You are on page 1of 45

LEARNING MODULE

ARALING PANLIPUNAN 9
The Notre Dame of Masiag, Inc.
Grade 9, Quarter 2

Name ___________________________________________________

Section ___________________________________________________

Subject Teacher MR. ABNER A. PAREDES_____________________________

Class Adviser GRACE JOY C. OBUYES______________________________

FOR PRIVATE USE


IN THE NOTRE DAME OF MASIAG INC.
Strictly not for Public Circulation
Modyul 2: Maykroekonomiks
Aralin 1: Demand at Supply

Overview & References


Panimula at mga Pokus na Tanong
Madalas ka bang pumunta sa palengke o kaya sa mall para bumili ng iyong kailangan? Kung oo,
may mga bagay ka bang isinasaalang-alang bago mo bilihin ang iyong kailangan? Naiisip mo ba
kung paano pinepresyohan ng mga nagbibili ang kanilang mga produkto?
Malamang, madalas bago ka bumili ng isang bagay ay inaalam mo muna kung kasya ang
iyong badyet o kaya naman ay sinusuri mo muna ang produkto kung ito ba ay tama lang sa presyo
o kaya naman, ito ay kinukumpara mo muna sa iba pang nagbibili. Malamang din naiisip mo na
ang pagprepresyo ng mga nagbibili ay batay sa kanilang puhunan at inaasahang tubo para sa
kanilang kita. Tama ka kung ito ang iyong naiisip.
Ngunit hindi lamang ang presyo ang batayan ng pagbibili at pabili ng produkto.
Mahalagang salik din ang demand at suplay. Ngunit ano ang demand at suplay? Paano
nakakaapekto ang sistema ng demand at suplay sa pamilihan?

Sa modyul na ito ay iyong matutunghayan at malalaman ang mga kasagutan sa


mga tanong na ito. Upang higit mong maunawaan ang paksa sa modyul na ito, ikaw ay
inaasahang masagutan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang demand at suplay?


2. Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa demand at suplay?
3. Anu-ano ang mga pwersa ng demand, suplay at sistema ng pamilihan?
4. Paano maitatakda ang iyong demand sa iyong pang-araw araw na
pamumuhay?
5. Paano naaapektuhan ng pagtaas at pagbaba ng suplay ang
eekonomiya ng bansa?
6. Bakit mahalaga ang matalinong pagdedesisyon ng sambahayan at bahay-
kalakal?
7. Paano makakamit ang kaunlaran sa pamilihan?

REFERENCES AND WEBSITE LINKS USED IN THIS LESSON:


http://www.gmanetwork.com/news/video/157516/stateofthenation/presyo-ng- karne-ng-baboy-tumaas-dahil-sa-
lumaking-demand-at-mababang-supply
Ito ay bidyo ukol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
https://www.youtube.com/watch?v=euyrEV_PvyM&list=UUnUBeymhZVssIH6D2 ZnSUw
Ito ay bidyo ukol sa interaksyon ng demand, suplay, presyo at maimimili.
https://www.youtube.com/watch?v=0Oxucmhn6Tc&list=UUnUBeymhZVssIH6D2 ZnSU_w Ito ay bidyo ukol
sa interaksyon ng demand, suplay, presyo at prodyuser
https://www.youtube.com/watch?v=W5nHpAn6FvQ Ito ay bidyo ukol sa ekwilibriyo sa pamilihan.
https://www.youtube.com/watch?v=IYZqlOCA9cw
Ito ay bidyo kung papaano kinokompyut ang ekwilibriyo ng presyo.
http://wilcoxen.maxwell.insightworks.com/pages/1921.html
Ito ay isang pagsasanay kung papaano magkompyut ng presyong ekwilibriyo.
https://www.youtube.com/watch?v=nCYDkTL2-U0 Ito ay bidyo ukol sa surplus at shortage
http://www.econport.org/content/handbook/Equilibrium/surplus-and-shortage.html Ito ay bidyo ukol sa surplus
at shortage
https://www.youtube.com/watch?v=tZps6pG7EQE
Ito ay bidyo ukol sa artipisyal na kakulangan sa bigas, asukal at luya.
https://www.youtube.com/watch?v=APUrVaG0qW4
Ito ay bidyo ukol sa mga epekto ng surplus at shortage sa pamilihan.
https://www.boundless.com/economics/introducing-supply-and-demand/market- equilibrium/impacts-of-
surpluses-and-shortages-on-market-equilibrium/
Ito ay bidyo ukol sa mga epekto ng surplus at shortage sa pamilihan. http://elearning.la.psu.edu/econ/102/unit-
3/equilibrium-point-and-equlibrium-price Ito ay teksto kung papaano matutugunan ang kakulangan at
kalabisan sa pamilihan.
http://www.sparknotes.com/economics/micro/supplydemand/equilibrium/section2. rhtml
Ito ay teksto kung papaano matutugunan ang kakulangan at kalabisan sa pamilihan.
https://www.youtube.com/watch?v=XgBPAucs- W4&index=16&list=PL336C870BEAD3B58B
Ito ay bidyo kung papaano matutugunan ang kakulangan at kalabisan sa pamilihan.
https://www.youtube.com/watch?v=5tF6W4OR5yU&list=PL336C870BEAD3B58B &index=11
Ito ay bidyo ukol sa kahulugan ng konsepto ng pamilihan at mga katangian nito.
https://www.youtube.com/watch?v=s8K7kNfBCDk
Ito ay bidyo tungkol sa kung paano nabuo ang pamilihan at mga katangian nito.
https://www.youtube.com/watch?v=FZMUaHM1Yrk Ito ay bidyo ukol sa ibat-ibang istraktura ng pamilihan
https://www.youtube.com/watch?v=9Hxy-TuX9fs
Ito ay bidyo ukol sa iba-ibang istraktura ng pamilihan
http://www.policonomics.com/lp-market-structures-market-structure/ Ito ay teksto tungkol sa ibat-ibang
istraktura ng pamilihan.
http://www.bized.co.uk/sites/bized/files/images/marketstructuremap.gif Ito ay dayagram na nagpapakita ng mga
istruktura ng pamilihan.
http://www.econedlink.org/interactives/EconEdLink-interactive-tool- player.php?iid=208&full
Ito ay bidyo ukol sa iba-ibang istraktura ng pamilihan
http://www.econedlink.org/interactives/EconEdLink-interactive-tool- player.php?iid=208&full
Ito ay isag interactive quiz tungkol sa mga istraktura ng pamilihan.
http://www.coca-colacompany.com/our-company/ Ito ay website ng Coke https://www.pepsiphilippines.com/
Ito ay website ng Pepsi
http://www.drpeppersnapplegroup.com/ Ito ay website ng Dr. Pepper
https://www.msu.edu/~howardp/softdrinks.html .
Ito ay datos ng mga softdrinks
http://www.economicsonline.co.uk/Market_failures/Types_of_market_failure.html Ito ay teksto ukol sa mga
dahilan ng pagbagsak ng pamilihan.
https://www.youtube.com/watch?v=DGujnXPz4nY
Ito ay bidyo na nagpapakita ng mga dahilan ng pagbagsak ng pamilihan.
https://www.youtube.com/watch?v=4JnEH7Nqcnc
Ito ay bidyo tungkol sa gampanin ng gobyerno sa pamilihan.
http://welkerswikinomics.com/blog/2009/02/24/a-special-blog-post-for-the-sas- roots-and-shoots-club-on-
environmental-economics/
Ito ay tektsto tungkol mga dahilan ng pagbagsak ng pamilihan sa gampanin ng gobyerno sa pamilihan.
http://prezi.com/rwbhg9aq1cvk/antas-ng-panghihimasok-ng-pamahalaan-sa- ekonomiya/
Ito ay teksto ukol sa gampanin ng pamahalaan sa pamilihan.
http://www.tutor2u.net/economics/revision-notes/as-marketfailure-government- intervention-2.html
Ito ay teksto ukol sa gampanin ng pamahalaan sa pamilihan.
https://www.boundless.com/economics/introducing-supply-and- demand/government-intervention-and-
disequilibrium/why-governments- intervene-in-markets/
Ito ay teksto ukol sa gampanin ng pamahalaan sa pamilihan.
http://www.cbo-eco.ca/en/index.cfm/managing/marketing/marketing-plan- outline/?lang=tgl
Ito ay balangkas ng isang marketing plan sa tagalog.
http://www.wikihow.com/Create-a-Marketing-Plan Ito ay teksto tungkol sa paggawa ng Marketing Plan
http://www.quickmba.com/marketing/plan/
Ito ay teksto tungkol sa paggawa ng Marketing Plan
http://www.morebusiness.com/templates_worksheets/bplans/printpre.brc Ito ay teksto ng halimbawa ng
Marketing Plan. http://samplesofbusinessplans.net/sample-marketing-plan
Ito ay teksto ng halimbawa ng Marketing Plan.
http://www.bized.co.uk/learn/economics/markets/mechanism/interactive/part1.htm
Ito ay isang interactive website ukol sa epekto ng elastisidad ng presyo ng demand sa pamilihan.
http://www.bized.co.uk/learn/economics/markets/mechanism/interactive/part2.htm
Ito ay isang interactive website na nagpapakita ng mga salik na nakakaapekto sa pagbabago ng kurba ng
demand at suplay.
http://economics.about.com/od/market-equilibrium/ss/Supply-And-Demand- Equilibrium.htm
Ito ay isang interactive website ukol sa ekwilibriyo ng demand at suplay.
http://economics.about.com/od/market-equilibrium/ss/Calculating-Economic- Equilibrium.htm
Ito ay isang interactive website na nagpapakita kung papaano kinokompyut ang ekwilibriyo.
http://www.dineshbakshi.com/interactive-graphs/1362-demand-supply-and- equilibrium-price
Ito ay isang interactive graphs tungkol sa interaksyon ng demand at suplay at ekwilibriyong presyo
http://www7.esc.edu/fmendels/economics/equilibrium.htm
Ito ay isang interactive graphs tungkol sa presyong ekwilibriyo.
http://novellaqalive.mhhe.com/sites/0073273090/student_view0/chapter3/interact ive_graphs.html
Ito ay isang interactive site na nagpapakita ng mga salik na nakapagpapabago sa kurba ng demand at suplay.
http://www.bized.co.uk/learn/economics/markets/mechanism/interactive/part3.ht m
Ito ay isang interactive website na naglalaman ng mga graphs ukol sa interaksyon ng demand, suplay at
ekwilibriyo sa pamilihan.
http://www.econweb.com/MacroWelcome/sandd/quiz/
Ito ay isang interactive quiz ukol sa interaksyon ng demand at suplay.
http://www.policonomics.com/lp-market-structures-market-structure/ Ito ay isang artikulo ukol sa pamilihan.
http://www.tutor2u.net/economics/quizzes/as/marketfailure1/quiz.html
Ito ay isang interactive website na naglalaman ng mga katanungan ukol sa pagbagsak ng pamilihan.
http://www.tutor2u.net/economics/quizzes/as/marketfailure2/quiz.html
Ito ay isang interactive website na naglalaman ng mga katanungan ukol sa pagbagsak ng pamilihan.
http://www.philstar.com/business/2014/09/08/1366518/alcala-created-garlic- cartel
Ito ay isang artikulo ukol sa pagtaas ng presyo ng bawang sa pamilihan g Pilipinas.
https://www.youtube.com/watch?v=UCtTGnzMxs4
Ito ay audio ng komentaryo ni Winnie Monsod ukol sa papel ng pamahalaan sa kaunlaran ng ekonomiya.
http://www.rappler.com/business/economy-watch/64027-nielsen-filipino- consumers-bullish-second-quarter-
2014
Ito ay isang artikulo ukol sa katangian ng mga Pilipinong konsyumer.
PART 1 https://www.youtube.com/watch?v=LkUq52C-w2U Ito ay video ukol sa kalagayan ng ekonomiya
ng Pilipinas.
PART 2 https://www.youtube.com/watch?v=Zl-1_PJV-Gg Ito ay video ukol sa kalagayan ng ekonomiya ng
Pilipinas.
GLOSARYO NG MGA TERMINO NA GINAMIT SA MODYUL
Batas ng Demand – ito ay batas na nagsasaad na hindi direktang relasyon o ugnayan ang presyo s quantity
demanded.
Batas ng Suplay – ito ay batas na nagsasaad na mayroong direktang relasyon o ugnayan ang
presyo s quantity supplied.
Ceiling price – pinakamataas na presyo sa pamilihan na itinakda ng pamahalaan dependent
variable – ang variable na umaasa o epekto ng independent variable
Demand – tumutukoy sa parehong kakayahan at kagustuhan ng isang taong bumili ng isang
produkto at serbisyo.
Demand Curve – kurba na nagpapakita ng magkasalungat na relasyon sa pagitan ng
presyo at quantity demanded.
Demand Schedule – talaan na nagpapakita ng dami ng demand sa ibat-ibang presyo.
Ekwilibriyo – isang sitwasyon kung saann ang mamimili (sa panig ng demand) at nagbibili (sa
panig ng suplay) ay nagkakasundo.
Floor price – pinakamababang presyo sa pamilihan na itinakda ng pamahalaan at pabor sa mga
prodyuser
independent variable – ang variable na sanhi o dahilan ng dependent variable
Kagustuhan – ang mga bagay naa nakakatulong sa tao upang mapagaan ang kanyang buhay.
Konsyumer – mamimili; gumagamit ng mga produkto at sebisyo.
Pamilihan – lugar/mekanismo kung saan ang mamimili at nagbebenta ay nagkakaroo
ng transaksyon upang magkaroon ng bentaahan.
Pangangailangan – ang mga bagay na dapat ay mayroon ang tao tulad ng pagkain, damit at tirahan upang mabuhay.
Populasyon – tumutukoy sa kabuuang bilang ng tao sa takdang lugar at panahon.
Presyo – ang halagang ipinambabayad sa isang tiyak na dami at uri ng isang kalakal o paglilingkod.
Presyong Elastisidad ng Demand – sumusukat kung gaano ka sensitibo ang quantity demand sa pagbabago ng
presyo.

MGA ARALIN AT SAKOP NG MODYUL:


Sa modyul na ito ay iyong matututuhan ang mga sumusunod:

Aralin Pamagat Matutunan mo ang… Estimated


Blg. Time
Aralin 1 Demand • Nailalapat ang kahulugan ng demand sa pang araw- 2 weeks
araw na pamumuhay ng bawat pamilya.
• Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa
demand.
• Nakakapagpasya nang matalino sa pagtugon sa mga
pagbabago ng salik (factors) na nakakaapekto sa
demand.
• Naiiugnay ang elastisidad ng demand sa presyo ng
kalakal at paglilingkod.
Aralin 2 Suplay • Nailalapat ang kahulugan ng suplay batay sa pang- 2 weeks
araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya.
• Nasusuri ang mga salik na nakaapekto sa suplay.
• Nakapagpapasya nang matalino sa pagtugon sa mga
pagbabago ng salik (factors) na nakaapekto sa
• suplay.
Inaasahang Kasanayan:

Pagkatapos na mapag-aralan at gawin ang nilalaman ng modyul, inaasahang magagawa mo


ang mga sumusunod:

1. Magsaliksik ng mga terminolohiyang hindi mo alam ang kahulugan.


2. Sagutin ang mga pagsasanay sa araling ito.
3. Makapagsuri ng mga dokumento, pelikula, larawan, mapa at mga datos.
4. Makapagsulat ng mga paraan kung paano makakatulong sap ag-unlad ng
pamilihan.
Grapikong Pantulong
Narito ang simpleng mapa ng mga paksang tatalakayin sa modyul na ito:

MAYKROEKONOMIKS

DEMAND SUPLAY

Mga Salik na Mga Salik na


Kahugan ng Elastisidad ng Kahulugan ng Elastisidad ng
Nakakaapekto sa Nakakaapekto sa
Demand Demand Demand Suplay Suplay Suplay

PRE-ASSESSMENT
Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka sa araling tatalakayin sa pamamagitan ng pagsagot sa
panimulang pagtataya. Kopyahin at isulat sa inyong activity notebook lamang.Handa ka na ba?
Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong. Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga
tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo.
PANIMULANG PAGSUSULIT:
1.Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin sa pamilihan.
a.Cost Push. c.Implasyon.
b.Demand Pull. d.Deplasy

2,Ano ang ibig sabihin CPI na 100?


a.Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay mahigit 100% malaki kaysa sa batayang taon.
b.Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 100% mas mababa kaysa sa batayang taon.
c.Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay parehas sa batayang taon.
d.Ang kasalukuyang halaga ng market basket at P100.

3.Alin sa mga sumusunod ay HINDI sanhi ng implsyon?


a.paglaki ng demand kaysa sa produksyon.
b.kakulangan sa enerhiya.
c.pagtaas ng kapasidad sa peoduksyon.
d.pagtaas ng halaga ng pamumuhay.

4.Alin sa mga sumusunod ay walang kaugnayang sa cost-push inflation?


a.pagtaas ng halaga ng electrisidad.
b.pagtaas ng pamimili ng mga konsyumer.
c.mas mataas na demand sa pagtaas ng sahod.
d.mga regulasyon ng pamahalaan.

4.Alin sa mga dahilan ng implasyon ang tinalakay ayon sa konteksto ng quantity equation?
a.demand-pull at cost-push inflation.
b.demand-pull inflation lamang.
c.cost-push inflation.
d.monetary inflation.

5.Alin sa mga sumusunod na pangungusap at TAMA?


a.Ang halaga ng piso ay bumababa kapag tumatataas ang im[lasyon.
b.Ang halaga ng piso ay tumataas kapag mataas ang implasyon.
c.Ang halaga ng piso ay hindi naapektuhan ng implasyon.
d.Ang halaga ng piso ay maaaring tumaas o bumaba depende kung ang imnplasyon ay demand-pull o cost-
push.

6.Ang pinaka madalas gamitin na panukat sa pagbabago ng presyo.


a.PPC. c.GNP.
b.CPI. d.PPI.

7.Ano ang ibig sabihin ng CPI na 145?


a.Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 145% na mas mataas kaysa sa batayang taon.
b.Ang batayang price index ay may index na 145.
c.Ang halaga ng market basket ay 145.
d.Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 45% na mas mataas kaysa sa batayang taon.
8.Ang COLA ay dinisenyo upang bigyang proteksyon ang mga manggagawa laban sa:
a.istrukturang kawalang trabaho.
b.underemployment.
c.implasyon.
d.pagbaba ng bilang ng oras ng trabaho
ARALIN 1
ANG IMPLASYON AT ANG PARAAN NG PAGSUKAT NITO
Napapansin mo ba na ang bilang at dami ng mga produktong nabibili mo ngayon
ay di na kasing dami ng mga produktong nabibili mo noon? Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung ano
ang dahilan ng mga ganitong pangyayari? Ito ang mga pangunahing katanungan na sasagutin ng araling ito.

Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:


Maipaliliwanag ang konsepto ng implasyon; at
Mailalahad ang mga paraan ng pagsukat ng implasyon.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Tanungin sina lolo at lola, nanay at tatay, at ang mga kuya at ate mo tungkol sa mga presyo ng
mga sumusunod na produkto:

Presyo ng Produkto/Serbisyo
Panahon nina Panahon nina Panahon nina Kasalukuyang
Produkto Lolo at Lola Tatay at Nanay Kuya at Ate Panahon
1 Kilo Bigas
1 Kilo Asukal
1 Kilo
Galunggong
1 Kilo Baboy
Pamasahe
Mga Katanungan:
Pansinin ang mga presyo ng produkto/serbisyo ayon sa mga panahong ibinigay.

Ikumpara ang mga presyo ng bilihin ayon sa mga panahon ng iyong Lolo at Lola, Tatay at Nanay, at Kuya at
Ate at kasalukuyang presyo.

May mga pagbabago ba sa presyo simula pa noon?

Ang Implasyon
Ang patuloy na pagtaas na mga presyo ng mga bilihin ay kasama natin at makakasama natin hanggang sa
tayo’y nabubuhay. Wika nga ng iba: “Until death, do us part”.
Sa pangkalahatan, ang implasyon ay isang sitwasyon kung saan:

Ang mga tao ay gumagamit ng mas maraming salapi para makabili lamang ng iilang produkto;
Ang halaga ng pamumuhay ay tumaas;
Mayroong patuloy na pagbaba sa halaga ng salapi; at
Ang mga presyo ng bilihin ay tumataas.

Samakatuwid, ang implasyon ay ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo o halos pangkalahatang
presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya.
Ang pagtaas ng presyo ng ilang produkto, kahit na ito pa ay ang importanteng produkto ng mga mamimili
katulad ng bigas, karne, at iba pa, ay hindi maaaring pagbasehan na may nangyayaring implasyon. Lalo’t
higit ang isang minsanan ngunit malawakang pagtaas ng mga presyo ng lahat ng bilihin sa buong ekonomiya
ng bansa, ay hindi maaaring tawaging sitwasyon na may implasyon.
Sa isang sitwasyon na may implasyon, walang malinaw na ekwilibriyo na nangyayari, kung kaya’t walang
matatag na presyo. Ang presyo ng mga bilihin ay patuloy at patuloy na tumataas sa iba’t-ibang antas.
Upang mas maintindahan mo kung ano ang implasyon, alamin natin ang mga iba’t-ibang konsepto na may
kaugnayan sa implasyon.

Mga Iba’t ibang Konsepto sa Implasyon


1.Deplasyon – ito ang kabaligtaran ng implasyon, halimbawapagbaba ng presyo at pagtaas ng tutoong kita
(real income).
2.Boom – Ito ang pinaka-mataas na punto ng sikliko ng kalakalan (trade cycle). Mayroong magandang takbo
ng ekonomiya, mababang antas ng kawalang trabaho, at mayroong kasaganaan.

BOOM SIKLIKO NG
KALAKALAN

DEPRESSION

3.Depression – Ito ang kabaligtaran ng Boom. Ito ang pinakamababang part eng sikliko ng produksyon
kung saan malaki ang antas ng kawalang trabaho sa loob ng mahigit isang taon.
4.Slump – Ito ang kalagayan kung saan may pagbaba ng presyo ng mga bilihin kasabay ng pagbagal ng
takbo ng ekonomiya.
5.Recession – Ito ang pangkalahatang pagbaba ng ekonomiya sa loob ng mga ilang buwan.
6.Stagflation – Tumutukoy sa ekonomiya na may paghinto kasabay ng implasyon. Sa normal na kalagayan
kung saan mayroong pagtaas ng ekonomiya ito ay kadalasang may kaakibat na implasyon, ngunit sa kaso ng
stagflation, mayroon implasyon na walang pagtaas ng ekonomiya.
7.Slumpflation - Ito ay kaparehas ng stagflation kung saan mayroon mataas na antas ng kawalang trahaho at
pagtaas ng mga bilihin.
8.Reflation – Ito ay sitwasyon na may bahagyang implasyon, hal. kontroladong implasyon.
9.Disimplasyon – Tumutukoy sa proseso ng pagpapababa ng presyo ng mga bilihin
10.Inflationary gap – Isang condition kung saan ang pangkalahatang demand ay higit na mas malaki kaysa
sa pangkalahatang suplay.
11.Phillip’s Curve – Ayon kay A.W. Phillips, mayroong trade-off sa pagitan ng kawalang trabaho at
implasyon, hal. sa sitwasyong may mataas na implasyon, may pagbaba naman ng antas ng kawalang trabaho
at vice-versa.

Ang Pagsukat ng Pagbabago sa Presyo


Bago natin malaman ng mayroon ngang implasyong nagaganap sa ating bansa, kailangan natin
munang alamin kung paano sukatin ang mga pagbabago sa mga presyo ng bilihin.
Ang unang hakbang ay ang pagbuo ng mga price index. Ang price index ay ang average ng mga presyo ng
mga pangunahing bilihin at ikumpara ito sa presyo ng isang batayang taon. May tatlong elemento na dapat
bantayan sa pagbuo ng isang price index.
1.Ang mga lalamanin na produkto ng tinatawag na market basket.
2. Pagpili ng Lalamanin ng Market Basket
Ang mga bagay na lalamanin ng market basket ay depende sa kung anong klaseng price index ba
iyong gagawin. Kung ito ay ang Consumer Price Index (CPI), ang dapat na makikita sa market basket ay
mga produkto na malawakang ginagamit at binibili ng mga konsyumer.

Ang halaga ng pera ay ang purchasing power ng kita ng bawat mamamayan, hal. ang abilidad na
makabili ng mga produkto at serbisyo. Ito ay katumbas ng konsepto ng tutoong kita (real income). May
negatibong relasyon sa pagitan ng halaga ng pera at ang pangkalahatang presyo ng mga bilihin. Kapag mas
mataas ang presyo ng mga bilihin, mas mababa ang halaga ng pera.

Ang Consumer Price Index (CPI)


Ang CPI ay isang gamit istatistiko na siyang nagpapakita sa pagbabago sa pangkahalatang presyo ng mga
bilihin mula sa batayang taon hanggang sa kasalukuyang taon, sinusukat nito ang mga pagbabago sa halaga
ng pera.

Mga Hakbang sa Pagbuo ng CPI


Ang pagpili ng Batayang Taon (Base Year). Ito ay ang taon na siyang pinagbabatayan kung saan ang
mga pagbabago presyo kumpara sa ibang taon ay nasalagay sa porsyento nito. Ang batayang taon ay dapat
na nasa normal na taon, hal. taon na lung saan ang ekonomiya ng isang bansa, ang political na kalagayan at
ang mga presyo ng mga bilihin ay matatag.

1. Ang pagpili ng lalamanin ng Market basket. Ang mga produktong napili para sa
market basket ay dapat naka-base sa kasalukuyang paggasta ng isang tipikal na
pamilya. Ang mga produkto ay hindi dapt nasasara lamang sa isang partikulas na
istado ng lipunan. Ito ay dapat na sumasalamin sa panlasa ng pangkahalatang
populasyon. Hal., ang mga mamahaling jacket at mga mamahaling sasakyan ay hindi
dapat isama sa listahan.
2. Ang Presyo ng mga napiling produkto:
a) Ang mga presyo mga napiling produkto ay dapat na makuha
mapagkakatiwalaan institusyong nangangalaga ng mga datos nito mula sa
kasalukuyan at sa hinaharap.
b) Ang basket ay ilalagay sa presyo ng batayang taon. Ang index ng batayang
taon ay dapat na nakalagay sa 100.
c) Ang presyo ng parehas na nilalaman ng basket ay ilalagay sa
pangkasalukuyang presyo ng mga bilihin.
d) Ang halaga sa kasalukuyang market basket ay ikukumpara sa porsyento ng
batayang taon.

Pormula Kasalukuyang Presyo ng Bilihin x 100 = Current Year


Presyo ng Batayang Taon

e) Ang index ng kasalukuyang presyo sa lahat ng nilalaman na produkto ng


market basket ay pagsasamahin at idi-divide sa bilang ng aytems nito. Mula
dito, makukuha natin ang tinatawag na simple price index o ang hindi
tinimbang na index ng presyo. (Tingnan ang Halimbawa)

Aytems Presyo sa Index ng Presyo Index ng Bigat Bigat X Index


Batayang Batayang Kasalukuyang Kasalukuyang ng ng
Taon Taon Taon Taon bawat Kasalukuyang
Taon Presyo
Pagkain 50 100 30 60 4 240
Damit 100 100 120 120 3 360
Bahay 200 100 250 125 2 250
Pamasahe 10 100 20 200 1 200

HALIMBAWA:

Pormula Kasalukuyang Presyo ng Bilihin x 100 = Current Year


Presyo ng Batayang Taon

= 30 X 100
50
= 0.60 X 100

= 60 Index ng Kasalukuyang Presyo

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman


Kompyutin ang Simple Price Index ng Talaan na nasa Itaas at sagutin ang tanong na nasa ibaba.

TANONG: ILANG PORSYENTO NG ITINAAS/IBINABA NG PRESYO NG


BILIHIN?
Tandaan Mo!
Ang Implasyon ay ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo o
halos pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang
ekonomiya.
Ang Batayang ng Implasyon ay ang mga sumusunod:
a. Ang mga tao ay gumagamit ng mas maraming salapi para makabili lamang ng
iilang produkto;
b. Ang halaga ng pamumuhay ay tumaas;
c. Mayroong patuloy na pagbaba sa halaga ng salapi; at
d. Ang mga presyo ng bilihin ay tumataas.
Ang CPI ay isang gamit istatistiko na siyang nagpapakita sa pagbabago sa
pangkahalatang presyo ng mga bilihin mula sa batayang taon hanggang sa
kasalukuyang taon, sinusukat nito ang mga pagbabago sa halaga ng pera.

Gawain 3: Paglalapat
Pag-aralan ang presyo ng mga sumusunod na listahan ng produkto. Kompyutin ang
halaga ng pagtaas o pagbaba ng presyo nito

1. Manok
2. Baboy
3. Talong
4. Galunggong
5. Bigas
ARALIN 2 ANG EPEKTO NG IMPLASYON

Sa naunang aralin, pinag-aralan natin ang kahulugan ng Implasyon at ang


paraan ng pagkompyut nito. Nalaman ang implasyon ay ang pagtaas ng halaga ng di lamang ng
illang produkto, kungdi ng halos lahat o lahat ng produkto. Ngayon, aalamin natin kung ano
naman ang epekto ng implasyon sa iba’t-ibang larangan ng ekonomiya ng bansa.

Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:


1. Maiisa-isa ang epekto ng Implasyon sa iba’t-ibang larangan ng ekonomiya ng
Pilipinas; at
2. Matatalakay kung sino-sino ang mga nakikinabang at di-nakikinabang kapag may
nangyayaring implsyon ;

Gawain 1: Pag-isipan Mo!


Halimbawang nagkaroon ng malwakang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at
naapektuhan nito ang iyong pamilya, ano ang magagwa mo upang makatulong sa iyong mga
magulang. Gumawa ng isang listahan ng iyong gagawin.

Ang Epekto ng Implasyon


May iba’t-ibang epekto ang Implasyon sa iba’t-ibang aspeto ng ekonomiya ng bansa. Ito ay ang
mga sumusunod.

1. Produksyon/Pamumuhunan. Bilang resulta ng implasyon, tataas ang kita ng mga


prodyuser na siyang magiging sanhi ng kanilang motibasyon para dagdagan ang
produksyon (Ayon sa Batas ng Supply, ang pagtaas ng kita ang magiging sanhi sa
pagtaas ng bilang ng suplay). Sa paglaki ng produksyon, ang pangangailangan sa
manggagawa. Sa ilang mga bansa, sinasadya ng pamahalaan na gumawa ng banayad na
implasyon (mild inflation) upang engganyohin ang mga mangangalakal at entreprenyur
na mamuhunan pa ng mas malaki.
2. Distribusyon ng Kita. Magiging sanhi ng implasyon ang mas malaking agwat sa
distribusyon ng kita. Makikinabang dito ang mga mangangalakal, mga magsasaka, at iba
pa.
3. Pag-iimpok. Lahat ng mga inipon sa na may permanenteng halaga (fixed value) katulad
ng mga deposito sa bangko, mga seguro (insurance), mga naghuhulog sa bahay, Sa
pagtaas ng presyo, ang kalakasan sa pagbili (purchasing power) ay mawawala. Sa
kabilang banda, ang mga impok sa assets at mga real estates ay makikinabang. hal., ang
halaga ng pabahay, mga alahas at iba pa., ay tataas at ang mga may-ari nito ang
makikinabang.
4. Balanse ng Kalakalan. Mayroong tatlong klase ng balance sa kalakalan:
A) Ang deficit kung saan mas malaki ang import ay mas malaki sa exports
B) Ang surplus kung saan ang import ay mas kaunti sa exports. ; at
C) Ang balanseng kalakalan kung saan ang import at parehas sa exports. Tuwing
may implasyon, sap unto ng imports at exports, magkakaroon ng deficit sa
balance of trade batay sa larawan sa ibaba:

Epekto ng Implasyon sa Balanse ng Kalakalan

Mas kaunting produkto ang inilalabas ng


Pilipinas

Philippines
(may implasyon)
Malaysia
(walang implasyon)

Mas maraming produkto ang ina-angkat ng


Pilipinas

Paliwanag:
Dahilan sa ang Pilipinas ay may implasyon, Hindi gugustuhing bumili ng Malaysia sa Pilipinas.
Kung kaya’t mas kaunti ang inilalabas nating produkto papuntang Malaysia. Sa kabilang banda, Makikita ng
mga Pilipino na higit na mas mababa ang presyo ng mga produktong galling sa Malaysia kung kay’t ito ang
bibilin nila kaya lolobo ang ating imports.Kapag nangyari ito, mas lalaki ang imports sa exports at haharap
tayo sa isang deficit sa balance ng kalakalan.
5..Epekto sa panlabas na halaga ng salapi. Ayon kay Gustav Casell, kung may pagbaba sa panloob na
halaga ng salapi, ang panlabas na halaga ng salapi ay bababa din. Ang panloob na halaga ng salapi ay
bababa dahil sa implasyon. Ang panlabas na halaga ng salapi ay bababa din dahil naman sa halaga ng
palitan nito sa ibang salapi. Aakalain ng ilang mga taga-ibang bansa na mas mahal ang pagbili sa salapi natin
kaya’t mas bababa ang demand para dito. Ito ay magdudulot ng pagbaba ng halaga ng ating salapi (sa
panlabas na halaga nito). Ito ay tinatawag na Purchasing Power Parity Theory.

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman


Isulat ang salitang TAMA kung tama ang pangungusap. Isulat ang salitang MALI kapag mali
ang pangungusap.kopyahin at isulat sa activity notebook.

1. Sa lahat ng pagkakataon ay maganda ang idinudulot ng implasyon.

2. Sa implasyon magkakaroon mas pantay na distribusyon ng kita.

3. May apat na epekto ang implasyon sa balance ng kalakalan.

4. Ang mga magsasaka ay makikinabang sa pagkakaroon ng implasyon.

5. Kapag may implasyon ay nakakapag engganyo sa mga mangangalakal.

.. Tandaan Mo!
Positibo ang epekto ng banayad na implasyon sa Produksyon at
Pangangalakal.
Negatibo ang epekto ng implasyon sa mga mamimili, mga may pension at
mga nagpapautang.
Negatibo ang epekto ng implasyon sa balanse ng kalakalan
Isang Mangangalakal sa inyong lugar
1.Isang Duktor
2.Isang Magsasaka/Mangingisda
3.Isang Guro
4.Isang Retiradong Manggagawa
ARALIN 3 MGA URI NG IMPLASYON
Matapos nating malaman ang iba’t-ibang epekto ng implasyon sa ekonomiya, tatalakayin naman
natin naman ngayon ang iba’t-ibang pinagmumulan ng implasyon.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
Maiisa-isa ang mga dahilan ng implasyon;
1. Masusuri ang mga iba’t-ibang reacsyon ng mga yunit ng ekonomiya hinggil sa mga
pinagmulan ng implasyon;

Gawain 1: Pag-isipan Mo!


Alamin ang mga kadahilanan ng mga sumusunod na gawain:

1.Mahabang pila sa mga gasolinahan


2.Mataas na bilihin sa panahon ng kapaskuhan.
3.Pagkalugi ng mga lokal na prutas.
Mga Dahilan ng Implasyon
Ang implasyon ay nagmumula sa iba’t-ibang ispesipikong kadahilanan.
ay tumataas at hindi ito matugunan ng suplay, ang pangkalahatang presyo ng mga bilihin ay tataas na
siyang sanhi ng implasyon. Demand-Pull inflation. Dito, ang tanging dahilan ng implasyon ay galling sap
unto ng mga mamimili. Mayroong patuloy at walang tigil na pagtaas ng demand. Kapag ang demand
Cost-Push inflation. Ang sanhi nito ay ang pagtaas ng gastusin sa produksyon. Kapag ang mga may-ari ng
mga iba’t-ibang industriya ay nahaharap sa mataas ng gastusin sa produksyon, itataas nito ang presyo ng
kanilang produkto.
Import-Induced inflation o imported inflation. Ang pag-angkat ng mga produkto at serbisyo ay maaaring
maging sanhi ng implasyon. Halimbawa na dito ay ang Singapore na pangunahing umaasa sa mga kalapit
bansa nito para sa pagkain at iba pang mga hilaw ng materyales.
Profit-Push inflation. Ang uri ng implasyon na ito ay sanhi ng mga gahaman na mga prodyuser na itinatago
ang kanilang mga produkto na siyang nagiging sanhi ng artipisyal na kakulangan. Ang mga gawaing ito ay
nagpapalobo ng mga bilihin na nagdudulot sa kanila ng mataas na kita.
Currency inflation. Ang theorya ng mga monetarist sa implasyong ito ay sanhi naman ng masyadong malaki
na suplay ng pera sa sistema. Ang masyadong malaking suplay ng pera ay nagdudulot paggamit ng malaking
halaga ng salapi upang makabili ng kakaunting produkto.Petrodollars inflation. Ito ay nakakaapekto lalong-
lalo ng sa mga umaangkat ng mga produktong petrolyo. Ang labis na pagtaas ng halaga ng mga produktong
petroyo ay nagiging sanhi sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman


Lagyan ng tsek ang tapat ng dahilan ng implasyon kung ang pangyayaring nakalagay sa
unang kolum ay tumutukoy sa natutang sanhi ng implasyon.

Produkto Dahilan ng Implasyon

Demand- Cost- Import- Profit-


Petrodollars
pull push induced push Currency

1. Kapaskuhan

2. Pagtaas ng
halaga ng
gasoline

3. Pagdagsa ng
mga remittances
ng mga kamag-
anak mo sa
abroad

4. Paghingi ng
umento sa
sahod ng mga
manggagawa

5. Kakulangan
sa suplay ng
mga delata.

25
Tandaan Mo!
Ang Demand-pull inflation ay sanhi ng napakataas na demand ng isang
produkto laban sa suplay nito.ng Cost-push inflation ay sanhi ng pagtaas ng
gastusin sa produksyon.
Ang Import-induced inflation ay sanhi ng labis na paggamit ng imported na produkto.
Ang Profit-push inflation ay sanhi ng pagtatago ng mga produkto ng mga prodyuser upang
magkarooon ng artipisyal na kakulangan sa produkto.
Ang Currency inflation ay sanhi ng labis na pagdami ng suplay na pera sa sirkulasyon
Ang Petrodollars inflation ay sanhi ng labis na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Gawain 3: Paglalapat
Sa iyong palagay, paano natin maiiwasan ang ibat-ibang sanhi ng implasyon.
Magbigay ng limang maari mong gawin.

1.

2.

3.

4.

5.

MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO

Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang mahahalagang kaalaman na dapat mong
tandaan?
Ang Implasyon ay ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo o halos pangkalahatang presyo
ng mga bilihin sa isang ekonomiya.
Ang Batayang ng Implasyon ay ang mga sumusunod:
Ang mga tao ay gumagamit ng mas maraming salapi para makabili lamang ng iilang produkto;
Ang halaga ng pamumuhay ay tumaas;
Mayroong patuloy na pagbaba sa halaga ng salapi; at
Ang mga presyo ng bilihin ay tumataas.
Ang CPI ay isang gamit istatistiko na siyang nagpapakita sa pagbabago sa pangkahalatang presyo ng mga
bilihin mula sa batayang taon hanggang sa kasalukuyang taon, sinusukat nito ang mga pagbabago sa halaga
ng pera
Positibo ang epekto ng banayad na implasyon sa Produksyon at Pangangalakal.
Negatibo ang epekto ng implasyon sa mga mamimili, mga may pension at mga nagpapautang.
Negatibo ang epekto ng implasyonsa balanse ng kalakalan..
Ang Demand-pull inflation ay sanhi ng napakataas na demand ng isang produkto laban sa suplay nito.
Ang Cost-push inflation ay sanhi ng pagtaas ng gastusin sa produksyon.
Ang Import-induced inflation ay sanhi ng labis na paggamit ng imported na produkto.
Ang Profit-push inflation ay sanhi ng pagtatago ng mga produkto ng mga prodyuser upang magkarooon ng
artipisyal na kakulangan sa produkto.
Ang Currency inflation ay sanhi ng labis na pagdami ng suplay na pera sa sirkulasyon
Ang Petrodollars inflation ay sanhi ng labis na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

PANGHULING PAGSUSULIT:
I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.kopyahin at isulat ang sagot sa
activity notebook.
1.Ito ang pangkalahatang pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
a.Implasyon. c.Consumer Price Index.
b.Deplasyon. d.Disimplasyon.
2.Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin sa pamilihan.
a.Cost Push. c.Implasyon.
b.Demand Pull. d.Deplasyon.

3.Ano ang ibig sabihin CPI na 100?


a.Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay mahigit 100% malaki kaysa sa batayang taon.
b.Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 100% mas mababa kaysa sa batayang taon.
c.Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay parehas sa batayang taon.
d.Ang kasalukuyang halaga ng market basket at P100.

4.Alin sa mga sumusunod ay HINDI sanhi ng implsyon?


a.paglaki ng demand kaysa sa produksyon.
b.kakulangan sa enerhiya.
c.pagtaas ng kapasidad sa peoduksyon.
d.pagtaas ng halaga ng pamumuhay.

5.Alin sa mga sumusunod ay walang kaugnayang sa cost-push inflation?


a.pagtaas ng halaga ng electrisidad.
b.pagtaas ng pamimili ng mga konsyumer.
c.mas mataas na demand sa pagtaas ng sahod.
d. regulasyon ng pamahalaan.
27
6.Alin sa mga dahilan ng implasyon ang tinalakay ayon sa konteksto ng quantity equation?
a.demand-pull at cost-push inflation.
b.demand-pull inflation lamang.
c.cost-push inflation.
d.monetary inflation.

7.Alin sa mga sumusunod na pangungusap at TAMA?


a.Ang halaga ng piso ay bumababa kapag tumatataas ang im[lasyon.
b.Ang halaga ng piso ay tumataas kapag mataas ang implasyon.
c.Ang halaga ng piso ay hindi naapektuhan ng implasyon.
d.Ang halaga ng piso ay maaaring tumaas o bumaba depende kung ang imnplasyon ay demand-pull o cost-
push.

8.Ang pinaka madalas gamitin na panukat sa pagbabago ng presyo.


a.PPC. c.GNP
b.CPI. d.PPI

9.Ano ang ibig sabihin ng CPI na 145?


a.Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 145% na mas mataas kaysa sa batayang taon.
b.Ang batayang price index ay may index na 145.
c.Ang halaga ng market basket ay 145.
d.Ang kasalukuyang halaga ng market basket ay 45% na mas mataas kaysa sa batayang taon.

10.Ang COLA ay dinisenyo upang bigyang proteksyon ang mga manggagawa laban sa:
a.istrukturang kawalang trabaho.
b.underemployment.
c.implasyon.
d.pagbaba ng bilang ng oras ng trabaho
ANG PILIPINO SA PAMBANSANG KAUNLARAN

Ikaw ay nasa ika-19 modyul na. Sa puntong ito ay mayroon ka nang ganap na kaalaman sa mga programang
pangkaunlaran ng Pilipinas na naglalayon na tugunan ang iba’t ibang isyu at suliraning pangkaunlaran na
kinakaharap ng ating bansa. Maaari mong magamit ang mga batayang konsepto sa Ekonomiks upang
maunawaan ang mga aspekto ng ekonomiya ng Pilipinas. Ikaw din ay may matibay na paggagap na sa
konsepto ng kaunlaran at ang iba’t ibang salik na nakakaapekto sa kaunlaran ng isang bansa tulad ng
Pilipinas na iyong nabatid sa Modyul 17.
Ngunit, alam mo ba ang bahaging iyong gagampanan sa kaunlaran ng iyong sarili at ng ating bansa? Sa
modyul na ito mo malalaman ang iba’t ibang stratehiya na maaari mong gamitin upang makatulong sa
kaunlaran ng iyong sarili at ng bansang Pilipinas.
May tatlong araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito: Aralin 1: Kalayaan sa Kakapusan
Aralin 2: Sama-Samang Pagkilos Para sa Pambansang Kaunlaran Aralin 3: Mga Kwento ng Pag-asa
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
Mailarawan ang iba’t ibang paraan na maaaring magawa upang makatulong sa pansarili at pambansang
kaunlaran;
Matukoy ang bahaging gampanin sa pansarili at pambansang kaunlaran;
Mapahalagahan ang mga stratehiya at plano para sa pansarili at pambansang kaunlaran;
Makapagplano para sa pansarili at pambansang kaunlaran; at
Matukoy ang mga aral na maaaring matutuhan sa iba’t ibang kwento ng pag-asa.
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong. Huwag kang mangamba sa
pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo.

PANIMULANG PAGSUSULIT:
I. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang ari-arian ng isang tao?


a.puhunan. c. lupa
b.sarili. d.Pamilya

2.Ang kakapusan ay nararanasan ng lahat.


a.Tama, dahil laging kulang ang pera para sa pangangailangan.
b.Tama, dahil ang kakapusan ay bahagi ng buhay
c.Mali, ang isang tao ay maaaring hindi kapos dahil gumagastos lamang siya batay sa kanyang pantustos.
d.Mali, ang mga mayaman ay hindi nakakaranas ng kakapusan.

3.Ang pagbabayad ng buwis ay


a.Obligasyon sa pamahalaan.
b.Bayad ng tao sa mga serbisyong panlipunan.
c.Pagpapahirap ng pamahalaan sa taong bayan.
d.Pinagkukunang yaman.

4.Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan ng pag-iimpok (savings)


a..Kita (Income) – gastusin (expenses).
b.Kita = impok.
c.Kita + kita = impok.
d.Kita – impok = gastusin.

5.Ang kita sa negosyo ay kitang personal ng may-ari ng negosyo


a.Tama, sa tubo kumikita ang negosyante.
b.Tama, hindi nya kailangang bayaran ang kanyang sarili.
c.Mali, iba ang bayad sa sarili at iba ang tubo sa negosyo
d.Mali, ang tubo sa negosyo ang bayad niya sa kanyang sarili.

6.Alin Alin sa mga sumusunod ang tamang paggastos ng kita?


a.Pagbili ng mga pangangailangan.
b.Magsubi ng ilang porsyento ng kita bilang impok bago gastusin ang kita sa mga kagustuhan.
c.Ilagak ang lahat ng ktia sa negosyo.
d.Magsubi ng ilang porsyento ng kita bilang impok bago gastusin ang kita sa mga pangangailangan.

7.Alin sa mga sumusunod ang dapat na maging batayan ng pagkwenta ng dapat kitain sa pagnenegosyo at
investment.
a.Inflation rate. b.Interest rate.

29
c.Floating rate. d.Exhange rate.

8.Alin sa mga sumusunod ang hindi tunay na asset


a.Bahay at lupa. c.appliances.
b.alahas. d.Time deposit.

9.Ang lahat ng uri ng utang ay nagpapahirap.


a.Tama, hindi dapat mangutang dahil ito ay mali.
b.Tama, ang may utang ay mahihirapan sa pagbabayad ng interes.
c.Mali, pwedeng mangutang upoang ipambayad ng utang.
d.Mali, may mga utang na kailangan upang mapalago Ang negosyo o investment.

10.Ang susi sa paglaya sa kakapusan ay


a.Ang matalinong pamamahala ng iyong kita.
b.Pagbili ng mga assets.
c.Magpautang upang tumubo.
d.Pagtitipid.

11.Alin sa mga sumusunod ang hindi makakatulong sa sama-samang paglaya sa kakapusan?


a.Pagboto ng matalino. c.Paggawa.
b.Pagsali sa kooperatiba. d.Pagbabayad ng buwis

12.Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng hindi matalinong pamamahala ng kita?


a.Pagbayad muna sa sarili. c.Pagbili ng assets.
b.Pag invest. d.Pagtaas ng sweldo.

13.Alin sa mga sumusunod ang hindi elemento ng tagumpay?


a.Support. c.Strategy.
b.Vision. d.Confidence

14.Ang kalayaan sa kakapusan ay nagpapakita ng


a.Kakayahan na tustusan ang mga pangangailangan.
b.Kakayahan na tustusan ang mga kagustuhan.
c.Kakayahang magnegosyo.
d.Kagustuhang mag retiro.

15.Ilang porsyento ng iyong kita bawat buwan ang iyong dapat itabi bilang impok?
a.A. 20%. c. 10%.
b.. 15%. d. 5%.

16.Tinaguriang Entrepreneur of the Year dahil sa mahusay na pamamahala sa Jollibee


a.Henry Sy. c.Lucio Tan.
b.Tony Tan Caktiong. d.John Gokongwei.

17.Aling investment ang may pinakamaliit na panganib?


a.Mutual Fund. c.Stock Trading.
b.Dollar Deposit. d.Savings Deposit.
18.Ano ang pinakaunang problema ng gma Pilipino?
a.Kakapusan. c.Kawalan ng trabaho.
b.Maliit na sweldo. d.Pagbaba ng halaga ng piso.

19.Aling Lungsod sa Pilipinas ang kinilala sa kanyang mabilis, matalino, at kakaibang pag-unlad na hinangaan
ng daigdig?
a.Manila. c.Davao City.
b.Cebu City. d.Naga City.

20.Ano ang naging susi sa pag-unlad ng Lungsod na ito?


a.People Power. c.Local Investment.
b.Foreign Investment. d.Peace and Order

ARALIN 1 KALAYAAN SA KAKAPUSAN


Ang araling ito ay tumatalakay sa iba’t ibang stratehiya na maaaring mong
magamit para sa pansariling pag-unlad upang maging malaya sa suliranin ng
kakapusan.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1.Matutukoy ang iba’t ibang stratehiya na maaari mong magamit upang makamit ang
kalayaan sa kakapusan;
2.Mapahalagahan ang mga stratehiya na magpapalaya sa kakapusan; at
3.Magsagawa ng pansariling plano upang maging malaya sa kakapusan.

Gawain 1: Pag-isipan Mo!


Kausapin ang iyong ina at ama upang masagot ang sumusunod na gawain.Punan ang
sumusunod na tsart.Isulat ang sagot sa activity notebook.
KITA AT GASTUSIN NG PAMILYA

KITA GASTOS

Saan galing ang kita ng Saan napupunta ang


pamilya sa isang buwan? kita ng pamilya? Anu-
HALAGA ano ang mga gastusin HALAGA
sa isang buwan?
HAL. SWELDO SA P8, 000.00 UPA SA BAHAY P 3,000.00
TRABAHO
31
Total ng kabuuan
.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Sapat ba ang kita sa gastos?
2. Lagyan mo ng tsek ang mga gastusin sa bahay na hindi maaaring ipagpaliban
dahil pangangailangan (needs).
3. Lagyan mo ng ekis (x) ang mga gastusin sa bahay na maaaring ipagpaliban ang
paggastos dahil hindi naman pangangailangan kung mga kagustuhan (wants).
4. Sa mga nilagyan mo ng tsek, alin ang maaari mong tipirin? Magkano ang
magiging halaga ng bawat gastusin kung magtitipid?
5. Alisin mo ang lahat ng may ekis, magkano ang kabuuan ng iyong matitipid sa
isang buwan?
6. Kung sa unang pagsasagawa ng gawain ay walang makitang matitipid ay pag-
aralan muli ang sinulat sa tsart. Piliting pag-isipan kung saan maaaring makatipid.

Ayon sa isang eksperto sa paghawak ng pera o tinatawag na financial management specialist na si


G. Francisco J. Colayco, “kaya ng bawat isa ang maging malaya sa kakapusan. Kung ikaw ay kumikita,
mayroon kang pagkukunan ng puhunan at ito ay kaya mong palaguin. Kailangan lang ay mag-umpisa ka na
agad.” Nailagay sa ating kaisipan na mahirap maging mayaman ang mga mahirap. Ang pagiging mahirap
daw ay bigay ng tadhana o kaya naman ay kawalan ng swerte. Ito ang uri ng mga paniniwala na dapat
alisin upang maging malaya sa kakapusan.Ayon kay G. Colayco, ang pagkita ng salapi at pagpapalago ng
kita ay magkasing-halaga. Ang dapat daw nating matutunan ay ang magplano sa pamamahala ng ating kita.
Ayon sa kanya dapat nating tandaan ang mga sumusunod:
▪ Alamin ang iyong pangangailangan sa hinaharap.
▪ Paghandaan at alamin ang mga wastong paraan upang makamit ang perang sa sagot
sa iyong pangangailangan.

▪ .Ibagay o baguhin ang iyong pangangailangan para sumang-ayon sa iyong


kakayahan
Kailangangang ating tandaan na ang kayaman ay ang pagkakaroon ng salapi na pangtustos sa oras
ng ating pangangailangan. Ang ating pangangailangan araw-araw ang magtatakda kung ano ang sapat na
kayamanang akma para sa atin. Ang ating pangangailangan sa araw araw ay dapat iakma sa ating
kakayahan. Dapat tayong mamuhay kung ano lamang ang ating kaya.
Ayon kay Colayco mayroon daw apat na antas ng ating kakayahan sa pananalapi:

1. Antas ng Pag-uumpisa – ibig sabihin ang lahat ng iyong kita ay galing sa iyong
sariling oras at pagod. Ang pinaka-unang dapat mong gawin ay maghanap ng
pagkakakitaan. Ang iyong sariling lakas at talento ang iyong unang puhunan kung
kaya dapat mong pagyamanin ang iyong sarili dahil ito ang una mong puhunan.

2. Antas ng Pagpapalaki ng Kita – Narating mo na ang antas na ito kung


nagtatrabaho ka pa rin ngunit 20% ng iyong kabuuang kita ay nanggagaling na
sa interes ng iyong ipon o kita ng napamuhunang pera.
3. Antas ng Pagkakaroon ng Kita Galing sa mga Ari-arian (Assets) – Narating
mo na ang antas na ito kung nagtatrabaho ka pa rin ngunit 30- 60% ng iyong
kabuuang kita ay nanggagaling sa interes ng iyong naipon o kita ng
napamuhunang pera.
4. Antas ng Pagreretiro – Narating mo na ang antas na ito kung 100% ng iyong
kita ay nanggaling na sa interes ng iyong naipon o kita ng iyong napamhuhunang
pera kugn kaya maaari ka nang hindi maghanap-buhay.
Ang mga antas na ito ay hindi nakabatay sa gulang ng tao. Maaring bata pa ay marating na ang
antas ng pagreretiro dahil sa matalinong pamamahala ng pera. Maaari rin namang kahit matanda na ay
hindi pa ito makarating sa pinaka mataas na antas. Hindi rin masasabing huli na ang isang tao kung siya ay
magsisimula sa matalinong pamamahala ng kanyang pera kugn siya ay matanda na. Walang pinipili itong
edad.
Mga Hindi Dapat Gawin sa Pamamahala ng Kita

1. Hindi dapat paghaluin ang perang personal sa pera ng negosyo. Ibig sabihin,
bayaran mo ang iyong sarili bilang namamahala ng iyong negosyo at iba ang kita
na ito sa kita mo bilang may-ari ng negosyo.

33
2. Huwag pumasok sa anumang negosyo na walang sapat na kaalaman.
3. Huwag umutang upang ipambayad sa utang. Maaari kang umutang upang
magnegosyo ngunit hindi dapat mangutang upang ipambayad sa utang.
4. Huwag masilaw sa mataas na interes ng iyong pera na ipupuhunan. Pag- aralan
ang negosyong papasukan. Huwag ilagak ang salapi ng walang pagsusuri.
5. Huwag gastusin ang iyong kita sa iyong paghahanap-buhay at mga “sideline” sa
mga tinatawag na “wants” o mga bagay na gusto lamang ngunit hindi naman
kailangan. Ang kita sa paghahanap-buhay o negosyo ay dapat na ginagastos lamang
sa iyong pangangailangan o “needs” at pag-iimpok.
6. Huwag maging padaskol-daskol sa iyong paggastos. Alamin kung ano ang iyong
“needs” at iyong “wants”. Iakma mo ang iyong pamumuhay sa iyong kakayahan.

MGA DAPAT NA GAWIN SA UPANG LUMAYA SA


KAKAPUSAN AYON KAY G.Colayco
1. Una mong bayaran ang iyong sarili. Magtalaga ka kung ilang porsyento ng iyong kita ang
ibabayad mo sa iyong sarili. Baguhin ang iyong pagkakaunawa kung ano ang ibig sabihin ng
“SAVINGS” o pag-iimpok. Maling sabihin na ang savings ay: INCOME – EXPENSES =
SAVINGS. Ang tamang kahulugan ng savings ay: INCOME – SAVINGS = EXPENSES.
Gastusin lamang kung magkano ang matitira sa kita matapos maisubi ang tinalagang impok o
bayad sa sarili.
Ang pinakaimportanteng mong ari-arian ay ang iyong sarili. Kaya dapat ang sarili
mo ang una mong bayaran. Ito ang payo ni G. Colayco. Hindi mahirap ang ganitong
pamumuhay. Kailangan lamang ay disiplina. Unahin ang mag-ipon bago gumastos! Ang pag-
iimpok ay hindi lamang para sa malaki ang kita. Maliit man o malaki ay makapagtatabi ka
kung magiging disiplinado ka lamang.
2. Itabi ang 20% ng iyong kita buwan buwan. Itabi ang kalahati ng iyong 20% na impok
bilang “emergency fund”. Ibili mo ang natitirang kalahati ng iyong impok ng insurance,
pension, savings o investment plan mula sa matatag na kumpanya lamang.
3. Iwasan ang pagbili ng gamit na nawawalan ng halaga. Isipin at aralin bago bumili. Bumili
ng ari-arian, bawasan ang iyong utang dahil ito ay nagbabawas ng iyong pera.
4. Siguraduhin na ang iyong “investments” ay kumikita ng higit sa “inflation rate. Ang
Treasury Bills at Dollar deposits sa bangkong mapagkakatiwalaan ay ang pinakawalang
panganib na “investments” na pwedeng paglagakan ng salapi.
5. Alagaan mo ang iyong kakayahang kumita. Proteksyunan mo ang iyong sarili. Alagaan
mo ang iyon gkalusugan dahil ang iyong katawan ang kauna-unahan mong puhunan.
Pagyamanin mo ang iyong karunungan.

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman


Gumawa ng personal financial plan. Punan ang sumusunod na
tsart:kopyahin at isulat ang sagot sa activity notebook.

Halaga ng
Tinatarget na Impok sa Araw- Pagkukunan ng Kita Mga Pagkilos na
Kita sa Isang Araw Isasagawa
Buwan

Halaga ng
Tinatarget na Impok sa Araw- Pagkukunan ng Kita Mga Pagkilos na
Kita sa 3 Buwan Araw Isasagawa

Halaga ng
Tinatarget na Impok sa Araw- Pagkukunan ng Kita Mga Pagkilos na
Kita sa Isang Araw Isasagawa
Taon

35
Gawain 3: Paglalapat
Kausapin ang mga magulang. Ipaliwanag sa kanila ang
natutuhang mga stratehiya sa pamamahala ng pananalapi. Kumbinsihin ang
iyong mga magulang na magsagawa ng pagbabago sa gastusin sa bahay batay sa
mga sinasabi ni G. Colayco na dapat gawin.Gumawa ng Buwanang Listahan ng
Kita at Gastusin na batay sa prinsipyo ng pagbabayad muna sa sarili ng 20% ng
buwanang kita.

KITA NG PAMILYA SA ISANG


BUWAN HALAGA

TOTAL

HALAGA

20% NG KITA NA IMPOK ?

KITA – 20% NA IMPOK ?

1. MAGKANO ANG HALAGA NG NATIRANG PERA NA GAGAMITIN SA


MGA GASTUSIN?
2. GUMAWA NG PLANO PARA SA MGA GASTUSIN. ISAGAWA ANG
PLANO SA LOOB NG ISANG BUWAN.
3. ITALA SA SUMUSUNOD NA TSART KUNG SAAN NAPUNTA ANG PERA
PARA SA GASTUSIN SA LOOB NG ISANG BUWAN.
GASTUSIN HALAGA

UPA SA BAHAY P 3,000.00

1. Naipatupad ba ang plano ng gastusin?

2. Naitabi ba ang impok na 20%?


3. Aling mga gastusin ang naalis dahil sa 20%?
4. Naging mahirap ba ang pag-iimpok?
5. Sa iyo bang palagay ay mahalaga at maaaring maisagawa ang
stratehiyang ito?
6. Magbigay ng limang paraan kung paano maaari pang makapagtipid para maka-
impok.

ARALIN 2
SAMA-SAMANG PAGKILOS PARA SA PAMBANSANG KAUNLARAN

Ang araling ito ay tatalakay sa ilang mga stratehiya upang maging malinaw ang mga
gampanin ng bawat isa upang mapaunlad ang Pilipinas.

Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:


1. Matutukoy ang iba’t ibang gampanin ng bawat isa bilang mamamayang Pilipino upang
makatulong sa pag-unlad ng bansa;
2. Mapahalagahan ang mga bahaging gampanin sa pag-unlad ng Pilipinas; at
3. Makapagsagawa ng isang pagpaplano kung paano makapag-ambag bilang
mamamayan sa pag-unlad ng bansa.

37
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Magbigay ng limang paraan kung paano ka makakatulong sa pag-unlad ng
Pilipinas. Buuin ang sumusunod na pangungusap:

Upang makatulong ako sa pag-unlad ng aking bansa, ako ay:

1.

2.___________________________________________________________________________

3.

4.

5.

Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kanyang mga mamamayan. Bawat
isa ay may bahaging gampanin sa pag-unlad ng bansa. Maaaring ang pagbibigay ng kontribusyon
sa pag-unlad ng bansa ay sa pamamagitan ng pansariling pagsisikap o sama-samang
pagtutulungan. Ang paglaya sa kakapusan ng bawat isa ay isang paraan na maaaring gawin ng
isang indibidwal sa pamamagitan ng matalinong pamamahala ng pananalapi. Ang paglaya sa
kakapusan ay hindi magiging sapat upang umunlad ang bansa. Kailangan ng sama-samang
pagkilos ng lahat ng mamamayan.

Maaaring gawin ang mga sumusunod bilang ilan sa mga stratehiya na


makakatulong sa pag-unlad ng bansa:
1. Tamang pagbabayad ng buwis. Ang pagkakaroon ng kultura ng tamang pagbabayad ng
buwis ay makakatulong upang magkaroon ang pamahalaan ng sapat na halagang
magagamit sa mga serbisyong panlipunan tulad ng libreng edukasyon, murang
programang pangkalusugan, at iba pa;
2. Makialam. Ang mali ay labanan, ang tama ay ipaglaban. Paglaban sa anomalya at
korupsyon maliit man o malaki sa lahat ng aspekto ng lipunan at pamamahala.
Mahalagang itaguyod ng mga mamamayan ang kultura ng pagiging tapat sa pribado at
publikong buhay. Hindi katanggap-tanggap ang pananahimik at pagsasawalang kibo ng
mamamayan sa mga maling nagaganap sa loob ng bahay, sa komunidad, sa paaralan,
pamahalaan, at sa trabaho.
3. Bumuo o sumali sa kooperatiba. Ang pagiging kasapi ng kooperatiba ay isang paraan
upang magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na maging kasapi sa pangkaunlaran.
Dapat ay magkaroon tayo ng malasakit sa ating komunidad upang makabuo at
makapagpatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa ating komunidad.

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman


Ikaw ay gagawa ng imbentaryo ng mga paraan na matagumpay na paglikha ng yaman ng
bansa. Ang kooperatiba ay ang pagsasama-sama ng puhunan ng mga kasapi upang
magtayo ng negosyo na makikinabang at tatangkilik ay mga kasapi rin. Ang kanilang kita
ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dibidendo o hati sa kita batay sa bahagi sa
kooperatiba. Ang nagpapatakbo ng kooperatiba ay mga kasapi rin na naniniwala sa sama
samang pag-unlad.
4. Pagnenegosyo. Hindi dapat manatiling manggagawa lamang ang Pilipino. Dapat nating
sikapin na maging negosyante upang tunay na kontrolado ng Pilipino ang kabuhayan ng
bansa at hindi ng mga dayuhan.
5. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa. Ang aktibong pakikilahok sa pamamahala ng
barangay, gobyernong lokal at pambansang pamahalaan upang maisulong ang mga
adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino ay kailangang gawin ng bawat mamamayan
upang umunlad ang bansa.
6. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino. Ang yaman ng bansa ay nawawala tuwing
tinatangkilik natin ang dayuhan produkto. Dapat nating pagsikapan na tangkilikin ang
gma produktong Pilipino.
7. Tamang pagboto. Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga
kandidato bago pumili ng iboboto. Dapat din nating suriin ang mga isyung pangkaunlaran
upang masuri kung sinong kandidato ang may malalim na kabatiran sa mga isyung
39
pangkaunlaran ng ating bansa.

8.Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad. Ang


pag-unlad ay hindi magaganap kung ang pamahalaan lamang ang kikilos. Maaaring manguna
ang mga mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang naisagawa ng iyong
pamilya sa pagtugon ng mga suliraning pangkabuhayan na inyong naranasan. Pag-isipan mo ang
mga paraan na naging matagumpay. Punan ang sumusunod na tsart:

SULIRANING TAON NG NAGING


PAMARAAN NA
PANGKABUHAYAN KAGANAPAN EPEKTO
ISINAGAWA
NA NARANASAN NG UPANG
PAMILYA MASOLUSYUNAN
ANG SULIRANIN
1.
2.
3.
4.
5.

Sagutin ang sumusunod na katanungan:

1. May mga paraan ba na naisagawa ang inyong pamilya na katulad ng mga paraan
na tinalakay sa araling ito?

2. Maari kayang magamit ang mga paraan na nabanggit sa araling ito sa pagtugon sa
mga suliraning kinaharap ng inyong pamilya? Paano?

3. Ano kaya ang naging susi sa matagumpay na paggamit ng mga paraang iyong
sinulat sa tsart?
Tandaan Mo!
Bawat isa ay bahaging ginagampanan sa pag-unlad ng bansa. Hindi sapat
ang indibidwal na pagkilos upang mapaunlad ang bansa. Kinakailangan ang
pakikilahok sa sama-samang pagtugon sa
pambansang suliranin.
Ang mga suliraning pangkabuhayan ay matutugunan sa pamamagitan ng pulitikal, kultural,
sosyal, at pang-ekonomikong paraan.

Gawain 3: Paglalapat
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Sagutin ang mga
tanong.

1. Nawalan ng hanapbuhay ang iyong mga magulang. Dahil sa kawalan ng naipon


na pera para sa mga sitwasyong ganito ay laging nag-aaway ang iyong mga
magulang. Sila ay nagsisisihan at nagsusumbatan kung sino ang may mali. Kapwa
sila nawalan ng lakas ng loob. Ang tatay mo ay natutong uminom ng alak habang
ang nanay mo naman ay naglalabada upang may panggastos sa araw araw. Ano
ang yong gagawin? Magbigay ng limang hakbang na iyong maisasagawa na
nagpapakita ng paglalapat ng mga natutuhan mo sa mga nakaraang aralin.

A.
B.
C.
D.
E.

41
2. Ang inyong kapitbahayan ay magulo, maingay, at maraming tambay. Maghapong
nagsusugal ang mga kababaihan. Sila ay nagbabakasakali na swertihin at mayroon
silang maipandagdag sa gastusin sa bahay. Ang mga kalalakihan naman at mga
tambay at nag-iinuman magdamag. Ang mga bata naman ay pinababayaan sa
paglalaro maghapon sa kalsada dahil sa masisikip ang mga bahay. Ang mga kabataan
ay maagang nagsisipag-asawa dahil sa maagang pagbubuntis. Ang mga ilan na
nakatapos ng pag-aaral ay hindi makakuha ng trabaho. Ano ang maaaring magawa
upang mapabuti ang lugar na ito? Magbigay ng limang hakbang na iyong
maisasagawa na nagpapakita ng paglalapat ng mga natutuhan mo sa mga nakaraang
aralin.

A.
B.
C.
D.
E.

3. Mahirap ang buhay sa inyong lalawigan. Isa ito sa pinakamahirap na probinsya sa


Pilipinas. Karamihan ng tao ay magsasaka o kaya ay mangingisda. Ang iyong
pamilya ay nakikisaka lamang dahil wala naman kayong pag-aaring lupa. Ang mga
kapatid naman ng iyong nanay at tatay ay sumasama-sama naman sa pangingisda.
Kaunti lang ang paaralan. Kailangang maglakad ng mga mag-aaral ng limang
kilometro papunta sa kanilang paaralan. Mahirap ang tubig at ilaw sa inyong lugar.
Ano ang maaaring magawa ng isang kabataang tulad mo sa ganitong lugar?
Magbigay ng limang hakbang na iyong maisasagawa na nagpapakita ng paglalapat ng
mga natutuhan mo sa mga nakaraang aralin.
A.
B.
C.
D.
E.

ARALIN 3 MGA KWENTO NG PAG-ASA

Ang araling ito ay magbabahagi ng mga kwento ng tagumpay na naranasan ng mga


Pilipino sa pagtugon sa mga suliraning pangkabuhayan. Matutukoy sa mga
sumusunod na kwento ang mga kaalamang iyong napag-aralan sa mga nakaraang aralin na
naging gabay sa tagumpay ng mga tao sa likod ng mga tatatalakaying kwento ng tagumpay.

Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:


1. Masuri ang mga salik na nakakatulong sa matagumpay na pagtugon sa
pangkabuhayang suliranin;
2. Mapapahalagahan ang mga kwento ng tagumpay na naranasan sa
pamamagitan ng indibidwal at sama-samang pagkilos; at
3. Matukoy ang mga pamaraang maaaring magamit para sa tagumpay.

Gawain 1: Pag-isipan Mo!


Ang mga sumusunod ay mga Pilipinong naging matagumpay sa buhay sa kabila
ng kanilang kahirapan. Paghambingin ang Hanay A sa Hanay B.

43
HANAY A HANAY B
a. Isa siyang tagawalis ng kalsada
sa Naga, Camarines Sur. Mula sa
kanyang maliit na kita ay napag-
LUCIO TAN
aral niya ang kanyang mga anak
hanggang makatapos sa
kolehiyo. Walong taon matapos
ang kanyang mga anak sa
kolehiyo ay nag-aral siya at sa
edad na 54 ay nakatapos ng
isang degree sa kolehiyo.

b. Anak ng mahirap na mekaniko at


tagabalot ng sabon. Pinanganak
siya sa mahirap na pamilya sa
Tondo. Ninais niyang
HENRY SY mag0duktor nang magkasakit
ang kanyang ina at hindi
mapagamot dahil sa kahirapan.
Naglabada, namalantsa, at
naglako ng mga damit ang
kanyang ina upang siya ay
mapagparal ng medisina.
Nagsikap siya sa kanyang pag-
aaral. Siya ay
kilalang duktor at senador.
c. Pinakamayamang negosyanteng
Pilipino na nagmamay-ari ng
Asia Brewery, Allied Bank,
Philippine Airlines, at Fortune
Tobacco. Siya ay galing sa
mahirap na pamilya mula sa
Tony Tan Caktiong
Amoy, Fujian, China. Siya ay
nagtrabaho habang nag-aaral
upang msduportahan ang
kanyang pamilya.

d. May-ari ng Jollibe. Tinagurian


Best Filipino Entrepreneur.
Pinanganak siya sa Davao. Sa
MANUEL VILLAR
tatay niyang tagaluto natutuhan
ang masarap na pagkain at
pagiging mapagkumbaba.
Matapos ang kanyang pag-aaral
sa kolehiyo ay nagtayo siya ng
tindahan ng ice cream. Naisipan
niyang samahan ito ng spaghetti
at tinawag niya ang kanayang
tindahan na Jollibee. Ang bee o
bubuyog ay kilala sa pagiging
masipag. Naniniwala din siya na
dapat maging masaya ang tao sa
kanyang trabaho, Ito ang dahilan
kung bakit Jollibee
ang kanyang tinawag sa

45
kanyang tindahan. Bagaman
may papasok sa Pilipinas na
kilala sa daigidg na fast food
chain, pinangatawan niya na
making kakumpetensiya ang
kanyang negosyo ng mas
kilalang fastfood na ito. Sa
kasalukuyan ang Jollibee ang
pinaka mabiling fastfood sa
Pilipinas.
JUAN FLAVIER e. Nanggaling sa mahirap na
pamilya. Nagtinda sa
palengke upang mapa-aral ang
sarili. Nagnegosyo sa “real
estate” na nagbebenta ng
murang bahay para sa mga
mahihirap. Siya ang
may-ari ng Camella Homes
ROSARIO ESTANISLAO f. Siya ang may-ari ng SM Malls.
Nagmula sa isang mahirap na
pamilya mula Xiamen, China.
Nagpunta siya sa Maynila sa
edad na 12 upang makita ang
kanyang ama. Napaluha siya ng
Makita ang ama sa mahirap na
kalagayan. Naglako siya ng
sapatos na kanyang napalago
bilang shopping mall.

Matapos mong paghambingin ang mga larawan at mga kwento ng buhay ay basahin mo ang
sumusunod na kwento ng sama-samang tagumpay:

Nuong nakaraang labing-anim na taon, ang Lungsod ng Naga ay tinuturing na isa sa


pinkamahirap na lugar sa Pilipinas. Mayroon itong kakulangan na P1 milyong piso, bawal na
pasugalan, at 20% ng kanyang populasyon ay maituturing na mahirap.
Sa pamumuno ni Mayor Jesse Robredo, ang Naga ay umunlad. Ang kanyang Per Capita
Gross Produc at 115% na mas mataas sa pamabansang Per Capita Product. Ang kanyang
ekonomiya ay lumalaki ng 6.5% kada taon.
Sabi ni Mayor Robredo, ang susi sa pag-unlad ng Naga ay ang sama-samang pagkilos ng
kanyang mga mamamayan. Nagsagawa sala ng People Empowerment Program sa Naga. Ang
bawat mamamayan mula sa magsasaka, street vendor, mahirap, mayaman, mayroon o walang
pinag-aralan ay isinama sa konsultasyon kung paano patatakbuhin ang lokal na pamahalaan,
gagastusin ang buwis, at ano ang mga proyektong panglungsod na itataguyod. Dahil sa People
Empowerment Program na ito ay nagkaroon ng damdamin ang mga taga Naga na sila ang
nagpapatakbo ng kanilang Lungsod at hindi lamang ang mga opisyal ng pamahalaan.
Dahil sa pakikilahok ng taong bayan ang Lungsod ng Naga ay nagtamo ng mga
pandaigdigan at pambansang pagkilala dahil sa kanilang kakaibang pamamahala ng kanilang
Lungsod.
Sagutin: Magbigay ng limang aral na maaaring matutuhan sa iba’t ibang mga kwento ng
tagumpay na ito.

1.
2.
3.
4.
5.____________________________________________________________________________
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman

Ayon kay Dr. Stephen Krauss, dapat dawn nating tandaan ang limang elemento ng tagumpay.

1. VISION – marapat daw na ating tukuyin kung ano ang gusto nating
marating sa buhay.
2. STRATEGY – upang matupad natin ang ating panagarap sa buhay ay dapat
daw na mayroon tayong malinaw na plano at tunguhin.
3. PAGTITIWALA SA SARILI – kailangan nating magkaroon ng paniniwala sa
sarili nating kakayahan. Dapat nating alamin ang mga magaganda nating
katangian na tutulong sa atin upang makamit natin ang ating pangarap sa
47
buhay.
4. PAGTITIYAGA – “Kung may tiyaga, may nilaga.” Ito ang kasabihan na
dapat nating tandaan. Ang mga kasawian natin sa buhay ay dapat na hindi
maging dahilan upang panghinaan ng loob. Ipagpatuloy natin ang pagtitiyaga
dahil ito ay susi sa tagumpay.
5. PAGTUWID SA PAGKAKAMALI – Kailangang matuto sa mga naging mali
ng hakbang at isagawa ang mga pagtatama sa pagkakamali.

May mga maidaragdag ka bang elemento na iyong natutuhan sa mga kwentong iyong nabasa
sa modyul na ito? Magbigay ng tatlo:kopyahin at isulat sa inyong activity notebook.

1.

2.

3.

Gawain 3: Paglalapat
Alin sa mga kwento ng tagumpay ang nakatawag sa iyong pansin? Magbigay ng
limang aral na iyong natutuhan sa kwento ng tagumpay na iyong napili na nais
mong isagawa.

1.
2.
3.
4.
5.
PANGHULING PAGSUSULIT:
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na kwento at sagutin ang mga tanong:kopyahin at
isulat sa inyong activity notebook.
Si Belinda ay supervisor sa PLDT. Maaga siyang nag-retiro sa edad na 50 dahil sa mas
malaki ang inaalok ng kumpanya na kabayaran sa mga maagang nagreretiro.
Nakatanggap siya ng P 1.5 milyon sa kanyang 30 taong pagtatrabaho sa kumpanya.
Minsan ay inalok siya ng kanyang kapwa nagretiro sa PLDT na ilagay ang kanilang
pera sa isang investment na magbibigay sa kanila ng P15,000 tubo bawat buwan sa P1
milyong pera na ilalagak sa negosyo. Dahil sa laki ng tubo ay naengganyo si Belinda na
maglagay ng P 1 milyon.Nakatanggap siya ng P15,000 sa unang limang buwan ngunit
makalipas ang limang buwan ay sinabihan sila ng investor na nalugi ang negosyo kaya hindi
na makapagbibigay sa kanila ng tubo sa perang kanilang sinali sa negosyo.

Tanong:
1. Tama o Mali ba ang pagpasok ni Belinda sa negosyo?

Magbigay ng tatlong dahilan kung tama o mali ang pagsali ni Belinda sa negosyo.
2.
3.
4.
Dahil sa pagkawala ng pera na kanyang nakuha sa kanyang pagretiro, nawalan ng loob si Belinda at
hindi na ito lumabas ng bahay.Isang araw ay kinausap siya ng kanyang asawa na si Jun na magbukas na
lamang sila ng negosyo sa palengke. Magtitinda sila ng itlog at mantika upang mapagkunan nila ng
kanilang ipapa-aral sa kanilang anim na anak.Minabuti ni Belinda na tumigil na lamang sa bahay at
asikasuhin ang bahay habang ang mag-aama ang nagbabantay sa binuksan nilang tindahan. Namuhunan
sila ng P10,000 sa itlog at may tubo silang P15.00 sa bawat kahon ng itlog na kanilang maibenta, at P 5.00
sa bawat lata ng mantika na kanilang maipagbibili. Sa bawat araw ay nakapagbebenta sila ng 20 kahong
itlog at 10 latang mantika. Ang gastos nila sa isang araw ay P400.Unti-unting naubos ang puhunan ni Jun at
Belinda. Nangutang sila upang maipandagdag sa puhunan. Dahil sa kanilang utang ay naghuhulog sila
ngP1,000 isang araw. Dahil dito ay napilitan si Jun na mangutang upang may panghulog sa iba niyang
pinagkakautangan. Nabaon sila sa utang.
Tanong:
5. Tama o Mali ba ang naging reaksyon ni Belinda sa pagkawala ng kanyang pera?

6. Magbigay ng tatlong katangian na dapat taglayin ng sinoman sa panahon ng kagipitang


naranasan ni Belinda
7. _____________________________________________________________________
8.
9.

49
10. Tama o Mali ba ang naisip ng kanyang asawang si Jun na magnegosyo ng itlog at mantika?
__________________________________________________________________________
Magbigay ng apat na dahilan kung bakit bumagsak ang negosyo ni Jun

11.
12.
13.
14.
Magbigay ng apat na mga hakbang na dapat ay ginawa ni Jun upang maiwasan ang pagbagsak ng
negosyo.
15.
16.
17.
Dahil sa pagbagsak ng negosyo ay nag-usap-usap ang buong pamilya. Sila ay gumawa ng Planong
Pinansyal upang Makita nila kung paano nagagastos ang pera. Nakita rin nila kung aling mga gastusin
ang dapat bawasan o alisin.
Ipinagbili ng mag-asawa ang kanilang bahay at lupa. Bumili sila ng mas maliit na bahay at lupa at
kanilang pinagpatuloy ang pagnenegosyo ng tindahan sa palengke. Ang kanilang gastusin ay sapat
lamang sa tira sa kita nila matapos ang porsyentong nilalaan nila na pandagdag sa puhunan.
Magkasama si Jun at Belinda na namamahala sa kanilang maliit na negosyo.
Magbigay ng tatlong hakbang kung paano nakabangon ang mag-asawang Jun at Belinda
18.
19.
20._____________________________________________________________________
51

You might also like