You are on page 1of 20

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Division of Taguig City and Pateros
District Cluster VI
KAPT. JOSE CARDONES INTEGRATED SCHOOL

School Kapt. Jose Cardones Integrated School Grade Level IX

ARALING
Teacher BERNADETTE RUTH G. MASULI Learning Area
PANLIPUNAN
GRADE 9

DETAILED Teaching
LEARNING Week 1-2 November 13-17, 2023 Quarter Second
Schedules
PLAN

I. LAYUNIN UNANG ARAW


A. Pamantayang Nauunawaan and mga mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng pwersa ng demand at
Pangnilalaman suplay, at sa sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon ng
sambahayan at bahay-kalakal tungo sa pambansang kaunlaran
B. Pamantayan sa Nakapagsusuri ang mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng pwersa ng demand at
Pagganap suplay, at sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon ng
sambahayan at bahay - kalakal tungo sa pambansang kaunlaran
C. Mga Kasanayang Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa demand sa pang araw araw na
Pampagkatuto pumumuhay.
 Natatalakay ang konsepto ng demand at ang tatlong pamamaraan sa pagpapakita
nito.
II. NILALAMAN ANG KONSEPTO NG DEMAND
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Patnubay ng Guro: Araling Panlipunan 9 Ikalawang Markahan, Unang Linggo
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Araling Panlipunan 9, Learning Material sheet
Kagamitang Pang-
mag-aaral
B. Kagamitang Panturo TV, remote control, mobile phone, worksheet, powerpoint, laptop
III. PAMAMARAAN
A. Paunang Pagtataya / A. Subukin natin ang ating kaalaman sa pag sagot sa mga tanong na ito. Isulat ang sagot
Balik - aral sa patlang na nakalaan sa bawat tanong. Piliin ang sagot mula sa kahon na makikita sa
ibaba. Puwedeng maulit ang sagot mula sa pagpipilian.

_____________1.Ito ang tawag sa kagustuhan ng mga konsyumer na bumili ng isang


kalakal o paglilinkod. Ito rin ang dami ng produkto na nais bilhin ng mga konsyumer sa
isang takdang presyo.
_____________2.Ayon sa Batas ng Demand, mas maraming bibili ng isang produkto
kapag mababa ang alin?
______________3.Ito ay isang personal na salik ng demand kung saan nakadepende ang
demand kung gusto ng konsyumer ang produkto o hindi
______________4.Ito ay isang salik ng Demand na dahilan kung bakit mas maraming
bumibili ng bulaklak at tsokolate tuwing buwan ng Pebrero.
______________5.Ito ay tumutukoy sa dami ng nais o kayang bilhin ng isang tao sa isang
produkto o serbisyo.

B. Subukang buuin ang salitang hinahanap sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga larawang


makikita sa ibaba. Bigyan ng maikling kahulugan ang salitang mabubuo.

Ang salitang hinahanap ay: ___________________


Ang aking pakahulugan sa salitang nabuo ay ___________________

B. Pagsusuri Pagmasdan at paghambingin ang mga larawan

Sagutin ang mga tanong:


1. Paano nagkaiba ang dalawang mamimili sa larawan?
Bakit kaya magkaiba ng gawi ang mga mamimili sa larawan?
C. Paglalahad Ano ang Demand?
 Dami ng serbisyong nais at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa
isang takdang oras.
 Ang pagbaba ng presyo ay ang pagtaas ng Quantity Demanded. Ngunit ang
pagtaas ng presyo ay ang pagbaba ng Quantity Demanded

Ano ang Batas ng Demand?


 Ayon sa Batas ng Demand kapag mababa ang presyo, mataas ang demand. Kapag
mataas ang presyo, mababa ang demand
 Ceteris Paribus – ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na
nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang
salik ay hindi nagbabago o nakaaapekto rito.
Mga tatlong pamamaraan sa pagpapakita ng konsepto ng demand
1. Demand Schedule
inverse (di tuwiran) na ugnayan ng presyo
at quantity demanded.
2. Demand Curve – ito at isang grapikong paglalarawan ng di tuwirang ugnayan ng
presyo at quantity demanded

3. Demand Function – ito ay isang matematikong pamamaraan na nagpapakita ng


magkasalungat na ugnayan ng presyo at quantity demanded. Maari itong ipakita
sa equation na:
(dependent variable) Qd = f (P) (independent variable)

Isa pang paraan ng pagpapakita ng demand function ay sa equation na:

Qd = a – bP
Kung saan: Qd = Quantity Demanded
P = Presyo
a = intercept (bilang ng Qd kung ang Presyo ay 0)
b = slope = Qd
P

Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity demanded sa bawat pisong pagbabago


sa presyo

Paano ba ipinapakita ng Demand Function ang relasyon sa pagitan ng Presyo at ng


Quantity Demanded.
Halimbawa:
Qd = 50 – 1P Demand Function

Kapag ang P=20 Qd = ?


Qd = 50 – 1P
Qd = 50 – 1(20)
Qd = 50 - 20
Qd = 30 piraso

Kapag ang P=30 Qd = ?


Qd = 50-1P
Qd = 50- 1(30)
Qd = 50 - 30
Qd = 20 piraso

D. Paglalapat Gawain : I- Demand Mo!


Panuto: Tukuyin ang prinsipyo o paraan ng pagpapakita ng konsepto ng demand.
1. Ito ay isang grapikong paglalarawan ng di tuwirang ugnayan ng presyo at quality
demanded.
a. Demand Function
b. Demand Schedule
c. Demand
d. Demand curve

2. Ito ay isang talaan na nagpapakita ng inverse (di tuwiran) na ugnayan ng presyo


at quantity demanded.
a. Demand Function
b. Demand Schedule
c. Demand
d. Demand curve

3. Ito ay isang matermatikong pamamaraan na nagpapakita ng magkasalungat na


ugnayan ng presyo at Quanity Demanded

a. Demand Function
b. Demand Schedule
c. Demand
d. Demand curve

4. Kapag mababa ang presyo mataas ang demand. Kapag mataas ang presyo,
mababa ang demand.
a. Demand Function
b. Demand Schedule
c. Demand
d. Demand Curve

Karagdagang Gawain:

Magbigay ng mga produkto o serbisyo na madalas maapektuhan sa pagbabago ng presyo.


Ibigay ang iyong palagay sa kung bakit ito madalas magbago ng presyo. Bibigyan ng 7
minuto ang mga estudyante para maisulat ito sa isang kalahating papel at ilang mga piling
mag aaral ang tatawagin para basahin ang kanilang naisulat.

E. Pagtataya Gawain 2. Demanding sila masyado!


PANUTO: Hanapin sa Hanay B ang mga produktong magiging pinaka mabenta sa mga
nakalista sa Hanay A. Sagutan ang mga gabay na tanong pag natapos.

Gabay na tanong:
1. Mula sa Hanay A, pumili ng isang konsyumer at ipaliwanag ang dahilan sa
produktong iyong napili.
2. Ano sa iyong palagay ang pinaka mahalagang salik na nakaka apekto sa demand
ng isang produkto? Ipaliwanag ang sagot.
I. Takdang-Aralin Panuto: Ano ang iyong palagay o saloobin sa pagbaba ng demand ng sigarilyo dahil sa
pagtaas ng presyo nito. Ilagay ang iyong sagot sa isang kalahating papel.

IV. PAGNINILAY
Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation

I. LAYUNIN IKALAWANG ARAW


D. Pamantayang Nauunawaan and mga mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng pwersa ng demand at
Pangnilalaman suplay, at sa sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon ng
sambahayan at bahay-kalakal tungo sa pambansang kaunlaran
E. Pamantayan sa Ang mga mag aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga pangunahing kaalaman sa
Pagganap ugnayan ng pwersa ng demand at suplay, at sistema ng pamilihan bilang batayan ng
matalinong pagdedesisyon ng sambahayan at bahay - kalakal tungo sa pambansang
kaunlaran
F. Mga Kasanayang Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa demand sa pang araw araw na
Pampagkatuto pumumuhay.
 Maiisa-isa ang mga salik na nakakaapekto sa demand
 Makapagbahagi ng sariling saloobin tungkol sa batas ng demand
II. NILALAMAN Mga Salik na Nakakaapekto sa Demand
A. Sanggunian
3. Mga Pahina sa Patnubay ng Guro: Araling Panlipunan 9 Ikalawang Markahan, Unang Linggo
Gabay ng Guro
4. Mga Pahina sa Araling Panlipunan 9, Learning Material sheet
Kagamitang Pang- Kayamanan : Ekonimiks 9
mag-aaral
B. Kagamitang Panturo TV, remote control, mobile phone, worksheet, powerpoint, laptop
III. PAMAMARAAN
A. Paunang Pagtataya / Magbalik aral tayo sa ating nakaraang paksa. Ibigay mo ang kahulugan ng mga
Balik - aral sumusunod:

Demand Schedule Demand Function


Demand Curve

B. Pagsusuri Gawain: Shopping List


Panuto: basahin intindihin ang sitwasyon sa makikita sa ibaba. Gumawa ng shopping list
ayon sa iyong sariling pagpili

Sa talaang makikita sa ibaba, bilugan ang tatak or brand name ng produktong iyong
bibilhin at isulat din ang dahilan kung bakit ito ang iyong pinili.

C. Paglalahad Ang Demand sa bawat produkto at serbisyo ay nagbabago, halimbawa, mas mataas ang
bill ng isang pamilya sa kuryente tuwing buwan ng Abril at Mayo dahil sa mainit na
panahon. Mas mataas din ang demand ng school supplies sa mga pamilyang may
pinapaaral na estudyante.

Ating isa-isahin ang mga karaniwang salik na nakakaapekto sa demand


ng isang produkto o serbisyo.

1. Presyo (Price). Ito ang halaga ng bawat produkto o serbisyo. Sinasabing pag mas
mataas ang presyo ng isang produkto o srbisyo ay mas mababa ang demand para dito.
Halimbawa, araw araw kang bumibili ng tatlong kilo ng bigas sa P50/kg. sa oras na
tumaas ng presyo ng bigas at naging P60/kg, mababawasan ang iyong demand.
2. Kita ng Mamimili (Income or Salary). Kapag mas malaki ang sobra sa kita ng isang
mamimili, mas marami syang kayang bilihin.
3. Populasyon (Population). Nakadepende ang demand sa isang produkto ayon sa kung
sino-sinong tao ang naninirahan o naghahanap-buhay malapit dito.
4. Pa-utang (Credit and Loan Facilities). Mga hulugan. Ito ang dahilan kaya nakakasabay
sa demand ang mga mamahaling gamit tulad ng smartphones at kotse.
5. Presyo ng produktong komplementaryo (Price of complements). ang mga
komplementaryo ay ang mga kalakal na magagamit mo para sa isa pang kalakal.
Halimbawa. Ang load ay komplementaryo ng simcard, ang games ay komplementaryo ng
playstation.
6. Presyo ng Kaugnay na produkto (Substitutes). Karaniwang tinitignan ang presyo ng
mga produktong mag kakatulad tulad ng gadgets, damit at pagkain.
7. Panahon (Weather). Mas mataas ang demand sa mga makakapal na damit tuwing
malamig ang panahon.
8. Panlasa (Taste). Ito ay ang personal. Kung gusto ng isang konsyumer ang produkto,
magiging mas mataas ang demand niya para dito.
9. Inaasahan ng mamimili sa presyo (Expectation on product prices). Kung inaasahan ng
mga mamimili na tataas ang presyo ng isang partikular na produkto sa susunod na araw o
linggo, asahan na tataas ang demand ng nasabing produkto sa kasalukuyan

D. Paglalapat PANUTO: Basahin ang mga sumusunod. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa kagustuhan ng mga mamimili na bumili ng isang kalakal o
paglilingkod. Ito rin ay tumutukoy sa dami ng nais o kayang bilhin ng isang tao sa isang
produkto o serbisyo?
a. Supply b. Demand
c. Presyo d. Kita
2. Ito ang pinakamahalagang salik para sa demand ng mga produktong luho.
a. Presyo b. Panlasa
c. Kita d. Panahon
3. Alin sa sumusunod na salik ang maaaring maka apekto sa demand ng isang kotse?
a. Presyo ng produktong komplementaryo
b. Inaasahan ng mamimili sa presyo
c. Populasyon
d. Panahon
4. Ayon sa Batas ng Demand, mas maraming bibili ng isang kalakal kung mababa ang alin?
a. Demand b. Supply
c. Presyo d. Kita
5. Bakit mahalaga ang magkaroon ng mga magkakaugnay na produkto?
a. Upang magkaroon ng kompetisyon sa mercado
b. Upang magkaroon ng trabaho ang mga tao
c. Para magkaroon ng pagpipilian ang mga mamimili
d. Dahil isa ‘yon sa mga salik ng demand
6. Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng isang partikular na produkto
sa susunod na araw o linggo, ano ang mangyayari sa demand nito?
a. Tataas b. Bababa
c. Hindi magbabago d. Mauubos
7. Ano ang tawag sa ang mga kalakal na magagamit mo para sa isa pang kalakal?
a. Substitutes b. Inferior Goods
c. Normal Goods d. Complements
8. Ito ang dahilan kaya nakakasabay sa demand ang mga mamahaling gamit tulad ng
smartphones at kotse.
a. Paluwagan b. Bonus
c. Pa-utang d. Sale
9. Ito ay tumutukoy sa tumutukoy sa dami ng nais o kayang bilhin ng isang tao sa isang
produkto o serbisyo.
a. Supply b. Demand
c. Presyo d. Kita
10. Ito ay personal na salik ng demand kung saan nakadepende ang demand kung gusto
ng konsyumer ang produkto o hindi.
a. Presyo b. Kita
c. Panahon d. Panlasa
E. Pagtataya PANUTO: Ipakita ang pagbabagong magaganap sa demand para sa isang produkto batay
sa mga pagbabago ng sumusunod na salik. Isulat sa patlang ang UP kung tataas ang
demand at DOWN kung bababa ang demand
___1. Pagdami ng populasyon
___2. Paglaki ng kita (nakatuon sa normal goods)
___3. Pagbaba ng kita (nakatuon sa inferior goods)
___4. Pagiging lipas sa uso ng isang produkto
___5. Inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo
___6. Bulaklak sa buwan ng Pebrero
___7. Pagtaas ng presyo ng produktong pamalit
___8. Inaasahan ng mga mamimili na bababa ang presyo
___9. Pagtaas ng presyo ng produktong komplementaryo
___10.Pagbaba ng presyo ng produktong pamalit
Kasagutan:
1. UP
2. UP
3. DOWN
4. DOWN
5. DOWN
6. UP
7. UP
8. UP
9. DOWN
10. UP
I. Takdang-Aralin Panuto: Ipakita sa iyong magulang/guardian ang ginawang shopping list mula sa naunang
gawain. Tanungin ang iyong magulang/guardian kung sang-ayon siya o di-sang-ayon sa
iyong mga dahilan at sagutan ang tanong sa ibaba. Gumamit ng kalahating papel sa
pagsagot ng mga sumusunod.

 Bakit sang-ayon o di sang-ayon ang iyong magulang/guardian?


 Anong salik ng demand ang iyong pinairal sa pagpili ng mga produktong iyong
nilista sa shopping list? Ipaliwanag ng malinaw.

Karagdagang Gawain:
Sumipi ng Artikulo na may kinalaman sa pagbabago ng Demand

IV. PAGNINILAY
Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation

I. LAYUNIN IKATLONG ARAW


G. Pamantayang Nauunawaan and mga mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng pwersa ng demand at
Pangnilalaman suplay, at sa sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon ng
sambahayan at bahay-kalakal tungo sa pambansang kaunlaran
H. Pamantayan sa Ang mga mag aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga pangunahing kaalaman sa
Pagganap ugnayan ng pwersa ng demand at suplay, at sistema ng pamilihan bilang batayan ng
matalinong pagdedesisyon ng sambahayan at bahay - kalakal tungo sa pambansang
kaunlaran
I. Mga Kasanayang Nakapagpapasiya ng matalino sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik na nakakaapekto
Pampagkatuto sa demand
II. NILALAMAN Ang Paggalaw ng Kurba ng Demand at Pagbabago ng Kurba ng Indibidwal na Demand
A. Sanggunian
5. Mga Pahina sa Patnubay ng Guro: Araling Panlipunan 9 Ikalawang Markahan, Unang Linggo
Gabay ng Guro
6. Mga Pahina sa Araling Panlipunan 9, Learning Material sheet
Kagamitang Pang- Kayamanan : Ekonimiks 9
mag-aaral
B. Kagamitang Panturo TV, remote control, mobile phone, worksheet, powerpoint, laptop
III. PAMAMARAAN
A. Paunang Pagtataya / Ipabahagi sa klase ang naisulat na tugon ng kanilang magulang sa tinala nilang shopping
Balik - aral list. Talakayin ang mga ito.

B. Pagsusuri 1. Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Ipaliwanag mga bahagi ng Frayer Model. Ilagay ang
Kahulugan.

2.Ipaulat at ipatalakay sa bawat pangkat ang kanilang paksa


C. Paglalahad Paggalaw ng Kurba ng Demand (Movement Along the Curve)

Ang epekto ng presyo at ibang salik ng demand sa dami ng bilihin ng mga produkto ay
mailalarawan sa pamamagitan ng Graph. Malalaman dito kung paano nagkaiba ang
paggalw sa isang kurba at pagbabago ng kurba ng demand bunga gn mga salik.

Ang presyo ang pangunahing salik na nakakaapekto sa demand kaya pababa ang kurba
nito. Ang pagbabago sa presyo, tumaas o bumaba man ang nagpapakita ng pagbabago sa
dami ng produkting handing bilhin ng mga mamimili. Ang pagbabago ng Qd bunga ng
pagbabago ng Presyo ay maipapakita ng pagtulay sa kurba, habang ipinagpapalagay na
ang ibang salik ay hindi nagbabago. Ipinakita sa Pigura 2.2

Pagbabago ng Kurba ng Indibidwal na Demand

Kung ang presyo ay hindi magbabago, makikita ang pagbabago ng kurba ng demand
bunga ng iba’t ibang salik. Ang pagbabago ng demand ay magreresulta sa paglipat ng
kurba nito mula sa kanan papuntang kaliwa o vice versa. Ang pigura 2.3 ang nagpapakita
ng paglipat ng kurba ng demand mula sa kaliwa papuntang kanan.

Ang D1 papuntang D2 ay nagpapakita ng pagtaas ng demand bunga ng ibat ibang salik


kahit ang presyo ay hindi nagbabago. Ang mga salik ay ang sumusunod:

1. Pagkagusto sa isang produkto


2. Pagtataas ng kita
3. Pagpa-panic buying
4. Pagdami ng mamimili
5. May okasyong ipinagdiriwang
6. Pagbaba ng presyo ng komplementaryong produkto
7. Pagtaas ng presyo ng kapalit na produkto
Ang pagbaba ng demand ay nangyayari bunga ng ibang salik liban sa presyo. Ang paglipat
ng kurba ng demand mula sa kanan (D 1) papuntang kaliwa (D2) sa ganitong sitwasyon ay
ipinapakita ng Pigura 2.4 bunga ng sumusunod na kadahilanan:

1. Walang ekspekasyon na nagpapataas ng presyo


2. Pagbaba ng kita
3. Pagkasawa sa isang produkto
4. Walang okasyon na ipinagdiriwang
5. Pagtaas ng presyo ng komplementaryong produkto
6. Pagliit ng bilang ng mamimili
7. Pagbaba ng presyo ng kapalit na produkto

Nakita natin na kahit ang presyo ay hindi nagbabago, ang kurba ng demand ay maaring
lumipat pakanan o pakaliwa bunga ng iba’t ibang salik na nakakaapekto sa demand.

D. Paglalapat A. Isulat ang TD kung tataas ang demand BD kung bababa ang demand, at WP kung
walang pagbabago sa demand habang ang presyo ay hindi nagbabago.

_____1. Nagdiwang si Peter ng kaniyang kaarawan


_____2. Nagsawa na ang ga kabataan sa pagkain ng Korean barbeque
_____3. Inaprubahan ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa
_____4. Kinasuhan ang mga tiwaling empleyado ng pamahalaan
_____5. Natanggal sa trabaho ang ilang manggagawa

Kasagutan:
A.
1. TD
2. BD
3. TD
4. WP
5. BD

E. Pagtataya B. Ipaliwanag ang sagot sa bawat tanong


1. Paano naapektuhan ng mga salik ng demand ang iyong pagbili ng mga produkto?
2. Bakit nagbabago ang demand kahit hindi tumataas ang presyo ng produkto?
3. Paano nagkaiba ang paggalaw sa iisang kurba ng demand at pagbabago ng demand?

C. Ipakita sa pamamagitan ng tsart ang mga sumusunod na sitwasyon. Pumili kung ang
sitwasyon ay nakapag dudulot ng pakaliwa o pakanang paggalaw ng kurba

(Pakaliwang paggalaw ng kurba) o (Pakanang paggalaw ng kurba)

1. Pumunta sa iisang pista si Dwayne, halos pare pareho ang inihaing pagkain sa
kaniya
2. Ayon sa ulat ang populasyon ng bansa ay umabot na sa 110 milyon ngayong
2018. Ito ay nagpapakita ng mabilis na pagtaas ng populasyon sa ating bansa.
3. Ibinalita na may darating na super typhoon sa ating bans ana darating sa lingo.
4. Masayang masaya ang mga bata dahil nalalapit na naman ang kapaskuhan
5. Dinagdagan ang baon ni Danica sa eskwelahan ng kaniyang tatay.

B. (Maaring iba iba ang sagot)


1. Tumataas o bumababa ang aking demand dahil sa ibat ibang salik ng demand
2. Sapagkat may ibang salik na nakakaapekto sa demand tulad ng dami ng mamimili
3. Ang paggalaw sa iisang kurba ng demand ay nagaganap dahil sa presyo samantalang
ang pagbabago ng demand ay dahil sa ibat ibang salik ng demand maliban sa presyo.

I. Takdang-Aralin Magsaliksik tungkol sa elastisidad ng demand at mga uri ng elastisidad.


IV. PAGNINILAY
Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation

I. LAYUNIN IKAAPAT NA ARAW


J. Pamantayang Nauunawaan and mga mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng pwersa ng demand at
Pangnilalaman suplay, at sa sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon ng
sambahayan at bahay-kalakal tungo sa pambansang kaunlaran
K. Pamantayan sa Ang mga mag aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga pangunahing kaalaman sa
Pagganap ugnayan ng pwersa ng demand at suplay, at sistema ng pamilihan bilang batayan ng
matalinong pagdedesisyon ng sambahayan at bahay - kalakal tungo sa pambansang
kaunlaran
L. Mga Kasanayang Naiuugnay ang elastisidad ng demand sa presyo ng produkto at serbisyo
Pampagkatuto
II. NILALAMAN Elastisidad ng Demand at mga Uri ng Demand
A. Sanggunian
7. Mga Pahina sa Patnubay ng Guro: Araling Panlipunan 9 Ikalawang Markahan, Unang Linggo
Gabay ng Guro
8. Mga Pahina sa Araling Panlipunan 9, Learning Material sheet
Kagamitang Pang- Kayamanan : Ekonimiks 9
mag-aaral
B. Kagamitang Panturo TV, remote control, mobile phone, worksheet, powerpoint, laptop
III. PAMAMARAAN
A. Paunang Pagtataya / Magtawag ng isang estudyantent magbabahagi ng kanyang takdang arain tungkol sa
Balik - aral elastisidad

B. Pagsusuri Gawing halimbawa ang rubber band bilang kumakatawan sa DEMAND at PRESYO

Ang elastisidad ay parang ang abilidad ng rubber band na mag stretch at bumalik sa dati
nitong hugis. Kung ang Presyo ay tataas ang Quantity Demanded ay bababa.

Ngunit may mga rubber band na makakapal at hindi madaling i-stretch o Inelastic. May
mga pagkakataon kasi na hindi ayon sa paggalaw ng presyo ang dami ng produkto o
serbisyong bibilin. Bibili pa rin ang mga tao kahit na napaka mahal ng produkto.

DEMAND PRESYO

C. Paglalahad Ang pagbabago ng demand ay sanhi ng ibat ibang salik. May pagkakataon na ang demand
ay tumataas at bumababa bunga ng epekto ng mga salik, lalo na ang presyo. Ngunit,
dapat nating malaman kung gaano kalaki o kaliit ang magiging pagbabago ng demand
dahil sa pagtaas at pagbaba ng presyo.

Ang price elasticity ng demand ay pagsukat ng porsiyento ng pagtugon ng mamimili sa


bawat porsiyento ng pagbabago ng presyo. Ang magiging pagtugon ng Qd sa bawat
porsiyento ng pagbabago ng Presyo ay malalaman sa pagkuha ng presyong elastisidad ng
demand. Ang pagtugon ng mamimili sa bawat pagbabago ng presyo ay mailalaarawan sa
iba’t ibang uri ng elastisidad.

Mga uri ng elastisidad ng Demand


1. Di Elastik – ang pagtugon ng mamimiili sa porsiyento ng pagbabago ng presyo ay
higit na mababa. Hal. Bigas, asukal at langis

2. Ganap na Di Elastik na Elastisidad – ang kawalan ng kakayahan ng mamimili na


magbawas ng demand sa bawat pagtaas ng presyo ay makikita sa ganap na di
elastic na elastisidad. Hal. Pagbili ng gamot
3. Elastik – ang value na mahigit sa isa ay naglalarawan sa elastic na elastisdad. Ang
pagtugon ng mamimili sa bawat porsyento ng pagbabago ng presyo ay nagging
elastic kung sa bawat isang porsyento (1%) ng pagtaas ng presyo ang demand ng
mamimili ay mababawasan ng mahigit sa isang porsyento (1%). Kalimitang
nangyayaro ito sa mga produktong may pamalit. Hal. Dahil sa pagtaas ng karne ng
baboy ang mga mamimili ay bibili na lamang ng karne ng baka.

4. Ganap na Elastik – ito ang nagpapakita ng iisang presyo ang umiiral kahit gaano
karami ang bibilhing produkto sa isang takdang presyo. Hal. Presyo ng Tsokolate
tuwing Araw ng mga Puso. Walang pagbabago sa presyo ngunit marami ang
bumibili.

5. Unitary – ang pagtugon ng mamimili sa porsyento ng pagbabago ng presyo ay


tinatawag na unitary kapag ang value na katumbas ng 1 ang nakuha sa
kompyutasyon. Ito ay nangangahulugan na sa bawat isang porsyento (1%) na
pagbabago ng preyso, ang demand ay bababa ng isang porsyentong (1%). Kayang
gawin ito ng mga mamimili sa mga produktong maliit na porsyento lamang ang
kinokonsumo ng mamimili tulad ng karayom, aspile, posporo mga kendi, kandila,
asin at iba pa.
Kompyutasyon ng Presyong Elastisidad ng Demand

Malalaman kung ilang porsiyento ang pagtugon ng mamimili sa pagbabago ng presyo ng


produkto sa pamamagitan ng pag alam at pagkuwenta ng presyong elastisidad ng
demand. Sa pagkuwenta ng presyong elastisidad ay lagging absolute value ang
kinokonsidera at hindi pinahahalagahan ang negatibong tanda (-)

Ang pormula sa pagkuwenta ng presyong elastisidad (Ep) ay:

Gamitin natin ang pormula sa hypotetikal na datos para sa presyo at dami ng bawat kilo
ng karne ng manok. Ihalili ang mga datos sa pormula.
Matapos ihalili ang datos sa pormula, ang susunod ay i-multiply ang numerator sa
denominator. Batay sa ipinakitang kompyutasyon ang presyo ng elastisidad ay elastic
sapagkat mahigit sa isang porsiyento ang pagtugon ng mamimili sa pagtaas ng presyo
dahil maaring kapalit ng karne ang manok

D. Paglalapat
Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Ipagawa sa bawat pangkat ang role playing na
tumatalakay sa konsepto ng elastisidad ng demand. Ipakita ang gawain at talakayin ng
elastisidad ng demand sa klase.

E. Pagtataya A. Sagutin ang mga tanong.


1. Bakit mahalaga ang presyong elastisidad ng demand?
2. Paano tumutugon ang mga mamimili sa pagbabago ng presyo?
3. Lagi bang tumutugon ang mga mamimili sa pagbabago ng presyo?

B. Tukuyin kung
anong uri ng
elastisidad ang
inilalarawan ng
tsart.
C. Kuwentahin ang presyo ng elastisidad ng demand at sabihin kung anong uri ng
elastisidad ang nakuha:
Kasagutan:

A. (Maaring iba iba ang sagot)


1. Sapagkat sinusukat nito kung paano tumugon ang mamimili sa pagbabago ng
presyo.
2. Ang pagtugon ng mamimili sa pagbabago ng presyo ay depende sa produkto
na bibilhin.
3. Oo, sapagkat ang mamimili ay lagging naghahanap ng mababang presyo.

B. 1. Di Elastik
2. Elastik
3. Ganap na Elastik
4. Ganap na Di-Elastik
5. Unitary

C. 1. 0.92 – Di Elastik
2. 0.88 – DI Elastik
3. 1 - Unitary

I. Takdang-Aralin Magsaliksik patungkol sa paksa gamit ang internet at iba pang sanggunia upang higit na
mapalawak ang kaalaman sa paksa.

Sagutin ang mga gabay na tanong:


1. Ano ang derived demand?
2. Paano nalalaman kung may demand sa pamilihan?
3. Maari bang magbago ang batas ng demand? Bakit?

Ang derived demand ay tumutukoy sa demand para sa isang produkto o serbisyo na


nagmumula sa pagkakaugnay nito bilang isang input sa paggawa ng isa pang pangwakas
na produkto

IV. PAGNINILAY
Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation
Alin sa mga
estratehiyang pagtuturo
ang lubos na
nakakatulong? Paano
ito nakakatulong?

Prepared by:

MS. BERNADETTE RUTH G. MASULI


Araling Panlipunan 9 Teacher

Checked by: Noted by:

MR. EDUARDO F. SINDAYEN DR. ROMEO O. OLALO


Master Teacher I Principal III

You might also like