You are on page 1of 2

S.Y.

2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q2
WK8
303421
JHS LEARNING ACTIVITY SHEET
LAS No.: 1
66565
Pangalan: DANNY B. ELAGO_________________________________________________Grado/Puntos: ____________
Taon at Pangkat: GRADE-9-HUMANITY_________________________________________Petsa: __________________
Asignatura: Araling Panlipunan 9

Uri ng Gawain: Mga Tala ng Konsepto na may Ehersisyo/Drills

Pamagat ng Gawain: KONSEPTO NG PAMILIHAN


MELC: Nasusuri ang kahulugan ng iba’-ibang struktura ng pamilihan ( AP-9 MYK-II h-11
Layunin: Nasasagot ang konsepto na may kaugnayan sa istruktura ng Pamilihan at Pamahalaan
Sanggunian: Ekonomiks, Consuelo M. Imperial, Evelina M. Viloria

Suriin
Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan

Ang pamahalaan ay isang mahalagang institusyon sa ating bansa


hindi lamang sa usaping pulitikal, kundi maging sa usaping
pangkabuhayan. Ayon sa Artikulo II Seksyon 4 ng 1987 Konstitusyon
ng Pilipinas, ang pamahalaan ay may pangunahing tungkulin na
pangalagaan at paglingkuran ang sambayanan.

May tungkulin ang pamahalaan sa usaping pangkabuhayan sa


pamamagitan ng pakikialam sa pagtatakda ng presyo sa pamilihan.
Maaaring magpatupad ng iba’t ibang hakbang ang pamahalaan upang
magkaroon ng matatag na presyo sa pamilihan. Ang mga hakbang na
ito ang magbibigay ng proteksyon sa mga mamimili at siyang
magbabantay sa presyo na maaaring ipatupad ng prodyuser sa
pamilihan.

Ang graph sa ibaba ay nagpapakita ng halimbawa ng price ceiling at price floor.

LANGSOCTECH Department - LAS No. 1 - Page 1 of 2


S.Y. 2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q2
303421 JHS LEARNING ACTIVITY SHEET WK8

Ayon sa graph, Php20 ang ekwilibriyong presyo. Ngunit, ang presyong ito ay maaaring mataas sa tingin ng mga
konsyumer. Dahil dito, ang pamahalaan ay makikialam sa pamamagitan ng pagpapataw ng Php15 bilang price ceiling
ng mga prodyuser. Dahil ang presyong Php15 ay higit na mas mababa kaysa sa ekwilibriyong presyo na Php20,
inaasahang magdudulot ito ng pagtaas ng quantity demanded na umabot sa 90 na dami. Mas mahihikayat ang
mamimimili na bumili ng mga produkto at serbisyo kung mababa ang umiiral na presyo sa pamilihan kumpara sa
ekwilibriyong presyo na Php20 sa 60 lamang na kabuuang dami.

Batay sa graph, ang ekwilibriyong presyo na Php25 ay mas mababa sa itinalagang price floor na Php50.
Magdudulot ito ng pagtaas ng quantity supplied at magbubunga ng kalabisan (surplus) sa pamilihan. Higit na
mas marami ang supply sa isandaan (100) kung ihahambing sa dami na dalawampu (20) na quantity demanded.
Kapag may kalabisan, maaaring bumaba ang presyo at dami ng supply patungo sa ekwilibriyong presyo. Subalit
dahil may pinaiiral na price floor, hindi maaaring ibaba ang presyo dahil ito ang itinakda ng batas. Dahil dito,
malinaw na ang price floor ay nagdudulot ng kalabisan (surplus) sa pamilihan

LANGSOCTECH Department - LAS No. 1 - Page 2 of 2

You might also like