You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VI Western Visayas
DIVISION OF NEG. OCC.
TOBOSO NATIONAL HIGH SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN 9
Assessment 3
Quarter 3, Modules 5 & 6

Pangalan: Taon/Seksyon: Iskor:

I. Panuto.Basahin ng Mabuti ang bawat aytem at piliin ang tamang sagot. Isulat ang
titik ng napiling sagot sa patlang.

1. Ano ang tawag sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa pamilihan?


a. implasyon b. deplasyon c. consumer price index d. disimplasyon
2. Ano naman ang tawag sa pagbaba ng presyo ng ilang produkto sa pamilihan.
a. implasyon b. deplasyon c. consumer price index d. disimplasyon
3. Ito ay nangyayari kapag tumaas ang dami ng demand sa produkto o paglilingkod at hindi
ito matutugunan ng pantay na pagtaas ng supply.
a. implasyon b. demand-pull inflation c. cost-push inflation d. deplasyon
4. Nangyayari ito kapag bumaba ang pinagsama-samang supply ng mga produkto
o paglilingkod.
a. implasyon b. demand-pull inflation c. cost-push inflation d. deplasyon
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi sanhi ng implasyon?
a. monopoly c. pagbaba ng suplay ng salapi
b. pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar d. pambayad-utang
6. Isang patakaran na may kaugnayan sa pagbubuwis at pagbabadyet ng pamahalaan
sa pondo.
a. patakarang piskal b. patakarang pananalapi c. pagbubuwis d. pag-iimpok
7. Anong polisiya ang ipinapatupad ng pamahalaan kung ang bansa ay nasa
resesyon? a.expansionary fiscal policy c. demand-pull inflation
b. contractionary fiscal policy d. full-employment policy
8. Uri ng patakarang piskal kung saan layunin nitong mabawasan ang sobrang kasiglahan ng
ekonomiya.
a. expansionary fiscal policy c. demand-pull inflation
b. contractionary fiscal policy d. full-employment policy
9. Sapilitang kontribusyon sa pamahalaan upang maipatupad ang serbisyong pambayan.
a. patakarang piskal b. budget deficit c. sin tax d. buwis
10. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa expansionary fiscal policy maliban sa
a. pagtaas ng kabuuang demand c. pagbaba sa singil ng buwis
b. pagbaba ng gastusin ng pamahalaan d. paglaki ng output ng ekonomiya
II. Panuto. Gamit ang Venn Diagram, paghambingin ang Expansionary fiscal policy at
Contractionary fiscal policy. Isulat sa magkabilang bilog ang kaibahan ng bawat

Expansionary Fiscal Contractionary Fiscal


Policy Policy

isa,

III.samantalang sa gitna ng dalawang bilog naman ay isulat ang pagkakatulad ng dalawang


kosepto.

Ano kaya ang kahalagahan ng pamahalaan sa pagpapatupad ng patakarang piskal?

Rubric sa Pagmamarka ng Sanaysay


Iskor Deskripsiyon
8-10 puntos Malinaw na naibabahagi ang kaalaman
ukol sa paksa.
5-7 puntos Bahagyang naibabahagi ang kaalaman
ukol sa paksa.
1-4 Puntos Hindi malinaw ang naibabahagi na
kaalaman ukol sa paksa.

You might also like