You are on page 1of 9

AP REVIEWER

I. Ang konsepto at Elastisidad ng Demand

Demand
> tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang
halaga o presyo

Batas ng Demand:
> isinasaad na mayroong inverse o magkasalungat na ugnayan ang presyo sa quantity
demanded ng isang produkto
> kapag tumaas ang presyo, bababa ang demand
> kapag bumaba ang presyo, tataas ang demand

Ceteris Paribus
> pagpapakahulugan na tanging presyo lamang ang nakakaapekto sa pagbabago ng quantity
demanded

Bakit magkasalungat ang presyo at quantity demanded:

Substitution Effect
> kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, hahanap ng pamalit na mas mura

Income Effect
> tumutukoy sa kakayahan ng bawat indibidwal na bumili ng mga produkto gamit ang kaniyang
kita

Paraan sa pagpapakita ng demand:

Demand Schedule
‘ > isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at handing bilhin
ng mga mamimili

Demand Curve
> grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity
demanded

Demand Function
> matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at ng demand
Shifting of the demand curve:
- pagtaas ng demand ay magdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kanan
- pagbaba ng demand ay magdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kaliwa

Iba pang salik na Nakakaapekto sa Demand:


1. Kita
2. Panlasa o preference
3. Bilang ng mamimili
4. Presyo ng kahalili o kaugnay na produkto
5. Inaasahan ng mga mamimili

Normal goods
> pagtaas ng demand sa isang produkto dahil sa pagtaas ng kita

Inferior goods
> pagtaas ng demand sa isang produkto dahil sa pagbaba ng kita

Market Demand
> ang tawag sa pinagsama-samang dami ng demand sa isang produkto

Economic Cycle:
Production – paglikha ng mga kalakal
|
Distribution – pagbebenta o pamamahagi ng kalakal
|
Consumption – paggamit ng kalakal

Price Elasticity of Demand


> tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang
halaga o presyo
> tugon ng mamimili sa pabago-bagong presyo ng mga produkto at serbisyo batay sa konsepto
ng batas ng demand
> paraan na ginagamit upang masukat ang pagtugon at kung gaano ang magiging pagtugon ng
quantity demanded ng tao sa isang produkto sa tuwing may pagbabago sa presyo

Elastisidad
> tumutukoy sa bahagdan ng pagbabago sa dami ng demand o supply batay sa pagbabago sa
presyo

Alfred Marshall
> Ipinakilala ang konsepto ng elasticity sa ekonomiks
Uri ng Elastisidad ng Demand:

1. Elastic ( |ε| > 1 )


> mas malaki ang bahagdan ng pagtugon ng Qd kaysa sa pagbabago ng presyo

Sanhi sa pagiging sensitibo sa quantity demand:


a. maaring marami ang substitute sa produkto
b. ang produkto ay hindi pinaglalaanan ng malaki sa badyet sapagkat hindi naman ito
masyadong kailangan

2. Inelastic ( |ε| < 1 )


> mas maliit ang naging bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded kaysa sa bahagdan
pagbabago ng presyo
> ipinahihiwatig nito na kahit malaki ang bahagdan ng pagbabago sa presyo, ang mga mamimili
ay hindi sensitibo sa pagbili o patuloy na binibili ang kalakal

3. Unitary ( |ε| = 1 )
> pareho ang bahagdan ng pagbabago ng presyo sa bahagdan ng pagbabago ng quantity
demanded
> ang pagbabago ng demand ay ayon sa pagbabago ng presyo batay sa batas ng Demand

4. Perfectly Elastic ( |ε| = ∞ )


> nangangahulugan ito na anumang pagbabago sa presyo ay magdudulot ng infinite na
Pagbabago sa quantity demanded
> Ipinapakita rito na sa iisang presyo, ang demanded ay hindi matanto o mabilang

5. Perfectly Inelastic ( |ε| = 0 )


> nangangahulugan ito na ang quantity demanded ay hindi tutugon sa pagbabago ng presyo
> ang produktong ito ay napakahalaga na kahit na anong presyo nito ay bibilhin parin sa
kaparehong dami

Formulas:
demand function
Qd = a – b (p)
Qd – Quantity demanded
p – Presyo
a – intercept (ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0)
b – slope (ang bilang ng Qd sa bawat 1 pagbaba at pagtaas ng presyo)

Halimbawa:
Qd = 60 - 10 (p)
= 60 - 10 (4)
= 60 - 40
= 20
Price elasticity demand
|ɛd| = %ΔQd
% ΔP
ɛd – price elasticity of demand
%ΔQd – bahagdan ng pagbabago sa Qd
%ΔP – bahagdan sa pagbabago sa presyo

midpoints of %ΔQd at %ΔP

%ΔQd %ΔP
= Q2 - Q1 = P2 - P1
Q1 + Q2 x 100 P1 + P2 x 100
2 2

Halimbawa:
Ang nagdaang presyo ng isang balot ng biskwit ay 60 pesos, ngunit ng ito ay bumaba ng 10
piso, nagdulot ito ng pagtaas ng quantity demanded mula 100 hanggang 200.

Q1 - 100 P1 - 60
Q2 - 200 P2 - 50

= 200 - 100 = 50 - 60
100 + 200 x 100 60 +50 x 100
2 2
= 100 = -10
300 x 100 110 x 100
2 2

= 100 = -10
150 x 100 55 x 100

= 0.6667 x 100 = -0.1818 x 100

%ΔQd = 66.67 %ΔQP = -18.18

|ɛd| = %ΔQd |ɛd| = 66.67 |ɛd| = |-3.67| = 3.67


% ΔP -18.18 ELASTIC
II. Ang konsepto ng Suplay

Suplay
> tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa
iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon
> nais magbenta ng mga negosyante ng isang kalakal o serbisyo kung mataas ang halaga nito

Batas ng Suplay:
> mataas ang supply ng isang kalakal kung mataas ang presyo nito
> bumababa ang supply ng isang kalakal kung bumababa ang presyo nito

Paraan sa pagpapakita ng suplay:


Supply Schedule
> isang talaan na nagpapakita ng dami, kaya at gustong ipagbili ng
mga prodyuser sa iba’t ibang presyo

Supply Curve
> grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity
supplied

Supply Function
> matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at ng suplay

Shifting of the supply curve:


- pagtaas ng suplay ay magdudulot ng paglipat ng kurba ng suplay sa kanan
- pagbaba ng suplay ay magdudulot ng paglipat ng kurba ng suplay sa kaliwa

Iba pang salik na Nakakaapekto sa Suplay:


1. Pagbabago sa teknolohiya
> nakatutulong sa mga prodyuser na makabuo ng mas maraming supply ng produkto
> dahil dito, maaaring bumaba ang halaga ng produksyon

2. Pagbabago sa halaga ng salik ng produksyon


> produkto → lupa, lakas paggawa, kapital, entreprenyur

3. Pagbabago sa bilang ng nagtitinda


> maihahalintulad sa bandwagon effect sa demand
> kung ano ang mga nauusong produkto ay nahihikayat ang mga prodyuser nang mag prodyus
at magtinda nito
4. Pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto
> pagbabago sa presyo ng isang produkto ay nakaaapekto sa supply ng mga produktong
kaugnay nito

5. Ekspektasyon ng presyo
> kung inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng kanilang produkto sa madaling
panahon, may mga magtatago ng produkto upang maibenta ito sa mas mataas na presyo sa
hinaharap

6. Subsidy ng pamahalaan

Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa Pagbabago ng Supply:


1. dapat bigyang-pansin ng mga prodyuser ang mabisang produksyon upang hindi
madagdagan ang gastos sa pagbuo ng produkto
2. pagtuunan ng masusing pag-aaral bago pumasok sa isang negosyo
3. magplano sa inaasahang natural na kalamidad
4. bigyang-pansin ang kapakanan ng mga konsyumer, lalo na ang mga mahihirap

III. Ang Interaksyon ng Demand at Suplay

Presyo
> kaugnayan ng demand at suplay sa pamilihan

Nicholas Gregory Mankiw


> “natatamasa ang ekwilibriyo kapag nagtatamo ng kasiyahan ang parehong konsyumer at
prodyuser”

Pamilihan
> dito nagkakaroon ng ugnayan ang konsyumer at prodyuser

Paano maipapakita ang interaksyon ng demand at suplay:

Surplus o Kalabisan
> nagaganap kapag mas malaki ang suplay sa demand

Shortage o Kakulangan
> nagaganap kapag hindi sapat ang suplay upang matugunan ang demand

Ekwilibriyo
> nagaganap kapag sapat ang dami ng suplay sa demand
Ekwilibriyong Presyo
> tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser
> eP = Qd = Qs

Ekwilibriyong Dami
> tawag sa pinagkasunduang bilang ng produkto ng konsyumer at prodyuser
> eD = Qd = Qs

Market Schedule para sa Kendi:


a) sa presyong tatlong piso, ang quantity supplied at quantity demanded ay pantay (Qd = Qs)
b) sa presyong mas mataas sa tatlong piso, mas maliit ang quantity demanded kaysa quantity
supplied (Qd < Qs)
c) sa presyong mas mababa sa tatlong piso, mas malaki ang quantity demanded kaysa quantity
supplied (Qd > Qs)

Formulas:
Qd = a – b (p)
Qd – Quantity demanded
p – Presyo
a – intercept (ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0)
b – slope (ang bilang ng Qd sa bawat 1 pagbaba at pagtaas ng presyo)

Qs = c + d (p)
Qs – Quantity supplied
p – Presyo
a – intercept (ang bilang ng Qs kung ang presyo ay 0)
b – slope (ang bilang ng Qs sa bawat 1 pagbaba at pagtaas ng presyo)

Halimbawa:

QD = 60 - 10P QS = 0 + 10P

QS = QD QD = 60 - 10P QS = 0 + 10P
0 + 10P = 60 - 10P = 60 - 10(3) = 0 + 10(3)
10P+ 10P = 60 - 0 = 60 - 30 = 0 + 30
20P = 60 = 30 = 30
20 20
P=3

Ekwilibriyong Presyo = 3 Ekwilibriyong Dami (Q*) = 30


IV. Ang Pamilihan at mga Estruktura Nito

Mga Estruktura ng Pamilihan:

1. Ganap na Kompetisyon
> walang sinumang nagtitinda at mamimili ang maaring magkontrol sa presyo ng kalakal
> ang mga ipinagbibiling produkto ay walang pagkakaiba
> madaling pumasok sa pamilihan ang mga nais magsimula ng negosyo

katangian:
1. Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser
2. Magkakatulad ang produkto (Homogenous)
3. Malayang paggalaw ng salik ng produksiyon
4. Malayang pagpasok at paglabas sa industriya
5. Malaya ang Impormasyon ukol sa pamilihan

2. Di-Ganap na Kompetisyon
> ang mga prodyuser at konsyumer ay may kapangyarihang maimpluwensiyahan ang presyo
sa pamilihan:

• Monopoly
- isa lang ang nagtitinda sa pamilihan
- nagtatakda ng presyo at walang magagawa ang mga mamimili
- kakayahang hadlangan ang kalaban:
a. Patent (ipinagkakaloob sa isang imbentor upan mahadlangan ang iba na gumawa)
b. Copyright (eksklusibong karapatan para sa mga creator ng mga orihinal na gawa)
c. Trademark (ginagamit ng tao o kumpanya para matukoy ang kanilang mga produkto)

• Monopsony
- marami ang nagtitinda ngunit isa o isang grupo lamang ang mamimili
- may kapangyarihan ang konsyumer na maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan
- ang presyo ng kalakal ay nasa kontrol ng bumibili

• Oligopoly
> marami ang nagtitinda ngunit walang kompetisyon
> ang presyo ng kalakal ay walang pagkakaiba
a. Collusion (sistema na maaring magkaroon ng sabwatan ang ang mga negosyante)
b. Hindi naglalaban sa presyo (nagtutunggalian sa anyo, anunsyo, kalidad at uri ng
produkto)
c. Magkakatulad na reaksyon (dami ng ipo-prodyus ng ibang kompanya)

• Monopolistic Competition
> marami ang nagtitinda ngunit may kakayahang maimpluwensiyahan ang presyo
> product differentiation
V. Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan

Nicholas Gregory Mankiw


> “Government can sometimes improve market outcomes”

Panghihimasok ng Pamahalaan:
- Subsidy
- Price Stabilization

Price Control
> pagtatakda ng batas sa presyo ng kalakal

a. Price Ceiling
- pinakamataas na presyo na maaring ibenta ang produkto

mabuting epekto ng price ceiling:


1. mababang presyo ng mga bilihin
2. kasiguruhan sa mga mamimili

di-mabuting epekto ng price ceiling:


1. pagbaba ng supply
2. nagiging dahilan ng kakulangan
3. nagiging dahilan ng pagkakaroon ng mga ilegal na pamilihan (black market)

b. Price Floor
- ang pinamababang presyo na maaring ibenta ang produkto

Suggested Retail Price (SRP)


> presyong itinakda ng pamahalaan para sa isang kalakal
> isang pamamaraan upang mapanatiling abot-kaya para sa mga mamamayan ang presyo ng
nasabing produkto
> ayon sa R.A 9374

Price Freeze
> pagbabawal sa pagtaas ng presyo sa pamilihan
> ipinatutupad ng pamahalaan upang mapigilan ang pananamantala ng mga negosyante sa
labis na pagpapataw ng mataas na presyo ng kanilang mga produkto
> labag sa Anti-Profiteering Law ang labis na pagpapataw ng mataas na presyo

Price Support
> paraan ng pamahalaan na bigyan ng tulong ang mga negosyante upang maiwasan ang
pagkalugi o mabawasan ang kita
> layunin nito na mapanatili ang mababang halaga ng produksyon upang maiwasan ang
pagtaas ng presyo ng bilihin

You might also like