You are on page 1of 8

ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 1

Pangalan: __________________________ Pangkat: __________ Guro: ______________

Aralin

3 KONSEPTO NG SUPPLY

Most Essential Learning Competency: Natatalakay ang konsepto at salik na


nakaaapekto sa suplay sa pang araw-araw na pamumuhay.

Ang aralin ito ay magagamit mo upang lubos na maunawaan ang mga pangyayari
sa paligid at maging sa hinaharap. Hindi mo kailangang matakot o mangamba sa
pagsasagot. Kailangan mo lamang basahin at unawain ang mga panuto. Handa ka na
ba? Maligayang paglalayag sa modyul na ito!

Sa araling ito matutuhan ang galaw ng prodyuser o supplier sa isang pamilihan.


Bakit nga ba maraming tao ang gustong magnegosyo hangga’t maaari? Inihanda ang
modyul na ito upang makatulong sa iyo na paunlarin ang sarili ng magamit ito sa iyong
kinabukasan. Halina’t unawain ang mahalagang konsepto ng Suplay.

Ang modyul na ito ay nakapokus sa pag-aaral ng Suplay bilang isang


mahalagang konsepto sa Ekonomiks . Matapos ang araling ito inaasahan na:
A. Maibibigay ang kahulugan ng suplay at batas ng suplay;
B. Naiguguhit ang Kurba ng suplay batay sa supply schedule; at
C. Masusuri ang kaugnayan ng batas ng suplay sa matalinong pagpapasya ng
isang prodyuser sa dami ng kaniyang handang ipagbiling produkto sa isang
takdang presyo, lugar, at panahon.

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

______1. Dami o bilang ng kalakal na handang bilhin ng mamimili.


A. Demand C. Presyo
B. Suplay D.Kita

______ 2. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at


kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa
isang takdang panahon.
A. Demand C. Kurba ng Demand
B. Supply D. Kurba ng Supply

______ 3. Grapikong paglalarawan na kapag mataas ang presyo ng


produkto maraming produkto ang gustong iprodyus at ipagbili
ng mga negosyante.
A. Batas ng Demand C. Kurba ng Demand
B. Batas ng Suplay D. Kurba ng Suplay

AP9-Qrt2-Week 3
ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 2

______ 4. Kurba ng Suplay


A. P C. P

Q Q

B. P D. P

Q Q

______ 5. Ilegal na pagtatago ng produkto upang mapataas pa lalo ng negosyante


ang presyo nito.
A. Hoarding C. Selling
B. Pricing D. Trading

Simula ng maranasan ng buong mundo ang krisis na dulot ng COVID 19,


lubhang naapektuhan ang DEMAND o ang kakayahan at kahandaan ng mga mamimili
sa pagbili ng mga produkto o serbisyo.
Sa talahanayan sa ibaba subukin mong balikan ang magiging epekto sa pagtaas
o pagbaba ng demand dulot ng iba’t ibang salik.

I. Panuto: Lagyan ng Tsek (✔ ) ang column sa magiging Epekto sa Demand ng mga


mamimili batay sa mga sitwasyong nabanggit.

PAGTAAS NG PAGBABABA
SITWASYON DEMAND NG
DEMAND
1. Marami sa kasalukuyan ang nawalan ng
trabaho at kita, kaya ang kanilang
kakayahan sa pagbibili ay mababawasan.
2. Dahil sa COVID19 na pandemya, marami
ang natakot para sa kanilang kalusugan
kung kaya’t maraming tao ang namili ng
facemask at mga alcohol bilang
pananggalang sa sakit.
3. Nawalan ng masasakyan ang mga
commuter at ito ay nagbunga ng mataas na
presyo ng bike, motorsiklo at sasakyan.
4. Dalawang linggong sarado (lockdown) ang
Barangay Sauyo nasira ang paninda ni
Aling Jessa.
5. Sa pangambang dulot ng COVID19 mas
maraming mamimili ang tumatangkilik ng
online shopping.

AP9-Qrt2-Week 3
ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 3

Tungkulin ng bahay kalakal (business firms) lumikha ng mga kalakal, serbisyo


man o produkto. Sa plano ng produksyon maitatakda ng bahay- kalakal ang uri at dami
ng produkto na dapat likhain. Galaw ng prodyuser ang nailalarawan sa suplay.

NAME GAME
Ano - ano nga ba ang mga produkto o serbisyo na sa palagay
mo ay kailangan na likhain sa kasalukuyang panahon?.

Ang mga bagay ba na iyong pinili ay napapanahon? Kung ang iyong sagot ay oo,
magaling! Karamihan sa mga negosyante ang nililikhang produkto o serbisyo ay iyong
“patok” o pasok sa panlasa ng nakakarami upang sila ay kumita. Ang presyo na siyang
nagsisilbing batayan ng isang negosyante para ipagpatuloy pa o itigil na ang produksyon
ng suplay nito ay tinatawag na ceteris paribus. Kung mataas ang bentahan ng isang
produkto mas gaganahan siya na lumikha pa ng mas marami. Mas mataas na presyo,
nangangahulugan ito na mas maraming suplay. Ang mga produkto o serbisyo na may
mataas na halaga ay parang gintong kumikinang sa bawat prodyuser. Batas ng suplay
ang tinutukoy diyan.
Maipapakita ang tuwiran o direktang relasyon na ito ng presyo at dami na kayang
ipagbili ni prodyuser sa Kurba ng Suplay ng Kendi.

KURBA NG SUPLAY NG KENDI

Sa halagang Php1.00, sampung (10) piraso lamang ng kendi ang isusuplay ng


prodyuser. At kung tataasan sa halagang Php5.00 na presyo makakagawa siya ng
limang beses nito, limampu (50) ang nabuo ng ating prodyuser.
Sa kasalukuyang krisis na ating nararanasan, naririnig mong mahal ang presyo
ng bilihin, ubos na o walang stock, sa makalawa pa dadating ang mga kalakal. Malaking
hamon sa mga supplier o negosyante ang pangyayaring ito. Maaaring kikita talaga sila
ng malaki sana ngayon, ngunit malaking balakid ang kakulangan sa transportasyon na
mahalagang salik sa paglikha. Walang mga manggagawa para sa produksiyon ng
suplay. At higit sa lahat ang mahigpit na pagpapatupad ng community quarantine
(pananatili lamang sa loob ng bahay) ay mga dahilan upang maantala ang suplay. Dahil
sa kailangang iwasan ang pagkalat ng sakit na COVID19, ito ay naging dahilan upang
isarado ang mga tindahan, paaralan, pabrika at ilang mga establisyemento. Sa mga

AP9-Qrt2-Week 3
ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 4

pagkakataong nabanggit, ang isang mamimili na nangangailan ay bibilhin na lamang


ang suplay na available o natitira kahit ito pa ay may mataas na presyo kumpara noon.
Dahil sa mga kaganapan na ito hindi maiaalis na may mga mapagsamantalang
negosyante na habang nasa gitna ng pandemyang ito ay lalo pang gigipitin ang mga
suplay. Ito ay ang ilegal na pagtatago ng mga produkto upang mas mapataas pa ang
presyo o kilala sa gawaing hoarding. Ang pansamantalang pagkawala na ito ng suplay
ay nagbubunga ng mataas na presyo.

GAWAIN #1 BALITA - SURI


Panuto: Suriin ang balitang ito, at sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba.

GAWAIN #2 My BUSINESS
TARGET

AP9-Qrt2-Week 3
ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 5

Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon,anong negosyo ang nais mong itayo?


Anong kalakal o serbisyo ang iyong ipapakilala sa mga mamimili? Sundan ang sample
Target Plan sa ibaba.

AP9-Qrt2-Week 3
ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 6

TANDAAN:

Panuto: Isulat sa mga kahon


PAG- ALAM SA NATUTUHAN ang iyong mga natutuhan sa
Aralin 3: Suplay.

Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot upang mabuo ang talata ng Suplay. Pumili
ng mga sagot mula sa kahon. (10 Points)

bahay - kalakal pataas


batas ng suplay presyo
ceteris paribus prodyuser
kurba ng suplay quantity supplied
pababa suplay

AP9-Qrt2-Week 3
ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 7

Ayon sa (1)_____________________ mataas ang suplay kapag mataas ang presyo ng


produkto at serbiyo na gagawin. Ang (2) ___________________ ay ang dami ng produkto
at serbisyo na handa at kayang ibenta ng isang (3)_____________________ sa iba’t - ibang
presyo sa isang takdang panahon. Nais ng mga negosyante ang paglikha ng maraming
suplay kung (4)_____________________ ang (5)_____________________ ng isang produkto
sapagkat malinawag na kikita siya. Ang dami o bilang ng kayang likhain ng prodyuser
sa takdang panahon ay (6)______________________. Kapag pataas ang presyo ng produkto
o serbisyo, mataas din ang suplay. Kabaliktaran naman kung mababa ang presyo,
mababa din ang suplay. Kung gayon na ang presyo ang salik na nakakaapekto sa dami
o bilang ng produkto o serbisyong magagawa ito ay (7) ___________________. Makikitang
pataas ang (8) _____________________ kung patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga
produkto. At (9) _____________________ naman ito kung baba ng baba ang presyo.
Tungkulin ng (10) _____________________ ang paglikha ng mga produkto at serbisyo.

Sadyang ang pagnenegosyo ay hindi madaling gawain, ito ay nangangailangan ng


matalinong pagpapasya. Unawain at pagnilayan ang mga mahahalagang puntos sa
pagiging isang prodyuser.

Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa Pagbabago ng Suplay

✓ Dapat bigyang- pansin ng mga prodyuser ang mabisang produksyon upang hindi
madagdagan ang gastos sa pagbuo ng produkto
✓ Pagtuunan ng masusing pag- aaral bago pumasok sa isang negosyo
✓ Magplano sa inaasahang natural na kalamidad
✓ Bigyang - pansin ang kapakanan ng mga konsyumer, lalo na ang mga mahirap.

Panuto: Pagkatapos mong basahin at maunawaan ang mga punto sa itaas subukan mo
namang magbigay ng opinyon kung ikaw ay sang- ayon o hindi sang- ayon sa
pananalita ng isang tagapayo sa larangan ng pagnenegosyo.

“Ang magandang kinabukasan ay para sa mga taong nagtitiwala sa kanilang


kakayahan” - Coach Jaypee Pefanio” (google.com)

AP9-Qrt2-Week 3
ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 8

SAGUTANG PAPEL - Week 3


Pangalan:____________________________ Pangkat :________ Guro :_________________

PAUNANG PAGSUSULIT
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.
BALIK-TANAW
1. 4.
2. 5.
3.
MGA GAWAIN
Gawain 1: Balita-Suri

Gawain 2: My Business Target

A.

B. 1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.
PAGNINILAY ; Ilagay ang sagot sa kwaderno

AP9-Qrt2-Week 3

You might also like