You are on page 1of 3

Department of Education

Division of Camarines Sur


Ragay District
RAGAY SCIENCE AND MATH ORIENTED HIGH SCHOOL

Ika-apat na Markahang Pagsusulit


ARALING PANLIPUNAN
EKONOMIKS

Pangalan: ____________________________________ Grade Level/Section:________________


Unang Bahagi:
Panuto: Isulat sa patlang ang tamang salita na tinutukoy ng bawat pangungusap.

______________1. Ito ay isa sa mga modelo ng pambansang ekonomiya na kung saan lumalahok sa sistema ng
pamilihan.
______________2. Ito ang modelo ng ekonomiya kung saan ang sambahayan ay siya ring bahay-kalakal.
______________3. Ito ay bahagi ng modelo ng ekonomiya na nagpoprodyus at nagbebenta ng kalakal at
paglilingkod.
______________4. Ito ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa
ng mga mamamayan ng isang bansa.
______________5. Ito ang sumusukat kung ilang bahagdan ang paglago ng ekonomiya kumpara sa nagdaang taon.
______________6. Ito ay kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga natapos na produkto na natapos sa loob ng
isang takdang panahon batay sa kasalukuyang presyo.
______________7. Ito ay salaping binabalikat ng pamahalaan nang hindi tumatanggap ng kapalit na produkto o
serbisyo.
______________8. Ito ay kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga natapos na produkto na natapos sa loob ng
isang takdang panahon batay sa nagdaan pang presyo.
______________9. Ito ay ang institusyong gumagarantiya ng hanggang P500,000 sa mga salaping inilagak sa bangko.
_____________10. Ito ay tumutukoy sa mga pag-aari na may ekonomikong halaga.
_____________11. Base sa paikot na daloy ng ekonomiya, dito inilalagak ang mga salaping kinita ng nag-iimpok.
_____________12. Ito ang perang maaaring kitain ng nag-iimpok sa mga bangko.
_____________13. Ito ay deklarasyon ng lahat ng pag-aari, pagkakautang at iba pang financial interest ng isang
empleyado ng gobyerno,kasama ang kanyang asawa at anak na walang 18 taong gulang.
_____________14. Base sa tamang pagdedeklara ng yaman, ang iyong mga pagkakautang ay dito nakahanay.
_____________15. Ang lahat ng iyong mga personal na pag-aari ay dito inihahanay.

II. Ikalawang Bahagi


Panuto: Piliin ang tamang titik para sa bawat tanong.

16. Ano ang lebel ng implasyon na kung saan umaabot nang doble o tripleng digit?
a. Hyperinflation b. Low inflation c. Reflation d. Inflation
17. Ano ang tawag sa pagbaba ng inflation rate sa sumunod na panahon ng pagsusuri?
a. Reflation b. Disinflation c. Deflation d. Low Inflation
18. Ano ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa pamilihan?
a. Disinflation b. Inflation c. Price Index d. Depression
19. Ilang bahagdan ang itinaas ng Growth Rate mula 2015 kung ang GNI ay 8,632,567 at 2016 ay 10,998,768?
a. 0.27 % b. 27.41% c. -0.21% d. -21.51%
20. Ilang bahagdan ang itinaas ng Price Index sa taong 2015 kung ang GNI ay 500,005 at 450,443 sa 2014?
a. 90.08% b. 0.90% c. 1.11% d. 111%
21. Ang CPI sa taong 2016 ay 147% at 126% sa taong 2015. Ilang bahagdan ang pagbabagong naganap?
a. 0.16% b. 16.66% c. 0.85% d. 85.71%
22. Ang CPI sa taong 2000 ay 112 at 111% sa taong 2001. Anong uri ng implasyon ito?
a. Reflation b. Deflation c. Disinflation d. Galloping Inflation
23. Ang CPI sa kasalukuyang taon ay 142% at 132% nang nagdaang taon. Ano ang Purchasing Power ng piso?
a. 0.93 b. 92.95 c. 1.07 d. 107.57
24. Sa pagtaas ng suplay ng salapi, ano ang magiging epekto nito?
a. Tataas ang demand b. Tataas ang suplay c. Bababa ang pag-iimpok d. Maraming yayaman
25. Kapag kulang ang pumapasok na bilang ng dolyar sa bansa, ano ang magiging epekto nito?
a. Tataas ang halaga ng piso b. Bababa ang halaga ng piso c. Dadami ang uuwing OFW
26. Ano nagaganap kung mas malaki ang paggasta ng pamahalaan kumpara sa perang nakokolekta nito?
a. Fiscal Policy b. Sin Tax c. Budget Deficit d. Inflation
27. Ano ang pagbabawas ng gastusin ng pamahalaan at pagtataas ng buwis?
a. Expansionary Fiscal Policy b. Contractionary Fiscal Policy c. Fiscal Policy d. Money Policy
28. Ano ang sapilitang kontribusyon sa pamahalaan upang maipatupad ang proyektong pambayan?
a. National budget b. Tax c. Barter d. Koleksyon
29. Ayon kay Adam Smith, ang buwis ay dapat na ipinapataw sa mga mamamayan anuman ang estado nito.
Anong pamantayan sa pagbubuwis ito?
a. Economy b. Convenience c. Equity d. Certainty
30. Anong pamantayan sa pagbubuwis ang tumutukoy sa malinaw na kaalaman ng tax payer?
a. Economy b. Convenience c. Equity d. Certainty
31. Anong pamantayan sa pagbubuwis ang tumutukoy sa buwis bilang hindi pabigat sa tax payer?
a. Economy b. Convenience c. Equity d. Certainty
32. Maliban sa Bureau of Internal Revenue, ano pang ahensya ang maaaring mangolekta nito?
a. National Housing Authority b. Bureau of Customs c. Department of Foreign Affairs d. DSWD
33. Ano ang itinuturing “lifeblood” ng pamahalaan dahil dito kumukuha ng pondo para sa bansa?
a. Ipon b. Buwis c. Utang d. Budget
34. Ano ang pag-iwas sa bayarin sa buwis?
a. Tax Exemption b. Tax Evasion c. Income Tax Return d. Tax Relief
35. Bukod sa pagbubuwis, ano pa ang pinagkukunan ng pamahalaan para sa operasyon nito?
a. Toll b. Tuition Fees c. Public Corporations d. Lahat ng nabanggit
III. Ikatlong Bahagi
Panuto: Punan ng tamang salita o termino ang patlang sa bawat pangungusap.

36. Ang _________ ay ang institusyong namamahala sa sirkulasyon ng pera sa ekonomiya.

37. Sa mga bangko, ang mga ___________ ng mga nag-iimpok ang pinagkukunan nito ng puhunan para ipautang.

38. Ang ________ ay piraso ng papel na ibinibigay sa mga taong naglabas ng pera para sa bahay-kalakal.

39. Ang __________ ay itinuturing bilang substitute sa salapi upang maiwasan ang sobrang dami nito sa sirkulasyon.

40. Ang mga salapi na bumubuo sa ______________ ay galling sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
IV. Ika-apat na Bahagi

Panuto: Ilista ang mga termino na tinutukoy sa bawat numero.

41-43 Bumubuo sa Money Supply

44- 46 Nagaganap kapag mababa ang Money Supply

47-48 Uri ng Foreign Investment

49-50 Uri ng Money Policy

51-53 Uri ng mga Bangkong Institusyon

54-56 Specialized Government Banks sa sector ng Pananalapi

57-60 Mga Regulator sa Sektor ng Pananalapi

Inihanda ni:

ROMMEL R. VELASCO

You might also like