You are on page 1of 3

S.Y.

2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q2
303421
JHS LEARNING ACTIVITY SHEET WK6
LAS No.: 2
Name: ______________________________________________________________ Score: _____________
Grade and Section: ____________________________________________________ Date: ______________
Subject: Filipino 9

ws Type of Activity: Concept Notes

Activity Title: KAHULUGAN NG IMAHE AT SIMBOLO


MELC: Nabibigyang-kahulugan ang mga imahe at simbolo sa binasang kuwento (F9PTIIe-f-48)
Learning Nabibigyang-kahulugan ang mga imahe at simbolo sa binasang kuwento
Target:
References: Panitikang Asyano: Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9. 3rd Floor, Bonifacio Bldg., DepEd
Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600. DepEd- Bureau of Secondary
Education Curriculum Development Division,n.d.

Basahing mabuti ang maikling kuwento na pinamagatang, Nagmamadali ang Maynila.


P

Nagmamadali ang Maynila


(ni Serafin C. Guinigundo)

“GINTO…GINTO…Baka po kayo may ginto riyan? Mga mama…mga ale…ginto”


ang alok-anyaya ng isang babaeng nakakimona at ang saya ay humihilahod sa sakong
at siyang lumilinis sa makapal na alikabok sa bangketa.

“Baka po kayo may ginto?”, ang muling sigaw ng babae.

“Kung may ginto ako ay bakit ipagbibili ko? Hindi baga mahal ang ginto kaysa sa
kwalta?” sambot ng isang lalaki na ang kausap ay ang kaakbay.

Ang kalipunan ng mga taong naglipana sa Azcarraga, Avenida, Rizal at Escolta ay


mga mamimiling walang puhunan (karamihan) at mga tagapagbili ng mga bagay na wala
sa kanila at lalong hindi kanilang pag-aari. Ang hanapbuhay ng mga ito ay magtala sa
papel ng mga bagay na nababalitang ipinagbibili. Madalian ang kanilang usapan. Mabilis
magkasundo. Tiyak ang pook na tipanan-- sa harap ng isang mesa: sa ibabaw ng
umaasong kapeng-mais na pinapuputla ang kulay ng gatas na may bantong gata ng
niyog. Kung sila’y palarin: kakamal ng libo, kung mabigo naman ay gutom maghapon.

Sa tawaran ay hindi magkamayaw. Tingin. Tawad. Tingin. Silip. Tawad. Tingin sa


singsing , kuwintas, hikaw at pulseras.

“Ilang ply, ano ang sukat ng goma?” usisa ng isa.

“Ano? In running condition ba? Baka hindi. Mapapahiya tayo.” Ang paniniyak ng
isa naman.

“Aba! Sinasabi ko sa iyo…garantisado. Hindi ka mapapahiya,” tugon ng tinanong.


“Hoy, tsiko, ang iyong lote, may tawad na. Ano, magkano ang talagang atin doon?
Mayroon na ba tayo? Baka wala? Ihanda mo ang papel. Bukas ang bayaran. Tiyakin mo
lang ang ating salitaan, ha? Kahit hindi nakasulat…ikaw ang bahala?”

“Ako ang bahala, boy. Alam mo na ang bilis natin. Hindi ka maano. Hawak natin
ang ibon.”

LANGSOCTECH Department - LAS No. 2 - Page 2 of 3


S.Y. 2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q2
303421 JHS LEARNING ACTIVITY SHEET WK5

Halaw sa Haraya II ni Aurora Batnag et al.

LANGSOCTECH Department - LAS No. 1 - Page 2 of 3


S.Y. 2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q2
303421 JHS LEARNING ACTIVITY SHEET WK5

LANGSOCTECH Department - LAS No. 1 - Page 3 of 3

You might also like