You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Toboso National High School
ARALING PANLIPUNAN 9
PRE- POST TEST

KABUUANG PANUTO: Basahing mabuti ang mga tanong at isulat ang tamang sagot sa papel.

Para sa bilang 1-5, suriin ang Production Possibilities Frontier. Tukuyin kung aling punto ang inilalarawan sa
ibaba. Isulat ang titik lamang.
A
F 1. Episyenteng produksyon pabor lamang sa bigas. ______
B
2. Episyenteng produksyon pabor lamang sa mais. ______
3. Episyenteng produksyon pabor sa bigas at mais. ______
bigas

C 4. Produksyong nagsayang ng mga resources. ______


5. Produksyong hindi posible dahil magdudulot ng kasiraan. ______
E D
mais
6. Lahat ay halimbawa ng pangangailangan maliban sa
isa.
a. pagkain c. malinis na tubig
b. damit d. wala sa pagpipilian
7. Isaayos ang sumusunod mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na uri ng pangangailangan ayon sa
teorya ni A. Maslow.
1. Pangangailangan sa karangalan 4. Pisyolohikal at biyolohikal
2. Pangangailangan sa seguridad 5. Pangangailangan sa
3. Responsibilidad sa lipunan sariling kaganapan.
a. 1 2 3 4 5 b. 4 2 3 1 5 c. 4 2 1 3 5 d. 4 2 5 1 3
8. Natatanging salik ng produksyon na fixed o takda ang bilang.
a. lupa b. capital c. entrepreneur d. paggawa
9. Kabayaran sa paggawa.
a. sahod b. interes c. kita d. upa
10. Sistemang pang-ekonomiya kung saan pinapayagan ang pribadong pagmamay-ari ngunit nanghihimasok din ang
pamahalaan sa pagdedesisyon sa produksyon ng ilang mahahalagang produkto at serbisyo.
a. Traditional b. Market c. Command d. Mixed

Para sa Bilang 11-15, tukuyin kung anong salik ng pagkonsumo ang maaaring makaimpluwensya sa mga
sumusunod na pahayag. Isulat ang titik lamang. A. Presyo; B.Kita; C.Mga Inaasahan; D.Demonstration Effect; E.
Panlasa; F. Edad; G. Panahon; H. Okasyon

11. Inanunsyo sa radio na maraming napagagaling na pasyente ang Osaka Iridology.


12. Umabot sa P60.00 ang kada kilo ng bigas, ngunit P100.00 lang ang sahod ni Ruben
13. Binalita sa TV na may paparating na malakas na bagyo sa bansa sa mga susunod na araw
14. Mahilig si Noy sa mga damit na polka dotted.
15. May panukala na magbibigay ng 50% discount sa lahat ng aytem ang SM sa susunod na buwan.
Para sa Bilang 16-20, tukuyin kung anong katangian ng mamimili ang inilalarawan sa mga pahayag. Isulat ang titik
lamang.
A. Mapanuri B. May Alternatibo C. Hindi Nagpapadaya
D. Hindi Nagpapanic-buying E. Hindi Nagpapadala sa Anunsyo

16. Duda si RJ kung mawawala ang pimples nya sa loob ng isang araw tulad ng napanood niya sa TV.
17. Sinisiguro ni Alice na tama ang timbang ng kanyang binibiling bigas.
18. Maagang bumili ng panregalo si Jerry para sa kaarawan ng anak.
19. Inobserbahan muna ni Malcom ang paligid at kusina ng isang karinderya bago siya nagdesisyong kumain ditto.
20. Ikinumpara ni Diana ang presyo ng isda sa lahat nagtitinda nito sa palengke.
Para sa bilang 21-25, Tukuyin ang uri ng organisasyong pang-negosyo na inilalarawan. Isulat ang SP kung sole
proprietorship, P kung partnership, KN kung korporasyon at KB kung kooperatiba.
21. Isang orhanisasyon na binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na naghahati sa kita o pagkalugi ng negosyo.
22. Ang isang uri nito ay pantay-pantay na pinangangasiwaan ang negosyo kung saan panta-pantaydin ang
pananagutan.
23. Pag-aari at pinamamahalaang iisang tao.
24. Sa negosyong ito, pag-aari ng iisang tao ang lahat ng mga bagay na nauukol sa negosyo at lahat ng capital
ay nanggagaling sakanya.
25. Binubuo ng hindi bababa sa 15 katao na pinagtipon-tipon ang kanilang pondo upang makapagsimula ng negosyo.
26. Kapag Malaki ang , lumalaki ang kakayahan ng mga konsyumer na bumili ng nais nilang produkto.
a. Capital b. Kita c. Lupa d. Gastos
27. Kapag ang demand ay mas mababa kaysa sa suplay, nagkakaroon ng at nagsasaya ang
mga .
a. Shortage, konsyumer c. Surplus, konsyumer
b. Shortage, prodyuser d. Surplus, prodyuser

Para sa bilang 28-47, Isulat ang T kung TAMA ang pangungusap at M kung MALI.

28. Kapag may pagtaas sa kita ng mga mangagawa, may pagtaas din sa kanilang demand ng mga produkto.
29. Kapag may pagtaas sa kita ng mga negosyante, lumalaki ang kanilang pagkakataonna itaas pa ang dami ng
kanilang suplay sa mabenta nilang produkto.
30. Kapag tumaas ang presyo ng produktong pamalit, mananatili o tataas ang demand ng konsyumer sa produktong
normal.
31. Kapag tumaas ang presyo ng produktong komplimentaryo ng produkto A, malamang na tataas din ang demand ng
isang mamimili sa produkto A.
32. Kapag lumipas na sa uso ang isang produkto, bumababa ang demand para ditto.
33. Kapag nasa uso ang isang produkto, ang mga prodyuser ay hindi nahihikayat na magbenta nito.
34. Ang pamilihan ay ang mekanismo na kung saan nagtatagpo ang konsyumer at prodyuser.
35. Mayroong panguahing actor sa pamilihan: konsyumer, prodyuser, at produkto.
36. Ang prodyuser ay may kakayahang kontrolin ang presyo sa pamilihang may ganap na kompetisyon.
37. Sa pamilihang may ganap na kompetisyon, sinumang negosyante ay malayang pumasok at maging bahagi ng
industriya.
38. Sa monosopnyo, iisang konsyumer ang bumibili ng maraming uri ng produkto at/o serbisyo.
39. Sa monopsonyong kompetisyon, nagaganap ang tinatawag na product differentiation sa pamamagitan ng
packaging, advertisement at flavor ng mga produkto.
40. Sa oligopolyong kompetisyon, may iisang uri ng produkto ang ginagawa’t binibenta subalit magkakaiba ang tatak.
41. Upang mahadlangan ang pagpasok ng kalaban sa industriya ng monopolyo, sinasagawa ang patent at copyrights
sa mga produkto.
42. Ang price floor ay tumutukoy sa pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo.
43. Ipinapanukula ang price floor upang mapanatiling abot-kaya para sa mga mamamayan ang presyong mga produkto.
44. Kapag ang price ceiling ng isang produkto ay mas mababa kaysa sa Equilibrium price, maaari itong humantong sa
pagbaba ng suplay ng nasabing produkto.
45. Kung masyadong mababa ang equilibrium price ng mga produktong palay sa pamilihan, ang pamahalaan ay
maaaring magpanukala ng price ceiling upang mahikayat ang mga magsasaka na patuloy na magtanim.
46. Kapag ang price floor ay mas mataas kaysa sa equilibrium price, ito ay magdudulot sa kalabisan.
47. Kapag ang price ceiling ay mas mababa kaysa sa equilibrium price, ito naman ay magdudulot sa kakapusan.
48. Ito ay tumutukoy sa entidad na bahagi ng paikot na daloy ng ekonomiya na tagalikha ng mga kalakal at paglilinkod.
a. Sambahayan c. Pamilihang pinansiyal
b. Bahay-kalakal d. Pamahalaan

49. Alin ang nagpapakita ng epektibong ugnayan ng sector ng agrikultura at industriya?


a. Sa malalawak na lupain nagaganap ang mga produksiyon ng agrikultura samantalang ang industriya ay
sa mga bahay-kalakal.
b. Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura samantalang ang mga entreprenyur naman ang
kapitan ng industriya.
c. Ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa sektor ng agrikultura ay lubhang mahalagang sangkap
sa sektor industriya upang gawing panibagong uri ng produkto.
d. Ang industriya ay gumagamit ng mga makinarya samantalangang agrikultura ay nanatili sa tradisyonal
na pamamaraan ng pagsasaka.
50. Ano ang positibong epekto ng paglaganap ng impormal na sektor?
a. Sumasalamin ito sa paglaganap ng backyard industries.
b. Ito ay larawan ng pagiging industriyalisado ng bansa dahil sa dami ng nabubuksang trabaho.
c. Maraming mamamayan ang umaasa na lamang satulong ng pamahalaan.
d. Ito ay manipestasyon ng pagiging mapamaraan ng mga Pilipino para mabuhay.
51. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paghina ng kalakalang lokal at panlabas ng mga
bansang naapektuhan ng globalisasyon?
a. ang patuloy na pag-unlad at paglawak ng mga korporasyong transnasyonal
b. ang pagtambak ng mga labis na produkto o surplus sa mga pamilihang lokal
c. ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakal sa mga developing countries
d. ang pagbabago sa kabuuhang antas ng pamumuhay ng mamamayan

Para sa Bilang 52-56, gawing batayan ang sumusunod na dayagram sa pagsagot sa mga tanong.

52-55. Alin ang nagbibigay ng tamang pahayag patungkol sa nilalaman ng dayagram? Pumili ng apat, bilugan lamang
ang titik ng tamang sago. HINDI MAAARING BUMILOG NG HIGIT SA APAT NA TITIK.
a. Kapag nagbabayad ng buwis ang bahay-kalakal sa pamahalaan, ang huli ay nagkakaroon ng pondo para
makapagbigay ng pampublikong serbisyo sa sambahayan na tinatawag din na transfer.
b. Ang paggasta ng sambahayan ay nagbibigay daan sa pagkita ng bahay-kalakal.
c. Kapag nag-eeksport ang sambahayan, kumikita ang panlabas na sector.
d. Kapag nag-iimpok ng pera ang sambahayan sa pamilihang pinansiyal, ang perang ito ay
napakikinabangan ng mga bahay-kalakal bilang puhunan kapag sila ay umuutang.
e. Ang mga produktong ini-import ng sambahayan ay siya ring produktong ineeksport ng panlabas na
sector sa bahay-kalakal.
f. Kapag nagbabayad ng buwis ang sambahayan sa pamahalaan, nagkakaroon ang huli ng pondo pambili
ng mga kalakal at paglilingkod mula sa bahay-kalakal.
g. Kapag bumibili ng produktibong resources ang bahay-kalakal, ito ay tumatanggap o nagkakaroon ng
kaukulang kita.
56. Alin sa mga sumusunod ang hindi gampanin ng bahay-kalaklal sa Ikalawang Lebel sa Modelo ng Paikot na Daloy
ng Ekonomiya na nasa itaas?
a. Bumubili ng lupa, paggawa at capital. c. Nagbabayad ng sahod, upa at interes.
b. Nagbebenta ng kalakal at paglilingkod. d. Nagbabayad ng buwis
57. Ang mga sumusunod ay batayan ng paglago ng ekonomiya maliban sa:
a. Pagtaas ng produksyon c. Produktibidad ng pamumuhunan
b. Paglaki ng populasyon. d. Produktibidad ng pamahalaan.
58. Alin sa mga sumusunod ang salik na hindi kasama sa tinataya sa pagsukat ng GNI gamit ang Expenditure Approach?
a. Depresasyon c. Gastusin ng mga pamumuhunan
b. Gastusing personal d. Gastusin ng Pamahalaan
59. Ito ay tumutukoysa halaga ng yamang pisikal bunga ng pagkaluma bunga ng tuloy-tuloy na paggamit sa paglipas
ng panahon.
a. Implasyon c. Subsidiya
b. Depresasyon d. Buwis
60. Ayon kay Roger E.A. Farmer (2002), ano ang kahulugan ng
savings?
e. Kitang hindi ginamit sa pagkonsumo o hindi ginamit sa pangangailangan.
f. Paraan ng pagpapaliban ng gastos.
g. Halaga ng pera na itinago sa bangko upang kumita.
h. A at C
61. Ang ipon na ginamit upang kumita ay tinatawag na…
i. Interest j. Investment k. Capital l. Stock
62. Ang matatag na Sistema ng pagbabangko ay magdudulot ng mataas na antas ng pag-iimpok (savings rate) at
capital (capital formation). Ang ganitong pangyayari ay na indikason naman ng .
a. Nakapagpapasigla ng mga economic activities; pagsulong ng pambansang ekonomiya
b. Nagdudulot ng pagkabawas sa aktuwal na perang hawak ng sambahayan; paglago ng kita ng bahay-kalakal.
c. Nagbibigay ng dadag kita sa samabahayan; pag-angat ng kalidad ng buhay ng mga mamamayan.
d. Nagpapahiwatig ng kaunlaran; pagyaman ng lahat ng mamamayang Pilipino.
63. Bakit nahati sa dalawang uri ang pagsukat ng GNI sa pamamagitan ng paggamit ng Real at Current GNI?
a. Dahil ang GNI ay nakadepende sa presyo ng produkto at serbisyo- ng nakaraan o kasalukuyang taon.
b. Dahil ang current GNI ay pekeng paraan ng pagtukoy ng pambansang kita, hindi tulad ng Real GNI.
c. Dahil mas mainam ang mas maraming paraan ng pagsukat.

Para sa Bilang 64-69, Isulat ang T kung ang pangungusap ay TAMA at M kung MALI.

64. Ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling produkto.
65. Isa sa dahilan ng demand-pull inflation ay ang labis na pagdami ng salapi na umiikot sa ekonomiya.
66. Ang mga taong nag-iimpok ay nakikinabang kapag ang interes ng kanilang inimpok ay mas maliit kumpara sa antas
implasyon.
67. Kapag masyadong matamlay ang ekonomiya, makabubuting magpatupad ang pamahalaan ng Expansionary Fiscal
Policy
68. Sa Pilipinas, proportional tax system ang sistemang umiiral.
69. Bilang isang mag-aaral, ano ang bagay na maaari mong gawin upang makatulong sa bansa?
a. Maging mulat sa mga isyu sa lipunan. c. Tangkilikin ang mga produktong Pinoy
b. Makilahok sa clean-and-green program. d. Lahat ng nabanggit

Para sa Bilang 70-80, isulat ang T kung TAMA ang pangungusap at M kung MALI.

70. Ang sektor ng industriya at agrikultura ay may direktang pakinabang sa isa’t isa. Nagmumula sa
agrikultura ang mga hilaw na sangkap at ang mga kagamitang ginagamit sa agrikultura tulad ng traktora,
sasakyang pangisda atbp. ay mula sa industriya.
71. Upang maisaayos ang kalagayan sa mga sekondaryang sector ng industriya, makabubuti kung sa halip na
gamitin ng pamahalaan ang pambansang pondo para sa pagsasaayos ng mga impraestraktura, kalsada,
tulay, paliparan at daungan ay gamiTIn na lamang niya ito sa pagpapatayo ng maraming paaralan at
ospital.
72. Ayon sa International Labor Organization, ang mga manggagawa ay walang karapatang sumali sa mga
unyon na Malaya sa panghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa ng kompanyang pinapasukan.
73. Isa sa negatibong epekto ng malayang pakikipagkalakalan ay hindi nabibigyan ng pagkakataonang mga
local na produkto ng Pilipinas na makilala at matangkilik sa ibang bansa dahil sa kawalan ng kahusayan
sa pagkakalikha sa mga ito.
74. Malaki ang naitutulong sa ekonomiya ng pagdagsa ng mga call centers dahil nagbubukas ito ng maraming
trabaho.
75. Ang DOLE ay may layuning pangalagaan ang kapakanan ng mga mangagawa sa kanilang trabaho.
Dahil lahat ng gawain sa impormal na sector ay ilegal, wala itong natatanggap na anomang suporta mula
sa Gobyerno
76. . Ang World Trade Organization ang nagging kapalit ng General Agreement on Tariffs and Trade (GATT).
77. Ang mga sangkot sa anumang gawain sa impormal na sector ay hindi maaaring magkaroon ng benepisyo
mula sa SSS.
78. Lahat ng rank-and-file employees na nakapaglingkod nang hindi bababa sa isang buwan ay tumatanggap
ng 13th month pay.
79. Mga produktong agricultural angpangunahing produktong panluwas ng ating bansa.
80. Lahat ng gawain sa ilalim ng impormal na sector ay masama at labag sa batas.

------ - ----------
End of Exam
Every good citizen adds to the strength of a nation. ~ Gordon B. Hinckley
ANSW ER KEY

1. AD
30. T 56. C/D
2. B/C
3. 31. M 57. B
E
4. FD 32. T 58. A
5. BA 33. M 59. B
6. AD 34. T 60. F
7. DB 35. M 61. J
8. CEC 36. M 62. A
9. EC
37. T 63. A
10. DA
11. AP 38. T 64. M
12. KB S 39. M 65. T
13. S KB 40. T 66. M
14. BB 41. T 67. T
15. T 42. T 68. M
16.
43. M 69. D
17.
44. T 70. T
18.
19. 45. M 71. M
20. 46. T 72. M
21. 47. T 73. M
22. 48. B 74. T
23. 49. C 75. M
24.
50. D 76. T
25.
51. B 77. M
26.
27. 52. A 78. T
28. 53. B 79. M
29. T 54. D 80. M
55. F

You might also like