You are on page 1of 4

Banghay sa Araling Panlipunan para sa Baitang 9

Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman

Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng pwersa
ng demand at suplay, at sa sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong
pagdedesisyon ng sambahayan at bahay-kalakal tungo sa pambansang kaunlaran.

B. Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga pangunahing kaalaman sa ugnayan


ng pwersa ng demand at suplay, at sa sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong
pagdedesisyon ng sambahayan at bahay-kalakal tungo sa pambansang kaunlaran.

C. Kasanayan sa Pagkatuto

Nailalapat ang kahulugan ng suplay batay sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat


pamilya.

D. Mga tiyak na Layunin

Sa anumang bahagi ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Nabibigyang kahulugan ang konsepto ng suplay.

Nailalarawan ang ugnayan ng supply schedule at suppy curve.

Napahalagahan ang bahaging ginagampanan ng mga prodyuser sa pagprodyus ng mga produkto


at serbisyo.

Nakaguguhit ng isang larawan ng produkto na nais ipagbili o isuplay sa pamilihan.

II. Nilalaman

A. Paksa: KONSEPTO NG SUPPLY

B. Sanggunian: Ekonomiks pp. 153-174

C. Kagamitang Panturo: Aklat, blackboard, chalk, Visual Aid

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

2. Pagtatala ng Liban
3. Balitaan

4. Balik-Aral

1. Ano ang Elastisidad ng Demand?

2. Ano-ano ang iba't-ibang uri ng Elastisidad bg Demand?

5. Pagganyak (Kilala Natin)

Larawan #1 Vice Ganda

Larawan #2 Nash Aguas

Larawan #3 Nadine Lustre

Larawan #4 Marian Rivera

Pamprosesong Tanong

1. Sino-sino ang mga nasa larawan?

2. Ano-ano ang ginagampanan ng mga personalidad sa larawan?

3. Sa iyong palagay bakit sila pumasok sa pagnenegosyo?

B. Aktibiti

Suriin ang pag-uusal ng dalawang prodyuser at sagutin ang pamproseng tanong.

Pamprosesong Tanong:

1. Tungkol saan ang paksang pinag-uusapan ng dalawang prodyuser?

2. Batat sa usapan, ano ang reaksyon ng isang prodyuser kapag tumaas ang presyo?

3. Sa iyong hinuha, ano ang relasyon ng pagtaas ng presyo ng mga produkto sa pagdagdag ng
produksiyon?
C. Analysis

Sa iyong palagay bakit mahalagang malaman ng mga prodyuser ang pagbabago ng presyo?

D. Abstraksyon

Pagbibigay kahulugan sa bawat salita.

a. Suplay - tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga


prodyuser sa iba't-ibang presyo sa isang takdang panahon.

b. Batas ng Suplay - isinasaad ng Batas ng Supply na mayroong direkta o positibong ugnayan ang
presyo sa quantity supplied ng isang produkto.

c Supply schedule - isang talaan ng nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng mga
prodyuser sa iba't-ibang presyo.

d. Supply curve - nagpapakita ng direktang ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at


handang ipagbili ng mga mamimili.

e. Supply function - matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied.

E. Aplikasyon (MAGCOMPUTE TAYO!)

Gawain 1. Kumpyutin ang sumusunod na talahanayan gamit ang datos na nasa ibaba.

A. Supply Function na QS= 0+5P

Presyo Quantity Supplied

20

40

10

B. Supply Function: QS = -80+4P

Punto Presyo Quantity Supplied


A 23

B 26

C 31

D 56

E 72

IV. Pagtataya

Panuto: Isulat kung tama o mali ang pangungusap at kung mali ay isulat ang tamang sagot sa patlang.

Tama 1. Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produktl o serbisyo na handa at ipagbili ng


mga prodyuser sa iba't-ibang presyk sa isang takdang panaho.

Supply Schedule 2. Supply Curve ay isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng
mga prodyuser sa iba't-ibang presyo.

Dayagram o graph3. Maipapakita rin ang ugnayan ng presyo sa quantity supplied sa pamamagitan ng
isang chart.

Tama 4. Ang supply function ay ang matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at


quantity supplied.

Tama 5. Ang isa pang paraan ng pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied ay
sa pamamagitan ng supply function.

V. Takdang- Aralin

Magsaliksik ng iba pang mga salik na nakaaapekto sa Supply.

You might also like