You are on page 1of 3

S.Y.

2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q1
303421
JHS LEARNING ACTIVITY SHEET WK5
LAS No.: 4
Name: DANNY B. ELAGO______________________________________________________Grade/Score: _____________
Grade and Section: GRADE 9-HUMILITY__________________________________________Date:____________________
Subject: Filipino 9

Type of Activity: Concept Notes

Activity Title: Matching Type at Manindigan sa Katuwiran


MELC: Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela (F9PB-c-d-4).
Learning Target: Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela
References: Zenaida S. Wika at Panitikan Filipino Ikatlong Taon. Don Pepe cor. Simoun Streets, Sta Mesa
Heights Quezon City : JGM & S Corporation

KONSEPTO:
Ang Nobela ay hindi magkakaroon ng buhay kung walang tunggalian. Ito ay isang elementong nakapaloob sa
banghay. Ito ay ang labanan sa pagitan ng magkakasalungat sa puwersa.
1. Panloob o sikolohikal (tao laban sa sarili) – Ito ay uri ng tunggalian ng tao laban sa kanyang sarili.
Masasalamin dito ang dalawang magkasalungat na hangad o pananaw ng iisang tao.
2. Panlipunan (tao laban sa kapwa tao) – Dito naman ang tao ay laban sa kapwa tao o ang tao laban sa lipunang
kanyang ginagalawan. Ibig sabihin ang kanyang problema o kasawian ay dulot ng iba o ng bagay na may
kaugnayan sa lipunan gaya ng diskriminasyon o iba pang bagay na tila di-makatarungang nagaganap sa
lipunan.
3. Pisikal (tao laban sa kalikasan) – Ang tunggaliang ito ay tumutukoy sa tao laban sa mga elemento at puwersa
ng kalikasan. Ito ay maaring ulan, init, lamig, bagyo, lindol, pagsanog ng bulkan, at iba pa.

Buod ng Bata, Bata Paano ka Ginawa?


Mga Tauhan
Lea – ang bida at bayani sa nobela
Ojie – anak na lalaki ni Lea
Maya – anak na babae ni Lea
Ding – lalaking kinakasama ni Lea, ama ni Maya
Raffy – unang asawa ni Lea, ama ni Ojie

Nagsimula ang katha sa pambungad na pagtatapos ng anak niyang si Maya mula sa kindergarten. Nagkaroon ng
palatuntunan at pagdiriwang. Sa simula, maayos ang takbo ng buhay niLea, ang buhay niya ay may kaugnayan sa
kanyang mga anak, mga kaibigang lalaki at sa pakikipagtulungan niya sa isang samahan na pangkarapatang-
pantao. Subalit lumalaki na ang mga anak niya at nakikita niya ang mga pagbabago sa mga ito. Naroroon ang mga
pagbabago ng mga ugali ng mga ito: si Maya, isang paslit na may kuryusidad at si Ojie na nasa pagtawid bilang isang
ganap na lalaki. Di inaasahang bumalik ang dating asawa ni Lea na si Raffy na ama ni Ojie na nagbabalak sanang
kunin ito at dadalhin sa Estados Unidos. Naroon ang takot niyang baka kunin na ng mga ama itoang kanyang
mga anak ng mga ama nito. Kailangan niya ring gumugol ng panahon para sa trabaho at samahan na kanyang
tinutulungan.Sa banding huli, nagpasya ang magkapatid na piliin siya, isang pagpapasyang hindi niya giniit sa
mga ito. Isa pa ring pagtatapos ng pag-aaral ang laman ng huling kabanata kung saan kinuhang panauhing pandangal
si Le a. Nagbigay siya ng talumpati na ang paksa ay kung paano umiiral ang buhay, at kung paano sadyang kay bilis
ng panahon na kasimbilis ng paglaki, pagbabago, at pag-unlad ng mga tao. Nag-iwan siya ng mensahe na hindi wakas
ang pagtatapos mula sa paaralan sapagkat iyon ay simula pa lamang ng mga darating pang pagsubok sa buhay ng
isang tao. Dala ang inosenteng tanong na.. “Bata, bata pa’no ka ginawa?”

LANGSOCTECH Department - LAS No. 4 - Page 4 of 5


S.Y. 2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q1
303421 JHS LEARNING ACTIVITY SHEET WK3

Panuto: Isulat ang sagot sa espayong nakalaan sa Learning Activity Sheet. Huwag gumamit ng anumang uri ng
Sagutang papel tulad ng intermediate paper, bond paper at notebook. Tanging sa LAS na ito magsasagot.

LANGSOCTECH Department - LAS No. 1 - Page 2 of 3


S.Y. 2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q1
303421 JHS LEARNING ACTIVITY SHEET WK3

LANGSOCTECH Department - LAS No. 1 - Page 3 of 3

You might also like