You are on page 1of 11

HINDI IPINAGBIBILI

9
Pag-aari ng Pamahalaan

Mga Konsepto at Salik na


Nakaaapekto ng Suplay
Modyul sa Araling Panlipunan 9
Ikalawang Markahan Modyul 2 (W3&4)

JANETH T. QUINIO
LEONES B. GONSODEN
Mga Tagapaglinang

Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong Administratibo ng Cordillera


PANIMULA
 
Ang modyul na ito ay isang proyekto ng DepEd Schools Division ng Baguio
City sa pamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID) bilang tugon sa
pagpapatupad ng K to 12 Kurikulum.

Ang kagamitang pampagkatuto na ito ay pag-aari ng Kagawaran ng


Edukasyon, Dibisyon ng Baguio. Nilalayon nitong mapagbuti ang akademikong
pagganap ng mga mag-aaral partikular sa asignaturang Araling Panlipunan 9 -
Ekonomiks.

Petsa ng Pagkakagawa: August 2020


Lokasyon: Schools Division of Baguio City
Asignatura: Araling Panlipunan
Baitang: 9
Uri ng Materyal: Modyul Pang Mag-aaral
Wika: Filipino
Markahan/Linggo: Q2/W3-4
Kasanayang Pampagkatuto/Code: Natatalakay ang konsepto at salik na
nakaaapekto sa suplay sa pang araw-araw
na pamumuhay.
ALAMIN

Sa nakaraang aralin, napag-aralan mo ang tungkol sa demand bilang isa sa


mahahalagang bahagi ng pamilihan na nakatuon sa mamimili. Subalit, hindi
magiging ganap ang takbo ng pamilihan kung wala ang prodyuser. Sila ang
nagtutustos at bumubuo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan. Kung ang pag-
aaral ng demand ay nakatuon sa mga mamimili. Ang aralin namang ito ay nakatuon
sa konsepto ng suplay.

Tulad ng naging pagtalakay sa aralin tungkol sa demand, tutuklasin natin ang


ugnayan ng presyo at suplay gamit ang tatlong pamamaraan sa pagtuturo ng
ekonomiks. Magsasagawa rin ng mga kasanayan ukol sa mga mahahalagang
konsepto ng suplay. Inaasahan na ikaw ay mahihikayat na pagyamanin ang iyong
kaalaman at maunawaan kung paanong ang konsepto ng suplay ay makatutulong sa
matalinong pagdedesisyon ng prodyuser tungo sa pambansang kaunlaran.

A. Layunin sa Pagkatuto

Sa araling ito, inaasahan na matutuhan mo ang mga sumusunod:

1. Naipapaliwanag ang konsepto ng suplay.

2. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa suplay sa


pang-araw-araw na pamumuhay.

Aralin 1: Konsepto ng Suplay

SURIIN
ANG KONSEPTO NG SUPLAY
Batas ng Suplay
Isinasaad ng Batas ng Suplay na mayroong direkta o positibong ugnayan ang
presyo sa quantity supplied ng isang produkto. Kapag tumataas ang presyo,
tumataas din ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga
prodyuser. Kapag bumababa ang presyo, bumababa rin ang dami ng produkto o
serbisyo na handa at kayang ipagbili (ceteris paribus).

1
Iskedyul ng Suplay
Higit na mauunawaan ang konsepto ng suplay sa pamamagitan ng iskedyul
ng suplay. Ito ay isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng
mga prodyuser sa iba’t ibang presyo. Makikita sa susunod na pahina ang halimbawa
ng iskedyul ng suplay.

Suplay ng Banana Cue

PUNTO PRESYO (₱) BILANG NG PRODUKTO


A 7 20
B 10 50
C 12 70
D 15 100
E 18 130
F 20 150

Ang iskedyul na makikita sa talahanayan ay tumutukoy sa quantity supplied


para sa banana cue sa iba’t ibang presyo. Halimbawa, sa halagang pitong piso
(₱7.00) bawat piraso ng banana cue, dalawampu (20) lamang ang dami ng handa at
kayang ipagbili ng mga prodyuser. Sa presyong (₱10.00) bawat piraso, limampung
(50) piraso naman ang handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser. Kung tataas pa
ang presyo at maging dalawampung piso (₱20.00) bawat piraso ng banana cue,
kapansin-pansing magiging 150 ang magiging suplay para dito.

Kurba ng Suplay

Maliban sa iskedyul ng suplay, maipakikita rin ang ugnayan ng presyo sa


quantity supplied sa pamamagitan ng isang dayagram o graph. Ito ay tinatawag na
kurba ng suplay. Ito ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at
quantity supplied.
25
F
20 E

D
PRESYO (P)

15 B
C
B
10
A

0
0 20 40 60 80 100 120 140 160

QUANTITY SUPPLIED (Qs)

2
Ang graph ay batay sa iskedyul ng suplay na nasa talahanayan. Kung ilalapat
sa graph ang iba’t ibang kombinasyon ng mga presyo at quantity supplied ay
mabubuo ang kurba ng suplay. Halimbawa, sa punto A, ang presyo ay pitong piso
(₱7.00), dalawampu (20) ang dami ng banana cue na gusto at handang ipagbili ng
prodyuser; sa punto B na ang presyo ay sampung piso (₱10.00), limampu (50) ang
dami ng banana cue na gusto at handang ipagbili ng prodyuser. Kung tutuntunin ang
mga puntong ito hanggang punto F ay makabubuo ng isang kurbang pataas na
pahalang papuntang kanan o upward sloping curve.

Supply Function
Ang isa pang paraan ng pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity
supplied ay sa pamamagitan ng supply function. Ang supply function ay ang
matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied. Maaari itong
ipakita sa equation sa ibaba:
Qs = - c + bP

Kung saan:

Qs= dami ng suplay/ quantity supply


-c = imposibleng dami ng produkto kapag ito ay zero o libre/ pag-ayaw ng
prodyuser na magsuplay ng produkto
b = pagbabago sa dami ng suplay
P = Presyo

Gamit ang supply function ay makukuha ang quantity supplied kung may
given na presyo. Sa puntong A, ihalili ang presyo na pito (₱7.00) sa P. Imultiply ito
sa b (pagbabago sa dami ng supply) at idagdag ang value ng -c.

Halimbawa: Punto A Qs= -c + bP


Qs= - 50 + 10P
= -50 + 10 (7)
= -50 + 70
Qs= 20
Gamit ang mathematical equation, maaaring makuha ang presyo sa ganitong
paraan:
c + Qs Ililipat (transpose) ang -c sa kanan
P =
b kaya mula sa -, ito ay magiging positibo.

Halimbawa: Punto B c + Qs
P =
b
50 + 50
=
10
100
=
10
P = 10

3
PAGYAMANIN

Gawain 1: MAG-COMPUTE TAYO!


Mula sa talahanayan, kompyutin ang P at Qs para mabuo ang iskedyul ng
suplay at gumawa ng kurba ng suplay mula rito.

Qs= -200 + 5P.

PUNTO PRESYO QUANTITY


SUPPLIED
A ___ 0
B 45 ___
C 50 ___
D ___ 100
E ___ 125
F 70 ___

4
Mga Salik na Nakaaapekto sa Suplay
Maliban sa presyo, may iba pang salik na nakaaapekto sa suplay. Ang
pagsusuri ng mga salik na ito ay mahalagang malaman upang higit na maging
matalino sa paggawa ng desisyon ang mga prodyuser.

(1) Teknolohiya

Karaniwan na ang modernong teknolohiya ay nakatutulong sa mga


prodyuser na makabuo ng mas maraming supply ng produkto.
Dahil dito, maaaring bumaba ang halaga ng produksiyon na lalong
hihikayat sa mga prodyuser na dagdagan ang kanilang supply.

(2) Halaga ng mga Salik Produksiyon o Gastos sa Produksiyon

Ang paggawa ng produkto ay nangangailangan ng iba’t ibang salik


gaya ng lupa, paggawa, kapital, at entrepreneurship. Sa bawat
pagtaas ng presyo ng alinmang salik, mangangahulugan ito ng
pagtaas sa kabuuang gastos ng produksiyon kaya maaaring
bumaba ang dami ng mga produkto o serbisyo na handa at kayang
ipagbili ng mga prodyuser. Sa kabilang banda, ang pagbaba ng
presyo ng alinmang salik ay magdudulot din ng pagbaba ng kabuuang gastos sa
produksiyon kaya’t inaasahan ang pagdami ng suplay.

(3) Bilang ng mga Nagtitinda

Ang salik na ito ay maihahalintulad din sa bandwagon effect sa


demand. Kung ano ang mga nauusong produkto ay nahihikayat
ang mga prodyuser ng mag prodyus at magtinda nito. Halimbawa,
dahil nauuso ang pagtitinda ng siomai, milkshake at toasted
siopao, mas marami ang nahihikayat na magtinda ng kaparehong
produkto.

(4) Presyo ng Kaugnay na Produkto

Ang mga pagbabago sa presyo ng isang produkto ay


nakaaapekto sa quantity supplied ng mga produktong kaugnay
nito. Halimbawa, ang magsasaka ay nagtatanim ng palay at mais.
Sa panahon na mas mataas ang presyo ng mais, magaganyak
siyang gamitin ang kabuuang lupa bilang taniman ng mais. Ito ay
magdudulot ng pagbaba sa supply ng bigas at pagtaas ng supply
ng mais.

(5) Ekspektasyon ng Presyo

Kung inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng


kanilang produkto sa madaling panahon, may mga magtatago ng
produkto upang maibenta ito sa mas mataas na presyo sa
hinaharap. Ang kondisyong ito ay tinatawag na hoarding na
5
nagbubunga ng pagbaba ng supply sa pamilihan. Halimbawa, may paparating na
bagyo na tatama sa Gitnang Luzon na isa sa mga pinagmumulan ng supply ng bigas
sa bansa. May ilang mapagsamantalang negosyante na magtatago ng kanilang
supply dahil sa inaasahang pagtaas sa presyo ng produkto. Kapag nangyari na ang
inaasahang pagtaas ng presyo ng bigas, muli nilang ilalabas sa pamilihan ang mga
itinagong bigas.

(6) Buwis
Ito ay tumutukoy sa salaping sapilitang kinokolekta ng
pamahalaaan mula sa mga mamamayan. Ito ang pinakamalaking
pinagkukunan ng pondo ngpamahalaan. Kapag mataas ang
buwis na ipinapataw ng pamahalaan sa mga negosyo,
mababawasan ang dami ng supply. Sa kabilang banda kapag
bumababa ang buwis, dadami ang supply na magagawa ng mga
negosyante.

(7) Subsidiya mula sa pamahalaan

Ito ang pagbibigay ng pamahalaan sa mga magsasaka para


matulungan ang mga industriya para maibalanse o mananatiling
tama ang presyo at paramihin ang kanilang produksyon at
pataasin ang supply ng mga produkto. Maliban sa tulong sa
magsasaka, may tulong na ibinibigay ng gobyerno sa mga maliliit
na negosyante upang matugunan ang ilan sa mga
pangangailangan ng kanilang negosyo.

(8) Puwesa ng kalikasan


Ang mainam na panahon at matabang lupa ay nakakatulong
upang mapalaki ang produksiyon, lalo na sa sektor ng
agrikultura. Aasahan a mas mataas ang suplay kung mas
mainam ang panahon, Samantala, sa panahon ng may baha,
bagyo, at iba pang natural na kalamidad ay bumababa ang
supply ng mga produktong agrikultural.

ISAGAWA

Gawain 2: Anong Salik Ito? May mga sampung (10) sitwasyon ang
nakapalibot sa supply. Isulat sa mga patlang kung anong salik na nakakaapekto sa
supply ang tinutukoy ng mga halimbawang sitwasyon.

1. Nararanasan ng bansa 10. Dumarami ang mga


ang epekto ng El Nino. bansang gumagawa ng
_____________________ bakuna kontra covid-19.
____________________

2. Pinaplano na magkakaroon ng 6
9. May bagong makinarya ang
bagong buwis sa mga produktong naimbento sa paggawa ng facemask.
naibebenta sa online shops. ________________________
________________________
8. Humihingi ng dagdag
3. Mataas ang presyo ng na sahod ang mga
strawberry sa La Trinidad manggagawa.
na ginagamit sa paggawa ____________________
ng strawberry jam.
_____________________
TAYAHIN 7. Inanunsyo maaaring
pagtaas ng presyo ng
Pagpili ng Tamang Sagot. Basahin at unawaing mabuti
gulay naangnanggagaling
tinutukoy ng sa
mga
4. Nakatanggap ng tulong Benguet sa susunod na
pangungusap at piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
pinansiyal ang mga maliliit lingo bunsod ng
na negosyante mula sa
1-5. Suriin ang graph at sagutin ang mga sumusunod na katanungan: lockdown
pamahalaan.
pagpapatupad
dahil sa pagdami ng
_____________________ SUPLAY nahawaan sa covid-19.
12
_____________________
E
10
5. Malalakas ang mga bagyo D
ngayon8 bunga ng climate 6. Nahikayat si Pedro na magtinda ng rambutan
Presyo (P)

C
change. dahil napapanahon ang prutas na ito.
6
___________________ B _________________________________
4
A
2

0
0 5 10 15 20 25 30
Dami ng Produkto (Qs)

1. Magkano ang pinakamataas na presyo para sa produkto


A. ₱10.00 B. ₱8.00 C. ₱6.00 D. ₱4.00

2. Ilan ang pinakamababang dami ng produkto?


A. 5 B. 10 C. 15 D. 20

3. Magkano ang presyo para sa nasabing produkto kung ang suplay ay 10?
A. ₱2.00 B. ₱4.00 C. ₱6.00 D. ₱8.00

4. Ilan ang dami ng produkto sa presyong ₱10.00?


A. 10 B. 15 C. 20 D. 25

5. Ano ang nangyari sa dami ng produkto noong tumaas ang presyo?


A. Tumaas ang dami ng produkto
B. Bumaba ang dami ng produkto
C. Walang pagbabago sa dami ng produkto
D. Hindi nagbago ang dami ng produkto

6. Ang presyo ng produkto at serbisyo ay nagsisilbing hudyat sa mga prodyuser


kung gagawa o hindi ng mga produkto at serbisyo. Ang mataas na presyo ng isang
produkto o serbisyo ay makahihikayat sa mga negosyante dahil ______
A. lalaki ang kapital niya
B. mabilis na maipagbibili ang mga produkto
C. lalaki ang kikitain niya
D. madagdagan ang mga paninda niya.

7
7. Ito ang mga salik na nakakaapekto sa supply maliban sa _____.
A. Teknolohiya B. Dami ng bumibili C. Subsidiya D. Ekspektasyon

8. Alin sa sumusunod na salik ang may di-tuwirang relasyon sa dami ng suplay?


A. Kalamidad C. Bagong teknolohiya
B. Dami ng nagtitinda D. Subsidiya ng pamahalaan

9. Alin sa sumusunod na salik ang may tuwirang relasyon sa dami ng suplay?


A. Kalamidad C. Gastusin sa Produksiyon
B. Buwis D. Bagong teknolohiya

10. Biglang dumami ang suplay ng mga ipinagbibiling halaman (succulents). Alin sa
sumusunod ang hindi maaring dahilan nito?
A. Tumaas ang presyo ng mga gagamitin sa pagtatanim nito kagaya ng
pataba at paso.
B. Dumami ang mga nagtatanim ng succulents dahil sa pananatili sa kanilang
kabahayan bunsod ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
C. Naging mas madali ang pagpaparami dahil sa bagong pamamaraan ng
pagtatanim.
D. Tumaas ang presyo ng mga halamang ito

11. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng


mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
A. Demand C. Pamilihan
B. Palengke D. Suplay

12. Ang grapikong representasyon ng bilang ng produkto o serbisyo na handang


ipagbili ng prodyuser ay nakapaloob sa ___________.
A. Kurba ng Demand C. Batas ng Demand
B. Kurba ng Suplay D. Batas ng Suplay

13. Ano ang ipinahihiwatig ng batas ng suplay?


A. Habang tumataas ang halaga ng bilihin, nalilimitahan ang mabibili ng
mamimili.
B. Habang tumataas ang halaga ng mga produkto, ang mga prodyuser ay
higit na gagawa ng mga produkto at serbisyo
C. Habang bumababa ang presyo ng mga produkto, ang mga prodyuser ay
higit na gagawa ng mga produkto at serbisyo.
D. Habang bumababa ang presyo ng mga bilihin, maraming mabibili ang
mga mamimili.

14. Ayon sa batas ng suplay, nagbibili ang prodyuser ng maraming produkto at


nagkakaloob ng maraming serbisyo kung ang presyo ay _____.
A. mababa C. pabago- bago
B. mataas D. walang pagbabago

15. Ito ay talaan ng iba’t ibang dami ng produktong handang ipagbili ng mga
negosyante sa iba’t ibang presyo.
A. demand function C. iskedyul ng suplay
B. supply function D. iskedyul ng demand

8
SANGGUNIAN
Imperial, C. et al., (2017). Kayamanan. Quezon City: Rex Printing Company, Inc.
Kagawaran ng Edukasyon (2015). EKONOMIKS: Araling Panlipunan – Modyul para sa
Mag-aaral. Unang Edisyon. Vibal Group, Inc.

Kagawaran ng Edukasyon (2012). EKONOMIKS: Mga Konsepto at Aplikasyon.


Vibal Publishing House, Inc.

Picture 1- Konsepto ng Suplay


https://png.pngtree.com/thumb_back/fh260/back_our/20190617/ourmid/pngtree-taobao-icon-arrow-
ladder-gray-balloon-ray-cartoon-poster-background-image_128239.jpg

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com
%2Fstatic.graphemica.com%2Fglyphs%2Fi500s%2F000%2F012%2F505%2Foriginal
%2F20B1500x500.png%3F1275331286&imgrefurl=https%3A%2F%2Fgraphemica.com%2F
%25E2%2582%25B1%2Fglyphs%2Ftimes-new-roman-regular&tbnid=u0F51G8-
9qdaDM&vet=12ahUKEwj9h_HRu4HsAhVSAaYKHbZGA-
EQMygCegUIARDZAQ..i&docid=Yq9dodDNAnbstM&w=500&h=500&q=peso
%20sign&ved=2ahUKEwj9h_HRu4HsAhVSAaYKHbZGA-EQMygCegUIARDZAQ

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.slideshare.net%2Fmarkfrancismunoz
%2Fang-bahay-kalakal-at-ang-
suplay&psig=AOvVaw39nrxRmd2QYtfovuqkLLlU&ust=1600491874325000&source=images&cd=vfe&
ved=0CAIQjRxqFwoTCOiW25n98esCFQAAAAAdAAAAABAK

https://bistadodailynews.net/upload/8fc97ee8-cfe0-4461-8f16-10842e85ae48gulay.jpg

You might also like