You are on page 1of 4

Pagpapakitang Turo

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

I. MGA LAYUNIN:
A. Nasusuri ang kaugnayan ng demand sa presyo ng kalakal at paglilingkod
B. Makagagawa ng batas ng demand
C. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng maraming kaibigan

II. NILALAMAN NG ARALIN:


A. Paksa:
Kaugnayan ng Demand sa Presyo ng Kalakal at Paglilingkod
B. Sanggunian:
Kto12 Basic Education Curriculum Guide AP9MYK-IIb-4
Unawain Natin ang Ekonomiks sa Diwang Pilipino,pp.168-190
C. Kagamitan:
powerpoint presentation, manila papers, cartolina, markers, ruler, crayons

III. PROSESO NG PAGKATUTO:


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pag-ulat ng liban
3. Balitaan
4. Balik-Aral:
- Ano ang ibig sabihin ng ekonomiks?
- Ano-ano ang ating mga pangunahing pangangailangan?

5. Pagganyak:
Ipaawit sa mga bata ang “Magtanim ay Di Biro”. Sabayan ang awitin ng
kilos habang inaawit.

B. Pagtalakay sa Paksang Aralin


1. Paglalahad
Simulan ang pagtatalakay sa paksang aralin sa pamamagitan ng pagtatanong sa
mga bata kung gaano karaming kilo ng bigas ang kanilang bibilhin kung bumaba
ang presyo nito.
- Ipakita ang datos ng eskidyul ng pangangailangan sa mga bata.

Eskidyul ng Pangangailangan
Kalakal: Bigas Lugar : Mandaluyong Public Market
Presyo ng Bigas sa bawat Kilo Dami ng Binibili sa bawat kilo
( Kalakal ) (Pangangailangan)
A. Php. 50.00 2 kilo
B. Php. 42.00 4 kilo
C. Php. 39.00 6 kilo
D. Php. 35.00 8 kilo
E. Php. 30.00 10 kilo
- Ipasuring mabuti sa mga bata ang datos ng pangangailangan.
- Basahin ang nilalaman ng Eskidyul ng Pangangailangan:
(A) Presyo ng Bigas sa bawat Kilo – kalakal
(B) Dami ng Binibili sa bawat kilo – pangangailangan
- Paghambingin ang dami ng biniling bigas sa presyo nito.

2. Malayang Talakayan
Mga tanong upang malaman ang kaugnayan ng pangangailangan sa
presyo ng kalakal at paglilingkod.
- Gaano karami ang binili na bigas nang ang presyo ay naging Php. 30.00?
- Bakit kaya 10 kilo ang binili?
- Sa punto na Php. 50.00 ang presyo ng bigas, bakit kaya 2 kilo lang ang binili?
- Bakit kaya dumadami ang kalakal na binibili ng mga tao kapag ang presyo ay
bumababa at kunti naman kapag ang presyo ay tumataas?
- Batay sa eskidyul ng Pangangailangan na ating tinatalakay, ano ang kaugnayan
ng pangangailangan (Demand) sa presyo ng kalakal at paglilingkod?

3. Paglalahat
a. Ano ang kaugnayan ng pangangailangan (Demand) sa presyo ng kalakal at
paglilingkod?
- Kapag ang presyo ng kalakal o paglilingkod ay mataas, mababa ang
demand o kakayahang makabili ng mga konsyumer. At kapag mababa
naman ang presyo ng kalakal o paglilingkod, mataas ang demand o
maraming konsyumer ang makakabili.
b. Ano ang batas ng Demand?
- Dumarami ang dami ng demand kapag bumababa ang presyo ng
Kalakal o paglilingkod
- Lumiliit ang demand kapag tumataas ang presyo ng kalakal o
paglilingkod

C. Pagpapalalim ng Kaalaman
1. Paglalapat - Pangkatang gawain.
- Hatiin sa apat na pangkat ang bawat klase.
- Ang bawat pangkat ay bibigyan ng angkop na puntos gamit ang Rubrics
o pamantayan sa paggawa.
- Pagkatapos ng 10 minuto, ang bawat pangkat ay mag-uulat o maglalahad ng
kanilang nagawang pangkatang gawain.
- Ibigay sa bawat pangkat ang mga sumusunod na gawain:
Pangkat 1 – Gumawa ng maikling dula-dulaan na nagpapakita ng kaugnayan ng
pangangailangan sa presyo ng kalakal at paglilingkod.

Pangkat 2 – Gumawa ng isang Slogan patungkol sa “Batas ng pangangailangan”.

Pangkat 3 – Gumuhit ng graph na nagpapakita ng kurba ng demand (kaugnayan ng


presyo ng mga kalakal at paglilingkod sa dami ng pangangailanagan o demand.)

Pangkat 4 - Sumulat ng isang awitin o tula patungkol sa kaugnayan ng


pangangailangan sa presyo ng kalakal at paglilingkod.
RUBRICS para sa Pangkatang Gawain
Batayan Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3 Pangkat 4
1. Kasiya-siya ba ang ginawang pag-
uulat/ paglalahad ng pangkat?
2. Mahusay bang nakasunod sa
ipinagawa ng guro ang pangkat?
3. Napukaw ba ng kanilang paglalahad
ang atensyon o damdamin ng klase?
4. May sapat bang kaugnayan ang
kanilang paglalahad sa paksang
tinalakay?
5. Nakiisa ba ang bawat kasapi ng
pangkat sa pagbuo ng gawain?

2. Pagpapahalaga
- Ang pagkakaroon ba ng maraming kaibigan ay maitutulad natin sa ugnayan ng Demand
at Presyo? Bakit?
- Sapat na ba sa iyo ang isa o dalawang kaibigan? Bakit?

IV. EBALWASYON:
Panuto: bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang relasyon sa pagitan ng dami ng demand at presyo ng kalakal o paglilingkod?


A. Dumarami ang dami ng demand habang tumataas ang presyo
B. Lumiliit ang dami ng demand habang bumababa ang presyo
C. Dumarami ang dami ng demand habang bumababa ang presyo

2. Ang SM Megamall ay nagsasagawa ng Back to School Sale promo.Ano ang mangyari sa demand?
A. Katamtaman ang demand.
B. Tumataas ang demand.
C. Bumababa ang demand.

3. Ayon sa Department of energy, noong taong 2006, umabot sa 2.3 milyong litro ang nagamit na
langis ng ating bansa sa presyong Php.46.00 bawat litro. Sa taong 2007, sa presyong Php.49.00/
litro, 2.9 milyong litro ang nakonsumo natin kahit sa maigting na kampanya sa pagtitipid nito.
Ano ang ipinahihiwatig dito?
A. May kakapusan sa langis
B. Tumataas ang demand sa langis
C. Tumataas ang presyo ng langis bawat taon

4. Ano posibleng mangyari sa presyo ng asukal kung marami ang pangangailangan o demand nito?
A. Bababa ang presyo ng asukal
B. Tataas ang presyo ng asukal
C. Tataas ang presyo ng kape

5. Ano kaya ang maging epekto kapag patuloy na lumulubo ang ating populasyon at kukunti ang
maaani na palay?
A. Tataas ang presyo ng bigas
B. Maraming Pilipino ang pupunta sa ibang bansa upang maghanap ng trabaho
C. Marami ang maganyak na magtanim ng palay

V. TAKDANG – ARALIN:
Lumikha ng sariling Eskidyul ng Pangangailangan na nagpapakita ng kaugnayan ng dami ng
demand at presyo sa isang kalakal o paglilingkod.

Eskidyul ng Pangangailangan
Kalakal: Lugar :
Presyo ng Kalakal Dami ng Binibili sa bawat kilo
(Kalakal) (Pangangailangan)

You might also like