You are on page 1of 41

9

Modyul sa
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Linggo Blg. 5 – 8
9
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5
Interaksiyon ng Demand at Suplay
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Interaksyon ng Demand at Suplay
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Antonina A. Canceran
Editor: Joy M. Amarante
Tagasuri: Michael M. Mercado Lanilyn E. Gueta
Joy M. Amarante Lynn C. Demafeliz
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael M. Mercado Michael V. Lorenzana
Tagapamahala:
Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin
Ang modyul na ito ay isinulat ng may-akda upang
matutuhan mo ang araling “Interaksiyon ng Demand at
Suplay”.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin. Ito ay


ang sumusunod:
Aralin 1 – Ang Ekwilibriyo sa Pamilihan
Aralin 2 – Ang Shortage at Surplus
Aralin 3 – Mga Kaganapan at Pagbabago sa Pamilihan

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo ang


sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential learning competency
- MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Naibibigay ang kahulugan ng ekwilibriyo;
2. Naipaliliwanag ang interaksiyon ng demand at suplay sa kalagayan ng presyo at ng
pamilihan (MELC);
3. Natatalakay ang epekto ng disekwilibriyo sa pamilihan;
4. Nasusuri ang mga kaganapan sa pamilihan sa pagbabago ng mga salik ng demand at
suplay; at
5. Naimumungkahi ang paraan ng pagtugon sa mga suliraning dulot ng kakulangan at
kalabisan.

Subukin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa kuwaderno.
1. Ito ay tumutukoy sa isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang
bilhing produkto o serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling
produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang
pinagkasunduan.
A. demand B. ekwilibriyo C. kakulangan D. suplay

2. Ito ay ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser.


A. Disekwilibriyo B. Ekwilibriyong Dami C. Ekwilibriyong Presyo D. Market Schedule

3. Ito ang tawag sa sitwasyon kung saan ang dami ng suplay ay higit na mataas kaysa sa
dami ng demand ng mga mamimili.
A. Demand B. Shortage (Kakulangan) C. Suplay D. Surplus (Kalabisan)

4. Ito ay isang epekto ng tunggalian ng suplay at demand na kung saan ang dami ng
demand ay mas malaki kaysa dami ng suplay.
A. Demand Schedule B. Quantity demanded C. Shortage D. Surplus

5. Alin ang nagpapakita ng pagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan?


A. Napagkasunduan ng produsyer at mamimili ang presyo ng mansanas.
B. Nagkulang ang suplay ng mansanas kaya tumaas ang presyo ng bilihin.
C. Tumaas ang presyo ng mansanas, kaya ang demand sa mansanas ay bumaba.
D. Labis ang suplay ng mansanas sa pamilihan, kaya bumagsak ang presyo nito.

MODYUL
Interaksiyon ng Demand
5 at Suplay
Natalakay sa nakaraang modyul ang dalawang konsepto ng Ekonomiks, ang Demand at
Suplay. Napag-alaman mo na ang prodyuser ay nagnanais na makapagbenta ng produkto at
serbisyo sa mataas na halaga samantalang ang mga mamimili ay nagnanais na makabili ng mga

1
produkto o serbisyo sa mababang halaga. Kung ganito ang sitwasyon sa pamilihan, parehong
hindi matutugunan ang pangangailangan ng bawat panig. Upang higit na maunawaan ang
konsepto ng suplay at demand bilang isang mahalagang salik sa pagtugon ng pangangailangan
tungo sa pagtamo ng pamabansang kaunlaran, mahalagang pag-aralan ang interaksyon ng
demand at suplay sa kalagayan ng presyo at pamilihan.

Balikan
Isulat ang FACT kung ang pangungusap ay tumutukoy sa mga salik na nakaaapekto sa Suplay
at isulat ang BLUFF kung ito ay hindi tumutukoy sa mga salik na nakaaapekto sa Suplay.
1. Tumaas ang demand sa milk tea, kaya maraming mga prodyuser ang nagtitinda nito.
2. Ang pagkalat ng COVID-19 ang nag-udyok sa mga tao na bumili ng maraming alcohol
at face mask na nagdulot ng kakulangan ng suplay nito.
3. Nagdeklara ang pamahalaan ng Enhanced Community Quarantine sa buong NCR
dahil sa pagkalat ng COVID-19 na nagdulot ng pagsara sa mga negosyo katulad ng
restaurant, malls at iba pa.
4. Napabilis ng makabagong teknolohiya ang paggawa ng mga produkto at serbisyo.
5. Ang pagtaas ng presyo ng alcohol ay dahil sa mataas na gastos sa pagbili sa mga
sangkap sa paggawa nito.

Tuklasin

1. Ano ang
ipinapahayag ng
larawan?
2. Bakit nagkasundo
ang tindera at
mamimili?
3. Naranasan mo na
ba ang ipinapakita
sa larawan? Ibahagi
ang iyong naging
karanasan.
4. Sa tingin mo, bakit
pumayag ang
prodyuser na ibigay
ang produkto sa
nais mong presyo?

Suriin
Ang Ekwilibriyo sa Pamilihan
• Ang Ekwilibriyo (Equilibrium) ay isang kalagayan sa pamilihan kung
saan nagtatagpo ang quantity demanded (Qd) at quantity supplied
(Qs) sa pamamagitan ng pagkakasundo sa presyo ng produkto o
serbisyong nais bilhin ng mamimili at nais ibenta ng prodyuser.
• Ito rin ay tumutukoy sa isang kalagayan sa pamilihan na ang dami
ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng mga konsyumer
at ang handa at kayang ipagbiling produkto at serbisyo ng mga
prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan.
Nakakamit ang ekwilibriyo sa pamamagitan ng pagtatakda ng
ekwilibriyong presyo.

2
• Ekwilibriyong Presyo ang tawag sa pinagkasunduang
presyo ng konsyumer (mamimili) at prodyuser (tindera).
Ekwilibriyong Dami naman ang tawag sa bilang o dami ng
produkto na handang bilhin at ipagbili sa halagang
napagkasunduan. Itinatakda ng ekwilibriyong presyo ang
ekwilibriyong dami ng produkto sa pamilihan.

Tandaan: Nakakamit lamang ang Ekwilibriyo sa


pamilihan kung ang dami ng suplay o quantity supplied at dami
ng demand o quantity demanded ay pantay o balanse.

• Upang higit na maunawaan ang konseptong ito, gamiting


gabay ang tsart sa ibaba patungkol sa Market Schedule
para sa face mask.
• Mapapansin sa talahanayan ang pagbabago ng quantity
demanded at quantity supplied sa tuwing nagbababago
ang presyo ng face mask.
• Sa presyong anim na piso pantay o balanse ang quantity
demanded at quantity supplied. (Qd = Qs)
• Samantalang sa presyong mas mataas sa anim na piso,
bumaba ang quantity demanded at mas mataas ang
quantity supplied (Qd<Qs). Samantala, ang pagbaba ng
presyo sa anim na piso, mas dumami ang quantity demanded kaysa quantity supplied.
(Qd<Qs)
• Ipinakikita sa Market Schedule para sa face mask kung paanong ang pagbabago sa presyo ay
nakaaapekto sa interaksiyon ng demand at suplay sa pamilihan.
• Isa pang paraan upang maunawaan ang interaksiyon ng demand at suplay sa kalagayan ng
presyo ay ang pagsusuri sa graph patungkol sa ugnayan ng Demand Curve at Supply Curve.
• Ang graph ay nagpapakita ng ugnayan ng demand curve at supply curve.
§ Ang kurba ng suplay (A) ay nagpapakita ng quantity supplied sa magkaibang presyo.
§ Ang kurba ng demand (B) ay nagpapakita ng quantity demanded sa magkaibang presyo.
§ Sa Punto C nagkasalubong ang kurba ng demand at suplay. Ito ang tinatawag na
Ekwilibriyo kung saan matutukoy ang Ekwilibriyong Presyo (Php 6.00) at ang
Ekwilibriyong Dami na 30.
§ Ipinakikita sa kurba ng demand at suplay na ang pagbabago sa presyo ay nakaaapekto
sa dami ng suplay at dami ng demand.
Paano nga ba makukuha ang ekwilibriyong presyo?

• Isa pang paraan upang makuha ang Ekwilibriyong presyo ay ang paggamit ng Supply
Function at Demand Function sa pamamagitan ng mathematical equation na Qs = Qd.
Ipagpalagay natin ang equation para sa quantity supplied ay Qs = 0 + 5(P) at ang Quantity
demanded ay Qd = 60 – 5(P).
Dalawang hakbang sa pagkuha ng ekwilibriyong presyo.
1. Unahing alamin ang halaga ng presyo (P) gamit ang demand at supply function upang
ipanghalili ang mathematical equation na Qs = Qd.
2. Pagkatapos ay ihalili ang value ng P sa demand at supply function. Ang makukuhang sagot
ang siyang tumutugon sa ekwilibriyong dami nito.

• Ang komputasyon na nasa talahanayan ay nagpapakita kung paano makukuha ang


ekwilibriyong presyo at ekwilibriyong dami

3
Disekwilibriyo sa Pamilihan (Shortage at Surplus)
• Sa pagkalat ng COVID-19 virus, dumami ang demand sa
alcohol, face mask at iba pa na nagdulot ng kakulangan sa
suplay. Samantalang ang mga gulay naman sa ibang parte
ng bansa ay labis dahil hindi maihatid ang mga ito sa iba
pang karatig lugar na nagdulot naman ng kalabisan. Ito ay
ilan lamang sa mga suliranin na nararanasan sa pamilihan
sa tuwing hindi naaabot ang kalagayang ekwilibriyo. Ang
suliranin ay nag-uugat dahil sa walang naitakdang
ekwilibriyong presyo. Dahil dito ay nagkakaroon ng
kakulangan o shortage at ang kalabisan o surplus sa
pamilihan.
• Ang shortage ay tumutukoy sa kakulangan ng suplay ng
produkto o serbisyo na inihanda ng prodyuser dahil sa mga
salik na nakaaapekto sa suplay. Samantalang ang surplus
naman ay tumutukoy sa labis na suplay ng produkto na
nagdudulot ng pagbaba ng presyo at pagkalugi ng mga
prodyuser.
• Tunghayan ang epekto sa presyo at dami ng kalakal sa
pamilihan kapag may suliranin sa kakulangan o shortage at
kalabisan o surplus. Sa graph sa ibaba ipapakita ang kurba
ng demand at kurba ng suplay.
• Ipinapakita sa graph ang epekto sa presyo at dami ng face
mask na naibebenta sa pamilihan na mas mataas pa sa
ekwilibriyong presyo.
• Sa pagtaas ng presyo mula Php 6 patungong Php 8
magkakaroon ng kasiglahan ang prodyuser na gumawa ng
maraming face mask, ngunit mas kakaunti naman ang
kayang bilhin ng konsyumer sa mataas na presyo. Ang
kaganapang ito ay magdudulot ng kalabisan o surplus sa
face mask.
• Halimbawa, makikita sa linya AB na sa presyong Php 8, 20
piraso ang gustong bilhin ng konsyumer at 40 piraso naman
ang gustong ibenta ng prodyuser. Ang labis na face mask ay
(20-40) = 20 piraso.
• Ang labis na suplay ang mag-uudyok sa prodyuser na babaan ang presyo ng face mask upang
mahikayat ang mamimili na bumili ng kaniyang produkto. Magpapatuloy ang pagbaba ng
presyo hanggang umabot sa ekwilibriyong presyo.
• Ipinapakita sa graph kakulangan o shortage kung ang presyo ng face mask ay mas mababa
pa sa anim na piso. Sa pagbaba ng presyo ng face mask mula sa ekwilibriyong presyo na Php
6, makakaapekto ito sa quantity supplied.
• Kapag ibinenta ng prodyuser sa halagang Php 4 ang kada piraso ng face mask, magiging 20
piraso na lamang ang kaya niyang ipagbili. Nangangahulugan ito na hindi niya kayang
tugunan ang 40 piraso na demand sa face mask ng mamimili. Ang kaganapang ito ay
magdudulot sa pamilihan ng kakulangan sa suplay sa face mask. Ipinapakita sa linya AB ang
kalagayan ng kakulangan na 20 piraso sa suplay ng face mask (20-40=20). Ang mataas na
demand sa face mask ang magtutulak pataas sa presyo hanggang sa ito ay umabot sa
ekwilibriyong presyo.

MGA KAGANAPAN AT PAGBABAGO SA PAMILIHAN


• Tinalakay sa Modyul 1 at Modyul 2 ang mga salik na nagpapabago sa demand at suplay ng
mga bilihin. Ang mga ito ay maaaring makapagbabago sa kalagayan ng pamilihan. Ano kaya
ang mangyayari sa pamilihan kung sakaling nagbago ang demand at suplay? Ano kaya ang
pagbabago sa ugnayan sa pagitan ng mga prodyuser at konsyumer sa ganitong kalagayan?

1. Paglipat ng kurba ng demand pakanan subalit walang pagbabago sa suplay. Ipinapakita


sa graph na maaaring tumaas ang demand ng hindi nagbabago ang suplay ng isang
produkto. Isa sa maaaring salik ay ang pagtaas ng kita ng mga mamimili.
Ibig sabihin sa pagtaas ng kita mas maraming produkto ang mabibili na magreresulta sa
pagtaas ng demand sa produkto. Dahil dito mapapansin na ang dating ekwilibriyong presyo (E1)
ay Php 6 at ang Ekwilibriyong dami ay 30 ay nagbago. Ang bagong ekwilbriyong presyo ay Php
8 at ang Ekwilibriyong dami ay 40. Ang pagbabago sa ekwilibriyong presyo ay kinakailangan
upang makapagtaas ng suplay ang prodyuser.

4
2. Paglipat ng demand curve pakaliwa subalit walang pagbabago sa supply curve.

3. Ipinapakita sa graph sa itaas ang dating ekwilibriyong presyo (E1) ay Php 6 ang
ekwilibriyong dami naman ay 30. Subalit nagkaroon ng paggalaw sa kurba ng demand
pakaliwa dahil sa pagbaba ng demand sa produkto.
Halimbawa, bumaba ang kita ng mamimili kaya lumiit din ang kakayahan na bumili ng
maraming produkto (purchasing power). Ang kalagayang ito sa pamilihan ay ang mag-uudyok
ng pagkakaroon ng bagong ekwilibriyong presyo (E2) na Php 5 at ekwilibriyong dami na Php 25.
4. Paglipat ng supply curve pakanan subalit walang pagbabago sa demand curve.

Mapapansin sa graph na ang dating ekwilibriyong presyo (E1) ay Php 6 at ang ekwilibriyong
dami ay 30. Subalit nagkaroon ng paglipat ng supply curve pakanan mula S1 patungong S2, na
nagresulta ng bagong ekwilibriyong presyo na Php 5 at ang bagong ekwilibriyong dami na 35.
Isa sa maaaring dahilan ng pagbabagong ito ay ang paglaganap ng efficient na teknolohiya sa
industriya. Sa pag-unlad ng teknolohiya sa industriya mas maraming bilang ng produkto ang
malilikha sa bagong teknolohiya.
5. Paglipat ng supply curve pakaliwa subalit walang pagbabago sa demand curve.
• Ipinapakita sa graph na ang dating ekwilibriyong presyo (E1) ay Php 6 at ang ekwilibriyong
dami ay 30. Subalit nagkaroon ng paglipat ng supply curve pakaliwa mula S1 patungong S2,
na nagresulta ng bagong ekwilibriyong presyo na Php 7 at ang bagong ekwilibriyong dami na
23. Mapapansin na tumaas ang ekwilibriyong presyo pero bumaba ang ekwilibriyong dami.
Isa sa maaaring dahilan ng pagbabagong ito sa pamilihan ay ang pagmahal ng mga salik ng
produksiyon katulad ng makinarya, materyales sa paggawa ng produkto. Ang pataas ng

5
presyo at pagbaba ng suplay ay maaaring dala ng inefficiency ng teknolohiya na ginagamit sa
industriya.
• Batay sa pagsusuri sa mga kaganapan at pagbabago sa pamilihan ito ang apat na punto na
dapat tandaan.
1. Sa pagtaas ng demand at hindi nagbago ang suplay, tataas ang ekwilibriyong presyo,
tataas din ang ekwilibriyong dami.
2. Sa pagbaba ng demand at hindi nagbago ang suplay, bababa ang ekwilibriyong presyo
at baba rin ang ekwilibriyong dami.
3. Sa pagtaas ng suplay at hindi nagbago ang demand, bababa ang ekwilibriyong presyo
at tataas naman ang ekwilibriyong dami ng bilihin.
4. Sa pagbaba ng suplay at hindi nagbago ang demand, tataas ang ekwilibriyong presyo
at bababa naman ang ekwilibriyong dami ng bilihin.

Pagyamanin
Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Interaksiyon ng Demand at
Suplay”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

Gawain 5.1
Kurba-Katawagan-
Kahulugan.
Unawain ang mga
grapikong
paglalarawan sa
interaksiyon ng
demand at suplay.
Tukuyin ang
hinihinging
kaalaman sa bawat
bilang. Isulat sa
papel ang sagot.

Gawain 5.2
Pagsusuri ng Datos.
Tukuyin ang epekto ng
sumusunod na
disekwilibriyo sa
pamilihan. Isulat ang
epekto sa kalagayan sa
pamilihan at
mungkahing solusyon.
Gayahin ang tsart at
isulat ang sagot sa
papel.

Isaisip

Gawain 5.3
Tinalakay sa modyul na ito
ang interaksiyon ng
demand at suplay.
Unawain ang sumusunod
na mga tanong at sagutin
ang mga ito.

6
Isagawa
Gawain 5.4
Paggawa ng Infomercial. Ikaw ay kabilang sa mga ekonomista na nagsasaliksik tungkol sa
paraan ng pagtugon sa mga suliraning dulot ng kakulangan at kalabisan. Inaatasan kang
ibahagi ang iyong nalalaman sa mga dapat gawin ng mga tao upang mabigyan ng solusyon ang
suliranin sa kakulangan at kalabisan sa panahon ng pandemic. Ikaw ay gagawa ng isang
infomercial o patalastas na naglalaman ng mga paraan ng pagtugon sa mga suliraning dulot ng
kakulangan at kalabisan. Maaaring isaalang-alang ang sumusunod na panuntunan:
1. Ihanda ang mga kagamitan tulad ng camera at script.
2. Sundin ang mga bahagi ng gagawing Infomercial:
a) Pamagat ng Infomercial
b) Layunin ng Infomercial
c) Paraan sa pagtugon sa suliranin sa kakulangan at kakapusan
d) Mga video at Larawan
3. Ang patalastas ay kailangang magtagal ng 1 hanggang 2 minuto lamang.
4. Ibahagi ang gawang infomercial sa miyembro ng pamilya, kaibigan, o kamag-aral, mapa-
online o offline.
5. Nasa ibaba ang mga pamantayan sa pagmamarka ng gawaing ito.
Rubriks sa pagmamarka ng gawain:
Pamantayan Puntos
Wasto ang nilalaman at angkop sa panuto ng gawain. 15
Malinaw at organisado ang gawang Informercial. 8
Mahusay ang paglalapat ng mga video effect at orihinal na gawa 5
Nakapagbahagi ng gawang Infomercial. 2
Kabuoan 30

Tayahin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa papel.
1. Ano ang tawag sa isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing
produkto o serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling produkto at
serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan?
A. ekwilibriyo C. shortage
B. disekwilibriyo D. surplus

7
2. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang hindi naglalarawan ng pagkakaroon ng
disekwilibriyo sa pamilihan?
A. Sa pagkalat ng corona virus ay nagkaubusan ng suplay ng alcohol at face mask.
B. Nagkasundo ang prodyuser at konsyumer sa halagang Php10 at sa dami na 40.
C. May 120 na pirasong kendi si Mika ngunit 80 lamang ang handang bilhin ni
Charlene.
D. Kailangan ni Nina ng 2 kilong mangga para sa gagawin niyang mango graham
cake ngunit 1kilo lamang ang natirang tinda ni Flora.

3. Kapag tumaas ang suplay at hindi nagbago ang demand, ______ ang ekwilibriyong presyo,
tataas ang ekwilibriyong dami ng bilihin. Ano ang mangyayari sa ekwilibriyong presyo?
A. Bababa C. Lilipat pakanan
B. Lilipat pakaliwa D. Tataas

4. Bilang mag-aaral, alin sa sumusunod ang hindi mo maimumungkahing paraan ng


pagtugon sa suliranin sa kakulangan at kalabisan sa pamilihan?
A. Maging responsableng konsyumer o prodyuser.
B. Iwasan ang panic buying at paghakot ng mga produkto.
C. Samantalahin ang pagbili ng maraming produkto habang ito ay nasa mababang
presyo.
D. Pag-aralan at unawain ang maaaring epekto ng kakulangan at kalabisan sa
pamumuhay ng tao.

5. Suriin ang grapikong presentasyon.


Ano ang ipinapakita nito?
A. Ang paglipat ng supply curve
pakaliwa
B. Ang paglipat ng supply curve
pakanan
C. Ang paglipat ng demand curve
pakanan
D. Ang paglipat ng demand curve
pakaliwa

Karagdagang Gawain

Gawain 5.5
Tinimbang ngunit Kulang at Sobra. Suriin ang Market Schedule sa Alcohol. Batay sa
talahanayan, tukuyin kung ang sitwasyon ay shortage, surplus at ekwilibriyo. Isulat ang iyong
sagot sa hulihang kolum. Pagkatapos, ipakita sa pamamagitan ng graph ang nilalaman nito.
Gayahin ang talahanayan at isulat ang sagot sa papel.
MARKET SCHEDULE PARA SA BAG

8
9
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 6
Ang Pamilihan at Mga Estruktura Nito
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Pamilihan at Estruktura Nito
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Gloria B. Cunanan
Editor: Rizal P. Cantiller
Tagasuri: Michael M. Mercado Lynn C. Demafeliz
Lanilyn E. Gueta Joy M. Amarante
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael M. Mercado Michael V. Lorenzana
Tagapamahala:
Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin

Magandang araw sa iyo. Ang


modyul na ito ay tungkol sa konsepto ng
pamilihan at estruktura nito.
Mahalagang malaman mo ang
ginagampanan ng pamilihan upang
matugunan ang walang katapusang
pangangailangan ng tao. Ang iba’t ibang
estruktura ng pamilihan ay nagbibigay-
sigla sa ekonomiya tungo sa pag-unlad
ng bansa. Makikita sa larawan ang
sitwasyon sa pamilihan.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin. Ito ay ang sumusunod:


Aralin 1 – Konsepto ng Pamilihan
Aralin 2 – Mga Estruktura ng Pamilihan

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo


ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential
learning competency -MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Natutukoy ang konsepto at mga estruktura ng pamilihan;
2. Nasusuri ang kahulugan at estruktura ng pamilihan (MELC);
3. Napatutunayang tumutugon sa pangangailangan ng tao ang mga estruktura ng
pamilihan; at
4. Nakapagpapasya sa angkop na estruktura ng pamilihan na makapagpapaunlad
ng bansa.

Subukin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa kuwaderno.
1. Ang sumusunod na pahayag ay katangian ng ganap na kompetisyon maliban sa
___.
A. Magkakatulad ang produkto.
B. Walang kumokontrol ng presyo.
C. Maraming mamimili at nagtitinda.
D. May kakayahan hadlangan ang kalaban.

2. Ito ay tumutukoy sa pamilihang umiiral kapag iisa lamang ang nagbebenta ng


walang katulad na produkto at serbisyo.
A. monopolistikong kompetisyon C. monopsonyo
B. monopolyo D. oligopolyo

3. Alin sa sumusunod na produkto ang nasa monopolistikong estruktura?


A. pechay C. shampoo
B. petrolyo D. tubig

4. Ito ay tumutukoy sa lugar kung saan nagpapalitan ng produkto o serbisyo ang


mamimili at nagtitinda sa napagkasunduang presyo.
A. online shopping C. supermarket
B. pamilihan D. talipapa

5. Aling titik ang hindi maaaring magkontrol ng presyo sa pamilihan?


A. hoarding B. kartel C. monopolyo D. palengke

1
Modyul
Ang Pamilihan at mga
6 Estruktura Nito
Napakahalaga ng natutuhan mo sa nakaraang aralin patungkol sa interaksiyon
ng mamimili at nagtitinda upang makapagpasya ayon sa kanilang kagustuhan. Layunin
ng modyul na ito na maunawaan mo ang konsepto ng pamilihan at estruktura nito.
Mauunawaan mo rin ang mahalagang bahaging ginagampanan ng pamilihan sa
pambansang ekonomiya.

Balikan
Basahin mo ang pahayag at tukuyin kung ekwilibriyo o disekwilibriyo ang
sitwasyon sa pamilihan. Isulat sa patlang kung surplus, shortage o sapat.

__________1. Naubos ang 100 kahon ng face mask sa mga tindahan dahil sa
matinding pangangailangan ng mga tao.
__________2. Tag-ulan na naman kaya mabilis naibenta ni Karen ang mga tinda
niyang 50 pirasong payong.
__________3. May 10 kaing ng mangga na ihahatid sa suki si Mang Carlos ngunit 7
kain lamang ang kinuha ng kaniyang suki.
__________4. Dahil mataas ang demand sa laptop wala nang nabili si Gng. Reyes sa
computer store.
__________5. Nagkasundo ang bumibili at ang tindera sa halagang 20 piso ang isang
lata ng sardinas.

Tuklasin

Mga Tanong

1. Ano ang nakikita


mo sa larawan?
2. Mayroon bang
pagkakaiba ang
mga larawan na
nakikita mo?
3. Saan mo nakikita
ang mga larawan?
4. Pumili ka ng
larawan kung
saan ka madalas
may ugnayan
dito.

2
Suriin

Konsepto ng Pamilihan
• Ang pamilihan ay isang lugar kung saan nagkakaroon ng interaksyon ang mga
mamimili at nagtitinda upang maisagawa ang palitan ng produkto at serbisyo ayon
sa napagkasunduang presyo. Ang konsyumer at prodyuser ang dalawang
pangunahing aktor sa pamilihan na kung saan nakakamit ang lahat ng
pangangailangan at kagustuhan ng konsyumer na handa at kaya niyang ikonsumo.
Ang prodyuser naman ay nakatuon sa pagbebenta ng produkto at serbisyo sa mga
mamimili.
• Pamilihang Lokal - ito ay matatagpuan sa inyong komunidad, ang maliliit na
tindahan ay halimbawa na makikita saan man bahagi ng ating bansa.
• Pamilihang panrehiyon - ang mga produktong matatagpuan sa iba’t ibang rehiyon
katulad ng bagoong isda ng Pangasinan, dried fish ng Cebu, at durian ng Davao ay
ilan lamang sa mga halimbawa nito.
• Pamilihang Pambansa/pandaigdigan - ang mga kilalang produkto tulad ng petrolyo,
langis, bigas, mga prutas ay halimbawa ng produktong ikinakalakal sa loob at labas
ng bansa.
Mga Estruktura ng Pamilihan
• Ang kaayusan ng pamilihan ay nakasalalay sa mabuting
relasyon ng mga mamimili at nagtitinda sa tuwing
nagpapalitan ng produkto at serbisyo. Ang uri ng
pamilihan ay batay sa dami ng mamimili at nagbebenta,
pagtatakda sa presyo, uri ng produkto na ibebenta at
kalayaan ng mga prodyuser na maglabas-pasok sa negosyo.
• Mayroong dalawang balangkas na umiiral sa sistema ng
pamilihan.

Pamilihang May Ganap na Kompetisyon


Mga Katangian:
1. Maraming mamimili at nagtitinda. Nang dahil sa pagkakaroon ng maraming
mamimili at nagtitinda ay walang sinoman ang maaaring magkontrol sa takbo
ng pamilihan. Ito ang dahilan ng kawalan ng puwersa o karapatan na magtaas o
magbaba ng presyo ng produkto sa pamilihan.

2. Magkakapareho ang produktong binebenta (Homogenous). Madalas sa


estrukturang ito ay magkakatulad ang produktong ibinebenta kaya naman ang
mga mamimili ay maraming pagpipilian. Halimbawa, ang bigas na binili sa isang
tindahan ay walang pinagkaiba sa ibang nagbebenta rin ng bigas. Hindi alintana
ng mga konsyumer kung sino ang prodyuser ng nasabing produkto.
3. Malayang paggalaw ng salik ng produksiyon. Ang mamimili at negosyante ay
malayang lumabas at pumasok sa pamilihan kaya walang sinomang maaaring
magkontrol sa paggamit ng mga salik ng produksiyon. Ang pagpapalit ng mga
salik ng produksiyon sa paglikha ng mga produkto ay ayon sa nais ng
negosyante.

4. Malaya ang paglabas at pagpasok sa negosyo. Karamihan sa negosyante ay


malayang lumabas at pumasok sa industriya kung kailan nila gustuhin. Walang
maaaring humadlang na magbukas ng negosyo upang tumubo. Ang mga
nagtitinda ay may kalayaang makapili ng produkto na kanilang ibebenta.

5. Malaya ang kaalaman sa takbo ng pamilihan. Kailangan ang mga mamimili at


nagtitinda ay may sapat na kaalaman sa mga nagaganap sa pamilihan. Kung
ikaw ay mamimili, nakabubuti na malaman ang presyong umiiral sa pamilihan

3
upang maisaayos mo ang pagbabadyet. Samantala, makabubuti naman para sa
mga negosyanteng makagawa ng tamang desisyon kung anong produkto ang
gagawin o ibebenta. Ang sapat na impormasyon sa gastusing pamproduksiyon
ay magiging daan upang makapili ng produkto na may mababang gastos ngunit
makapagbibigay ng malaking tubo sa kanila.

Pamilihang may Hindi Ganap na Kompetisyon

Anyo ng Pamilihang may Hindi Ganap na Kompetisyon


a. Monopolyo. Ang monopolyo ay uri ng pamilihan na iisa lamang ang nagbebenta
ng produkto o nagsusuplay ng serbisyo. Kaya naman kayang
maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan. Napipilitan na lamang tanggapin
ng mga konsyumer ang itinakdang presyo dahil kabilang ito sa pangunahing
pangangailangan ng tao.

Mga Katangian:
• Iisa ang nagbebenta. Ang tawag sa nag-iisang prodyuser ng produkto o
serbisyo ay monopolista. Nakokontrol ng prodyuser ang dami at presyo ng
produkto sa pamilihan ayon sa kaniyang kagustuhan upang makamit ang
malaking kita.
• Produkto ay walang kapalit. Dahil nag-iisa ang prodyuser, madaling
makontrol ang presyo sa pamilihan. Karaniwan sa produktong ibinebenta
sa ilalim ng monopolyo ay pangunahing kailangan ng tao, kaya naman
nagagawa ng prodyuser na magtaas ng presyo ng produkto dahil wala
silang kakompitensiya.
• Kakayahang hadlangan ang kalaban. Nagtataglay ng malakas na puwersa
ang monopolista upang makontrol ang bentahan ng produkto. Ang
presyong itinatakda at dami ng produkto ay pagnanais ng monopolista
na magkamit ng malaking kita. Pansamantalang nagbabawas ng presyo
at nababawasan ang tubo nila sa tuwing may bagong negosyante na
pumapasok sa pamilihan. Tinatawag itong cutthroat competition. Sa
pagkawala ng kakumpitensiya sa negosyo ay muling ibabalik ang presyo
sa dati.
• Protektado ng copyright, patent, trademark sa ilalim ng Intellectual Property Rights
ang mga monopolista. Hindi maaaring gayahin ng sinoman ang kaparehong
produkto at serbisyong ginagawa ng monopolista. Ang copyright ay batas na
nagbibigay ng kaukulang pagkilala sa mga indibidwal sa larangan ng sining,
akdang pampanitikan, dramatic works, musical works, visual artworks at
architectural design.
• Ang patent naman ay isang pribilehiyo na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa
imbentor upang maprotektahan ang kaniyang imbensiyon. Pinagbabawalan ang
sinomang walang pahintulot na gawin, gayahin, ibenta, at iluwas ang imbensiyon
upang maiwasan ang pagsisiwalat ng detalye sa publiko. Ang mga patent ay
nagbibigay ng mga insentibo para sa pananaliksik at pag-unlad ng ekonomiya.

4
• Ang trademark ay marka o simbolo na makikita sa mga produkto o serbisyo upang
makilala ang prodyuser o kompanyang nagmamay-ari ng produkto at serbisyo.
• Samantala, mayroon dito sa ating bansa na natural monopoly na mga kompanyang
nagkakaloob ng serbisyo sa mga mamamayan na pinahintulutan ng pamahalaan
upang mababa ang gastusin kung isang kompanya lamang ang magbibigay ng
serbisyo. Halimbawa nito ang serbisyo ng tubig, koryente at tren.

b. Monopsonyo. Ito ay estruktura ng pamilihan na iisa lamang ang bumibili ng


maraming prodyuser ng produkto at serbisyo. Ang pamahalaan ay bumibili ng
serbisyo para sa gawaing pambayan. Ang serbisyo ng pulis, guro, doktor, sundalo
at iba pa ay tanging ang pamahalaan lamang ang nagbabayad na ipinagkakaloob
ng serbisyong panlipunan. Sa ganitong pagkakataon, ang pamahalaan ang
nagtatakda ng sahod dahil ito lamang ang kumukuha ng serbisyong panlipunan.

c. Oligopolyo. Isang estruktura ng pamilihan na may kaunti lamang na bilang ng


prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto. Ang
mga produktong ibinebenta dito ay halos hindi nagkakaiba at nakikilala lamang
sa pamamagitan ng brand name. Nagkakasundo sa pagtatakda ng presyo at dami
ng gagawing produkto. Halimbawa ng produkto na ibinebenta ng oligopolista ay
gasolina, semento, bakal, langis, kotse at iba pa.

• Ang collusion ay sabwatan ng mga oligopolista sa pagtatakda ng presyo sa


pamilihan para sa sariling kapakinabangan. Samantala ang kartel ay
samahan ng mga oligopolista na kumokontrol sa presyo, bilang ng
produktong gagawin, at ibebenta upang makuha ang mas malaking kita.
Isang halimbawa ng kartel ay ang OPEC (Organization of the Petrolium
Exporting Countries) na samahan ng mga bansang mayaman sa langis na
nagsusuplay sa buong daigdig.

d. Monopolistikong Kompetisyon. Ito ang estruktura ng pamilihan na maraming


prodyuser ang nagbebenta ng mga produkto sa pamilihan subalit marami rin
ang konsyumer. Magkakatulad ang mga produktong ibinebenta ngunit
nagkakaiba sa packaging, label, presentasyon, maging ang lasa o flavor. Tinawag
itong product differentiation. Nagkakaiba sa brand name at may pag-aanunsiyo.
Halimbawa ang kape, gatas, shampoo, sabon, panlaba, toothpaste, kendi, at
marami pang iba. Nagkakaiba sila sa kulay, hugis at tatak sa pakete.

• Upang tangkilikin at makilala ang kanilang produkto, ang mga prodyuser ay


nagpapalabas ng advertisement para makahikayat ng mga kostumer na
bumili ng kanilang produkto.

• Itinuturing na monopolista ang mga prodyuser sa pagtatakda ng presyo ng


gawa nilang produkto dahil nakadepende ito sa gastusin ng produksyon kung
saan hangad nila ang malaking tubo.

5
Pagyamanin
Ngayon ay sapat na ang iyong kaalaman at naunawaan mo ang aralin tungkol sa
konsepto ng pamilihan at estruktura nito, maaari mo nang sagutan ang mga gawain.

Gawain 6.1

Fill in the Box.


Punan ang mga
kahon ayon sa iyong
natutuhan sa
konsepto ng
pamilihan at
estruktura nito.

Gawain 6.2:
Crossword Puzzle.
Kompletuhin ang crossword
puzzle. Basahin ang
pahayag at isulat ang sagot
sa kahon o sa papel.

Isaisip

Gawain 6.3
Tinalakay sa modyul na ito
ang pamilihan at mga
estruktura nito. Unawain
ang sumusunod na mga
tanong at sagutin ang mga
ito.

6
5. Alin sa mga estruktura ng pamilihan ang makabubuti sa
konsyumer at prodyuser?
6. Paano nakaaapekto ang iba’t ibang estruktura ng
pamilihan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga
mamimili?
7. Ano-ano ang impluwensiya ng pamahalaan tungo sa pag-
unlad ng bansa?

Isagawa
Gawain 6.4
Magnegosyo Ka. Matapos ang masusing pagtalakay tungkol sa pamilihan at estruktura
nito. Inaasahang naunawaan mo kung paano ito nakaapekto sa mga konsyumer at
prodyuser sa pamilihan. Magtala ka ng sariling desisyon at isulat sa patlang. Kung ikaw
ay magtatayo ng negosyo, sa anong estruktura ng pamilihan ang gusto mong pasukin?
Bakit?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Rubriks sa pagmamarka ng gawain:


Pamantayan Puntos
Malinaw na sumunod sa paksang tatalakayin. 5
Maliwanag at angkop ang paliwanag. 5
Wastong naipahayag ang ginawang desisyon. 5
Kabuoan 15

7
Tayahin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa papel.
1. Anong estruktura ng pamilihan ang pagkakaroon ng sabwatan ng negosyante
upang kontrolin ang presyo sa pamilihan?
A. Monopolistikong Kompetisyon C. Oligopolyo
B. Monopolyo D. Pamilihang ganap na kompetisyon

2. Aling pahayag ang nagpapakita na may ganap na kompetisyon sa pamilihan?


A. Ang produkto ay walang kapalit.
B. Kung gumagamit ng advertisement ang prodyuser.
C. May kapangyarihang hadlangan ang ibang negosyante.
D. Malayang maglabas-pasok ng mga negosyante sa pagbebenta.

3. Ang sumusunod na pahayag ay makatutulong sa pag-unlad ng bansa maliban


sa _____.
A. pagbaba ng kalidad ng mga produkto.
B. karagdagang pasilidad at planta ng mga prodyuser.
C. gumagamit ng kalidad na sangkap sa paggawa ng produkto ang mga
negosyante.
D. paunlarin ng pamahalaan ang pagbibigay ng pangunahing produkto at
serbisyo sa mga konsyumer.

4. Ano ang nagpapahiwatig na makabubuti para sa mga mamimili sa ilalim ng iba’t


ibang estruktura ng pamilihan?
A. Bukas ang impormasyon ukol sa pamilihan.
B. Ang prodyuser ang nagdidikta ng presyo sa pamilihan.
C. Nagsasabwatan ang mga oligopolista sa presyo ng produkto.
D. Kapag mataas ang demand ng produkto tumataas ang presyo nito.

5. Alin sa sumusunod na letra ang nasa ilalim ng estrukturang monopolyo?


A. gasolina B. langis C. pamahalaan D. tubig

Karagdagang Gawain

Gawain 6.5
Venn Diagram. Gamit ang venn diagram ay pagkumparahin ang mga katangian ng
estrukturang monopolyo at monopolistikong kompetisyon.

PAGKAKAIBA PAGKAKAIBA
Monopolyo Monopolistikong
Kompetisyon

PAGKAKATULAD

8
9
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 7
Papel ng Pamahalaan sa
Regulasyon ng mga Gawaing
Pangkabuhayan
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Papel ng Pamahalaan sa Regulasyon ng mga Gawaing
Pangkabuhayan
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lilybeth Borreta Ibay
Editor: Lanilyn Eugenio Gueta
Tagasuri: Michael Mercado
Joy M. Amarante Lynn C. Demafeliz
Tagaguhit: Jane Salazar Mercado
Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael M. Mercado Michael V. Lorenzana
Tagapamahala:
Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)
Department of Education – Schools Division Office- Makati City
Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin
Magandang Araw sa iyo. Ang modyul
na ito ay isinulat ng may-akda upang
matutuhan mo ang paksang “Papel ng
Pamahalaan sa Regulasyon ng mga Gawaing
Pangkabuhayan”.

Ang modyul na ito ay nahahati sa


tatlong aralin. Ito ay ang sumusunod:
Aralin 1 – Papel ng Pamahalaan sa
Pagtatakda ng Presyo
Aralin 2 – Paraan ng Pagtatakda ng
Presyo sa Pamilihan
Aralin 3 – Solusyon sa Pagpapabuti
ng Gawaing Pangkabuhayan

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo ang


sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential learning competency
- MELC) at mga kaugnay layunin:
1. Natatalakay ang mga paraang ginagawa ng pamahalaan sa aspekto ng pagkontrol ng
presyo ng mga bilihin sa pamilihan;
2. Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa regulasyon ng mga
gawaing pangkabuhayan (MELC);
3. Napaghahambing ang Price Ceiling at Price Floor; at
4. Nakapagmumungkahi ng solusyon upang higit na mapabuti ang gawaing
pangkabuhayan sa bansa.

Subukin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa kuwaderno.
1. Kung ang presyo ng isang pangunahing produkto ay labis na mataas at hindi na
makatarungan para sa mga konsyumer ay gumagawa na ng hakbang ang pamahalaan
upang matugunan ito. Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamataas na
presyo ng mga produkto at serbisyo?
A. market price B. price ceiling C. price floor D. price freeze

2. Kung ang presyo ng mga produktong palay sa pamilihan ay masyadong mababa, maaring
mawalan na ng interes ang mga magsasaka na magtanim dahil sa maliit na ang kanilang
kikitain mula rito. Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pamahalaan ng
pinakamababang presyo kung saan maaaring bilhin ang kanilang ani?
A. price ceiling C. price freeze
B. price floor D. Price Stabilization Program

3. Ito ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa presyo ng mga bilihin


upang masigurong ang galaw ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan ay
naayon sa batas. Ano ito?
A. Department of Budget and Management C. Department of Trade and Industry
B. Department of Labor and Employment D. National Food Authority

4. Alin sa sumusunod ang hindi gawain ng pamahalaan sa pagkontrol sa presyo ng bilihin?


A. Panghuhuli sa illegal vendors na nagkalat sa paligid.
B. Pinipigilan nito ang mga mapang-abusong gawain ng mga negosyante sa
pagtatakda ng presyo ng kanilang produkto.
C. Hinahadlangan ng pamahalaan ang labis na pagpataw ng presyo ng mga
negosyante at pinipigilan din nilang magkaroon ng monopolyo.
D. Itinatakda ng pamahalaan ang mga presyo ng kalakal sa pamilihan, lalo na ang mga
produktong tumutugon sa pangunahing pangangailangan.

1
5. Mahigpit na binabantayan ng pamahalaan ang presyo ng mga pangunahing
pangangailangan gaya ng bigas, asukal, tinapay at maging ang instant noodles. Ang
patakarang ito ay isang pamamaraan upang mapanatiling abot-kaya para sa mga
mamamayan ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan sa panahon ng krisis.
Ano ang tawag dito?
A. equilibrium price C. price support
B. price freeze D. Suggested Retail Price

Modyul Papel ng Pamahalaan sa


7 Regulasyon ng mga Gawaing
Pangkabuhayan
Malaki ang gampanin ng pamahalaan sa pagtatakda ng presyo sa pamilihan. Pinipigilan
nito ang mga negosyanteng nananamantala sa panahon ng krisis. Nagtatakda rin ito ng mga
presyo ng kalakal lalong-lalo na ang mga produktong tumutugon sa ating pangunahing
pangangailangan upang mapangalagaan ang mga mamimili sa pagtaas ng presyo. Sa kabilang
banda, pinoprotektahan din nila ang mga prodyuser sa posibleng pagkalugi na dulot naman ng
kalamidad at iba pang mga salik.

Balikan
Suriing mabuti ang tsart ng estruktura ng pamilihan. Lagyan ng tsek ang kahon ng
akmang katangian ng bawat estruktura. Kopyahin at sagutan ito sa iyong kuwaderno.

Tuklasin

2
Tuklasin

Mga Tanong:
1. Ano- ano ang nakikita mo sa larawan?
2. Ano sa iyong palagay ang nais ipahiwatig nito?

Suriin
Ang Pamahalaan at Pamilihan
• Kinikilala ang pamilihan na nagsasaayos ng nagtutunggaliang interes ng mamimili at bahay-
kalakal. Ang pagsasaayos nito ay sa pamamagitan ng pagtatakda ng presyo. Bagamat ang
pamilihan ay isang organisadong sistemang pang-ekonomiya, may mga pagkakataon na hindi
nito kayang iwasto ang sarili nitong sistema. Nakararanas ito ng market failure o pagkabigo.
Ilan sa mga pagkabigong ito ay ang pagkakaroon ng monopolyo, o isang halimbawa ng di-
ganap na kompetisyon na kung saan ay maaaring madiktahan ng isang prodyuser ang presyo
ng produkto sa pamilihan. Sa ganitong pagkakataon, ay manghihimasok at makikialam na
ang pamahalaan sa takbo ng pamilihan. Walang ibang entidad ang maaaring magtama at
magsaayos ng kalagayan ng pamilihan kung hindi ang pamahalaan.
• Pagtatakda ng Presyo sa Pamilihan. Upang mapatatag ang presyo sa pamilihan ay ginagawa
ng pamahalaan ang mga hakbangin at pamamaraan upang mapangalagaan at
maprotektahan ang kapakanan ng konsyumer at prodyuser. Ipinatutupad nito ang
patakarang price stabilization. Nahahati sa dalawang uri ang pagkontrol ng pamahalaan sa
presyo ng pamilihan: price ceiling at price floor.
• Price Ceiling. Palasak na gawi at pag-uugali ng bahay-kalakal ang pagtataas ng presyo ng
mga bilihin, dahil dito ay patuloy na nahihirapan ang mga konsyumer na matugunan ang
kanilang pangunahing pangangailangan. Upang maiwasto ang mga ganitong mapang-
abusong gawain ay nagtatakda ang pamahalaan ng price ceiling o ang maaaring maging
pinakamataas na presyo ng isang produkto na maaaring ipagbili ng isang prodyuser. Ito ay
kilala rin sa katawagan bilang maximum price policy. Bukod sa pagtatakda ng price ceiling
ay mahigpit ding binabantayan ng Department of Trade and Industry o DTI, pangunahing
ahensiya ng pamahalaang nangangasiwa sa pagtitiyak ng tamang presyo ng mga bilihin, ang
presyo ng mga produktong kabilang sa mga pangunahing pangangailangan gaya ng bigas,
asukal, itlog, tinapay, mga de-lata at maging instant noodles. Ito ay minamarkahan nila ng
tinatawag na Suggested Retail Price o SRP. Sa ganitong pamamaraan ay mapananatiling
abot-kaya para sa mga mamamayan ang presyo ng mga pangunahing bilihin. Samantala,
ipinatutupad naman ng pamahalaan ang price freeze o pagbabawal sa pagtataas ng presyo
sa pamilihan sa panahong ang bansa ay nakararanas o katatapos pa lamang ng kalamidad.
Ito ay upang maiwasan at mapigilan ang mga negosyante na manamantala sa labis na
pagpataw ng presyo sa kanilang mga
produkto. Ang sinomang labis na
magpapataw ng mataas na presyo at
lalabag sa Anti Profiteering Law ay
maaaring makasuhan.
Ang grap ay nagpapakita ng
halimbawa ng price ceiling.

3
• Ayon sa grap, Php 20 ang ekwilibriyong presyo o ang presyong napagkasunduan ng mamimili
at nagtitinda. Subalit ang presyong ito ay maaaring mataas sa tingin ng mga konsyumer.
Dahil dito ay makikialam ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagpataw ng Php 15 bilang
price ceiling ng mga prodyuser. Dahil ang presyong Php 15 ay higit na mas mababa kaysa sa
ekwilibriyong presyo na Php 20, inaasahang magdudulot ito ng pagtaas ng quantity demanded
na aabot sa 90 na dami.
• Sa kabilang dako, ang pagbaba ng ekwilibriyong presyo mula sa Php 20 papuntang Php 15
ay magdudulot naman ng pagbaba o kakulangan ng supply sa pamilihan sapagkat hindi
mahihikayat ang mga prodyuser na magprodyus. Magkakaroon ng pag-iisip ang mga
prodyuser na maaari silang malugi kung itatakda ng pamahalaan ang price ceiling.
• Price Floor. Ito ay tumutukoy sa pinakamababang presyo na itinatakda ng pamahalaan sa
mga produkto at serbisyo at kilala rin bilang price support at minimum price policy. Ito ay
itinatakda ng pamahalaan upang mabigyang proteksyon at matulungan ang mga prodyuser.
Ang ganitong kalakaran ay kalimitang nagaganap sa sektor ng agrikultura at paggawa.
Itinatakda ang ganitong patakaran ng mas mataas sa equilibrium price.
Halimbawa:
Isa sa problemang kinakaharap ng mga magsasaka ay ang murang pagbili sa kanilang
mga aning palay na nagreresulta naman sa kanilang pagkalugi. May mga pagkakataong
nawawalan sila ng interes na magtanim dahil sa maliit lang ang kanilang kikitain mula rito.
Maaaring magdulot ang ganitong sitwasyon ng kakulangan sa supply. Batid ng pamahalaan
ang hirap at sakripisyo ng mga magsasaka kaya upang matulungan ang mga ito ay
magtatakda ang pamahalaan ng price floor/price support o ang pinakamababang presyo
kung saan maaaring bilhin ang kanilang ani.
Maliban pa rito ay direktang binibili ng pamahalaan sa pangangasiwa ng NFA o
National Food Authority ang mga palay ng magsasaka. Ito ay kanilang iimbak at irereserba
sa pagdating ng mga buwan na may kakulangan sa suplay ng palay.
Sa kabilang dako, ay pinoprotektahan din ng pamahalaan sa pangangasiwa ng
Department of Labor and Employment o DOLE ang sektor ng paggawa. Ito ay sa pamamagitan
ng pagpapatupad ng Minimum Wage Law na nagsasaad ng mga mandato para sa pagsasaayos
ng pinakamababang sahod na
maaaring matanggap ng isang
manggagawa. Sa ganitong patakaran
ay makaiiwas ang mga manggagawa
na makatanggap ng mababang
suweldo.
Ang grap ay nagpapakita naman
ng halimbawa ng price floor.

Batay sa grap, ang ekwilibriyong presyo na Php 25 ay higit na mas mababa sa itinalagang
price floor na Php 50. Magdudulot ito ng pagtaas ng quantity supplied at magbubunga ng
kalabisan o (surplus) sa pamilihan. Higit na mas marami ang supply na isandaan (100) kung
ihahambing sa dami ng dalampu (20) sa quantity demanded. Kapag may kalabisan, maaaring
bumaba ang presyo at dami ng supply patungo sa ekwilibriyong presyo. Subalit dahil may
pinaiiral na price floor ay nagdudulot ng kalabisan (surplus) sa pamilihan.
Solusyon sa Pagpapabuti ng mga Gawaing Pangkabuhayan.

• May malaking tungkulin ang pamahalaang magplano at magpairal ng mga patakaran o


programa upang mas higit pang mapabuti ang mga gawaing pangkabuhayan sa bansa. Ilan
lamang dito ay ang pangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa na may malaking
bahaging gampanin sa industriya at pagsulong sa kaunlaran ng bansa. Pinagtutuunan rin
ng malaking pansin ng pamahalaan ang sektor ng agrikultura partikular na ang mga
magsasaka na siyang sumusustena sa pagkain ng malaking populasyon ng Pilipinas.
• Upang mapabuti ang kalagayan ng mga magsasaka at mangingisda ay pinirmahan na ng
Pangulong Duterte ang Sagip Saka Act na naglalayong tulungan ang mga magsasaka at
mangingisda sa buong bansa. Sa ilalim ng Republic Act Number 11321 o Sagip Saka Act,
inatasan ng gobyerno ang pagbuo ng farmer at fisherfolk enterprise program. Nakapaloob sa
bagong batas ang pagbibigay ng pamahalaan ng modernong teknolohiya sa pagsasaka at
pangingisda maging sa pagnenegosyo. Popondohan din ng gobyerno ang pagsasaka at
pangingisda sa pamamagitan ng pagkakaroon ng access sa financing, credit grants, at crop
insurance.

4
• Sa ilalim naman ng RA11203 o Rice
Tarrification Law nakapaloob ang RCEF o Rice
Competitiveness Enhancement Fund na kung
saan ay naglalaan ng 10 bilyon ang pamahalaan
taon-taon bilang tulong sa mga magsasaka para
lalong madagdagan ang kanilang ani at kita.
Nakapaloob dito ang mechanization, rice seed
development, loan credit at farm trainings.
Nagbibigay ang pamahalaan ng tulong na
makinarya para mas mapababa pa ang production
cost, nagbibigay din ito ng mga high yielding
variety o mataas na kalidad ng mga binhi,
pagpapautang at training sa mga magsasaka. Pinagkunan: https://www.da.gov.ph

Nagkakaloob din ang pamahalaan ng pinansiyal


na tulong sa pamamagitan ng mga kooperatiba.

• Ayon sa pag-aaral ng World Bank, malaking bahagi ng kita sa bigas ay hindi napupunta sa
mga magsasaka bagkus sa mga traders at retailers o yung mga tinatawag na middlemen, sila
yung nagdadala ng mga produkto mula sa mga magsasaka patungo sa pamilihan. Napipilitan
lamang ang mga magsasaka na ibenta ang kanilang produkto sa mga trader sa mas
mababang presyo. Ang ganitong senaryo ang higit na nagpapahirap sa kalagayan ng ating
mga magsasaka kaya nararapat na pag-isipan at pag-aralang mabuti ng pamahalaan ang
tuluyang pagbuwag sa mga middlemen. Maaaring ang pamahalaan, sa pangunguna ng
National Food Authority o NFA ang tumayong “middleman” nang sa gayon ay direkta nilang
mabibili sa mga magsasaka ang kanilang ani sa presyong sapat. Sa ganitong paraan ay
maiiwasan din ang pang aabuso at pagbili sa kanilang ani sa mababang halaga.

• Samantala, upang masiguro namang natutugunan ang pangangailangan ng mga


manggagawa at nakasasapat ang kanilang kinikita upang matugunan ang walang hanggang
pangangailangan ay ipinatutupad ng pamahalaan ang Republic Act 602 o Minimum Wage
Law of the Philippines. Batay sa Summary of Current Regional Daily Minimum Wage Rates
as of November 22, 2018, ang mga manggagawa sa National Capital Region ay
makakatanggap ng Php 537.00 mula sa dating Php 446.00. Makikita sa talahanayan ang
Current Daily Minimum Wage Rates as of November 22, 2018.

5
Pagyamanin
Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa sa “Papel ng Pamahalaan sa
Regulasyon ng mga Gawaing Pangkabuhayan”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

Gawain 7.1
Pagyamanin ang Kasanayan. Basahing mabuti ang sumusunod na sitwasyon. Iguhit ang
“bituin” kung nararapat na ipatupad ang price ceiling at iguhit ang “puso” kung price floor. Isulat
ang sagot sa papel.

1. Patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga pamilihan dahil na
rin sa pagtaas ng presyo ng pandaigdigang petrolyo.
2. Si Joselito ay sumasahod lamang ng Php 350.00 kada araw bilang construction worker
sa pinagtatrabahuang kompanya. Ang kaniyang kinikita ay hindi sapat upang
matugunan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.
3. Mas marami ang naeenganyo at tumatangkilik sa imported na bigas galing Vietnam dahil
sa mas higit itong mura kumpara sa mga lokal na bigas. Dahil dito ay nangangamba ang
ating mga magsasaka sa posibleng kahinatnan ng kanilang mga ani.
4. Tuwing sumasapit ang Pasko ay nagmamahal na ang mga pangunahing produktong
karaniwang inihahanda ng mag-anak tulad ng hamon, mga prutas at iba pa.
5. Tumaas ang demand ng tao sa mga surgical face mask ngayong may pandemic. Dahil
dito ay patuloy ang pagtaas ng presyo hindi lamang ng mga mask kundi pati na rin ang
mga produktong gaya ng alcohol at thermal scanner.

Gawain 7.2
Pagsuri sa Sitwasyon. Pag-aralan ang sitwasyon. Buoin ang hakbangin na maaaring gawin ng
pamahalaan upang makatulong. Isulat ang iyong sagot sa papel.
Unang Sitwasyon
Napilitan na lamang ang ilang magsasaka sa Ifugao, Benguet na itapon ang tone-toneladang
carrot dahil sa oversupply o hindi mabili sa harap ng Community Quarantine sa Luzon.
Sa ganitong sitwasyon, ang pamahalaan ay maaaring ________________
Ikalawang Sitwasyon
Umaaray na ang mga Pilipino dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin
gaya ng bigas.
Sa ganitong sitwasyon, ang pamahalaan ay maaaring ________________

Isaisip

Gawain 7.3
Tinalakay sa modyul na ito
ang papel ng pamahalaan
sa regulasyon ng mga
gawaing pangkabuhayan”.
Unawain ang sumusunod
na mga tanong at sagutin
ang mga ito.

6
4. Ano-ano ang pamamaraan ng pamahalaan sa
pagkontrol ng presyo sa pamilihan? Paghambingin ito.
5. Magbigay ng mga solusyon na maaaring
gawin ng pamahalaan upang mapabuti pa ang
patakarang pangkabuhayan ng bansa.

Isagawa
Gawain 7.4
Ibalita Mo. Pumili ng isang balita o artikulo na tumatalakay sa mga hakbang na ginagampanan
ng pamahalaan sa pagkokontrol sa presyo ng pamilihan. Maaaring gumupit o kunin ito mula sa
dyaryo o magasin, o kaya ay magsaliksik sa internet. Tiyaking ang balita/artikulong iyong
nakuha ay napapanahon. Maaari ring isulat ang narinig o napanood na balita sa telebisyon at
radyo. Kopyahin at sagutan ang mga tanong. Gawin ito sa papel.
Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang nilalaman ng balita?
2. Anong gampanin ng pamahalaan ang natalakay sa iyong napiling balita/artikulo?
Pangatwiranan ito.
3. Paano mo mapahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa regulasyon
ng mga gawaing pangkabuhayan?
Rubrik sa pagmamarka ng gawain:
Pamantayan Puntos
Ang artikulo o awtput ay napapanahon at tumatalakay sa gampanin ng
10
pamahalaan sa pagkontrol ng presyo.
Mahusay ang pagpapaliwanag sa bawat tanong 10
Kabuoan 20

Tayahin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa papel.
1. Malaki ang papel ng pamahalaan sa pagsasaayos ng pamilihan. Alin sa sumusunod ang
nagpapaliwanag ng price ceiling?
A. Pinakamataas na presyo na maaaring ibenta sa pamilihan.
B. Pinakamababang presyo na maaaring bilhin sa mga produkto.
C. Ito ay nagbibigay ng proteksyon sa mga prodyuser tulad ng mga magsasaka.
D. Nililimitahan ng pamahalaan ang bilang o dami ng produktong maaaring bilhin
ng mga mamimili.

7
2. Tungkulin ng kagawarang ito na pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa sa
loob at labas man ng bansa. Gayundin ang pagpapatupad ng mga batas sa paggawa. Ano
ito?
A. Department of Finance
B. Department of Labor and Employment
C. Department of Trade and Industry
D. National Food Authority

3. Karaniwang ipinapatupad ang ganitong patakaran sa sektor ng agrikultura at sektor ng


paggawa kung saan ay itinatakda ng pamahalaan ang pinakamababang presyo sa
produkto at serbisyo. Ano ang tawag dito?
A. market equilibrium price C. price floor
B. price ceiling D. price stabilization

4. Alin sa sumusunod ang maaaring idulot ng pagpapairal ng pamahalaan ng price ceiling


sa mga produkto sa pamilihan?
A. Tataas ang magiging kita ng mga prodyuser.
B. Makahihikayat ito ng maraming dayuhan na mamuhunan sa bansa.
C. Ang pagpapatupad ng ganitong patakaran ay maaring magdulot ng kalabisan sa
supply ng produkto sa pamilihan.
D. Ang ganitong sitwasyon ay maaaring magdulot ng kakulangan sa suplay sa
pamilihan sapagkat ang mga prodyuser ay hindi mahihikayat na magprodyus.

5. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang maaaring idulot ng pagpapairal ng price floor sa


pamilihan?
A. Ang ganitong sitwasyon ay magdudulot ng kakapusan sa mga pangunahing
produkto gaya ng bigay.
B. Maaaring bumaba ang presyo ng bigas na direktang binibili sa mga magsasaka.
C. Malulugi ang mga magsasaka dahil mas pipiliin ng mga konsyumer ang bilhin
ang mga imported na bigas.
D. Kapag pinairal ng pamahalaan ang ganitong sitwasyon ay maaaring magkaroon
ng kalabisan o over supply ng mga produkto.

Karagdagang Gawain

Gawain 7.5
Pagbuo ng Dayagram. Paghambingin ang price ceiling at price floor. Kopyahin ang dayagram at
sagutan sa papel.

8
9
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 8
Matalinong Pagdedesisyon ng
Sambahayan at Bahay-Kalakal
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Matalinong Pagdedesisyon ng Sambahayan at Bahay-Kalakal
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, CESE3

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lanilyn E. Gueta
Editor: Michael M. Mercado
Tagasuri: Michael M. Mercado
Lynn C. Demafeliz
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Michael M. Mercado Michael V. Lorenzana
Tagapamahala:
Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng
Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling “Matalinong Pagdedesisyon ng
Sambahayan at Bahay-Kalakal”!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling “Matalinong Pagdedesisyon ng
Sambahayan at Bahay-Kalakal”!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang
marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

iv
Alamin

Ngayon ay lubos na ang iyong kaalaman tungkol sa konsepto ng demand,


suplay, pamilihan, at tungkulin ng pamahalaan. Sa modyul ito ay ilalapat mo na
ang iyong mga natutuhan sa iyong pang-araw-araw na buhay. Ano nga ba ang
kahalagahan ng mga araling iyong pinag-aralan sa pang-araw-araw na buhay bilang
isang matalinong konsyumer o kaya ay mapanagutang negosyante sa hinaharap?
Upang mabigyan ng kasagutan, iyan ay gagampanan mo sa isang gawain upang
maging kapaki-pakinabang ang mga aralin na iyong natutuhan.

Pinagkunan: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Supermarket_full_of_goods.jpg Lars Frantzen

Ang modyul na ito ay pangyunit na Performance Task.

Sa pagtatapos ng gawaing ito ay inaasahang makakamit mo ang sumusunod na


Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard):

Kritikal na nakapagsusuri sa mga pangunahing kaalaman sa


ugnayan ng puwersa ng demand at suplay, at sistema ng
pamilihan bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon ng
sambahayan at bahay-kalakal tungo sa pambansang kaunlaran.

1
Modyul
Matalinong Pagdedesisyon ng
8 Sambahayan at Bahay-Kalakal
Sa bahaging ito ay mailalapat mo ang iyong mga natutuhan tungkol sa
demand, suplay, pamilihan at gampanin ng pamahalaan sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng performance task. Halina at simulan ang gawaing inihanda ng
iyong guro.

Isagawa

*** Maaaring pumili ng isang gawain lamang.

Gawain 8.1 I-Vlog Mo Na! (Info-mercial)


Matapos ang masusing pagtalakay tungkol sa mga paksa sa Yunit 2 ay
inaasahang naunawaan mo kung paano ito magagamit sa iyong pang-araw-araw na
buhay. Gumawa ng isang Vlog na may temang info-mercial na humihimok at
nagtataguyod sa pagiging matalinong konsyumer at mapanagutang negosyante.
Gawing gabay ang talahanayan na nakabatay sa konsepto ng G.R.A.S.P.

Makagawa ng isang info-mercial na nagpapakita ng


paghimok at pagtataguyod ng pagiging matalinong
Goal
konsyumer at mapanagutang negosyante.

Miyembro ka ng isang organisasyong pang mag-aaral na


may adbokasiyang himukin at itaguyod ang pagiging
Role
matalinong konsyumer at mapanagutang negosyante.

Audience Kapwa mag-aaral

Situation Sa isang pamilihan na kung saan nagpapakita ng


adbokasiya tungkol sa paghimok at pagtataguyod ng
pagiging matalinong konsyumer at mapanagutang
negosyante.

Product/Performance Isang Vlog na may temang info-mercial na humihimok at


nagtataguyod ng pagiging matalinong konsyumer at
mapanagutang negosyante.

2
Bigyang-pansin ang sumusunod sa paggawa ng vlog:
a. Pagpapakita ng mga katangian ng matalinong mamimili at
mapanagutang negosyante.
b. Pangangatwiran na ang katatagan ng pamilihan ay nakabatay sa
pagkakaroon ng matalinong konsyumer at mapanagutang negosyante.
c. Kahalagahan ng pagtataguyod at paghimok sa pagiging matalinong
konsyumer at mapanagutang negosyante.
Rubriks sa pagmamarka ng gawain:
Pamantayan Puntos
Mahusay na naipakita ang paghimok at pagtataguyod sa
pagiging matalinong konsyumer at mapanagutang negosyante. 10
Ang ginawang vlog ay nagpapakita ng pagiging malikhain at
naaangkop sa tema para maihatid sa mga manonood ang
10
kahalagahan ng pagtataguyod at paghimok sa pagiging
matalinong konsyumer at mapanagutang negosyante.
Ang ginamit na script o dayalogo sa vlog ay nakatulong upang
mas maging malinaw sa mga manonood ang kahalagahan ng
10
pagtaguyod at paghimok sa pagiging matalinong konsyumer at
mapanagutang negosyante.
Kabuoan 30
Ang Gawain ay halaw sa Learner’s Module sa Ekonomiks pahina 210-211

3
Gawain 8.2 INFO-DRIVE
Matapos ang masusing pagtalakay tungkol sa mga paksa sa yunit 2 ay
inaasahang naunawaan mo kung paano ito magagamit sa iyong pang-araw-araw na
buhay. Gumawa ng isang Information Drive na may temang info-mercial na
humihimok at nagtataguyod sa pagiging matalinong konsyumer at mapanagutang
negosyante. Gawing gabay ang talahanayan na nakabatay sa konsepto ng G.R.A.S.P.

Makagawa ng isang Information Drive na kailangang i-post


sa iyong Facebook, Twitter o Instagram na nagpapakita ng
Goal
paghimok at pagtataguyod ng pagiging matalinong
konsyumer at mapanagutang negosyante.

Miyembro ka ng isang organisasyong pang mag-aaral na


may adbokasiyang himukin at itaguyod ang pagiging
Role
matalinong konsyumer at mapanagutang negosyante sa
paaralan at lipunan.

Audience Kapwa mag-aaral at mga kasapi ng iyong pamayanan

Situation Magsagawa ng isang Information Drive sa pamamagitan ng


pag-post sa iyong Facebook, Twitter o Instragram ng poster
o placard tungkol sa paghimok at pagtataguyod ng
pagiging matalinong konsyumer at mapanagutang
negosyante.

Product/Performance Poster o placard

Bigyang-pansin ang sumusunod sa paggawa ng poster o placard:


a. Pagpapakita ng mga katangian ng matalinong mamimili at
mapanagutang negosyante.
b. Pangangatwiran na ang katatagan ng pamilihan ay nakabatay sa
pagkakaroon ng matalinong konsyumer at mapanagutang negosyante.
c. Kahalagahan ng pagtataguyod at paghimok sa pagiging matalinong
konsyumer at mapanagutang negosyante.

4
Rubriks sa pagmamarka ng gawain:
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Nilalaman Mahusay na naipakita ang paghimok at
(Content) pagtaguyod sa pagiging matalinong
10
konsyumer at mapanagutang negosyante.
Kaangkupan ng Maliwanag at angkop ang mensahe para
Konsepto maihatid sa mga makakakita ang
(Relevance) kahalagahan ng pagtaguyod at paghimok sa 5
pagiging matalinong konsyumer at
mapanagutang negosyante.
Pagkamapanlikha Orihinal ang ideyang ginamit sa paggawa ng
poster o placard. 5
(Originality0
Kabuoang Malinis at maayos ang kabuoang larawan.
Presentasyon 5
(Overall)
Pagkamalikhain Ang mga kulay at konseptong ginamit ay
(Originality) nakatulong upang maipahayag ang mensahe
na paghimok at pagtaguyod sa pagiging 5
matalinong konsyumer at mapanagutang
negosyante.
Kabuoang Puntos 30
Ang Gawain ay halaw sa Learner’s Module sa Ekonomiks pahina 210-211

You might also like