You are on page 1of 9

000000000000000000000000000000000000000000000

SAINT JOSEPH COLLEGE


JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

LEARNEARS LEARNING MATERIAL – WEEK 10

IKALAWANG MARKAHAN

ARALING PANLIPUNAN 9

GURO: Bb. NILDA A. FUNDADOR


G. ERWIN L. MARAON
VISION

Saint Joseph College, a Catholic School, envisions an evangelized and evangelizing community providing
Excellent integral education and involvement in social transformation.

MISSION

We commit to build the Saint Joseph College Educative Family (SJCEF) centered on Christ; to form every
member into an integral human person imbued with the gospel values and equipped with excellent quality
education; and to an active agent in making a humane society.

PRAYER

Mahal kong Diyos, bigyan mo po akong kaalaman, kalakasan at pag-ibig. Panatilihin mo ako sa kalsadang
nararapat kong lakaran at buksan mong lagi ang iyong pintuan. Gagamitin ko ang aking kaalaman sa
kabutihan ng aking mga mahal sa buhay at kapwa-tao, ang kalakasan ay aking magiging sandata sa mga
pagsubok na aking makakasalubong at ang pag-ibig ay aking ipamamahagi sa iba kong kamag-aral upang
matulungan din sila sa anumang suliranin na kanilang dinaraanan.

Tulungan mo po ako, Panginoon, na makagawa ng tamang desisyon sa ikalulugod ng iyong kalooban at sa


kapakinabangan ng karamihan. Gawaran mo po ako ng malinis na puso at tuwid na kaisipan upang
matupad ko ang aking mga pangarap.

Bigyan mo naman ako ng kababaang-loob upang matanggap ko ang aking mga pagkakamali at kasalanan.
At pusong mapagkumbaba na siyang magsisilbing tagatanggap ko ng aking mga kahinaan at pagkukulang.
Inihahabili ko po sa inyo ang aking buong isang araw. Sa pangalan ng iyong anak na si Jesus.

Amen.
KABANATA 6 Interaksiyon ng Presyo at Produkto

Aralin 1 Ekilibriyo sa Pamilihan


Mga pahina 145 - 153

MELCS : Naipapaliwanag ang interaksiyon ng demand at suplay sa kalagayan ng


presyo at ng pamilihan

MGA LAYUNIN

 Matatalakay ang konsepto ng market equilibrium sa pagtatakda ng presyo sa


Pamilihan
 Mabibigyan ng pagpapahalaga ang matalinong pamimili
 Makapagtutuos ng equilibrium function at equilibrium curve

Mahalagang Pag-unawa

 Ang ekilibriyo ay ang pagtukoy ng katatagan ng presyo o akmang presyo ng mga


produkto sa pamilihan katumbas ng dami ng produktong naibenta o nabili.

 Ang presyo ng bawat prodkto ay naitatakda ng invisible hand ng demand o ng


suplay at hindi naaapektuhan o nakokontrol ng pamahalaan.

 Mahalagang matukoy ang ekilibriyo ng presyo at ang dami ng mga produkto upang
masigurado na hindi magkakaroon ng kakulangan at kalabisan sa produksiyon ng mga
produkto.

Alam kong sa larawang nakita nyo, kabisadong-kabisado nyo kung paano ka maglaro nito. Ano
ang nagpapagalaw sa seesaw ? Maaari bang mabalanse ang parehas na bahagi ng seesaw sa
gitna ? Hindi gagalaw ang seesaw kung walang mga tao na nagpapagalaw nito. Kailangan na
magkaroon ng parehong bigat sa bawat dulo nito upang magkaroon ng balanse sa gitna.
Napakanganda ng galaw o laro nito kung mayroong balanse. Hindi maganda ang galaw nito kung
walang balanse.
Ano kaya ang kaugnayan nito sa konsepto ng ekilibriyo ?
Aalamin natin sa patuloy nating pagtatalakay tungkol sa “Ekilibriyo ng Pamilihan.”
Sa inyong palagay, ano ang mangyayari kung pinagsama ang kagustuhan ng mga mamimili at kagustuhan
ng mga prodyuser ? Kung ang mamimili ang masusunod, mas gugustuhin nila ang produkto na mayroong
mababang presyo, habang mas gugustuhin naman ng mga prodyuser na mayroong mataas na presyo ang
mga produkto. Samakatuwid, magkaiba ang kagutuhan ng mamimili at ng prodyuser at ang pagkakaibang
ito ay nakaaapekto sa presyo ng isang produkto.

KONSEPTO NG EKILIBRIYO

Sa pamilihan, mahalagang maitakda ang presyong mga produkto sa halagang katanggap-tanggap sa


parehong mamimili at prodyuser. Hindi maaaring maitakda ang presyo sa mababang halaga upang
matugunan lamang ang kagustuhan ng mamimili. Gayundin, hindi maaaring maitakda ang presyo sa
mataas na halaga batay lamangsa kagustuhan ng mga prodyuser. Kung gayon, paano maitakda ang presyo
ng isang produkto ?

Dahil sa pagiging ipotetiko ng konsepto ng demand at suplay, maaaring matukoy ang presyo ng isang
produkto sa pamamagitan ng paglalagay sa dami ng produkto na maaaring maibenta o mabili sa pamilihan.
Ngunit sa aktuwal na sitwasyon sa loob ng pamilihan, hindi matatantiya ng mga mamimili o prodyuser ang
pagtatakda ng presyo dahil lamang sa pagpapalagay ng dami ng piraso ng produkto na nasa pamilihan.

Ang pagtatakda ng presyo ay nakabatay sa interaksiyon ng demand at suplay. Ngunit dahil maaaring
magbago kaagad ang mga salik ng demand at suplay, maaari ding magbago ang presyo ng mga produkto
sa isang iglap. Sa realidad ng pamilihan, kailangang magkaroon ng katatagan ng presyo na hindi agad
nagbabago. Samakatuwid, ang pamilihan ay nakasalalay sa katatagan ng presyo ng mga produkto.

Ginagamit, ng mga ekonomista ang salitang ekilibriyo sa pagtukoy ng katatagan ng presyo ng mga produkto
sa pamilihan. Kapa gang pamilihan ay nasa ekilibriyo, nangangahulugan ito na mayroong katatagan ang
parehong presyo ng mga produkto at ang dami ng mga produktong naibenta o nabili.

Nipaliliwanag din ng ekilibriyo ang konsepto ng invisible hand ng demand o ng suplay. Nangyayari ang
bawat paggalaw ng presyo dahil sa pagbaba o pagtaas ng bilang ng dami ng produkto. Kung bumaba ang
suplay ng produkto habang walang karampatang galaw sa antas ng demand, maitutulak paitaas ang
presyong ekilibriyo at bababa naman ang dami ng produktong ekilibriyo.

Tala-Ekonomiks

Ekilibriyo - sitwasyon na ang demand ay katumbas ng suplay sa isang takdang presyo

Ekilibriyo sa dami - tanging dami na pinagkasunduan ng mamimili at prodyuser o negosyante

Ekilibriyo sa presyo - tanging presyo na pinagkasunduan ng mamimili at ng prodyuser o negosyante

Kakulangan - tumutukoy sa sitwasyon sa pamilihan na ang dami ng suplay ay mas mababa kay sa
Dami ng demand
Kalabisan - sitwasyo sa pamilihan na ang dami ng suplay ay mas mataas sa dami ng demand.
Ekilibriyo – ang sitwasyon kung saan hindi nagbabago ang antas ng presyo, hangga’t hindi nagbabago ang
ang mga salik ng demand o suplay. Sa punto ng ekilibriyo, nagkakasudo ang mamimili at
at prodyuser sa naitakdang presyo ng produkto sa isang pamilihan.

Pagtutuos ng Ekilibriyo

Matutuos ang ekilibriyo ng mga presyo gamit ang sumusunod na pormula

Qd = Qs Kung saan:

( Demand) Qd = x – yP
(Suplay) Qs = -x + yP
Kung kaya ang pormula ay masasabi rin na x – yP = -x + Yp

Kung saan:
x - ay ang bilang ng produktong nais bilhin ng mga mamimili
-x - ay ang bilang ng produkto na maaaring ibenta ng mga prodyuser
y - ay ang yunit kung saan nagkakaroon ng pagbabago
P - ay ang ekilibriyo ng presyo

Halimbawa, ang mga mamimili ay nais bumili ng 60 piraso ng lapis, habang ang mga prodyuser ay maaari
lamang magbenta ng 20 piraso ng lapis. Ngunit maaaring magbago ang dami say unit na 5 bawat
pagbabago. Magkano ang presyo ng bawat lapis na mapagkakasunduan ng mamimili at prodyuser ?

Maaaring matuos ang presyo sa pamamagitan ng:

Qd = x - yP Qs = -x + yP
= 60 – 5P -20 + 5P
= 60 - 5(5) -20 + 5(5)
= 60 - 25 - 20 + 25
= 35 =5

P = x - Qd
Y
= 60 – 35
5
= 25
5
P= 5 Pagtutuos sa ekilibriyo ng presyo

Qd = Qs

60 - 5(P) = -20 + 5(P)


60 + 20 = 5(P) + 5(P)
80 = 10P
P = 80
10
P=8

Sa madaling salita, sa ekilibriyo , ang bawat piraso ng lapis ay nagkakahalaga ng Php 8.00. Maaaring
maipakita ang pagbabago sa presyo gamit ang iskedyul ng ekilibriyo.
Iskedyul ng Demand at Suplay para sa produktong lapis.

Sitwasyon Demand Presyo (P) Suplay


A 35 5.00 5
B 30 6.00 10
C 25 7.00 15
D 20 8.00 20
E 15 9.00 25
F 10 10.00 30
G 5 11.00 35

Mapapansin na sa halagang Php 8.00, pareho na 20 piraso ang dami ng produktong lapis. Sa puntong ito
nagkaroon ng kasunduan ang mga mamimili at prodyuser sa dami at presyo ng lapis. Mayroong katatagan
ang pamilihan sa lapis sa sitwasyon D. Ang sitwasyo (A – C at E-G) , walang kasunduang nangyari dahil
magkaiba ang dami ng produktong mabibili (demand), at dami ng produktong maibebenta (suplay) .

Grap 6.1

Sa grap na ito makikita ang pagtagpo ng kurba ng demand at kurba ng suplay para sa produktong para
sa produktong lapis sap unto D. Ang puntong ito ay tinatawag na punto ng ekilibriyo, kung saan nagka-
sundo ang mga mamimili at prodyuser sa isang tukoy na presyo para sa tukoy din ng dami ng produkto.
Sa madaling salita, nagkaroon ng balanse ang pamilihan.
Sa sitwasyon ng ekilibriyo, makikita na may sariling kurba and demand na malayang gumagalaw at hindi
Naiimpluwensiyahan ng suplay. Gayundin, ang kurba ng suplay ay malayang gumagalaw at hindi
naapektuhan ng demand. May kani-kaniyang salik na nakaaapekto sa paggalaw ng mga punto sa kurba
ng demand at sa kurba ng suplay.
Kung ang mga salik na ito ay nakaaapekto sa isat isa, magkaroon ng pagbabago at paggalaw, ng kurba ng
ekilibriyo tulad ng makikita sa iskedyul sa talahanayan.
Halimbawa, tumaas nang 40 porsiyento ang kita ng mga mamimili kaya naaapektuhan nito ang demand
Sa lapis na maaaring bilhin sa pamilihan. Ipagpalagay na ang suplay ay hindi nagbago at nanatili sa orihinal
na antas.

Talahanayan 6.2 Epekto ng pagtaas ng Kita at Demand ng mga Mamimili sa Ekilibriyo para sa Produktong
Lapis.

Sitwasyon Demand Demand Presyo (P) Suplay


(Orihinal, Qd1 (Tumaas ng (Orihinal,
40 Porsiyento, Qs1)
Qd2
A 35 49 5.00 5
B 30 42 6.00 10
C 25 35 7.00 15
D 20 28 8.00 20
E 15 21 9.00 25
F 10 14 10.00 30
G 5 7 11.00 35

Dito sa grap 6. 3, ang kurba ng suplay ay nanatili lamang sa orihinal na puwesto nito, habang ang kurba ng
demand ay lumipat sa kanan dahil sa pagtaas ng salik na kita o suweldo ng mga mamimili. Tumaas din ang
punto ng ekilibriyo . Mula sa dating P8.00 (punto D1) ay nagging P 8.75 (punta P) ito dahil sa epekto ng
pagbabago ng salik ng demand.

Talahananyan 6.4 Epekto ng Pagbabago ng Demand sa Kurba Nito at sa Ekilibriyong Presyo.


Sitwasyon Epekto sa Kurba ng Demand Epekto sa Punto ng
Ekilibriyong Presyo
Tumaas ang demand Paglipat sa kanan Tataas ang presy
Walang pagbabago sa demand Walang pagbabago Walang pagbabago
Bumaba ang demand Paglipat sa kaliwa Bababa ang presyo

Samantala kung dumami naman nang 40 porsiyento ang suplay ng kahoy na ginagamit sa paggawa
ng lapis, ang demand ay hindi nagbago, maaaring ang kalabasan na uskedyul ay magpakita ng pagba-
bago sa suplay tulad ng nasa talahanayan 6.4.

Sitwasyon Demand Presyo (P) Suplay Suplay (Tumaas


(orihinal, Qd1) (Orihinal, Qs1) nang 40
Porsiyento ,
Qs2)
A 35 5.00 5 7
B 30 6.00 10 14
C 25 7.00 15 21
D 20 8.00 20 28
E 15 9.00 25 35
F 10 10.00 30 42
G 5 11.00 35 49

Grap 6.4

Mapapansin sag rap 6.3 na ang kurba ng demand ay nanatili lamang sa orihinal na puwesto nito, habang
ang kurba ng suplay ay lumipat sa kanan dahil sa naranasang pagtaas sa salik na nakaiimpluwensiya sa
suplay. Bumaba naman ang punto ng ekilibriyo. Mula sa dating P8.00 (punto D1) ay naging P7.25 (punto P)
ito dahil sa interaksiyon ng mga salik na nakaiimpluwensiya sa demand.
Kaya talakayang ito makikita pa rin natin na may kaugnayan pa rin sa mga unang natalakay natin. Ang mga
salik ay may malaking papel sa pagbaba o pagtaas ng presyo at suplay nito, pati rin sa demand ng mga ma-
mimili.

Gawain 1. Tusin ang demand function at supply function gamitin ang sumusunod na pormula.

Qd = 2000 – 5P Qs = -200 + 50P

1. Presyo ay Php 34.00, tuusin ang demand function


2. Kompyutin ang demand function, kung ang presyo nito ay Php 40.00
3. Kompyutin ang supply function, kung ang presyo ay Php 40.

Gawain 2.

1. Nasa anong mga bilang na ang pamilihan ay maituturing natin na nasa ekilibriyong
kalagayan ?

Answer Key ( Sagot)

Gawain I

1. 1 830

2. 1 800

3. 1 800

Gawain 2
Mga bilang 2 at 3

WAKAS

You might also like