You are on page 1of 2

TALUMPATI TUNGKOL SA HINAING NG ISANG MANGGAGAWANG PILIPINO

Tingnan natin ang ating bansang Pilipinas. Maganda, Mayaman at Masaya. Ngunit, alam mo ba na sa
kabila ng magandang imahe ng ating bansa, nagkukubli ang isang suliraning batid ng karamihan pero
bulag sa kasagutan.

Ako’y may isang katanungan sa aking isipan. Ano nga ba ang pinakamalaking problema ng lipunan?
Kahirapan, kawalan ng trabaho, mababang pasahod, diskriminasyon o di-pantay na pagtrato, o ang libu-
libong hinaing ng manggagawang Pilipino?

Patuloy na nakikipagsapalaran sa hamon ng buhay ang bawat manggagawang Pilipino upang maitawid
ang araw-araw na kalbaryo dulot ng malaking gastusin lalo na sa mga panginahing pangangailangan.
Habang pabigat ng pabigat ang pasanin dulot ng nagtataasang presyo ng mga bilihin, hindi rin sila
makatakas sa realidad ng kawalan ng seguridad sa trabaho ang mga Pilipino. Subukin mang ikubli, tunay
na iba ang pasanin ng mga underemployed na manggagawa sa pabago-bagong ekonomiya sa bansa.
Pilit nilang idinadaing at pinagkakasya ang kakapusang dinadanas habang inaasam ang tunay na
kapanatagan at kaginhawaan.

Bayani kung maituturing ang bawat manggawang Pilipino, bayani ng pamilya pati na rin ng bansa. Ang
manggagawang Pilipino ay katuwang natin sa pagbabago. Masipag, buo ang loob at may matatag na
pananalig sa sarili at sa panginoong Diyos. Dahil dito, kinikilala ang kanilang husay at abilidad; hindi
lamang sa Pilipinas maging sa iba’t ibang panig ng daigdig. Anumang pagsubok ay kaya nilang harapin at
pagtagumpayan maabot lamang ang kanilang mga pangarap para sa sarili, para sa pamilya,at para sa
bayan. Subalit dulot ng nagdaang pandemya milyong manggagawa ang nawalan ng trabaho ayon sa
Department of Labor and Employment (DOLE).

Ako bilang isang mag-aaral ay saksi na Marami ang patuloy na nangingibang bansa dahil sa
paghahangad na kumita ng mas malaking sahod. Ngunit, bakit nga ba mahigit 1 milyong Pilipino na
nagtatrabaho sa ibang bansa ay pinili na mawalay sa kanilang pamilya. Isa lamang ang kasagutan sa
katanungan na patuloy na nagiiwan ng marka sa isipan ng bawat manggagawang Pilipino. Hinahangad
nila na magkaroon ng isang oportunidad. Oportunidad na guminhawa ang buhay dahil sa bulok ng
sistema/pasahod ng sariling bansa. Oo, mahirap magtrabaho ,ang walang katapusang pag-aayos ng
papeles, pagungutang sa kung sino-sino upang may ipambayad sa mga papeles na kailangang bayaran.
Pagmamaltrato ng amo, Pagkakahomesick; dulot ng pandemya sapagkat ipinagbabawal noon ang
palglabas/pagpasok sa loob ng bansa. marami pa sa ating kababayan/ manggagawang Pilipino ang
nakararanas ng iba’t ibang hamon sa buhay ngunit mas pinili pa ding magpatuloy para sa kinabukasan,
sarili, at sa pamilyang naghihintay. Kung kaya’t ang mga OFW ang binansagang bayani. Sapagkat sila’y
nagsasakripisyo ng walang hinihinging kapalit. Kaya kayo mga kapwa ko Pilipino magbigay pugay sa ating
kababayan, kapamilya.

Para sa kapakanan natin, at ng mga manggagawang Pilipino sabay-sabay nating ihain ang karanasang
ating naranasan sa buhay upang ang mga katanungan ay mabigyang kasagutan. At ipaabot sa gobyerno
na maging aware sa bawat isyu ng bansa. At kahit na may ipinatutupad nang hakbang ang pamahalaan
ay patuloy ang panawagan para sa komprehensibong programang tutugon upang makapagsimula muli
ng panibagong yugto ng buhay ang mga manggagawang Pilipino na patuloy na nakararanas ng hamon
sa buhay. Sama-samang pakinggan ang boses ng bawat isa upang lahat ng pangangailangan/ problema
ay maaksyunan.
Maraming salamat sa inyong pakikinig.

You might also like