You are on page 1of 4

NOTRE DAME-SIENA COLLEGE OF POLOMOLOK

Polomolok, South Cotabato

S.Y. 2021-2022

Learning Module in SOYEDAD AT LITERATURA/PANITIKANG PANLIPUNAN

Pangalan: Keana Ella F. Barnaja Petsa: Nobyembre 29, 2021

Taon at Kurso: 2nd Year BSED-Filipino Module No.: 13 & 14

GAWAIN 1 (Ikalabing-tatlong Linggo)

1. Ang pagtrabaho sa ibang bansa malayo sa pamilya ay isang matinding sakripisyo. Dala
nito ang iba’t ibang problema at hamon na kailangang nilang malampasan. Ngunit may
mga solusyon pa rin sa bawat problema isa na dito ang mag handa. Malaki ang tulong
ng pag-research sa paghahanda. Pag-aralan ang working style ng iba-ibang nationality
para maiwasan ang nakakahiyang karanasan. Isang magandang istratehiya para
makapaghanda ang pakipag-usap sa mga OFW na galing sa bansang iyong
patutunguhan. Sa ganitong paraan, malalaman mo ang kanilang mga karanasan,
kahirapan, at paano sila nag-adjust para malampasan ito.
2. Ang pagiging Overseas Filipino Worker ay hindi madali lalo na isa itong malaking
sakripisyo na iwan mo ang sariling pamilya upang magtrabaho at kumita ng malaki sa
ibang bansa para maiahon mo sila sa kahirapan. Ngunit mas lubhang nakakabahala na
babalik sila na nasa kabaong at ang inaasahan na magandang pamumuhay kapalit para
ng buhay ng tao. Kaya siguradohin muna kung ligtas ba ang ating lugar na
pinagtatrabahoan. At kapag meroon kayong pamilya na OFW sisiguraduhin natin na
kamustahin natin sila lalo na ngayong nasa kalagitnaan tayo ng pandemia.
3. Ipinagdiwang nitong Huwebes ang Migrant Workers Day bilang pag-alala sa
pagsasabatas ng Migrant Workers Act of 1995 at bilang pagkilala sa milyon-milyong
overseas Filipino workers (OFWs). Ayon sa isang abogado, ang Republic Act 8042 o
mas kilala sa tawag na Migrant Workers Act of 1995 ay batas na nagpapatibay sa
karapatan ng mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa. Kasama rin sa pinagtibay
ng batas ang mandato ng Department of Labor and Employment (DOLE), Philippine
Overseas Employment Administration (POEA), at Overseas Workers Welfare
Administration (OWWA) na kani-kaniyang pinangangasiwaan ang mga pribadong
ahensiya tulad ng manpower agencies.

GAWAIN 2: Collage
Ang pagsasakripisyo ay hindi madali. Naka sasalay ditto ang kinabukasan ng iyang
pamilya at ang inyong pagmamahalan. Isa na doon ang aking pamilya. Noong 2004
nagsimulang nag abroad ang aking ina. Isinilang niya ako noong 2002 at ang aking bunsong
kapatid naman ay noong 2003.

Walang ka muwang muwang pa kami noon ay umalis na siya. Na intindihan ko naman


noong lumaki ako dahil kahit papaano ay tinutulongan niya kami at hindi niya kami pinabayaan.
Kaso nga lang napakarami niyang dinanas na sakit bago siya nagtagumpay. Isa na noong
ikinwento niya sa amin nabago pa lang siya sa abroad ay nakaranas siya na hindi pagbibigay
ng sahod sa loob ng isang taon, hindi lang man nakahawak ng kaniyang passport, pagiinsulto,
at iba pa. sa mahigit 15 years niya doon sa ibang bansa ay doon siya natuto paano mabuhay.
Sinanay niya ang kaniyang sarili sa pag tatrabaho upang may ipadala sa amin hanggang sa
nakahanap siya ng mabuting amo. Si mama ay naging mapagkatiwalaan niya na kasambahay.
Nagkaroon ng kondo ang aking ina at nakabili ng sarili niyang gamit doon, ang iba ay bigay ng
kaniyang amo, kaya siya nagtagal doon.

Umuwi siya noong 2019 upang muling bumisita sa amin at kamustahin kami. Hindi man
nakapagtapos ang aking mga panganay na kapatid ngunit para sa akin ang tagumpay doon ni
mama ay nakauwi siya ng buo at nalampasan ang lahat ng pagsubok na nasanaran niya sa
ibang bansa bago siya nakahanap ng matinong trabaho.

GAWAIN 1 (Ikalabing-apat na Linggo)

“Laban.DH”
Dokumentaryo ni Howie Severino
February 24, 2018

Mga kwento kaginhawaan at pag-asa ang pinapangarap ng mga Overseas Filipino


Worker (OFW) sa pangingibang bansa. Halos isang-kapat ng Pilipinas ang mga
manggagawang nakatalaga sa ibayong dagat taun-taon ay pumapasok sa loob ng bansa
serbisyo. Ang Dokumentaryo ni Howie severino ay iilan lamang sa mga nagpapaliwanag ng
karanasan ng mga Overseas Filipino Worke. Pinapakita rito ang mga sinapit nila sa mga
bantaga, kung hindi man, ay ang ekspektasyon nilang trabaho sa pangingibang bansa ay ibang
iba pala sa inaasahan. Tuklasin natin ang mga karanasan ng mga OFW sa dokumentong ito na
may pamagat na ‘Laban.DH’.

Ang domestic helper ay isa sa pinakamahalagang mapagkukunan ng trabaho para sa


kababaihang Pilipino kapwa sa bansa at sa ibang bansa. Ngunit sila rin ay lantad sa pang-
aabuso ng mga banyaga. Hindi mainit na salugong ang kanilang natanggap, kundi mga balala.
‘pwede lang ikaw tumakas kung ikaw ay binubugbog at mangdadalawa ng walang sahod’.
Ngunit hindi lahat ay makakatakas.

Ang iba sa kanila ay uuwing nasa kabaong na. Ang inaasahang pangarap ng isang
OFW para sa kaniyang pamilya ay buhay pala ang kapalit. May iba naman sa kanila na
makakauwi nga ngunit ang kanilang haharapin naman ang saloobin ng kanilang anak o
pamilya. Bilang na bilang ng pamahalaan ang pumapasok sa labin mula sa mga OFW, ngunit
ang kapalit nimo ay hindi nasusukat ng pera ang pagkawalay sa pamilya at ang epekto nito sa
mga naiwang mahal sa buhay.

Gayunpaman, Ngunit sa kabila ng nakasisilaw na katotohanang ito tungkol sa panganib


ng pagiging domestic helper ay pinipili pa rin ng mga Pilipino na balewalain ito. Hindi dahil wala
silang choice kundi dahil sa kanilang walang katumbas na pagmamahal sa kanilang pamilya.
Ang mga Pilipinong ito ay handang kumuha ng pagkakataon sa ibang bansa, isakripisyo ang
kanilang sarili para lang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya. Ang ilan sa
kanila ay nakahanap ng mas magandang buhay sa ibang bansa habang ang iba naman ay
nasa mas mahirap na sitwasyon.

GAWAIN 2

BALIKBAYAN BOX

Dahil isa akong anak ng OFW, ang gusto ko lamang regalo noong bata pa ako ay
package na punong puno na mga damit at ang magbibigay noon ay si mama, hindi ang
kargador sa padalahan. Atngayong malaki na ako tinanong ako ni mama kung anong gusto
kong gamit pag uwi niya. Ang sabi ko lang ay ‘kahit ano lang ma basta uuwi ka lang’. hindi kasi
katumbas ang gamit lalo nang magulang mo na yung uuwi. Walang katumbas ang saya kesa
gamit na inaasahan.

TAKDANG GAWAIN

Panhitikan Hinggil sa Diaspora / Migrasyon (ikalabintatlo at ikalabing-apat na


Linggo)
LAGUMANG PAGSUSULIT (ikalabintatlo at ikalabing-apat na Linggo)

A. Pagpapakilala.

1. Migrasyon 6. Immigrant 11. Push factor

2. Panloob na Migrasyon 7. Economic Migrants 12. Pull factor

3. Migrasyon panglabas 8. Refugee 13. Irregular Migrants

4. Migrante 9. ARMM 14. Temporary Migrants

5. Migrant 10. Asya 15. Permanent Migrants

B. Pag-Iisa-Isa.
A. Mga Dahilan ng Migrasyon

Ang migrasyon ay maaring kusa o sapilitan paglipat ng isang tao o grupo patungo sa
isang lugar.

PUSH FACTORS NA DAHILAN- Mga negatibong salik na nagiging dahilan ng migrasyon

 Paghahanap ng kapayapaan
 Upang malayo sa kalamidad
 Kakulangan sa pagkain

PULL FACTORS NA DAHILAN- Positibong salik na dumarayo dahil sa sumusunod na dahilan

 Matamo ang kaunlarang pangkabuhayan.


 Makaranas ng pamumuhay sa lungsod o sa mga urban areas
 Magkaroon ng trabaho sa isang lugar sapagkat walang trabahong mapapasukan sa
lugar na kanilang pinagmulan.

B. Mga Solusyon sa Migrasyon

Isa sa maaring solusyon sa suliraning migrasyon ay ang pagtatalaga ng gobyerno ng


mas maraming oportunidad para sa magandang trabaho upang mahikayat ang mga
nasasakupan nitong manatili na lamang at huwag ng umalis sa kanilang bayan. Maari rin
naman magtayo ng negosyo kung mayroon magagamit na puhunan upang masuportahan hindi
lamang ang pamilya, kundi na rin ng kanyang bansang kinabibilangan sa pagbibigay
pagkakataon sa iba na magkaroon rin ng trabaho.

C. Mga Kahalagahan ng Migrasyon

Ang kahalagahan ng migrasyon ay sa kapwa nangailangan ng politikal o sa isang


paglipat ng bansa upang may matirahan at pagsunod ng batas. Ang kahalagahan ng migration
ay pwede tayong maka pag trabaho sa ibang bansa o manirahan.

You might also like