You are on page 1of 2

ARAL PAN – EKONOMIKS (2nd Qtr Reviewer)

Batas ng Demand – magkasalungat o inverse ang ugnayan ng presyo at quantity demanded


↑P↓Qd – habang tumataas ang Presyo, bumababa ang Demand
↓P↑Qd – habang bumababa ang Presyo, tumataas ang Demand
Batas ng Supply – positibo o direkta ang ugnayan ng presyo at quantity supplied
↑P↑Qs – habang tumataas ang Presyo, tumataas din ang Supply
↓P↓Qs – habang bumababa ang Presyo, bumababa din ang Supply
Demand – dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mga mamimili sa iba’t-
ibang presyo sa isang takdang panahon
Income Effect – nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo
Demand Schedule – talaan na nagpapakita sa dami ng kaya at gustong bilhin ng mamimili sa iba’t-ibang
presyo
Demand Curve – grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demanded
Demand Function – matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo sa quantity demanded
Supply – tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga
prodyuser sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon
Supply Schedule – talaan na nagpapakita sa dami ng kaya at gustong ipagbili ng prodyuser iba’t-
ibang presyo
Supply Curve – grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity supplied
Supply Function – matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo sa quantity supplied
Ceteris Paribus – ipinapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng
quantity demanded
Ekwilibriyo – kalagayan sa pamilihan na ang dami at handa at kayang bilhing produkto o serbisyo
ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbili ng produkto at serbisyo ng mga
konsyumer ay pareho ayon sa kanilang napagkasunduang presyo
Disekwilibriyo – anumang sitwasyon o kalagayan kung saan hindi pantay ang quantity demanded at
quantity supplied
Surplus – nangyayari kapag mas malaki ang supply kaysa demand
Shortage – nangyayari kapag hindi sapat ang supply upang matugunan ang demand
Pamilihan – instrument upang maging ganap ang palitan sa pagitan ng konsyumer at prodyuser
Price Floor – tumutukoy sa pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at
Serbisyo
Price Freeze – pagbabawal sa pagtaas ng presyo sa pamilihan
Product – mabisang paraan na ginagamit sa pag-aanunsiyo upang higit na makilala ang
Differentiation produkto o serbisyo
Advertisement – mabisang paraan upang makilala ang isang produkto

Mga Salik na nakaaapekto sa DEMAND maliban sa Presyo


1. Kita – tataas ang demand sa paglaki ng kita ngunit bababa naman ang demand sa pagbaba
ng kita
2. Panlasa – naaayon sa panlasa ang pagpili ng produkto at serbisyo
3. Dami ng mamimili – (bandwagon effect) nakakaapekto sa demand ang dami ng mga mamimili
4. Presyo ng magkakaugnay na produkto sa pagkonsumo – (produktong komplementaryo) tataas ang
demand ng isang produkto sa pagbaba ng presyo ng produktong komplementaryo
nito (mga produktong sabay na ginagamit hal. Kape at asukal
5. Inaasahan ng mamimili sa presyo sa hinaharap – tataas ang demand ng produkto sa kasalukuyan
kung inaasahang magkakaroon ng pagtaas ng presyo sa hinaharap

Mga Salik na nakaaapekto sa SUPPLY maliban sa Presyo


1. Pagbabago sa Teknolohiya – nakakatulong sa mga prodyuser na makabuo ng mas maraming supply
na produkto
2. Pagbabago sa halaga ng salik ng produksiyon – sa pagtaas ng kabuuang gastos ng produksiyon,
bababa ang dami ng produkto o serbisyo na kayang ipagbili ng mga prodyuser
3. Pagbabago sa bilang ng nagtitinda – kapag nauuso ang isang produkto, mas marami ang nahihikayat
na magtinda ng kaparehong produkto
4. Pagbabago sa presyo ng magkaugnay na produkto – ang pagbabago sa presyo ng produkto ay
nakakaapekto sa quantity supplied ng isang produkto
5. Ekspektasyon ng presyo – tinatago ng ilang mapagsamantalang negosyante ang supply ng mga
produkto kapag inaasahan nilang tataas ang presyo nito sa mga susunod na araw

Halimbawa: Halimbawa:
Sa Demand Function na Qd = 30 – 2P Sa Supply Function na Qs = 0 +5P

Ilan ang Quantity Demand sa Presyo na P5? Ilan ang Quantity Supplied sa Presyo na P5?
Qd = 30-2P Qs = 0+5P
Qd = 30-2(5) Qs = 0+5(5)
Qd = 30-10 Qs = 0+25
Qd = 20 Qs = 25
Ilan ang Quantity Demand sa Presyo na P10? Ilan ang Quantity Supplied sa Presyo na P20?
Qd = 30-2P Qs = 0+5P
Qd = 30-2(10) Qs = 0+5(20)
Qd = 30-20 Qs = 0+100
Qd = 10 Qs = 100
Ilan ang Presyo kung ang Qd ay 20? Ilan ang Presyo kung ang Qs ay 20?

2P = 30-20 5P = 0+20
2P = 10 5P = 20
2 2 5 5

P=5 P=4

You might also like