You are on page 1of 3

St. Christopher Academy of Nueva Ecija Inc.

Don Dalmacio Esguerra St., Poblacion Sur, Licab, Nueva Ecija


Modyul #2 (3rd Quarter)
Social Science 9 – OPAL/PEARL

Aralin 11 – Mga Salik na Nakakapagpabago sa Suplay


Paksa – Pagkilos ng Kurba ng Supla, Paglipat ng Kurba ng Suplay at Mga Salik na Napapabago
sa Suplay

PAGKILOS NG KURBA NG SUPLAY

May dalawang magkaibang kilos ang kurba ng suplay. Makatutulong kung malinaw na
mauunawaan ang pagkakaibang ito para sa sumusunod pang mga aralin.

Paggalaw sa lisang Kurba ng Suplay.


Kagaya ng nabanggit sa Batas ng Suplay, presyo ang dahilan ng pagbaba o pagtaas ng dami ng
suplay.
Ang pagbabagong ito sa suplay dulot ng pagbabago sa presyo ay tinatawag na paggalaw
sa iisang kurba ng suplay (movement along the supply curve).

Makikita sa grap na sa presyong Php 40 ang suplay ng magtitinda ay nasa 50, ngunit
nang tumaas ang presyo sa Php 45 tumaas ang suplay sa 100. Nagkaroon ng dagdag na 50 sa
dami ng suplay. Makikita rin sa grap na nang bumaba ang presyo sa Php 60 mula Php 70,
bumaba ang suplay sa 250. Taliwas sa una, dito ay may kabawasan na 100.

PAGLIPAT NG KURBA NG SUPLAY

Maaari namang lumipat pakaliwa o pakanan ang buong kurba ng suplay (shift in the supply
curve). Sa grap, maaari itong maipakita sa ganitong paraan.

Sa ganitong pagkakataon, hindi na presyo ang nagpalipat sa kurba ng suplay kundi ang
iba pang mga salik ng suplay tulad ng gastos sa produksiyon, bilang, at inaasahan ng magtitinda
na susunod na tatalakayin. Tandaan na kapag lumipat sa kanan ang kurba ng suplay, ito ay
nangangahulugan ng pagtaas ng suplay habang ang paglipat nito sa kaliwa ay nagpapahiwatig
ng pagbaba ng sa mga suplay. Lubos itong maipakikita sa pagtalakay salik na nakaapekto sa
suplay.
MGA SALIK NA NAGPAPABAGO SA SUPLAY

Maliban sa presyo, may iba pang mga salik na nagpapabago sa suplay. Kabilang sa mga
ito ang gastos sa produksiyon, bilang ng magtitinda, inaasahan ng magtitinda, subsidi, presyo ng
kaugnay na produkto, at kalikasan.

1. Gastos sa Produksiyon

Makakamit ng magtitinda ang tubo kung maitatakda ang presyo ng produkto na mas
mataas sa gastos ng produksiyon. Maaaring magbago ang dami ng lilikhaing produkto batay sa
gastos sa produksiyon. Ang gastos sa produksiyon ay nakasalalay sa halaga ng mga salik ng
produksiyon gaya ng lupa, lakas-paggawa, at kapital. Nakasalalay rin ito sa iba pang salik gaya
ng teknolohiya.
Ang pagpasok ng makabagong teknolohiya ay maaaring magbigay ng bagong kagamitan
at pamamaraan ng paglikha ng mga produkto. Ang paggamit ng makabagong kagamitan at
pamamaraan ay nagpapababa sa kabuuang gastos. sa produksiyon. Ito ay makatutulong sa mga
magtitinda upang mapataas ang dami ng suplay. Nangangahulugan ito na lilipat ang kurba ng
suplay pakanan. Sa kabilang banda, ang mga magtitinda na hindi gagamit ng makabagong
teknolohiya ay lubhang mapag-iiwanan sa paglikha ng mga produkto. Ito ay maaaring
magpataas ng kanilang kabuuang gastos sa produksiyon. Sa ganitong sitwasyon, bababa ang
dami ng suplay ng kanilang produkto kaya ang kurba ay lilipat papuntang kaliwa
Ang isa pang halimbawa sa gastusin ng produksiyon ay ang sahod ng mga manggagawa.
Kapag tumaas ang sahod ng mga manggagawa, tataas din ang kabuuang gastos sa pagbabawas
ng produksiyon. Magbibigay daan ito sa pagtaas ng presyo ng mga produkto kaya maaaring
humantong sa ng produksiyon. Sa madaling salita, bababa ang suplay sa pamilihan kaya lilipat
ang kurba sa kaliwa.

2. Bilang ng mga Magtitinda


Tumataas ang dami ng suplay kapag marami ang magtitinda sa pamilihan. Sa panahon
ng tag-init, asahan ang pagdami Sa ganitong sitwasyon, ang kurba ng suplay ng mga tindera ng
mangga sa palengke. ay papuntang kanan. Sa kabilang banda, ito ay pupunta ng kaliwa kung
ang mga tindera ng mangga ay mababawasan. Inaasahan ang ganitong pangyayari kung hindi
na panahon ng mangga lalo na kung taglamig.

3. Inaasahan ng Magtitinda
Katulad ng mga konsyumer, ang mga prodyuser ay nagkakaroon ng espekulasyon ukol sa
presyo ng produkto sa darating na araw.
Sa inaasahang pagtaas ng presyo ng bigas, itatago muna ng mga suplayer ang malaking
bulto nito. Sa ganitong pangyayari, bababa ang suplay ng bigas kaya lilipat ang kurba sa kaliwa.
Lilipat naman ang kurba ng suplay sa bigas sa kanan kung inaasahan ng mga suplayer na bababa
ang presyo. Dito ilalabas na ng mga suplayer ang kanilang tinatagong bigas.
Ang pagtago o hindi pagtinda pansamantala ng suplay ay tinatawag na hoarding. Maaari
ring mangyari ang hoarding sa iba pang produkto gaya ng gasolina.

4. Subsidi
Ang subsidi ay tumutukoy sa tulong na ipinagkakaloob ng pamahalaan, OPUS tulad na
lamang ng tulong pinansiyal na ibinibigay sa maliliit na negosyante at mga magsasaka. Ang isang
halimbawa ili ng subsidi sa mga magsasaka ay pagpapautang na may mababang interes. Sa
ganitong sitwasyon, lilipat ang kurba ng suplay pakanan. Sa kabilang banda, kung tinanggal ang
subsidi, ang kurba ng suplay ay lilipat naman pakaliwa.
5. Presyo ng Kaugnay na Produkto

Isang katotohanan na ang prodyuser o magtitinda ay mas gusto ang mga produkto o
serbisyo na mataas ang presyo. Kaya kung mas mataas ang presyo ng mangga kaysa abokado sa
pamilihan, dadami ang suplay ng mangga. Makagaganyak ito upang higit na pagtuunan ng
pansin ng mga magsasaka ang pagtatanim ng mangga. Ang resulta ay bababa ang suplay ng
abokado kaya lilipat ang kurba ng suplay sa kaliwa.

6. Kalikasan
Malaki ang epekto ng puwersa ng kalikasan sa dami ng suplay ng BATAL isang produkto.
Ang panahon, klima, baha, bagyo, lindol, tagtuyot, at iba pa ay maaaring makapagparami o
makapagpakaunti sa suplay ng produkto, Ang magandang panahon ay makatutulong sa
pagpaparami ng produksiyon lalo na sa larangan ng agrikultura. Ito ay magiging sanhi sa
paglipat ng kurba ng suplay sa kanan. Ang malakas na bagyo naman ay maaari namang
magpababa sa suplay ng produkto dahil makababagalo naihihinto nito ang proseso ng
produksiyon kaya lilipat ang kurba sa kaliwa.

Gawain 2 (2nd Quarter)

Kilalanin ang mga mahahalagang salita:

1. Kaugnay na produkto
2. Subsidi
3. Hoarding
4. Kalikasan
5. Pagtaas ng Suplay
6. Pababa ng Suplay
7. Paglipat ng kurba ng suplay
8. Paggalaw sa iisang kurba ng suplay

Isulat ang inyong sagot sa isang malinis na papel

Prepared by: Checked by:


Ms. Edna F. Angeles Mrs. Zenaida P. Dela Cruz
Subject Teacher School Principal

You might also like