You are on page 1of 9

9 Republic of the Philippines

Department of Education
Region V (Bicol)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LIGAO CITY
Binatagan, Ligao City
 

Gawaing Pagkatuto
 
ARALING PANLIPUNAN 9
Kwarter 2 - Linggo 2

SDO LIGAO CITY LAS_2021

 
LAS DEVELOPMENT TEAM
Schools Division Superintendent: Nelson S. Morales, Jr.
Assistant Schools Division Superintendent: Maylani L. Galicia
Chief Education Supervisor, CID: Tita V. Agir
EPS, LRMDS: Nestor B. Bobier
EPS, AP: Jose R. Nobela
 
Writers: Angelo S. Neric Ligao NHS
Chona M. Murillo Ligao NHS
Aliza Arnesto DPPMHS

 
Editor: Fermin Curaming Ligao NHS
 
Illustrator/Lay-out Artist: Daryl S. Prepotente DPPMHS

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


 
Schools Division Office of Ligao City—CID, Learning Resources
Management Section
Binatagan, Ligao City
 
Telefax: (052) 485-24-96
 
Email Address: ligao.city@deped.gov.ph
 
 

GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 9


KWARTER 2, LINGGO 2
Pangalan: __________________________ Antas/Seksyon: _____________
KONSEPTO AT SALIK NA NAKAAAPEKTO SA SUPPLY

I. MGA KAKAYAHANG PAMPAGKATUTO

Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa supply sa pang


araw-araw na pamumuhay.

II. PANIMULANG KONSEPTO

Konsepto ng Supply
Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at
kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t bang presyo sa isang takdang
panahon. Ayon sa batas ng supply mayroong direkta o positibong ugnayan
ang presyo sa quantity supplied ng isang produkto. Kapag tumataas ang
presyo, tumataas din ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang
ipagbili. Kapag bumababa ang presyo, bumababa rin ang dami ng produkto o
serbisyo na handa at kayang ipagbili (ceteris paribus).
Mayroon tatlong pamamaraan na pagpapakita ng konsepto ng supply: Supply
Schedule, Supply Curve at Supply Function.
Supply Schedule – isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong
ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t iang presyo.
Supply Schedule ng Face Mask
Presyo bawat piraso (Php) Quantity Supplied
50 100
40 80
30 60
20 40
10 20
0 0

Ang talahanayan sa itaas ay ang supply schedule para sa face mask na nagpapakita ng
relasyon sa pagitan ng quantity supplied para sa face mask sa iba’t ibang presyo. Kung ang
presyo ng bawat piraso ng face mask ay Php 10, dalawampu (20) lamang ang dami na
handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser. Kapag tumaas naman ang presyo ng face mask
sa Php 20 bawat piraso, tataas din sa 40 pirasong face mask ang handa at kayang ipagbili
ng mga prodyuser. Kung tataas pa ang presyo ng face mask bawat piraso ay tataas din ang
bilang ng face mask na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser tulad ng sa makikita sa
iskedyul. Malinaw na ipinapakita ang direktang ugnayan ng presyo at quantity supplied ng
face mask para sa mga prodyuser.
Supply Curve – isang dayagram o graph na nagpapakita ng ugnayan ng
presyo sa quantity supplied. Upang makuha ang quantity supplied, ang
mathematical equation na maaaring gamitin ay:

Qs = a + (b * P)
Kung saan:
Qs= Quantity Supplied
a= Bilang ng Qs kung
ang presyo ay 0
P=Presyo
b= Qs *Para makuha ang: Qs = Higher Qs – Lower Qs
P *Para makuha ang P = Higher P – Lower P

Para makuha ang Quantity Supplied A,

Qs = a + (b * P)
Qs = 0 + (2 * 40)
Qs = 0 + (80)
Qs = 80
Upang makuha ang quantity supplied, ang mathematical equation na
maaaring gamitin ay:

P= a + Qs
b
Para makuha ang Presyo B,
P = a+Qs
b
P = 0+40
2
P = 40
2
P = 20

Supply Function – isang matematikong na nagpapakita ng ugnayan ng presyo at


quantity supplied.
Gamit ang datos na nasa Supply Schedule ng Face Mask , narito ang halimbawa ng
Supply Curve ng Face Mask (Graph):

60
_
50
40
E
40
D
30
C
B
10
A
0
20
40 60 80 100

Mga Salik na Nakaaapekto sa Supply

a. Pagbabago sa Teknolohiya- Ang mga modernong teknolohiya ay


nakatutulong sa mga prodyuser upang makaggawa ng mas maraming supply ng
produkto. Dahil dito, maaaring bumaba ang halaga ng produksiyon na lalong
hihikayat sa mga prodyuser na dagdagan ang kanilang supply.

b. Pagbabago sa Halaga ng mga Salik ng Produksiyon- sa pagbuo ng


produkto, mayroong iba’t ibang salik na kinakailangan tulad ng lupa, paggawa,
kapital, at entrepreneurship. Sa pagtaas ng presyo ng alinmang salik, ito ay
nangangahulugan ng pagtaas rin ng kabuuang gastos sa produksiyon. Bunga
nito ay bababa ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng
mga prodyuser. Sa kabilang banda, kapag bumaba ang presyo ng alinmang
salik ng produksiyon magdudulot ito ng pagababa ng kabuuang gastos sa
produksiyon kung kaya ay magdudulot ito ng pagdami ng supply.

c. Pagbabago sa Bilang ng mga Nagtitinda- ang salik na ito ay


maihahalintulad sa bandwagon effect sa demand. Ibig sabihin sa konsepto ng
supply, kung ano ang mga nauusong produkto, nahihikayat ang mga prodyuser
na gumawa at magtinda nito. Halimbawa, dahil sikat ngayon ang milk tea lalo na
sa mga kabataan, marami na rin ang mga negosyong nagtitinda ng produkto ito.

d. Pagbabago sa Presyo ng Kaugnay na Produkto- ang mga pagbabago sa


presyo ng isang produkto ay nakaaapekto sa quantity supplied ng mga
produktong kaugnay nito. Halimbawa, ang magsasaka ay nagtatanim ng palay at
mais. Sa panahon na mas mataas ang presyo ng mais, magaganyak siyang
gamitin ang kabuuang lupa bilang taniman ng mais. Ito ay magdudulot ng
pagbaba sa supply ng bigas at pagtaas ng supply ng mais.

e. Ekspektasyon ng Presyo- kung inaaasahan ng mga prodyuser na tataas ang


presyo ng kanilang produkto sa madaling panahon, may mga magtatago ng
produkto upang maibenta ito sa mas mataas na presyo sa hinaharap Ang
kondisyong ito ay tinatawag na hoarding na nagbubunga ng pagbaba ng
supply sa pamilihan.
Halimbawa nito ay ang nangyayaring sakuna dulot ng COVID-19.
Nagkukulang ang supply ng alcohol dahil napabalita na maraming mga bumibili
at nagtatago ng bote- bote at galon- galon at ipinagbibili sa higit na mataas na
presyo. Ang gawaing ito ay ipinagbabawal sa isinasaad sa batas na
Bayanihan:Heal as One Act.

III. MGA GAWAIN

A. PAGSASANAY 1
PANUTO: Gamit ang iyong kaalaman sa matematika. Kumpletuhin ang mga datos sa
Supply Schedule gamit ang Supply function.Ilapat ang datos ng Supply schedule sa graph
upang maipakita ang Supply curve.

a.1 Supply Function: Qs= -200+5P Supply Curve


Presyo Quantity
           
Supplied
           
45
Presyo

60            

58            
64            
150            

Quantity Supplied

a.2 Supply Function: Qs= -100+20P Supply Curve


Presyo Quantity
           
Supplied
           
5
Presyo

100            

15            
300            
25            

Quantity Supplied

B. PAGSASANAY 2
PANUTO: Gamit ang mga salita o konseptong nakalista sa kahon, kumpletuhin ang talata
sa Supply.
Presyo Bumababa Supply Mahal Handa

Tumataas Supply Schedule Batas ng Supply Supply Curve Direct

Ang 1. ___________________ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na


2. _____________________at kayang ipagbili ng prodyuser sa iba’t-ibang presyo
sa isang takdang panahon. Ang pangunahing salik na nakakaapekto sa supply ay
ang 3.____________________. Kapag tumaas ang presyo,
4. ________________ang dami ng handa at kayang ipagbili at kapag bumaba ang
presyo, 5.__________________naman ang dami ng handa at kayang ipagbili.
Kaya’t ang ugnayan sa pagitan ng presyo at supply ay tuwiran o
6.__________________relationship. Ito ang sinasaad ng 7.________________.
Ang ganitong ugnayan ng presyo at supply ay dahil sa paghahangad ng prodyuser
na kumita ng malaki kaya’t nais niya ang mas 8.__________________na presyo sa
kanyang mga produkto o serbisyo. Higit na mauunawaan ang konsepto ng supply
sa pamamagitan ng isang talaan na nagpapakita ng quantity supplied ng isang
prodyuser sa iba’t- ibang presyo. Tinatawag itong 9. ____________________.
Kapag inilapat ang mga datos nito sa isang graph, mabubuo ang
10.____________________, na isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng
presyo at quantity supplied. Maaari ring ipakita ang ugnayan ng presyo at
quantity supplied gamit ang mathematical equation. Tinatawag itong supply function.

C. PAGSASANAY 3

PANUTO: Suriin kung alin sa 5 pangunahing SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA SUPPLY ang


tinutukoy ng bawat sitwasyon. Piliin ang iyong sagot sa kahon at isulat sa patlang.

Pagbabago sa Teknolohiya
Pagbabago sa Presyo ng kaugnay na produkto
Ekspektasyon ng Presyo
Pagbabago sa halaga ng mga Salik Produksyon
Pagbabago sa Bilang ng mga nagtitinda

1. Bunga ng oversupply, bumagsak ang presyo ng tilapia kaya’t napilitan si Valir


na mag-alaga na lamang ng bagus sa kanyang fish pond.
__________________________________________
2. Bumili si Lesley ng tatlong rolyo na balat ng hayop upang gawing sapatos.
Tumaas ang presyo kada rolyo ng balat ng hayop mula sa dating Php 6,000 at
umabot na ngayon ng Php 9,000 kada rolyo. _________________________
3. Nagpalit ng bagong modelo at mas malaking kalan si Aling Silvanna para sa
kanyang karinderya. ___________________________
4. Hindi muna ibinenta ni Aling Karina ang kaniyang panindang bawang ngayon
sa pag-aakalang tataas pa ang presyo nito sa susunod na linggo.
_____________________________________
5. Mabili ang produkto mula sa ukay-ukay kaya nagdesisyon ang magkaibigang
Natalia at Freya na pasukin na rin ang negosyo.
_______________________________________
6. Malakas na negosyo ngayon ang pagtitinda ng face mask at face shield sa
pamilihan, kaya si Aling Nana ay nahikayat na magbenta ng nasabing
produkto.
7. Marami ngayon ang naeengganyong bumili ng solar panel dahil sa madalas
na brownout at mahal na ang presyo ng mga generator set.
__________________________________________.
8. Patok ngayon ang negosyo nina Rafaela at Odette na milktea kaya marami
ang nahikayat na magnegosyo nito. _______________________________
9. Nabalitaan ni aling miya na magkakaroon ng bagyo sa susunod na linggo,
kaya naman naisipan na niyang ibenta na ang kanyang mga gulay.
_________________________________.
10. Ang negosyanteng si Bruno ay nakakagawa ng 2000 piraso ng rice puto
kada araw sa puhunang Php 500. Subali’t dahil sa pagmahal ng
pinakapangunahing sangkap nito na arina at asukal , bumaba ang bilang ng
kanyang nagagawa na puto sa parehong puhunan.
______________________________________________

Performance Task:
Panuto: Pumili ng isang produkto na sa tingin mo ay patok sa inyong lugar.
Gawan ito ng Business Proposal. Gamitin ang pormat sa baba sa paggawa nito.

BUSINESS PROPOSAL
Pangalan ng Negosyo

Lugar

Layunin ng negosyo

Maikling paglalarawan ng negosyo

Mga kagamitan

Paraan ng paggawa ng produkto

Estimated budget

IV. RUBRIC SA PAGMAMARKA


Pagsasanay 1: 5 puntos para sa ginawang supply schedule
5 puntos para sa ginawang supply curve
Pagsasanay 2: 1 punto sa bawat tamang sagot
Pagsasanay 3: 1 punto sa bawat tamang sagot
Performance Task:
Nilalamanan - 10 puntos
Kaugnayan sa Paksa - 5 puntos
Malikhain - 5 puntos
Kabuuan - 20 puntos

V. MGA SANGGUNIAN

Volante Junroy (2019) -Ekonomiks Ikalawang Markahan-Supply


Ekonomiks-Araling Panlipunan-Modyul para sa Mag-aaral, pahina 147-149

VI. REPLEKSIYON/SUHESTIYON/KOMENTO

Kumpletuhin ang patlang upang maipahayag ang saloobin, kung ikaw ay magiging
isang prodyuser o negosyante paano ka makakatulong sa ekonomiya ng bansa.

Kapag ako ay nagging isang prodyuser o negosyante, ang aking maitutulong sa pag-
unlad ng ekonomiya ay___________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

Inihanda nina:

Angelo S. Neric Ligao NHS


Chona M. Murillo Ligao NHS
Aliza Q. Arnesto DPPMHS

You might also like