You are on page 1of 13

菲律宾郊亚鄢南星學校 - Catalyst of Change

Nan Sing School of Cauayan City, Incorporated -


Dalupang St., Cauayan City, Isabela, Philippines 3305
Telefax No. (078) 652-2040
School ID: 400424

MODULE 1
Demand

Time Allotment: 1 hour & 30 minutes

-Nailalapat ang kahulugan ng demand sa pang araw-


araw na pamumuhay ng bawat pamilya
Learning
Outcomes -Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa demand
At the end of this
lesson, you are -Matalinong nakapagpapasya sa pagtugon sa mga
expected to: pagbabago ng salik na nakaaapekto sa demand

-Naiuugnay ang elastisidad ng demand sa presyo ng


kalakal at paglilingkod

Kahulugan ng Demand
Ang DEMAND ay tumutukoy sa dami ng produkto o paglilingkod
na gusto at kayang bilhin ng konsyumer sa isang takdang presyo

Batas ng Demand
Ayon sa batas na ito, mayroong magkasalungat (inverse) na
ugnayan ang presyo sa quantity demanded ng isang produkto:
Kapag nag-karoon ng taas sa presyo ng isang produkto, bumababa ang
demand ng mga tao para rito. Sa kabilang banda, kapag bumaba ang presyo
ng isang produkto, tumataas ang bilang ng demand ng mga tao sa naturang
produkto.

Ceteris Paribus

Ipinapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa


pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi
nagbabago o nakaaapekto rito.

Araling Panlipunan: Ekonomiks| Page 1


菲律宾郊亚鄢南星學校 - Catalyst of Change
Nan Sing School of Cauayan City, Incorporated -
Dalupang St., Cauayan City, Isabela, Philippines 3305
Telefax No. (078) 652-2040
School ID: 400424
BAKIT MAGKASALUNGAT ANG UGNAYAN NG PRESYO AT QUANTITY
DEMANDED?
- Dahil ito sa tinatawag na Substitution Effect at Income Effect.

Substitution Effect
 Kapag tumaas ang presyo ng isang produkto , hahanap ang
konsyumer ng pamalit na mas mura.

Income Effect
 Ipinahahayag dito na mas malaki ang halaga ng kinita ng isang
indibidwal kapag mas mababa ang presyo.

Demand Function
Ito ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at
quantity demanded (Qd).
Qd=a−bP Kung saan ang:
Qd = dami ng demand
a = dami ng demand kung ang
presyo ay zero (horizontal
intercept)
(-b) = slope ng demand function
P = presyo

HALIMBAWA:

Qd=60−10 P
Dami ng demand kapag ang presyo ay 0 Slope ng demand function

Ilan ang Qd kapag ang presyo ay Php 5.00?

Qd = 60 – 10(5) → Qd = 60 – 50 → Qd = 10

Demand Schedule

Araling Panlipunan: Ekonomiks| Page 2


菲律宾郊亚鄢南星學校 - Catalyst of Change
Nan Sing School of Cauayan City, Incorporated -
Dalupang St., Cauayan City, Isabela, Philippines 3305
Telefax No. (078) 652-2040
School ID: 400424
Ito ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin
ng mga konsyumer sa iba’t ibang presyo.
HALIMBAWA:
DEMAND SCHEDULE NG KENDI
Presyo (bawat piraso) Quantity Demanded (Qd)
5 10
4 20
3 30
2 40
1 50
0 60

Demand Curve
Ito ang grapikong paglalarawan na nagpapakita ng magkasalungat
na relasyon sa pagitan ng presyo ng isang produkto at quantity
demanded para rito.

Iba pang salik na nakaaapekto sa Demand maliban sa presyo

Araling Panlipunan: Ekonomiks| Page 3


菲律宾郊亚鄢南星學校 - Catalyst of Change
Nan Sing School of Cauayan City, Incorporated -
Dalupang St., Cauayan City, Isabela, Philippines 3305
Telefax No. (078) 652-2040
1. Kita
School - Sa pagtaas
ID: 400424 ng kita ng isang indibidwal ay tumataas din ang
kanyang kakayahang bumili ng mas maraming produkto/serbisyo.

2. Panlasa - Kapag ang isang produkto o serbisyo ay naaayon sa iyong


panlasa, maaaring tumaas ang demand mo para rito.

Halimbawa: Kung mas pasok sa iyong panlasa ang pagsusuot ng mga


flat shoes kaysa high heels ay mas bibili ka ngflat shoes at mas
marami ang demand mo para rito.

3. Dami ng Mamimili - Ang bandwagon effect ay maaaring


makapagpataas ng demand para sa isang produkto o serbisyo.

Halimbawa: Dahil nauuso ngayon ang mga food parks, maraming tao
ang nahihikayat pumunta at kumain ditto.
4. Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo -
KOMPLEMENTARYO (COMPLEMENTARY GOODS)
- Ito ang mga produktong magkasabay na ginagamit.
- Anumang pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto ay tiyak na
may pagbabago sa demand ng komplementaryong produkto.

PAMALIT (SUBSTITUTE GOODS)


- Ito ay mga produktong maaaring magkaroon ng alternatibo.
- Kapag tumaas ang presyo ng isang produkto ay nagdulot

5. Inaasahan ng mga mamimili sa presyo na hinaharap - Kung


inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng isang
partikular na produkto sa mga susunod na araw, tataas ang demand
para sa nasabing produkto sa kasalukuyan.

Shift of the Demand Curve

 Ang pagtaas ng demand ay magdudulot ng paglipat ng kurba


ng demand sa kanan.
 Ang pagbaba ng demand ay magdudulot ng paglipat ng kurba ng
demand sa kaliwa.

Araling Panlipunan: Ekonomiks| Page 4


菲律宾郊亚鄢南星學校 - Catalyst of Change
Nan Sing School of Cauayan City, Incorporated -
Dalupang St., Cauayan City, Isabela, Philippines 3305
Telefax No. (078) 652-2040
HALIMBAWA:
School ID: 400424

MODULE 2
Supply

Time Allotment: 1 hour & 30 minutes

Learning -Nailalapat ang kahulugan ng supply sa pang araw-


araw na pamumuhay ng bawat pamilya
Outcomes
At the end of this
-Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa supply
lesson, you are
expected to: Araling Panlipunan: Ekonomiks| Page 5
-Matalinong nakapagpapasya sa pagtugon sa mga
pagbabago ng salik na nakaaapekto sa supply
菲律宾郊亚鄢南星學校 - Catalyst of Change
Nan Sing School of Cauayan City, Incorporated -
Dalupang St., Cauayan City, Isabela, Philippines 3305
Telefax No. (078) 652-2040
School ID: 400424

Ang Bahay-Kalakal at ang Supply

Tungkulin ng bahay - kalakal ang lumikha ng mga produkto. Mahalaga na


bumuo ito ng plano ng produksyon. Sa plano ng produksyon maitatakda ng bahay -
kalakal ang uri at dami ng produkto na kakayaning malikha. Dito maitatakda ang
halaga ng produkto ipagbibili. Mababatid din dito ang iba pang mga desisyon na
kailangang isagawa ng bahay-kalakal sa hinaharap.

Ang plano ng produksiyon ay usapin ng suplay ng bahay – kalakal. Nagtatagal


ang negosyo ng bahay – kalakal na may maayos na plano ng produksiyon.
Nakakayanan din nitong lumikha ng mga de – kalidad na produkto

Ang Kahulugan ng Supply

Ang suplay ay ang dami ng produkto na handa at kayang ipagbili


ng bahay – kalakal sa iba’t-ibang presyo. Ang suplay ay ang plano ng
produksiyon ng bahay – kalakal.

HALIMBAWA:

Ang halimbawa ng suplay ng tinapay ng isang bahay – kalakal, may limang


pamimiliang plano ang bahay – kalakal kung paano ipagbibili ang tinapay. Ito ay ang
plano A, B, C, D at E.

Araling Panlipunan: Ekonomiks| Page 6


菲律宾郊亚鄢南星學校 - Catalyst of Change
Nan Sing School of Cauayan City, Incorporated -
Dalupang St., Cauayan City, Isabela, Philippines 3305
Telefax No. (078) 652-2040
School ID: 400424

Batas ng Supply

Ang Batas ng Suplay(Law of Supply) ay nagpapaliwang na CETERIS PARIBUS,


kapag tumaas ang presyo, tataas din ang dami ng suplay. Kapag bumaba naman
ang presyo, bababa rin ang dami ng supply.

Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagbabago ng Supply


 Gastos sa Produksiyon
Ang presyong itinatakda ng bahay – kalakal sa kanilang produkto ay
dapat na mas mataas sa gastos ng produksiyon upang makakuha ng
tubo. Ang desisyon ng bahay kalakal ukol sa dami ng gagawing
produkto ay magbabago bilang tugon sa pagbabago ng gastos sa
produksiyon.

 Presyo ng Kaugnayan na Produkto


Kalimitan, ang bahay kalakal ay may reaksiyon sa pagbabago ng
kaugnay na produkto.

 Pwersa ng Kalikasan
Ang mainam na panahon at matabang lupa ay nakatutulong
upang mapalaki ang produksiyon, lalo na sa sektor ng
agrikultura. Aasahan na mas mataas ang suplay kung may
mainam na panahon. Samantala, sa panahon ng baha, bagyo, at

Araling Panlipunan: Ekonomiks| Page 7


菲律宾郊亚鄢南星學校 - Catalyst of Change
Nan Sing School of Cauayan City, Incorporated -
Dalupang St., Cauayan City, Isabela, Philippines 3305
Telefax No. (078) 652-2040
iba pang natural
School ID: 400424 na kalamidad, bumababa ang suplay lalo na ng
produktong agrikultural.

 Inaasahan ng mga Negosyante


May ilang negosyante na kapag inaasahang magkakaroon ng
pagtaas sa presyo ng produktong kanilang kinakalakal ay
gumagawa ng mga ilegal na gawain tulad ng hoarding.

Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa Pagbabago ng salik


na Nakakaapekto sa Suplay

 Katulad ng Demand, ang suplay ay maaari ring magbago kahit walang


pagbabago sa presyo nito. Ano ang dapat gawin ng mga prodyuser
kapag may pagbabago sa mga naturang salik?
 Ang karagdagang gastos sa produksiyon ay maaaring
humantong sa pagtaas ng presyo ng produkto. Ang mataas na
presyo ay hindi makahihikayat ng pamimili. Dapat bigyang
pansin ng mga prodyuser ang episyenteng produksiyon upang
hindi madagdagan ang gastos sa pagbuo ng produkto.
 Pagtuunan ng masusing pag-aaral bago sumuong sa isang
negosyo. Ang paghingi ng payo sa mga eksperto sa negosyo ay
makatutulong upang higit na magtagumpay sa papasuking
larangan.
 Magkaroon ng matalinong pagpaplano sa inaasahang natural na
kalamidad. Ang maagang paghahanda ay makatutulong nang
malaki upang maapektuhan ang produksiyon at negosyo.
 Higit sa lahat, huwag lamang isipin ang sariling kapakanan. Isipin
din ang kapakanan ng mga konsiyumer, lalo na yaong mga hindi
kayang abutin ang mataas na presyo ng mga produkto. Ang
pagsasamantala ay lalo lamang magpapalala sa kalagayan ng
mga taong walang kakayahang magbayad ng malaking halaga.

Ang pagkakaiba sa kurba ng Suppy at Demand ay makikita sa larawan.

Araling Panlipunan: Ekonomiks| Page 8


菲律宾郊亚鄢南星學校 - Catalyst of Change
Nan Sing School of Cauayan City, Incorporated -
Dalupang St., Cauayan City, Isabela, Philippines 3305
Telefax No. (078) 652-2040
School ID: 400424

Ang grapikong ng supply (pula) ay ang paglalarawan na nagpapakita


ng direktang relasyon sa pagitan ng presyo ng isang produkto at bilang ng
supply na kayang ilabas ng isang bahay-kalakal.

MODULE 3

Araling Panlipunan: Ekonomiks| Page 9


菲律宾郊亚鄢南星學校 - Catalyst of Change
Nan Sing School of Cauayan City, Incorporated -
Dalupang St., Cauayan City, Isabela, Philippines 3305
Telefax No. (078) 652-2040
School ID: 400424 Interaksyon ng Demand at Supply

Time Allotment: 1 hour & 30 minutes

 -Naiuugnay ang elastisidad ng demand at suplay sa


Learning presyo ng kalakal at paglilingkod
Outcomes
At the end of this  Naipapaliwanag ang interaksyon ng demand at suplay
lesson, you are sa kalagayan ng presyo at ng pamilihan
expected to:
 Nasusuri ang mga epekto ng shortage at surplus sa
presyo at dami ng kalakal at paglilingkod sa pamilihan

Paggalaw ng Equilibrium

 Shortage- Mas mataas ang quantity demanded kasya quantity


supplied.
 Surplus- Mas mababa ang quantity demanded kaysa quantity supplied.

Araling Panlipunan: Ekonomiks| Page 10


菲律宾郊亚鄢南星學校 - Catalyst of Change
Nan Sing School of Cauayan City, Incorporated -
Dalupang St., Cauayan City, Isabela, Philippines 3305
Telefax No. (078) 652-2040
School ID: 400424

Pagtatakda ng Batas sa Presyo ng Kalakal (Price Ceiling)

Kung minsan, itinatakda ng pamahalaan ang presyo ng kalakal upang


maiwasan ang pang-aabuso sa panig ng nagtitinda o ng mamimili.
• Price Ceiling – ang pinakamataas na presyo na maaring ibenta ang
produkto.
• Price Flooring – ang pinamababang presyo na maaring ibenta ang produkto.

Epekto ng pagkakaroon ng Price Ceiling


• Mabuti:
-Mababang presyo ng mga bilihin.
-Kasiguruhan sa mga mamimili.

• Di-mabuti:
-Pagbaba ng Supply
-Nagiging dahilan ng Kakulangan
-Nagiging dahilan ng pagkakaroon ng mga ilegal na pamilihan (black market)

Epekto ng pagkakaroon ng Price Floor


• Mabuti:
-Mas mataas na sahod sa mga manggagawa
-Mas malaking tubo sa mga nagtitinda

• Di-mabuti:
-Mas mataas na presyo ng bilihin
-Maaring maging dahilan ng kalabisan ng kalakal. • Mas mababang demand
ng mga bilihin

Ano ang Elastisidad?

• Ito ay tumutukoy sa bahagdan ng pagbabago sa dami ng demand o


supply batay sa pagbabago sa presyo.
• Ipinakilala ni Alfred Marshall ang konsepto ng elasticity sa ekonomiks.

Araling Panlipunan: Ekonomiks| Page 11


菲律宾郊亚鄢南星學校 - Catalyst of Change
Nan Sing School of Cauayan City, Incorporated -
Dalupang St., Cauayan City, Isabela, Philippines 3305
Telefax No. (078) 652-2040
School ID: 400424

Kaso ng Elasticity
• Kapag ang price elasticity (E) ay mas mataas kaysa pagbabago sa dami ng
demand o supply (higit sa 1) ito ay elastic.
• Kapag ang price elasticity (E) ay mas mababa kaysa pagbabago sa dami ng
demand o supply (mababa sa 1) ito ay inelastic.
• Kapag ang price elasticity (E) ay pantay sa pagbabago sa dami ng demand
o supply (saktong1) ito ay unitary.
• Kapag ang price elasticity (E) ay walang pagbabago sa dami ng demand o
supply (0) ito ay ganap na elastic.
 Kapag ang price elasticity (E) ay hindi magbabago sa dami ng demand o
supply (negative) ito ay ganap na inelastic.

Araling Panlipunan: Ekonomiks| Page 12


菲律宾郊亚鄢南星學校 - Catalyst of Change
Nan Sing School of Cauayan City, Incorporated -
Dalupang St., Cauayan City, Isabela, Philippines 3305
Telefax No. (078) 652-2040
School ID: 400424

Araling Panlipunan: Ekonomiks| Page 13

You might also like