nila pag mamay ari. Ang pangalawang sanhi para sa akin
ay ang mga pilipinong tamad, hindi gumagawa ng paraan at higit sa lahat umaasa lamang
sa ibang tao. Masakit mang katotohanan pero kaya din naghihirap ang ating bansa ay dahil
na din sa mamamayan nito. Marami kasing mga Pilipino na imbis na kumayod at
magsumikap sa buhay ay hinahayaan nalang nila ang gobyerno at ibang tao ang tumulong
sa kanila. Nabasa ko pa nga sa isang libro na hindi kailan man aangat sa buhay ang taong
tamad at umaasa lamang sa iba.
Ang bunga ng kahirapan sa ating bansa ay ang pagdami ng mga tambay sa bawat
sulok ng pilipinas, pagkagutom ng mga pilipino, kawalan ng edukasyon, tirahan at madami
pang iba. Ang pinaka matinding bunga nito ay ang kawalan ng kakayahan ng isang pamilya
na matustusan ang kanilang mga anak sa pag aaral dahil sa kahirapan. Sa tingin ko ay
edukasyon na lamang, sipag at tyaga ang susi upang mapuksa ang kahirapan.
Paano nga ba natin ito malulutas? Sa tingin ko ay malulutas lang natin ang kahirapan
sa pagkakaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan. Pagkakaisa na magsalita at maging boses
ng bawat isang naghihirap upang puksain ang kurapsyon sa ating gobyerno. Pagkakaisang
pigilan ang bawat mga sakim na pilipino sa ating bansa. Magtulungan tayo na iangat ang
bawat isang naghihirap kahit sa simpleng paraan lamang. Sa tingin ko ay mawawala ang
matinding kahirapan kung ang bawat tao ay mabibigyan ng sapat na aral at kaalaman upang
magtrabaho at wag maging tamad. Sa paraan na ito ay mapupuksa natin ang kahirapan at
magdudulot ito ng masayang bansa at mamamayan. "Edukasyon ang susi sa kahirapan".

You might also like