You are on page 1of 10

Learning Area Araling Panlipunan

Learning Delivery Modality Modular Modality

Paaralan Baitang Baitang 7

Pag-aaral ng mga
BANGHAY SA Guro Aralin
Bansang Asyano
PAGTUTURO
(Unang Linggo)
Petsa Markahan Ikalawang Markahan
October 19 – 23, 2020

Oras 8 a.m. – 9 a.m. Bilang ng Araw 3 araw

I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Naibibigay ang kahulugan ng salitang kabihasnan
2. Natatalakay ang mga mga batayang salik sa pagbubuo ng kabihasnan.
3. Nabibigyang katuturan ang kahulugan ng salitang kabihasnan gamit ang
paglalarawan sa sinaunang pamumuhay
4. Napahahalagahan ang katuturan ng kabihasnan sa larangan ng medisina sa
kasalukuyang panahon

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga kaisipang Asyano,
pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa
Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano,
pilosopiya at relihiyon na nagbigaydaan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa
Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano

C. Pinakamahalagang 7. Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito


Kasanayan sa Pagkatuto
(MELC)

D. Pampapaganang Kasanayan Nabibigyang kahulugan ang konsepto ng kabihasnan at nailalahad ang mga
(Enabling Competency) katangian nito

E. Pagpapayamang Kasanayan Nakapagbibigay halimbawa ng kahalagahan ng yamang-tao sa Asya sa


pagpapaunlad ng kabuhayan, at lipunan sa kasalukuyang panahon

II. NILALAMAN Kahulugan ng Kabihasnan


 Konseptong Nakapaloob: kabihasnan, sibilisasyon, bihasa,
civitas,sentralisadong pamahalaan, relihiyon, espesyalisasyon, uring
panlipunan, teknolohiya, sining at arkitektura

 Pagpapahalaga/Values Integration: kasipagan, katapatan, mapanuri,


malikhain, mapagpahalaga
III. KAGAMITANG PANTURO

A. Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng MELC AP G7 Q2, PIVOT BOW R4QUBE, Curriculum Guide p. 179
Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pangmag- Araling Panlipunan, Kagamitang Pangmag-aaral pp.
aaral

1
Camagay, Ma. Luisa T. et.al, Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan pp. 128-129, Vivar,
3. Mga Pahina sa Teksbuk
Teofista L., et. Al., Kasaysayan ng Daigdig 2000 pp. 30-31

4. Karagdagan Kagamitan
mula sa Portal ng Learning Resources Portal sa https://lrmds.deped.gov.ph/k_to_12
Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitan Concept Map, Venn Diagram, Organizer
Panturo para sa mga Gawain Mga babasahin:
sa Pagpapaunlad at  Kramer, Samuel Noah, “Schooldays: A Sumerian Composition Relating to
Pakikipagpalihan the Education of a Scribe”, Journal of the American Oriental Society 69,
vol. 4 October – December 1949
 "Bakuna, vaccination". Flavier, Juan M., "Doctor to the Barrios" (New Day
Publishers). 1970.
 "Bakuna, vaccination, baksin, vaccine". English, Leo James. Tagalog-
English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990.
 "Vaccine, Some Medical Terms, Diseases". The New Book of Knowledge
(Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., pahina 206.
 Magandang Gabi Dok, DZMM 630, Abril 2019
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Pangkalahatang Panuntunan sa mga Mag-aaral para sa Pantahanang Pag-aaral
(Unang Araw- Unang Bahagi) Ang sumusunod ay mga pagpapaalala sa mga inaasahang gagawin ng mga mag-aaral
habang nasa tahanan ang kanilang pag-aaral:
1. Bigyan ng kaukulang pansin ang nakalaang oras para sa session
2. Pakaingatan ang mga learning resource materials na inilaan para sa mga mag-
aaral
3. Maging mapamaraan sa pangangalap ng iba pang kagamitan na tulong sa pag-
aaral na mula sa tahanan
4. Ang mga mag-aaral ay maaaring humingi ng tulong sa kasamahan sa bahay
kung kinakailangan upang lubos at wasto ang pagkatuto sa aralin
5. Maaring mkipag ugnayan ang mga mag-aaral sa kanilang guro sa
pinakamadaling paraan para sa kanila
6. Iwasan ang paggawa ng hindi kinakailangang gawain na maaaring
makaapekto sa kanilang gawain sa pag-aaral

Balitaan Muna Tayo:


Sa pamamagitan ng gabay ng mag-aaral, ang mga mag-aaral ay susulat ng isang
balita na naglalahad ng napapanahong isyu na may kinalaman sa paksa.
Kinakailangan na ito ay detalyado ang impormasyon at lagyan mo ito ng headline.

Balikan Natin:
Itatanong ng guro sa mga bata: Ano ang komposisyon ng populasyong Asyano
ayon sa kalagayang pang-ekonomiya? Gaano kahalaga ang populasyon sa pag-
unlad ng mga Asyanong bansa?

Gawain 1: Tala- Salitaan


Ang salitang ugat ng KABIHASNAN ay BIHASA. Magbigay dalawang salita na
kasingkahulugan ng BIHASA.

Gawain 2: Pagtatasa ng Kaalaman: K-W-L Approach


Punan ang dayagram batay sa hinihinging impormasyon.

2
?

Aking Alam

Kahulugan ng Nais
Kabihasnan Malaman

Mga
Natutunan

B. Pagpapaunlad Gawain 3 – Balangkas ng Kahulugan


(Unang Araw - Ikalawang A. Pagbibigay kahulugan sa Kabihasnan
Bahagi)  mula sa salitang-ugat na bihasa – ibig sabihin ay eksperto o
magaling
 pamumuhay na nakagawian at pinipino ng maraming pangkat ng tao
na kinabibilangan ng wika, kaugalian, paniniwala, sining at iba pang
aspeto ng pamumuhay

B. Pagpapayaman ng Kaisipan: Paghahambing sa Kaugnay na Salita ng


Kabihasnan vs. Sibilisasyon

C. Isang Tanong, Isang Sagot Lang ang Akin!


Tanong: Mas malawak ba ang sakop ng kahulugan ng sibilisasyon kaysa sa
kabihasnan?

Sagot: Hindi. Sapagkat ang paninirahan sa lungsod at maging sa hindi


lungsod ay kapwa kabihasnan.

Tanong: Mas mataas na antas ba ang pamumuhay sa lungsod kaysa


pamumuhay sa nomadiko-pastoral?

Sagot: Hindi, sapagkat ang parehong pamumuhay ay tumutugon lamang sa


hamon na hinaharap ng kapaligiran

3
Gawain 4 – Basa-Suri-Unawa
Maihahalintulad ang pag-aaral ng mga sinaunang kabihasnan sa pag-aaral ng
buhay ng isang tao kung saan ang kapanganakan, kasarian, at mga magulang ay
ilan lamang sa mga batayan ng kanyang pagkakakilanlan. Kaugnay nito, ang mga
aspeto sa ibaba ang mga nagging batayan upang matukoy na kabihasnan na
maituturing ang isang pamayanan.

Batayang Salik sa Pagbubuo ng Kabihasnan


A. Batayan ng Sinaunang Pamahalaan
Ang batayan ng naging pamahalaan ay ang mga naiwang talaan ng
mga pinuno, pamumuhay ng mga hari, mga tanggulan, mga kawal,
opisyal, talaan ng mga nagawa ng pinuno, mga batas, at teritoryal na
hangganan ng kapangyarihan.

Noong simula, ang namuno sa mga lungsod ay matataas na pari.


Nagmula ang kapangyarihan ng pari sa kanilang kaalaman at kakayahan
na kausapin ang mga diyos at diyosa. Nang lumaon, napalitan sila ng
pinunong militar bilang hari ng lungsod. Samakatwid, ang pinunong
politikal-militar ay ang hari at pinunong panrelihiyon naman ang pari.
Bukod dito, may mga artisano, mangangalaka, at sundalo. Gayunpaman,
nanatiling makapangyarihan ang pari sa larangang espiritwal.

B. Batayan ng Sinaunang Ekonomiya


Sa ekonomiya naman, matutunton ang kabuhayan ng mga sinaunang
kabihasnan sa pamamagitan ng mga gamit tulad ng sa pagtatanim, sistema
ng irigasyon, mga kanal, daan, mga uri ng produkto na maaaring tumubo
rito, mga kalendaryo ng pagtatanim, at mga hayop na ginagamit sa
pagtatanim. Agrikultura ang pangunahing gawaing pang-ekonomiya na
sumusuporta sa malaking populasyon sa lungsod na kadalasan ay hindi
bababa sa limang libo at napalilibutan ng pader. Maliban sa pagsasaka,
nagkaroon din ng espesyalisasyon sa trabaho ang mamamayan.

Ang uri ng gawain o trabaho ang batayan sa pagbubuo ng uring


panlipunan. Nasa taas ng lipunan ang hari at pari na namumuno. Kasunod
Katapusan ng Unang Araw ang ilang mababang opisyal ng palasyo at templo, mangangalakal,
sundalo, artisan, at magsasaka. Pinakamababang uring panlipunan ang
mga alipin.

C. Batayan ng Sinaunang Paniniwala at Relihiyon


Nakabatay ang relihiyon at paniniwala ng mga sinaunang kabihasnan
sa pamamagitan ng mga nakaguhit at nakalilok na mga ritwal at mga
sinasambang diyus-diyosan. Politeismo o paniniwala sa maraming diyos
ang karaniwang relihiyon. Ang mga diyos ay sumisimbolo sa mga
puwersa ng kalikasan. Kadalasan, iginagawa ng ng dambana o altar sa
mga bahay, bahay-sambahan, palasyo at mga lugar sa kalagitnaan ng
kabayanan. Ilan sa mga naulat na diyos ay diyos o diyosa ng pag-aani at
fertility, diyos o diyosa ng araw at diyosa ng ng ilog. Nagsasagawa din ng
iba’t ibang mga seremonya, dasal at ritwal ang pari para sa mga diyos.
Ang mga templo at dambana ng diyos ang sentral at pinakamalaking
gusali sa lungsod. Mayroon ding naiwang nakasulat na dasal at awitin ng
pagsamba sa kanilang diyos. Kadalasan, ang relihiyon ay isinasagawa
tuwing magtatanim, mag-aani, hihingi ng ulan, pag-alis ng salot at sakit,
paghingi ng anak, pagpapasalamat, paghingi ng pagkain sa panahon ng
taggutom at iba pang pang-araw-araw na gawain.

D. Batayan ng Sinaunang Kultura


Makikita ang mabilis na antas ng pagbabago sa maraming uri ng
kagamitan sa pagsasaka at iba’t ibang metal na natuklasan at ginamit.
Naimbento ang gulong, sasakyang pandagat at panlupa para sa kalakalan.
Mula sa kalakalang umiral, mababakas ang yaman ng kultura ng bawat
pangkat tulad ng wika, pananamit, pagkain, kaasalan, tradisyun at
pagpapahalaga.

Gawain 5: Subukin Natin! (Gawain Para sa Pagkatuto)


A. Pagbibigay kahulugan sa Kabihasnan
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan gamit ang dalawa hanggang

4
apat na pangungusap lamang. Bawat bilang ay may nakalaang 5 puntos
kung naipaliwanag ng buo at maayos.
1. Ibigay ang kahulugan ng Kabihasnan.
2. Paano naiba ang katuturan ng kabihasnan sa salitang sibilisasyon? Paano
Ikalawang Araw - Unang Bahagi B. Batayang Salik sa Pagbubuo ng Kabihasnan
(Ang pagsisimula ay sa pamamagitan
ng Pang-araw-araw na Gawain kabilang Panuto: Punan ng kinakailangang impormasyon ang bawat bahagi. Susing
ang Balitaan at Balik-Aral) mga salita lamang ang gamitin.

1. a. Pamahalaan

b. Antas ng Tao sa Lipunan

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

5
2. Ekonomiya
Anyo ng Kabuhayan

3. Relihiyon at Paniniwala

Mga naiwang patunay


Sinasambang
tungkol sa relihiyon at Ritwal
diyos-diyosan
paniniwala

4. Kultura

Kagamitan

Kinagawian

Sining at
Arkitektura

C. Pakikipagpalihan Gawain 6 – Buhay Namin Noon!


(Ikalawang Araw - Basahin, suriin at unawain ang teksto hinggil sa takbo ng pamumuhay ng isang

6
Ikalawang Bahagi) pangkaraniwang ma-aaral sa Sumer (lugar kung saan umunlad ang pinakaunang
kabihasnan/sibilisasyon sa kasaysayan ng daigdig) Ito ay hango sa clay tablet na ang
unang pagbasa at pagsasalin ay naganap noong 1846 ng Ingles na si Henry
Creawicke Rawlinson na siyang naging batayan ng mga sumunod na iskolar.

Sumerian School Days


"Schoolboy, where did you go from earliest days?" "I went to school." "What did
you do in school?" "I read my tablet, ate my lunch, prepared my tablet, wrote it,
finished it; then my prepared lines were prepared for me (and in) the afternoon,
my hand copies were prepared for me. Upon the school's dismissal, I went home,
Entered the house, (there) was my father sitting.

I spoke to my father of my hand copies, then Read the tablet to him, (and) my
father was pleased; Truly I found favor with my father. "I am thirsty, give me
drink, I am hungry, give me bread, Wash my feet, set up the bed, I want to go to
sleep; Wake me early in the morning, I must not be late, (or) my teacher will
cane me." When I awoke early in the morning, I faced my mother, and Said to
her: "Give me my lunch, I want to go to school." My mother gave me two "rolls,"
I left her; My mother gave me two "rolls," I went to school.
In the tablet-house, the monitor said to me: "Why are you late?" I was afraid, my
heart beat fast. I entered before my teacher, took (my) place. My "school-father"
read my tablet to me, (said) "The. . . is cut off," caned me. I. . . d to him lunch. . .
lunch. The teacher in supervising the school duties, looked into house and street
in order to pounce upon someone, (said) "Your. . . is not. . .," caned me.

My "school-father" brought me my tablet. What was in charge of the courtyard


said "Write," . . . a peaceful place. I took my tablet, . . .I write my tablet, . . . my. .
.Its unexamined part my. . . does not know. Who was in charge of . . . (said)
"Why when I was not here did you talk?" caned me. Who was in charge of the. . .
(said) "Why when I was not here did you not keep your head high?" caned me.
Who was in charge of drawing (said) "Why when I was not here did you stand
up?" caned me. Who was in charge of the gate (said) "Why when I was not here
did you go out?" caned me. Who was in charge of the. . . (said) "Why when I was
not here did you take the. . .?" caned me.

Who was in charge of the Sumerian (said) "You spoke. . .," caned me.
My teacher (said) "Your hand is not good," caned me. I neglected the scribal art,
[I forsook] the scribal art. My teacher did not. . ., … d me his skill in the scribal
art. The. . . of words, the art of being a young scribe,
the. . . of the art of being a big brother, let no one. . . to school."
"Give me his gift, let him direct the way to you, let him put aside counting and
accounting; the current school affairs the schoolboys will. . ., verily they will. . .
me." To that which the schoolboy said, his father gave heed. The teacher was
brought from school; having entered the house, he was seated in the seat of
honor. The schoolboy took the …, sat down before him; whatever he had learned
of the scribal art, he unfolded to his father. His father, with joyful heart says
joyfully to his "school-father": "You 'open the hand' of my young one, you make
of him an expert, show him all the fine points of the scribal art. You have shown
him all the more obvious details of the tablet-craft, of counting and accounting,
You have clarified for him all the more recondite details of the. . ."
"Pour out for him … like good wine, bring him a stand, make flow the good oil
in his. . .-vessel like water, I will dress him in a (new) garment, present him a
gift, put a band [a ring] about his hand." They pour out for him. . . like good date-
wine, brought him a stand, made flow the good oil in his. . .-vessel like water, he
dressed him in a (new) garment, gave him a gift, put a band about his hand. The
teacher with joyful heart gave speech to him:

"Young man, because you did not neglect my word, did not forsake it, may you
reach the pinnacle of the scribal art, achieve it completely. Because you gave me
that which you were by no means obliged (to give), you presented me with a gift
over and above my earnings, have shown me great honor, may Nidaba, the queen
of the guardian deities, be your guardian deity, may she show favor to your
fashioned reed, may she take all evil from your hand copies. Of your brothers,
may you be their leader. Of your companions, may you be their chief, may you
rank the highest of (all) the schoolboys, . . . who come from the royal house.
Young man, you "know" a father, I am second to him, I will give speech to you,

7
will decree (your) fate: Verily your father and [mother] will support you in this
matter, As [that] which is Nidaba's, as that which is thy god's, they will present
offerings and prayers to her;
the teacher, as that which is your father's verily will pay homage to you; in the …
of the teacher, in the … of the big brother, your … whom you have established,
your manly [kinfolk] verily will show you favor. You have carried out well the
school duties, have become a man of learning.
Source
Samuel Noah Kramer, "Schooldays: A Sumerian Composition Relating to the Education of a
Scribe," Journal of the American Oriental Society 69, vol. 4 (Oct-Dec 1949): 199-215. Kramer's
extended commentary is also in his book, History Begins at Sumer: Thirty-Nine Firsts in Recorded
History (Philadelphia:
Gawain 7 – LinawinUniversity
Natin! of Pennsylvania Press, 1981), 3–13. Image: The largest fragment of
the text, at the University Museum of Pennsylvania, Philadelphia (p. 215, Kramer, "Schooldays").
Sagutin ang sumusunod na katanungan batay sa binasang tekstong, “Sumerian
Annotated by Susan Douglass.
School Days”
1. Ano ang tinutukoy sa tekstong binasa?
2. Kung ikaw ang mag-aaral na Sumerian, ano ang nararapat mong gawin
upang makatapos sa pag-aaral at maging mahusay na scribe?
3. Ang pagiging bihasang scribe ay itinuturing na pinakamataas na antas ng
pag-aaral na maaaring makamit ng isang Sumerian noong sinaunang
panahon. Saan larangan mo ito maihahambing sa ngayon ang katayuan ng
isang scribe?
4. Kung ikaw ay nakapamuhay noong panahon noong sinaunang Sumerian,
paano mo iwawasto ang mga maling kasanayan na nabanggit sa tekstong
binasa?
5. Batay sa binasang teksto, paano mo ito maiuugnay sa kahulugan ng
KABIHASNAN?

Gawain 8 - Pagninilay
Ang mabuting aral na natutunan ko sa tekstong binasa ay
__________________________________________________________.

D. Paglalapat Gawain 9 – Kabihasaan sa Larangan ng Medisina – Isang Balik-Tanaw!


(Ikatlong Araw - Unang Bahagi) Sa kasalukuyan, ang buong mundo ay nananatiling nahaharap sa matinding
(Ang pagsisimula ay sa pandemya dulot ng COVID-19. Tanging baksinasyon laban sa mapamuksang
pamamagitan ng Pang-araw-araw COVID-19 ang hangad ng lahat. Dahil dito, iugnay natin ang pag-unlad ng
na Gawain kabilang ang Balitaan at medisina sa paglipas ng panahon na tumutugon sa pangangailangan ng tao sa
Balik-Aral) (Ang pagsisimula ay sa pamamagitan ng isang dagdag kaalamang babasahin. Maiuugnay din natin ito sa
pamamagitan ng Pang-araw-araw ating aralin hinggil sa kahulugan ng KABIHASNAN dahil nagpapakita ito ng
na Gawain kabilang ang Balitaan at mga bagay na binihasa at pinino ng tao para sa kagalingan ng tao.
Balik-Aral) Baksinasyon: Uri at Kahalagahan sa Tao
Ang bakuna o baksinasyon ay ang pagbibigay ng isang sustansiyang
nakakapagpalakas sa immune system sa isang tao. Mas bumababa ang tyansa na
magkaroon ng impeksiyon ang isang tao dahil sa mas malakas na immune
system. Ipinaglalaban nito ang tao laban sa virus at bakteryang nakapagdudulot
ng sakit. Ang bakuna ang gumagawa ng tinatawag na "antibodies”sa katawan.
Nilalabanan nito ang mga mikrobyong nakakapagdulot ng sakit.
Unang ginamit ni Louis Pasteur ang terminong “vaccine” (baksin), na
hinango naman mula sa Latin para sa baka, ang vacca. Sa isang demonstrasyong
maka-agham na may kaugnayan sa birus na nagsasanhi ng bulutong sa
baka (cowpox), naipakita na nakatulong sa pagsasanggalang (pagbibigay ng
proteksiyon) mula sa nakamamatay na virus ang pagkabigay ng bakuna.
Ayon naman sa panayam ng “Magandang Gabi Dok”sa DZMM, (Abril
2019) kaugnay ng pagdiriwang ng “World Immunization Week” sa huling linggo
ng Abril, kay Dra. May Montellano, ipinaliwanag ng doktora ang mga
karaniwang bakuna na itinuturok sa mga bata na maaring makuha ng libre sa mga
health center.
Ang una ay ang bacille Calmette-Guérin (BCG) na panlaban sa tuberculosis

8
(TB) ngunit nilinaw ng doktor na ang naiiwasan nito ay ang TB ng buto at
meningitis, hindi ang TB sa baga.
Ikalawa ay ang bakuna laban sa diphtheria na sakit sa lalamunan na
maaaring magdulot ng pamamaga ng leeg at pagbara ng hininga.
Kasama rin sa karaniwang bakuna na binibigay sa mga bata ay ang
Hepatitis B upang maiwasan ang chronic carrier na maaaring mauwi sa liver
cancer.
Ang Haemophilus influenzae type b (Hib) vaccine din ay maraming
naiiwasang sakit tulad meningitis, epiglottitis, cellulitis, pneumonia, at arthritis.
Ang Measles, Mumps, and Rubella (MMR) vaccine naman ay binibigay sa
mga batang isang taong gulang. Bagaman importante ang MMR, ang bakuna
kontra measles at rubella lamang ang ipinapamahagi ng gobyerno nang libre at
hindi kasama ang mumps vaccine.
Dagdag pa ni Montellano, mas madali ang magpabakuna kaysa magkaroon
ng sakit at maospital. Nilinaw rin niya na hindi lang bata ang kinakailangan ng
bakuna; maging matanda ay maaaring tumanggap nito.
"Health is wealth" kaya naman hinikayat ni Dr. Montellano na "para
maging healthy tayo at saka longer ang life span, enjoy our life, magpabakuna po
kayo."
Halaw mula sa mga babasahin at programa

1. "Bakuna, vaccination". Flavier, Juan M., "Doctor to the Barrios" (New Day


Publishers). 1970.
2. "Bakuna, vaccination, baksin, vaccine". English, Leo James. Tagalog-English
Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990.
3. "Vaccine, Some Medical Terms, Diseases". The New Book of Knowledge (Ang
Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., pahina 206.
Gawain 10 – Ibabahagi ko sa Asyano dahil Pinoy Ako!
Punan ang pahayag.

May magagawa ako bilang isang naghuhusay na mag-aaral sa suliraninng


dulot ng COVID-19 sa pamamagitan ng _____________
__________________________________________________________________.

Gagawin ko ito ng buong katapatan at may pagmamahal dahil iniaalay ko


ang aking buong pagsisiskap para sa _____________
__________________________________________________________________.

Gawain 11 – Si SUPER IDOL!


Gumawa ng sanaysay na binubuo nang may 150 salita na naglalarawan sa
pamumuhay ng sinaliksik na huwarang manggagawa sa inyong lugar.
Kinakailangang bigyang diin ang mga pamamaraan ng nasabing huwarang
manggawawa kung paano niya napagbuti ang kanyang kasanayan at naibahagi ito
para sa kabutihan ng kanyang pamayanan. Isulat ito sa isang buong papel.

Rubriks sa Pagwawasto ng Sanaysay

9
Gawain 12 – Pagsasama sama at Pag-iisa ng Ideya
Ang PAKSA ng aralin ay tungkol sa _____________________________
_____________________________________________________________________.
Ang HALAGA ng araling ito ay ________________________________
_____________________________________________________________________.
Ang NATUTUNAN ko sa araling ito ay ___________________________
_____________________________________________________________________.

Aatasan ang mag-aaral nan a magsulat sa kanilang kwaderno, journal o portfolio


V. PAGNINILAY
ng kanilang nararamdaman o realisasyon hinggil sa paksang natapos aralin.Maaaring
(Ikatlong Araw - Ikalawang Bahagi) gamitin ang halimbawa sa ibaba.

Sa araling ito naunawaan ko na _________________________________


______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.

10

You might also like