You are on page 1of 3

Pangunahing Gawain:

Naiuugnay ang elastisidad ng demand sa presyo ng kalakal at paglilingkod.


LC AP9MYK- IIb-4

Nakapailalim na Gawain:

Naipaliliwanag ang tugon ng mga mamimili sa pagbabago ng presyo ng mga


produkto at serbisyo batay sa konsepto ng Price Elasticity of Demand.

Gawain 1: Taas Presyo o Bagsak Presyo?


Panuto: Suriin ang mga sitwasyon sa bawat bilang. Tukuyin kung paano
makakaapekto ang bawat sitwaston sa presyo ng mga produkto at serbisyong
mababanggit. Iguhit ang simbolong () kung ito ay magdudulot ng pagtaas ng
presyo at () naman kung ito ay magdudulot ng pagbaba ng presyo. Ilagay ang iyong
sagot sa mga nakalaang kahon.

TAAS PRESYO O SITWASYON


BAGSAK PRESYO
1. Nasalanta ng malakas na bagyo ang mga taniman ng bigas sa
gitnang Luzon.
2. Marami na ang bumibili ng hamon dahil sa papalapit na
pasko.
3. Nagmura ang sangkap na gatas sa paggawa ng yema dahil sa
dami ng mga baka sa Masbate.
4. Nanganganib na mahawaan ng African Swine Fever ang mga
karneng baboy sa Pilipinas.
5. Nagkabit ng mga bagong tubo ng tubig ang Maynilad sa
kalakhang Maynila.
6. Marami ang nagtitinda ng sapatos sa pamilihan ng Cartimar.

7. Dumami ang suplay ng gamot dahil sa mga generic brand.

8. Nagkaroon ng marami ani ng kamatis dahil sa magandang


panahon.
9. Nagsawa na sa pagbili ng gulaman ang mga mag-aaral
tuwing recess sa kantina.
10. Nasira ang mga poste ng kuryente dahil sa malakas na lindol.
Gawain 2: I-shoot sa Bayong!
Panuto: Basahin ang sitwasyong nakasulat sa ibaba. Piliin sa talahanayan at isulat
sa mga patlang na nasa tabi ng bayong ang mga produktong mahalagang bilhin kahit
na tumaas ang presyo ng mga ito.

Sitwasyon: Nagkaroon ng mahigit apatnapung porsyento (40%) ng pagtaas sa


presyo ang mga produkto nakalista sa ibaba. Sa kabila nito ikaw bilang isang
manggagawa ay hindi nagkaroon ng pagtaas sa kita/suweldo.

TUBIG INTERNET KURYENTE

TSOKOLATE BIGAS SAPATOS

DIYAMANTENG
SINGSING LOAD PAMASAHE

DAMIT TELEBISYON GULAY

Gawain 3: May Pamalit o Walang Katulad


Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na produkto at serbisyo ay may pamalit
o walang katulad. Itiman ang bilog kung saan ihahanay ang mga produkto at
serbisyo.

MAY WALANG
PRODUKTO/SERBISYO
PAMALIT KATULAD

KURYENTE
TUBIG

You might also like