You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VI, Western Visayas
DIVISION OF NEG. OCC.
TOBOSO NATIONAL HIGH SCHOOL
Dipolog City 7100

ARALING PANLIPUNAN 9
Assessment 1
Quarter 2, Module 1 and 2

Pangalan: Grado/Seksiyon: Iskor:

I. Panuto: Sa tulong ng mga salita na nasa loob ng kahon, kilalanin ang


tinutukoy ng sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.

Supply Curve Demand Curve Demand Schedule Demand


Batas ng Demand Supply

1. Tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang


ipagbili ng prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang
panahon.
2. Kapag mataas ang presyo ng produkto, mababa ang demand
nito; Kapag mababa ang presyo ng produkto, mataas ang
demand nito.
3. Talahanayan na nagpapakita ng ugnayan ng presyo at demand
sa produkto.
4. Tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang
bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang
panahon.
5. Kurba na nagpapakita ng direktang relasyon sa pagitan ng
presyo at quantity supplied.

II. Panuto: Suriin ang sitwasyon sa ibaba. Isulat ang KN sa patlang kung lilipat
pakanan ang supply curve at KL kung sa kaliwa naman.

6. Malakas na negosyo ngayon ang pagtitinda ng face mask holder sa


pamilihan kaya nahihikayat si Aling Benilda na magbenta ng
ganitong produkto.
7. Gamit pa rin ni Mang Pablito ang lumang gamit sa pananahi ng
mga damit.
8. Bumaba ang gastos sa produksiyon ng banana chips ni Aling Sylvia
kaya tumaas ang bilang ng mga nabuong produkto.
9. Hindi muna binenta ng pamilyang Cruz ang kanilang paninda ngayon
dahil inaasahang tataas ang presyo nito sa susunod na linggo.
10. Uso ngayon ang online selling kaya marami ang pumapasok sa ganitong
uri ng negosyo.
III. Performance Task
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Bilang isang mamimili, ano ang ginagamit mong pamantayan sa pagbili ng isang
produkto?

2. Nararapat bang taasan ng isang prodyuser o negosyante ang presyo ng bilihin


kung may kalamidad, lalo na kung mababa ang supply ng mga produkto?

Rubrik ng Pagmamarka
Iskor Deskripsiyon
8-10 puntos Malinaw na naipapahayag ang kaalaman ng paksa
o aralin.
5-7 puntos Hindi gaanong malinaw na naipapahayag ang
kaalaman tungkol sa paksa o aralin.
1-4 Puntos Hindi malinaw na naipapahayag ang kaalaman
tungkol sa paksa o aralin.

You might also like