You are on page 1of 4

1.

Kapag naririnig natin ang salitang Migrasyon, unang pumapasok sa aking isipan ay ang
mga taong pumupunta sa ibang bansa upang makipag-sapalaran o manirahan ng
tuluyan doon para magkaroon ng magandang kinabukasan. Nakakalungkot man isipan
ngunit sila yung mga taong naghahanap ng mas magandang oportunidad na hindi nila
nakukuha dito sa ating bansa. Ang pelikulang Diaspora/Migrasyon ay tungkol sa mga
taong nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Ang salitang Diaspora naman ay isang grupo
ng mga tao na pinilit o pinili na iwanan ang kanilang bayan upang manirahan sa ibang
mga lupain. Kung ang Migrasyon ay paglilipat sa ibang bansa na may layunin na
makapag hanap-buhay, ang diaspora naman ay paglilipat sa isang lugar upang
makaiwas sa giyera o sakuna. Parami nang parami ang mga taong pinipiling kumapit sa
patalim at makipagsapalaran sa ibang bansa dahil sa mga paghihirap na kinakaharap
nila sa sarili nilang bansa. Kadalasang pinipili ng mga Pilipino na iwan ang kanilang mga
anak sa pamilya o mga kaibigan habang sila ay nagtatrabaho upang kumita ng pera
para matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya. Ang konsepto
ng diaspora ay madalas na iniisip sa mga pamilyang Pilipino, tulad ng ideya ng
migrasyon at mga pelikulang diaspora. Ang mga palabas na ito ay nagsasaliksik sa
buhay ng mga migrante at kanilang mga pamilya na iniwan ang kanilang sariling bansa.
Ang mga pelikulang nakatuon sa pang-araw-araw na buhay ng mga pamilyang Pilipino
ay lubos na pinahahalagahan sa Pilipinas dahil ipinapakita nito ang pasasalamat ng mga
taong pinalad na manirahan sa isang komportableng tahanan.

2. Sa kadahilanang tiniis nilang magtrabaho sa ibang bansa kahit pa malayo sila sa


kanilang mahal sa buhay, at nag trabaho sila sa ibang bansa para may sapat na
maibigay sa pamilya sa Pilipinas upang kanilang panggastos sa pang araw araw. Sa
modernong mundo ngayon, ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa ay
itinuturing na mga bayani ng ating bansa. Hindi maiiwasang maantig ang puso ng mga
Pilipino sa balitang ito. Karamihan sa mga migranteng Pilipino na nilisan ang Pilipinas at
nagdesisyon na nangibang bayan ay sa kadahilanang ang desisyong ito ay
kinakailangang gawin, at hindi dahil ang desisyong ito ay kagustuhan nilang gawin. Mga
Pilipinong nagtitiis at nagsa-sakripisyo na mangamuan sa ibang bansa at mapalayo sa
mga mahal sa buhay alang-alang sa layunin na makapagbigay ng magandang
kinabukasan ang pamilya. Ang mga Pilipino ay mas malamang na umalis sa kanilang
bansa upang makahanap ng mas magandang pagkakataon para sa kanilang mga
pamilya at ekonomiya ng bansa. Patuloy na umaasa ang mga Pilipino na aahon ang
Pilipinas sa kahirapan at ito ang malaking dahilan kung bakit hindi natin naabot ang
pangarap at pag-unlad na inaasam. Ang mga Pilipino ay kinikilala at pinarangalan ng
ating gobyerno bilang pinakamahusay na producer ng export ng bansa. Ang mga
Pilipino ang sandigan na nagpapanatili sa Pilipinas na nakalutang at patuloy na
nagpupumilit upang makamit ang kaunlarang ninanais.

3. Dahil mas maganda ang sahod sa ibang bansa kaysa sa Pilipinas tulad ng USA.
Maraming tao ang gustong makapagtrabaho sa ibang bansa dahil kailangan nila ng pera
para makatulong sa kanilang pamilya. Kaswal silang nagtatrabaho sa ibang bansa para
kumita ng dagdag na pera. Isa sa USA sa pinakamalaking bansa sa buong mundo at
masasabi natin na parang trabaho ang pwedeng pasukan dito. Bukod sa mataas ang
dolyares pinakapakita sa mga news na maganda manirahan dito. Marami naring mga
Pilipino ang nagkakaroon ng pamilya sa ibang bansa at dahil dito kaya nila kunin ang iba
nilang mga kamag-anak o kaibigan para bigyan ng opurtunidad para mag trabaho. Isa
pa sa dahilan kung bakit maraming Pilipino doon ay dahil narin ang USA ay isa sa mga
developed countries dahil dito mas maganda ang kanilang ekonomiya at
nakakapagbigay ng seguridad para pasukan ng ibang mga tao sa ibang bansa. Para sa
kanilang pamilya handa silang magtrabaho sa ibang bansa para hindi mahirapan ang
kanilang pamilya dito sa pilipinas. Ang mga OFW ay tinataguriang mga makabagong
bayani, magta trabaho sila kahit sang lupalok ng mundo para lang masustintuhan ang
kanilang pamilya.

4. Maraming dahilan bakit mas pinipili nilang mangibang bansa, una ay may mga anak na
pinapaaral.Isa ito sa pinakamaraming dahilan kung bakit ang dalawang taong kontrata
ay kulang na kulang para maisipan ng isang OFW na tumigil na sa pag-aabroad dahil
kung titigil sila sa pagabroad ay hindi nila masusustintuhan ang pag-aaral ng kanilang
anak. Pangalawang dahilan bakit abroad ang pinipili nila na pinupuntahan nang mga
pinoy na bansa ay walang diskriminasyon sa edad kahit abutin ka pa nang 40 to 50 na
edad tatanggapin ka pa rin para makapagtrabaho. Pangatlong dahilan mas malaki ang
halaga nang pera na sinsuweldo pagdating dito sa pinas dahil ipapapalit nila ito gaya
nalang ng US dollar na nagkakahalaga ng P52 kada isa. Pang apat, wala silang planong
magtayo ng sariling kabuhayan. Karamihan sa mga taong umaalis sa ating bansa para
magtrabaho sa ibang bansa ay walang ideya kung paano mag-ipon para sa negosyo.
Kadalasan, ang mga layunin ng mga magulang ay maipaaral ang kanilang mga anak at
makaipon para sa isang bahay. Ang kahirapan at kawalan ng trabaho sa sariling bansa
ang dahilan kung bakit maraming Pinoy ang napipilitang iwanan ang kanilang pamilya at
magtrabaho sa ibayong dagat upang kumita lamang ng pera. Karamihan din ay
mamalagi pansamantala sa ibang bayan upang makaipon at babalik ng Pilipinas upang
magtayo ng kahit munting negosyo. Sa nangyayari ngayon sa ating bansa kung saan
patuloy ang pagtaas ng mga bilihin. Hindi sapat ang kinikita upang tustusan ang pang-
araw-araw na pangangailangan ng bawat isa lalo na kung malaki ang iyong pamilya.

5. Hindi dahil marami parin ang hirap magtrabaho sa ibang bansa sa kadahilanang hindi ito
sanay na mawalay sa pamilya. Marami rin sa mga pinoy ang naabuso sa ibang bansa,
Buhay ang kanilang tinataya para lang meron silang maipakain sa kanilang pamilya.
Marami ding pinoy ang hirap sa trabaho sa ibang bansa sa kadahilanang hirap ito at
hindi sanay. Gaya nating mga pinoy na nasa pilipinas nakakaranas din sila ng
depresyon at ang iba ay kinikitil nalang nila ang kanilang buhay dahil hindi na nila kaya
ang sitwasyon nila. Marami ring mga pinoy ang di umaasenso sa buhay kahit na nasa
ibang bansa sila dahil nalugmok sa utang, may mga bisyo ang pamilya at iba pa.
Karamihan din sa mga pinoy na nasa ibang bansa ay hindi alam kung paano palaguin
ang kanilang pera kaya nauubusan sila kapag kailangan na nila ito. Pangungulila palang
sa pamilya ng mga OFW ay masasabi na nating hindi sila matagumpay sa buhay dahil
isasapalaran nila ang kanilang sarili para lang masuportahan ang kanilang pamilya.
Dahil sa wala silang mapasukang trabaho sa Pilipinas nangingibang bansa sila upang
makibaka para sa kanilang kinabukasan at sa kanilang pamilya at ito ay hindi
magandang halimbawa ng matagumpay sa buhay dahil mataas ang tsansa na hindi sila
masaya sa kanilang tinatahak.

6. Kung may maganda opurtunidad dito sa Pilipinas hindi pero kung pagiging praktikal ang
usapan oo. Dahil pamahal na nang pamahal ang gastusin sa araw araw kailangan rin
kumayod para sa pamilya o magiging pamilya ko. Minsan naiisipan ko rin na
magtrabaho sa ibang bansa sa kadahilanan narin na mataas ang sahod. At kung sakali
man na makapagtrabaho sa ibang bansa tatanggapin ko dahil magiging challenge ito sa
buhay ko. Isa rin sa dahilan na makakapagpasya kung magtatrabaho ako sa ibang
bansa ay ang bagong environment, iba mga tao at magagandang lugar. Para sa aking
sarili gusto ko makamit ang mga bagay na minimithi ko simula pa nong bata pako.
Magta trabaho ako para sa sarili at pamilya ko kahit sa ibang bansa pa yan. Kung sakali
man mabigyan ako ng pagkakataon makapagtrabaho sa ibang bansa, kukunin ko agad
itong opurtunidad para hindi na maghirap ang pamilya ko o ang magiging pamilya ko.
Maraming dahilan para magtrabaho sa ibang bansa, para sakin ang pinakamahalaga
para sa ngayon ay ang akin kinabusakan at ng aking pamilya.

7. Ang pagtatrabaho ng mga magulang sa ibang bansa ay isang mahirap na desisyon dahil
mahihiwalay sila sa kanilang mga mahal sa buhay, lalo na sa kanilang mga anak. Payo
ko sa mga magulang ay tatagan nila ang kanilang loob para sa kinabukasan ng kanilang
anak. Kung sakali na kayo ay nakararanas ng pang aabuso lagi niyong sabihin sa
pamilya niyo para matulungan kayo makabalik dito sa Pilipinas. Mahirap isugal ang
buhay dahil may pamilya kayong naghihintay sa inyong pagbalik. Sana sa mga
magulang na nasa ibang bansa huwag na huwag niyo pong papabayaan ang inyong
kalusugan. Unahin niyo muna ang inyong pangangatawan para may sigla kayo na
nagtatrabaho at kapag kayo ay nakapagpasya na bumalik sa pilipinas ay mas maganda
kapag masigla pa kayo. Isipin niyo rin ang inyong mental health dahil kapag kayo ay
nakakaranas ng depresyon o pagkalumbay sa inyong pamilya maari itong makaapekto
sa pang araw araw na gawiin ninyo. Huwag sana kayong mapanghinaan ng loob kahit
mahirap na ang inyong sitwasyon dahil meron at merong tutulong sainyo. Unahin ang
sarili bago ang pamilya para kung sakaling gusto niyo pa bumalik sa ibang bansa meron
kayong lakas na magtrabaho at matustusan ang inyong mga anak

II.
Emir Ilo Ilo

Tungkol sa isang Pilipino na


makatulong sa kanyang pamilya Gusto ng Filipina maid ng
magandang buhay at makaipon ng
pera.
Nakipagsapalaran para
magkaroong ng magandang
buhay ang kanyang pamilya Gusto din lumayo ng bida sa
Domestic kanyang pamilya
helper,
Migrasyon
III.

Ang napili kong movie ay ang Caregiver ni Sharon Cuneta. Ang aral na napulot ko sa movie na
ito ay hindi lahat ng good bye ay mapupunta ka sa wala, minsan nagbibigay pa ito ng bagong
opurtunidad sa buhay at kung paano ka lalabasan sa mga bagong pagsubok sa tatahakin mong
direksyon. Lahat ng bagay kapag ikaw ay nagtatrabaho ay kailangan ng sakripisyo at kailangan
handa ka harapin ito para maging mas matatag ka at mas makayanan mo pa ang mga susunod
na problemang dadating sayo. Pinakita ni Sharon na sa kabila ng kahirapan magiging matatag
ka rin gaya ng hinahangad mo dahil ang mga pagsubok ang gagawa ng paraan upang maging
malakas ka sa mga bagay na alam mong mahina ka. Lahat naman tayo pag dating ng panahon
ay gagawin ang lahat para sa ating pamilya kahit anong pagsubok pa yan na kailangan nating
harapin, haharapin natin. Natutunan ko rin na kailangan natin maging initiative at kailangan
natin na humakbang para sa sarili natin para sa pangarap natin, pangarap natin sa pamilya.
Gagawin natin lahat ng makakaya natin para sa anak natin at kaya natin isakripisyo lahat para
lang maging maayos ang kanilang buhay. Napulot ko pang aral dito ay masaya ka man o hindi
masaya, panalo ka man sa buhay o hindi dapat ay relax ka lang dahil hindi pa dito nagtatapos
ang iyong buhay. Tayong mga Pilipino ay laging inuuna ang pamilya bago ang sarili,
nagtatrabaho tayo ng maiigi kahit na magover time kapa para lang sa pamilya natin,
sinasakripisyo natin ang ating sarili para lang maging maayos ang kanilang buhay. Para sa akin
lagi nating tandan na kahit anong hirap pa man ang danasin natin ay sana huwag tayo mawalan
ng pagasa at tandaan na dadating din ang oras na makakaahon din tayo sa hirap ng buhay.
Magsakripisyo ka para sa ikakabuti ng iyong kinabukasan.

You might also like