You are on page 1of 17

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

10 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 8 :
EPEKTO NG
GLOBALISASYON SA ISYU SA
PAGGAWA AT MIGRASYON

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Sherie Aguilor


Editor: Florence S. Gallemit
Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr.
Florence S. Gallemit
Dr. Jephone Yorong
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:
Tagalapat: Peter Alavanza
Tagapamahala: Dr. Ella Grace M. Tagupa
Dr. Jephone P. Yorong
Florence S. Gallemit
Alamin
Malaking hamon sa bansa ang mga makabagong
pagbabago sa iba’t ibang larangan dulot ng globalisayon. Mas
nagiging bukas ang bansa sa iba’t ibang oportunidad na tuklasin
ang potensiyal na makikipagsabayan sa pandaigdigang
kompetisyon.
Hindi na bago ang migrasyon o pandarayuhan. Simula
pa lamang ng pagsibol ng kabihasnan ay malimit na ang
pandarayo ng mga tao tungo sa mga lugar na magbibigay sa
kanya ng pangangailangan maging ito man ay sa usaping
pangkabuhayan (ekonomiko), seguridad ( politika) o maging
personal.
Pagkatapos mabasa at maisagawa ang mga gawain sa
modyul na ito, ikaw ay inaasahang :

• Naipahahayag ang saloobin tungkol sa mga epekto


ng globalisasyon

A. Naipahahayag ang mga saloobin tungkol sa mga epekto ng


globalisasyon sa isyu sa paggawa at migrasyon.

Balikan

PANUTO: Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

1. Maaring uriin ang outsourcing sa mga sumusunod maliban


sa isa. Ano ito?
A. Inshoring
B. Offshoring
C. Onshoring
D. Nearshoring
2. Umaabot sa 800,000 ang mga migranteng walang papeles sa
iba’t ibang sulok ng buong mundo. Ano ang maging epekto nito
sa buhay ng migrante?
A. Malaki ang maipadala sa pamilya
B. Panganib sa kaligtasan ng pamilya
C. Nakaranas ng iba’t ibang pagmamaltrato
D. Magkakaroon ng iba’t ibang identidad at nakatago sa
awtoridad.

3. Ang sumusunod ay mga suliraning kinakaharap ng mga


manggagawang Pilipino maliban sa isa. Ano ito?
A. Job-mismatch
A. Mababang pasahod
C. Maraming benepisyong matatanggap
D. Kawalan ng siguridad sa pinapasukang kompaniya

4. Marami sa mga nangingibang bansa ay mga de kalibreng mga


Pilipino. Ano ang epekto nito sa bansang Pilipinas?
A. Malaki ang remittance ng migrante
B. Masama sa pamilyang iniwan lalo sa mga anak
C. Nagkaroon ng brain drain kaya hirap sa pag-unlad
D. Walang epekto dahil marami naming nakapagtapos

5. Sa paglago ng Globalisasyon, tumaas din ang bilang ng mga


migrante o OFW sa iba’t ibang sulok ng mundo. Ano ang
implikasyon nito sa ekonomiya ng ng bansang pinagmulan ng
migrante / OFW?
A. Maraming industriya ang ipapatayo ng globalisasyon
B. Maging mayaman ang mga bansang may maraming OFW
C. Ang globalisasyon ay nagbibigay ng maraming trabaho sa mga
tao
D. Malaking remittance ang padala ng OFW, tulong sa paglago ng
ekonomiya ng bansa.

EPEKTO NG
MODYUL GLOBALISASYON SA ISYU SA PAGGAWA
8 AT MIGRASYON
Tuklasin

PANUTO: Pakinggan at kantahin ninyo ang awiting


pinamagatang : KAHIT KONTING AWA na inawit ni Nora
Aunor. At sagutin ang mga tanong sa loob ng kahon sa sunod na
pahina.
Bakit ba ang naging wakas
Na ang sandata ay luha Bagong Bayani……
Bigyan naman ninyo kami Na ang sandata ay luha
Kahit na “ Konting Awa” Bigyan naman ninyo kami
Kahit na “ Konting Awa”
Mayroon pa bang naghihintay
Sa mga katulad ko? Mayroon pa bang naghihintay
Mayroon pa bang Pag-asa Sa mga katulad ko?
Na lumigaya sa mundo? Mayroon pa bang Pag-asa
Sana’y huwag nang maulit Na lumigaya sa mundo?
Ang isang katulad ko Sana’y huwag nang maulit
Ang sala ng iba’y tinubos ko Ang isang katulad ko
Ang sala ng iba’y tinubos ko
Sinong mapalad ?
Sino ang kaawa-awa? Sinong mapalad ?
Kaming bang halos ang buhay Sino ang kaawa-awa?
Ay inialay sa bansa? Kaming bang halos ang buhay
Bagong Bayani…. Ay inialay sa bansa?
Na ang sandata ay luha Bagong Bayani….
Bigyan naman ninyo kami Na ang sandata ay luha
Kahit na konting awa….!!! Bigyan naman ninyo kami
Kahit na konting awa….!!!
Na ang sandata ay luha
Bigyan naman ninyo kami

TANONG:1. Ano ang iyong nararamdaman sa mensahe ng awit ni Nora Aunor?


2. Mayroon ka bang kamag-anak o kakilala na nangingibang bansa bilang
isang manggagawa ?
Suriin
Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng mga teksto sa
ibaba.
ILAN SA MARAMING NAIDUDULOT NG GLOBALISASYON
SA PAGGAWA
1. Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan
sa paggawa na globally standard;
2. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na
makilala sa pandaigdigang pamilihan;
3. Binago ng globalisasyon ang workplace at ang salik ng
produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/
IT programs, complex machine at iba pang makabagong
kagamitan sa paggawa at
4. Dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga
manggagawa kaya’t madali lang sa mga namumuhunan na
magpresyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang
produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga
produktong lokal.
Bunsod ng tumataas na demand para sa globally standard
na paggawa na naaangkop sa mga kasanayan para sa iak-21
siglo. Ito ay ang Media and Technology Skills, Learning and
Innovation Skills, Communication Skills at Life and Career Skills
(DepEd, 2012). Upang makatugon sa mga kasanayang ito,
Isinasakatuparan sa panibagong kurikulum ang pagdaragdag ng
dalawang taon sa basic education ng mga mag-aaral na
tinatawag na Senior High School. Sanayin ang mga mag-aaral sa
mga kasanayang pang-ika 21 siglo upang maging globally
competitive na nakabatay sa balangkas ng Philippine
Qualifications framework.
KALAGAYAN NG MGA MANGGAGAWA SA IBA’T IBANG
SEKTOR
A. Sektor ng Agrikultura
Ang patuloy na pagdami ng mga lokal na produkto na
iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa ng mga dayuhang
produkto sa pamilihang lokal ay isa sa mga hamon ng
globalisasyon.
Naaapektuhan ang mga lokal na magsasaka dahil sa mas
murang naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa.
Suliranin ng magsasaka ang kakulangan ng mga patubig,
suporta ng pamahalaan sa pagbibigay na ayuda lalo kapag may
mga nananalasang sakuna sa bansa tulad ng bagyo , tagtuyot at
iba pa.
B. Sektor ng Industriya
Ang malayang pagpasok ng mga kompaniya at
namumuhunan sa industriya ng konstruksiyon,
telecommunication, beverages, mining at enerhiya na kaaugnay
ng mga industriya ay pagmamay-ari ng ibang bansa. Kaakibat
nito ang iba’t ibang anyo ng pang-aabuso sa karapatan ng mga
manggagawa tulad ng mahabng oras ng pagpasok sa trabaho,
mababang sahod , hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng
mga empleyado, kawalan ng seguridad tulad ng mga minahan,
konstruksiyon at planta na nagpoprodyus ng lakas elektrisidad
na kung saan may mga manggagawang naaaksidente o nasawi.
C. Sektor ng Serbisyo
Ang sektor na ito ay may pinakamalaking bahagdan ng
mga manggagawa. Malaking tulong ito sa mga manggagawang
Pilipino. Saklaw nito ang sektor ng pananalapi, komersiyo,
insurance kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon,
pag-iimbak, komunikasyon, libangan, medikal, turismo,business
processing outsourcing (BPO) at edukasyon.
Ang suliranin bunsod ng globalisasyon ay ang pagpasok
sa mga produkto at serbisyo mula sa TNCs nalilimitahan ang
bilang na kalakal at serbisyo na gawa ng mga Pilipino sa
pandaigdigang kalakalan.
MGA EPEKTO NG MIGRASYON
1. PAGBABAGO NG POPULASYON
* ang pagkakaroon ng napakataas at napakababang
populasyon ay may tuwirang epekto sa migrasyon. Sa mga
bansang mabilis tumaas ang populasyon, lalo na sa mga
naghihirap na bansa, tinataasan ang mga buwis na ipinapataw
sa mamamayan para sa imprastruktura, edukasyon, kalusugan
at serbisyong panlipunan. Dahil ditto marami sa mamamayana
ang mangingibang-bansa. Sa kabilang dako, malugod namang
tinatanggap ang mga migrante sa mga mayayamang bansang
nakararanas ng pagbaba ng populasyon o pagtanda ng
populasyon.( population decline and ageing).
* suliranin din ito kung hindi kayang suportahan ng
ekonomiya ang pagdami ng populasyon. May mga naulat na kaso
kung saan pinabalik ng mga bansa ang mga migrante sa
kanilang pinagmulan dahil sa krisis sa ekonomiya.
HALIMBAWA:
: Ang nagyari sa Nigeria noong 1983 kung saan sapilitan nilang
pinaalis ang 2 milyong migranteng karamihan ay mula sa Ghana.
:Noong 2008, mahigit 350,000 migrante ang pinauwi ng Estados
Unidos ;
: at 300,000 migrante ang pinauwi naman ng South Africa mula
sa kanilang bansa.

2. KALIGTASAN AT KARAPATANG PANTAO


* Ayon sa International Organization for Migration, umaabot
sa milyon-milyong migrante ang walang kaukulang papeles taon-
taon. Sila ay nahaharap sa mapanganib na paglakakbay, pang-
aabuso ng mga ilegal na recruiter at smuggler, mahihirap na
kondisyon ng pamumuhay at kawalan ng suporta sa pagtapak
nila sa ibang lupain at dahil sa ilegal na kalagayan, takot silang
humingi ng tulong sa pamahalaan kapag nakararanas ng mga
pag-aabuso.

* Isa sa malalaking pababago sa migrasyon nitong nakaraang 50


taon ay ang pagdami ng mga kababaihang migrante. Kalahati sa
bilang ng mga migranteng internasyonal ay mga babae. Mas
madalas na naaabuso ang mga babaeng manggagawa kaysa mga
lalaki. Karamihan sa mga kababaihang migrante ay napipilitang
magtiis sa mga trabahong mababa ang sahod at hindi
ipinagtatanggol ng batas, kabilang na ang pagiging kasambahay
o domestic worker.
Pang-aabuso sa mga kababaihan:
1. Mababang sahod bilang mga domestic workers 2. Hman
Trafficking
3.Sexual Exploitation

3. PAMILYA AT PAMAYANAN
* Ang pangingibang bansa ng mga OFW ay may epekto sa
kanilang mga naiwang pamilya,lalo na sa kanilang mga anak.
Nangungulila ang mga anak at naiwan sa panganagalaga ng
ibang kaanak tulad ng lolo, lola,tiyo o tiya.
* Nagkakaroon ng matibay na ugnayan ng extended family
ay nakatutulong upang masiguro ang mabuting pagpapalaki sa
kabataan kahit na malayo sa mga magulang.
* Sa Kulturang Pilipino ang ama ay nakasanayan na
punong tagapaghanapbuhay samantalang ang ina ay ang
tagapag-alaga ng mga anak.
* Natutong magtaguyod ng pamilya ang asawang lalaki o
asawang babae ng OFW at nadedesisyon para sa pamilya.

4. PAG-UNLAD NG EKONOMIYA
Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa pagpapalago ng
ekonomiya ng Pilipinas dahil ang kanilang mga remittance o
ipinadadalang pera sa kanilang pamilya ay nagsisilbing kapital
para sa negosyo. Napakaraming mga OFW ang nakaahon sa
kahirapan ang pamilya at nakapagtapos sa pag-aaral ang mga
anak.
Ayon sa datos noong 2012, ang perang ipinadala ng mga
migrante sa mga papaunlad na bansa kabilang na ang Pilipinas
ay nakaabot na sa $406 bilyon . Sa kasalukuyan, patuloy pa ang
pagtaas ng remittance ng mga migrante.

5. BRAIN DRAIN
Matapos makapag-aral sa Pilipinas ang mga eksperto sa
iba’t ibang larangan , mas pinili na nilang mangibang bansa
dahil sa magandang oportunidad na naghihintay sa kanila.

6. INTEGRATION AT MULTICULTURALISM
Sa pagdagsa ng mga migrante sa ibang bansa,
tumatanggap ng hamon ng integrasyon at multiculturalism. Ang
multiculturalism ay isang doktrinang naniniwala na ang iba’t
ibang kultura ay maaaring magsama-sama nang payapa at
pantay-pantay sa isang lugar o bansa.
Binigyang-diin dito ang kahalagahan ng pakikiisa ng mga
migrante sa ma institusyon sa lipunan. Kabilang ang labor
market at edukasyon, habang malaya nilang natatamasa ang
karapatang magagamit ang sariling wika, maipagpatuloy ang
relihiyon at makabuo ng mga komunidad. Binigyang –halaga ang
pagkakaisa ng mga migrante at ng mga tao sa bansang
tumatanggap tungo sa pagkamit ng maunlad at mapayapang
lipunan.

Pagyamanin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Lagyan ng


HAPPY EMOJI ang puwang kapag tama ang pahayag , at SAD
EMOJI naman kapag HINDI.
______1. Ang pagkakaroon ng napakataas at napakababang
populasyon ay may tuwirang epekto sa migrasyon.

______2. Sa mga bansang mabilis tumaas ang populasyon, lalo


na sa mga naghihirap na bansa, hindi tinataasan ang mga
buwis na ipinapataw sa mga mamayan para sa imprastruktura,
edukasyon,kalusugan at serbisyong panlipunan.

______3. Ayon sa International Organization for Migration,


umaabot sa milyon-milyong migrante ang walang kaukulang
papeles taon-taon kaya sila ay naharap sa panganib sa
paglalakbay , pang-aabuso ng mga ilegal na recruiter at
smuggler,mahirap na kondisyon ng pamumuhay at kawalan ng
suporta sa pagtahak sa ibang lupain.

______4. Sa kulturang Pilipino sa gitna ng isyu ng migrasyon, sa


kaso ng amang OFW, ang kaniyang naiwang maybahay ay
nanatiling tagapag-alaga ng mga anak ngunit ang pagbabadyet at
pangunahing desisyon ay sa amang OFW parin kahit ito’y nasa
malayo.
______5. Ang mga babaing nabibiktima sa human trafficking ay
nalalantad sa karahasang seksuwal at mga sakit na sexually-
transmitted diseases.
______6. Malugod na tinatanggap ang mga migrante sa mga
mayayamang bansang nakararanas ng pagbaba ng populasyon o
pagtanda ng populasyon (population declining and ageing).

______7. Isa sa mga malalaking pagbabago sa migrasyon sa


nakaraang 50 taon ay ang pagdami ng mga kakabaihang
migrante.

______8. Nang dahil sa krisis sa ekonomiya, may mga naiulat na


Kaso sa kung saan pinabalik ang mga migrante sa kanilang
pinagmulang bansa.

______9. Ang pangingibang bansa ng mga OFW ay may epekto sa


kanilang mga naiwang pamilya, lalo na sa kanilang mga anak.

_____10. Sa pagdami ng mga Pilipino sa ibang bansa, kasabay


ring lumaganap ang mga samahan o organisasyon sa iba’t ibang
bahagi ng daigidig sa kung saan sila ay naging aktibo sa
pagtulong sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsuporta sa
pagpapatayo ng mga paaralan,simbahan,at pagbibigay tulong sa
mga mahihirap.

Isaisip

PANUTO: Ibigay ang inyong saloobin/reaksiyon o nadarama


sa mga nabanggit na sitwasyon sa ibaba.
EPEKTO NG
GLOBALISASYON SA MGA SALOOBIN
ISYU NG PAGGAWA AT
MIGRASYON
1.Si Anna ay isang
dalagang ina na walang
ibang hinangad kundi
masubaybayan ang
babaing anak hanggang
sa paglaki nito. Ngunit
nang may nag-alok sa
kanya na kaibigang OFW
ng isang magandang
trabho sa isa sa mga
bansa sa Kanlurang
Asya, tinanggap niya ito
at ihinabilin ang anak sa
ina’t ama na noon paman
ay galit na galit ito sa
kanya dahil nabuntis ito
at walang asawa. Ano ang
masasabi mo kay Anna at
sa anak nito?

2. Sa isang kompaniyang
banyaga nagtatrabaho si
Erwin. Mababa ang
sahod at lampas na sa
takdang oras ay
nagtatrabaho pa rin dahil
hindi pa natapos ang
gawain. Higit sa lahat,
wala siyang nailagak na
pera para sa SSS at
Philhealth dahil hindi ito
kasali sa kontrata.
Kulang ang sahod para
sa pang-araw-araw na
pangangailangan ng
pamilya. . Ano ang
masasabi mo?

3.Bilang isang mag-aaral


at kasapi ng lipunan,
napag-alaman mong may
sigalot sa pamamagitan
ng mga armadong grupo
at mga sundalo ng
pamahalaan sa
Zamboanga City.
Lumikas ang mga tao sa
sariling bayan at
nakarating sa Dapitan.
Sila ay tatawaging mga
refugees. Ano ang
gagawin mo bilang isang
Dapitanon?

Tayahin

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag. Isulat ang


titik sa patlang bago ang bilang sa inyong sagutang papel.
____1. Bakit sinabing ang mga manggagawang Pilipino ay
humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa
paggawa?
A. Dahil sa kulang sa kaalaman ang mga Pilipinong manggawa
B. Dahil ang mga manggawang Pilipino ay tamad at mahilig sa
mga kagustuhan
C. Dahil ipinamukha ng mga banyaga na mas nakalalamang sila
kaysa mga Pilipino.
D. Dahil sa mababang pasahod , kawalan ng seguridad sa
pinasukang kompaniya at job-mismatch na nagreresulta sa
kontraktuwalisasyon sa paggawa.
____2. Paano nakatutulong ang migrante sa bansang
pinagmulan?
A. Nakababawas ng populasyon sa bansang pinagmulan
B. Maraming mga industriya na maipapatayo ang bansa
C. Magiging marangal ang pamumuhay ng mga tao sa bansang
pinagmulan
D. Malaki ang remittance ng mga migrante sa bansang
pinagmulan na makatutulong sa paglago ng ekonomiya.

____3. Bakit tumaas ang bilang ng mga pilipinong migrante?


A. Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong migrante dahil
karamihan sa mga babae ay makipagkita ng kanilang mga
naging nobyong foreigner
B. Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong migrante dahil sa
pangambang babagsak ang ekonomiya ng bansang Pilipinas
dulot ng matinding korapsiyon
C. Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong migrante dahil naaakit
silang mapuntahan ang mga magagandang lugar sa daigdig at
doon na maghahanapbuhay.
D.Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong migrante dahil wala
silang permanenteng trabaho dito sa Pilipinas at para
makahanap ng mas magandang trabaho at mas malaking sahod
upang matugunan ang mga pangangailangan ng pamilya

____4. Ano ang implikasyon ng brain drain sa bansa?


A. Ito’y maging balakid sa pagkamit ng kaunlaran sa isang bansa
B. Maging mabagal ang paglago ng ekonomiya ay pagkamit ng
kaunlaran
C. Hahayaan na lamang sila sa kung ano ang desiyon at
aasikasuhin ang mga patakaran na magdudulot ng kaunlaran
D. Mauubusan ang bansa ng mga sanay o ekspertong mga
manggawa sa iba’t ibang larangan, bagay na hindi nagdudulot ng
mabuti sa ekonomiya.

____5. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang


globalisasyon?
A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga
bansa
B. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa
sa daigdig
C. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa
sa mga banta na magdudulot ng kapinsalaan
D. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng
impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa.

Karagdagang Gawain
PANUTO: Gumawa ng iskrip tungkol sa pagpapahalaga mo sa
buhay ng isang OFW. Pwede mong pagbabasihan ang mga
karanasan mismo ng iyong mga kaanak at kakilala na naging
migrante o nangingibang bansa bilang mga manggagawa.

RUBRIK NG PAGMAMARKA

Tema at Nilalaman : 50 puntos


Tauhan at Tagpuan : 35 puntos
Orihinalidad : 15 puntos
KABUUAN : 100 puntos
Susi sa Pagwawasto

D 5.
5. D D 5. D 4.
4. D C 4. D 3.
3. D C 3.
2. D C 2. D 2.
1. D A 1. D 1.
Tayahin Balikan Tuklasin

Pagyamanin
1. Happy Emoji 6. Happy Emoji
2. Sad Emoji 7. Happy Emoji
3. Happy Emoji 8. Happy Emoji
4. Sad Emoji 9. Happy Emoji
5. Happy Emoji 10.Happy Emoji

Sanggunian:
Teacher’s Guide: Araling Panlipunan 10- MGA
KONTEMPORARYONG ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN ( Set 1)
DRAFT
Pahina :200-216
Learner’s Module: Araling Panlipunan 10-MGA
KONTEMPORARYONG ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN ( Set 1)
DRAFT
Pahina : 187-239
KAYAMANAN –MGA KONTEMPORARYONG ISYU – Batayang
Aklat sa Araling Panlipunan 10
Pahina :126-129
May Akda: Evangeline M. Dallo
Eleonor D. Antonio
Consuelo M. Imperial
Maria Carmelita B. Samson
Celia D. Soriano
Pahina :126-129
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belong to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why?
A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
Upon whose bosom snow has lain;
And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,
sand, because it was then that I But only God can make a tree.
CARRIED YOU!

You might also like