Professional Documents
Culture Documents
Ap9 - Las 1 - Q2 - WK 5 Interaksyon NG Demand at Suplay
Ap9 - Las 1 - Q2 - WK 5 Interaksyon NG Demand at Suplay
2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q2
WK5
303421
JHS LEARNING ACTIVITY SHEET
LAS No.: 1
66565
Pangalan: DANNY B. ELAGO__________________________________________ Grado/Puntos: ____________
Taon at Pangkat: GRADE-9-HUMANITY_________________________________Petsa: ___________________
Asignatura: Araling Panlipunan 9
Suriin
Bakit nga ba nagbabago ang presyo ng mga produkto sa pamilihan? Mapapansin na may panahon na mura ang
mga produktong tulad ng mangga, bulakalak at iba pa at may mga panahon din na ang mga produktong ito ay
mahal.
Ang mga pwersa ng demand ang supply ang dahilan kung bakit may pagbabago sa mga presyo ng pamilihan.
Magkasabay na kumikilos ang mga pwersang ito upang matiyak ang presyo. Naipaliliwanag ng interkasyon ng
demand at supply ang pamilihan. Isang magandang paraan para maipakita ang relasyon ng demand at supply ay
sa pamamagitan ng pag-plot ng demand at supply schedule sa graph.
Quantit
Presy
Quantity y 6 Eq point
Pesyo
o sa SC
Demanded Supplie 0
Php
d DC
10 10 50 0 10 20 30 40 50
8 20 40 Quantity
6 30 30
4 40 20
2 50 10
Kung pagsasamahin ang demand at supply curve, may punto kung saan ang mga ito ay nagko-krus o may
interseksyon. Ang pangyayaring ito ay nagpapakita ng ekwilibriyo o equilibrium. Ang ekwilibriyo sa pamilihan
o market equilibrium ay ang punto kung saan ang quantity demanded at quantity supplied ay pantay o balanse.
Ang presyo kung saan naging pantay ang demand at supply ay tinatawag na presyong ekwilibriyo o equilibrium
price. Ito ang pinagkasunduang presyo ng prodyusers at konsyumers. Ang dami o quantity kung saan naging
pantay ang demand at supply ay tinatawag namang ekwilibriyong dami o equilibrium quantity. Sa ibinigay na
schedule sa itaas, ang equilibrium price ay Php 6 at ang equilibrium quantity ay 30.
?
Paano magkompyut ng equilibrium price at equilibrium quantity gamit ang mathematical equations?
Ang kompyutasyon na nasa sa ibaba ay nagpapakita kung papaano makukuha ang ekwilibriyong presyo at quantity
o dami. Ipagpalagay natin ang mga function na Qd= 60 - 5P at Qs= 5P para sa naibigay na schedule sa itaas. Una
munang alamin ang halaga o presyo (P) gamit ang demand at supply function. Pagkatapos ay ihalili ang value ng
P sa demand at supply function. Ang mga makukuhang sagot ang siyang tumutugon sa ekwilibriyong dami nito.
Qs = Qd
5P = 60 - 5P Qd = 60 - 5P Qs = 5P
5P + 5P = 60 = 60 - 5 (6) = 5 (6)
10P = 60 = 60 - 30 = 30
10 P 60 = 30
=
10 10
P = 6
?
Ano ang epekto ng surplus at shortage sa presyo?
Ang pagkakaroon ng shortage o surplus ay magreresulta sa pagbabago ng presyo. Maari itong tumaas o
bumaba depende sa sitwasyon ng demand at supply. Ang patuloy na pagbabago ng presyo ay
magreresulta sa pagkakaroon ng ekwilibriyo
Inihanda ni:
NIMFA A. CASTILA
Guro sa AP-9