You are on page 1of 24

MELC 8 Second Quarter Week 3-4 Day 1

KONSEPTO NG SUPLAY

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Pinakamahalagang Kasanayan
• Natatalakay ang mga konsepto at salik na
nakakaapekto sa suplay sa pang araw-araw na
pamumuhay

Pampaganang Kasanayan
• Nailalapat ang kahulugan ng suplay batay sa
pang araw-araw na pamumuhay ng bawat
pamilya

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
LAYUNIN
1. Naipapaliwanag ang kahulugan ng supply.

2. Nailalahad ang iba’t-ibang konsepto na may

kinalaman sa supply.

3. Napapahalagahan ang konsepto ng suplay sa

pang-araw-araw na pamumuhay.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Balita Mo! Share Mo!

Panuto: Maglahad ng isang komprehensibong

balitang pang-ekonomiko sa kasalukuyang
panahon na iyong napanood, napakinggan o na-
search sa internet.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Balikan Natin

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1: Ayusin Mo!

Panuto: Ibigay ang salitáng may kaugnayan sa

salitáng “demand” sa pamamagitan ng pag-aayos ng
mga pinaghalo-halong titik/ letra sa ibaba.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Balikan Natin
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1: Ayusin Mo!

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
LARAWAN-SURI!
Panuto: Suriin ang ipinahihiwatig ng larawan at
sagutin ang mga tanong.

Pinagkunan: https://tinyurl.com/2zz77hpf

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Pamprosesong Tanong:

1.Ano-ano ang produktong ipoprodyus?

2. Gaano karami ang ipoprodyus o lilikhain?
3. Paano ito ipoprodyus?
4. Para kanino ito ipoprodyus?

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2:
“What’s on Your Mind?”
Panuto: Magbigay ng mga salita o grupo ng mga
salita patungkol sa salitang SUPPLY. Sagutin din ang
tanong na nasa kanang bahagi.

Bakit gumagawa ng produkto

ang mga prodyuser?

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
KONSEPTO NG SUPLAY

• Ang suplay ay tumutukoy sa dami ng produkto o

serbisyo na handa at káyang ipagbili ng mga
prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang
panahon.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
BATAS NG SUPLAY
• Ayon sa batas na ito, mayroong direkta o
positibong ugnayan ang presyo sa quantity
supplied ng isang produkto o serbisyo. Ito ay
nangangahulugang kapag tumaas ang presyo,
tumataas din ang dami ng produkto o serbisyo na
handa at káyang maipagbili. Samantalang kapag
bumaba ang presyo, bumababa din ang dami ng
produkto o serbisyo.
TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
BATAS NG SUPLAY

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
BATAS NG SUPLAY
• Isinasaad din sa batas na ito na ang presyo ang
pangunahing batayan ng mga prodyuser sa
pagproprodyus ng kanilang produkto o serbisyo
(Ceteris Paribus). Isa itong dahilan kung bakit ang
mga prodyuser ay nagnanais magbenta ng mas
maraming produkto o serbisyo kapag mataas ang
presyo.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang kahulugan ng supply?

2. Ano ang ipinahihiwatig ng Batas ng supply?

3. Bakit nagnanais ang mga prodyuser na magbenta

ng maraming produkto?

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3:
Suplayan Natin!
Panuto: Punan ang graphic organizer ng mga datos
tungkol sa SUPLAY. Gawin ito sa inyong notebook.
SUPLAY

KAHULUGAN BATAS NG SUPLAY

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 4:
Patunayan Mo!
Panuto: Basahing mabuti ang tanong sa ibaba.
Matapos masuri, sagutin ito sa isang malinis na
bond paper. Gawin ito sa loob ng limang minuto.

•Bakit mahalagang malaman ang Batas ng Suplay

para sa isang mamimili na tulad mo at gayundin sa
isang negosyanteng tulad ng nagtitinda sa sari-sari
store na malapit sa inyo?

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 4:
Patunayan Mo!
________________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________________.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Sagutin Mo Ako
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag.
Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang
ipinapahayag ng pangungusap at MALI kung di-
wasto. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

1. Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto o

serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga
prodyuser sa takdang presyo at panahon.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
PAGTATAYA: Tama o Mali!

2. Kapag dumarami ang pangangailangan ng mga

mámimíli, kinakailangang magprodyus ng
maraming suplay.

3. Ayon sa Batas ng Suplay, ang presyo at

quantity supplied ay may di-tuwirang relasyon.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Sagutin Mo Ako
4. Kapag tumaas ang presyo, tumataas din ang
dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang
ipagbili.

5. Presyo ang pangunahing batayan ng mga

prodyuser sa paggawa ng kanilang produkto o
serbisyo.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
You Complete Me
Panuto: Kumpletuhin ang sumusunod na teksto na
may kinalaman sa supply. Gawin ito sa inyong
notebook.

Mahalaga na mapag-aralan natin ang konsepto ng

supply sapagkat
_________________________________________
_______________________________________
________________________________________.
TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
KASUNDUAN
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Gawin ito sa inyong notebook.

1.Ano ang supply schedule?

2.Paano naipakikita ang supply schedule sa supply

curve?

Sanggunian: Ekonomiks Page 142-143

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
SUSI SA PAGWAWASTO
PAGTATAYA
1. TAMA
2. TAMA
3. MALI
4. TAMA
5. TAMA

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Mga Sanggunian:
• MELC AP G9 Q2 (Page 54-55)
• Updated PIVOT 4A Budget of Work for AP 9 (Page 184)
• AP Curriculum Guide (Page 109) ▪
• Araling Panlipunan – Ikalawang Markahan (PIVOT 4A Module) Page 12- 14
• Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral Page 141-143
• https://tinyurl.com/2zz77hpf

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN

You might also like