2.2 million ang naitala ng Philippine Statistic Authority na bilang ng mga Pilipinong nangingibang-bansa o ang tinatawag na mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa taong 2016 at patuloy pa ang pagtaas nito sa taong 2016. Milyon-milyon ang mga Pilipino sumusugal ng kanilang kapalaran at pag-asa at may maipangtustos sa pamilya. Hahamakin ng lahat ang magandang kinabukasang hinahangad ng bawat pusong ang nais lang ay maayos na buhay.
Inilathala ni : Cajili, Arabella G.
Migrasyon Marahil ang unang papasok sa ating isipan kapag narinig ang salitang migrasyon ay ang pangingibang bansa ng mga tao upang makahanap ng magandang trabaho at malaking pasuweldo o ang pagtira ngat mga ating mga kababayan sa ibang Ang tumatak sa isipan ng mga Pilipino at ang kahulugan mismo ng migrasyon naman nagkakalayo. Hindi lang ito pumapatungkol sa mga mamamayang nangingibang- bansa. 'Di kaya'y pangmatagalan' at ang kahulugan ng MIGRASYON at ang paglipat ng mga tao mula sa isang pook patungo sa ibang pook upang doon manirahan nang panandalian. Dahil sa kabuhayan, tirahan, edukasyon, oportunidad, at dahil din sa mga sakunang nagaganap sa kanilang pinanggalingan, ay maraming dahilan kung bakit ito nagaganap. Isang malaking problema ang “brain drain”, o pag-alis ng mga Pinoy propesyonal para magtrabaho sa ibang bansa. Sari-saring propesyonal ang nagpasyang magtrabaho sa ibang bansa dahil maganda ang sahod at benepisyo. Hindi sila masisisi, dahil hangad naman ng bawat tao ay magkaroon ng ginhawa sa buhay para sa pamilya at para sa sarili. Ang masamang epekto, nawawalan ng mga propesyonal ang bansa. Hindi lang mga piloto ang pinipiling magtrabaho sa ibang bansa. May mga doktor, nars, physical therapist, occupational therapist, sailors, engineer, information technology at software developer, at marami pa. Ang Pilipinas ay patuloy na nawawalan ng mga natatanging propesyonal. Nakausap ko ang isang dayuhan na bihasa sa computer software at nagpasyang magtrabaho dito dahil umalis na ang mga Filipino software developers. Dahil dito, nakakuha siya ng magandang trabaho dito.