You are on page 1of 28

Kabanata 6: Suplay: Ang

Prodyuser sa Pamilihan
Aralin 1:

Konsepto ng Suplay
Isa pang mahalagang bumubuo sa pamilihan ay ang
mga prodyuser, negosyante, o entreprenyur na siyang
nangangasiwa sa paglikha at pagbebenta ng mga produkto o
serbisyo upang matugunan and demand ng mamimili.
Bahagi rin ng gampanin nila ang tugunan ang mga
hamon sa pagtatakda ng suplay. Sa pamamagitan ng pag-
unawa sa konsepto ng suplay, magkakaroon ng ideya sa paraan
ng pagpapasiya ng prodyuser sa pamilihan.
Suplay

Ang suplay ay tumutukoy sa mga produkto o serbisyo


na handang ipagbili ng isang negosyante sa itinakdang presyo
nito sa pamilihan. Puwede rin itong tumukoy sa suplay ng
isang indibidwal (individual supply) o supply ng merkado
(market supply) sa isang ekonomiya.
Suplay

Individual Supply – kahandaan ng isang partikular na


negosyante na mag suplay ng isang produkto o serbisyo.

Market Supply – tumutukoy sa kolektibo o pinagsama-


samang suplay mula sa iba’t-ibang negosyante.
Mga Pamamaraan sa Pagsusuri ng Ugnayan ng
Dami ng Suplay at ng Presyo
Malaki ang kaugnayan ng presyo sa kantidad ng suplay
o “quantity demanded” para sa isang partikular na produkto o
serbisyo. Mabilis na mauunawaan ang interaksyon ng suplay
at presyo sa pamamagitan ng paggamit ng mga iba’t ibang
grapiko at matematikang representasyon gaya ng talahanayan,
grap, at mathematical function. Halimbawa nito ay ang
paggamit ng iskedyul ng suplay kung saan ipinapakita ang
ugnayan ng presyo at dami ng suplay gamit ang isang
talahanayan.
Ipagpalagay na si Ginang Nene ay may ari ng isang
manukan at nagbebenta ng mga itlog. Ang pangunahing
motibasyon niya sa pagbenta ng itlog ay ang presyo nito.
Suriin ang paraan ng pagpapasiya ni Ginang Nene sa
pagbebenta ng itlog sa pamamagitan ng talahanayan 6.1.
Talahanayan 6.1. Iskedyul ng Suplay para sa itlog
Kantidad ng suplay ng
Sitwasyon Presyo ng bawat piraso
Tray ng Itlog

A 6.00 50

B 7.00 60

C 8.00 70

D 9.00 80

E 10.00 90
Batas ng Suplay

Ang presyo at suplay ay may direkta o positibong


ugnayan. Kapag tumaas ang presyo ng itlog, tataas din ang
suplay nito dahil mas mahihikayat ang mga entreprenyur na
magbenta ng mas marami nito dulot ng mas mataas na kita na
babalik sa kanila. Kung mababa naman ang presyo, bababa rin
ang suplay dahil magiging mahina ang kita sa pagbebenta nito.
Pag-aralan ang grap. Ano ang napapansin niyo rito?
12 E
D
10
C
B
8
A

0
0 10 20 30 40 50 60 70 80 90

Grap ng suplay ng itlog


Supply Function

- ay ang kantidad ng suplay (quantity supplied)


a - ay ang quantity intecept o ang kantidad ng suplay na
handang ipagbili ng prodyuser sa isang nakatakdang presyo
b - ay ang slope ng kurba ng suplay o ang pagbabago sa
kantidad ng suplay sa tuwing nagbabago ang presyo
P - ay ang presyo ng produkto
Supply Function

a - 10
b - 10
P – Php. 10.00
Supply Function

P = Php. 45.00
P = Php. 50.00
P = Php. 55.00
P = Php. 60.00
Gawain:

Tuusin ang magiging dami ng supply ng pandesal


gamit ang supply function na kung ang presyo nito ay Php.
15.00, Php. 20.00, Php.25.00, Php.30.00, Php. 35.00.
Gumawa ng isang iskedyul ng suplay at ilapat ito sa isang
grap.
Aralin 2:

Mga Salik na Nakaaapekto sa Suplay


Mga Salik na Nakaaapekto sa Suplay

1. Teknolohiya

2. Presyo ng mga salik ng produksiyon

3. Inaasahang pangyayari

4. Bilang ng Suplayer

5. Buwis at Subsidyo
Mga Salik na Nakaaapekto sa Suplay

1. Teknolohiya

Ang paggamit ng teknolohiya ay nakatutulong upang


episyenteng magamit ng entreprenyur ang mga pinagkukunang
yaman. Sa pamamagitan ng mga imbensyon, inobasyon, at
pagtuklas ng iba’t-ibang mga pamamaraan sa produksiyon ng
mga produkto at serbisyo.
Mga Salik na Nakaaapekto sa Suplay

1. Teknolohiya

Tunay ngang malaki ang naitutulong ng teknolohiya


pagdating sa pagpapalago ng suplay, ngunit mas nakasalalay
pa rin sa kahusayan at kakayahan ng isang indibidwal ang pag-
unlad ng teknolohiya.
Mga Salik na Nakaaapekto sa Suplay

2. Presyo ng mga Salik ng Produksiyon

Anumang pagbabago sa presyo ng alinmang salik ng


produksiyon na ginagamit ay maaaring makaapekto sa
kabuuang suplay ng isang partikular na produkto o serbisyo.
Mga Salik na Nakaaapekto sa Suplay

3. Mga Inaasahan na Pangyayari

Maraming puwedeng maging kaganapan sa ekonomiya


na maaaring makaapekto sa dami ng suplay at presyo ng mga
produkto at serbisyo rito.
Mga Salik na Nakaaapekto sa Suplay

3. Mga Inaasahan na Pangyayari

Kung minsan ay sinasadya ng mga entreprenyur na


kontrolin ang suplay ng mga produkto sa pamilihan upang
mapataas ang presyo. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng
“hoarding” o pagtitinggal.
Mga Salik na Nakaaapekto sa Suplay

3. Mga Inaasahan na Pangyayari

Ang “hoarding” o pagtitinggal ay tumutukoy sa pagbili


ng malakihan o maramihang bilang ng isang partikular na
produkto. Layunin nito na manipulahin ang dami ng produkto
sa pamilihan upang mapataas ang presyo nito.
Mga Salik na Nakaaapekto sa Suplay

4. Bilang ng Suplayer

Mayroong malaking epekto ang bilang ng suplayer sa


dami ng suplay ng isang produkto o serbisyo sa pamilihan.
Mga Salik na Nakaaapekto sa Suplay

5. Buwis at Subsidyo

Ang buwis ay ipinapataw ng pamahalaan sa iba’t-ibang


mga produkto at serbisyo. Ito’y nangangahulugang
karagdagang gastusin para sa mga negosyante kung kaya’t
ito’y maaaring maging dahilan upang mabawasan ang suplay
ng isang produkto o serbisyo.
Mga Salik na Nakaaapekto sa Suplay

5. Buwis at Subsidyo

Ang subsidiyo ay ang benepisyo na ipinagkakaloob ng


pamahalaan sa mga indibidwal o kompanya na maaaring nasa
anyo ng salapi o pagbabawas sa buwis. Ito ay maaaring
makatulong sa mga prodyuser upang mapataas ang suplay ng
kanilang produkto.

You might also like